Imbak para sa Hulyo, 2008

31
Hul
08

Tahan na

Umiiyak ka nanaman? Hanggang kelan ka ba luluha? Hanggang kelan ka ba sasaya? Alam kong marami ka nang napagdadaanan, saksi ako sa lahat ng sakit na nararamdaman mo… Nandito lang ako..

Saksi ako tuwing ikaw ay nasasaktan ng mga pangyayari sa buhay mo. Kung paano ka masaktan ng una kang magmahal, saksi ako kung paano mo kinakaya mag – isa ng iwan ka ng magulang mo. Sa iyong pag iisa andito lang ako palagi, nakatingin, gusto ko man pawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo sana mapawi ko iyon..

Sa iyong mga mata nakikita ko ang kalungkutan, nakangiti ka nga pero hindi ko makita na masaya ka. Mabilis ka magtiwala, mabilis kang magmahal at laging tapat. Alam kong pangarap mo lang na maramdaman na may nagmamahal sayo, maramdaman na ang mga taong pinagkakatiwalaan mo ay mahalin ka din, mga taong mahalaga sayo. Pag nagmahal ka ibinibigay mo lahat ng makakaya mo.. kahit palagi kang nasasaktan ng taong pinahahalagahan mo, pero nagtitiwala ka pa rin.

Minsan gusto kong sabihin sayo na ang tanga tanga mo. Alam mo naman na masasaktan ka pero pinili mo pa rin mahalin sya. Masisi ba naman kita.. diba nga sabi ko sayo nararamdaman ko lahat ng nararamdaman mo.. kaya hinhayaan kita sa katangahan mo dahil alam ko simula noon gusto mo lang makaramdam ng pagmamahal, dahil nag iisa ka. Minsan man lang sa buhay mo maramdaman mong may nagmahal sayo..

Andon din ako ng makaramdam ka ng pagpapahalaga galing sa kanya, naramdaman ko kung gaano ka kasaya, parang ayaw mo nang matapos ang oras na magkasama kayo kasi iniisip mo na baka pagkatapos non hindi na uli maulit ang saya na dulot ng mga sandaling iyon. Sa luha at saya saksi ako.

At ngayong nasasaktan ka nanaman, gusto kitang yakapin.. pero paano ko ba mayayakap ang sarili ko.. kaya ang masasabi ko nalang.. tahan na.. tahan na nandito lang ako, iisa lang tayo ng nararamdaman.. magiging okey din yan.. at nais kong sabihin sayo mahal kita.. mahal kita kaya tahan na.

24
Hul
08

Bata batuta

Pag gusto kong tumawa pinapanuod ko itong video na ito. Bakit ba ang mga bata nakakapag pagaan ng pakiramdam natin. Mga munting angel na nagbibigay sa atin ng lakas, basta iba yun feeling pag may bata, yun tipong pagod na pagod ka, makita mo lang silang masaya parang pati ikaw nahahawa sa saya nila.

Siguro ang sarap maging magulang, eh kasi ano ba naman ang alam ko sa pagiging magulang eh boypren nga nawawala pa magka anak pa kaya. Pero isa sa mga dreams ko ay magkaroon ng little angels, minsan nga naiingit ako sa mga ka batch mate kong may bitbit na mga bubwit pag nagkikita kita kami. At ako nanaman ang center ng pangaasar nila dahil ako nalang daw ang walang little angels.  Naalala ko pa nga kung pano mag request ang madir ng apo.. hay naku! basta bibgyan din kita madir sa tamang panahon … kelan kaya yun?!

Minsan naiisip ko pa nga na kahit walang daddy basta may baby makokompleto na ang buhay ko. Pero at some point naiisip ko din kawawa naman din ang bata pag walang kinagisnan na ama. Kaya hahanap na din ako ng ama syempre.  Minsan para pa akong tanga nag iisip kung ano kaya magiging itsura ng mga future babies ko ? ( naku future BABIES pa daw.. ) sana kamukha nung iniisip kong magiging ama nila. Hay naku nangangarap nanaman ako.

Pero kung maging magulang man ako, sana magampanan ko maging isang mabuti at cool na mommy. Basta natutuwa lang ako pag nakakakita ako ng mga bata, mahilig ako sa bata, nanghihiram pa nga ako ng baby at feel na feel kong patulugin with matching concert pa yan, at effective ang aking pagkanta kasi napapatulog ko agad ang baby.. pero pag ayaw matulog pinipitik ko sa mata para ipikit ang mata nun bata. Ayun nakakatulog naman sa takot na pitikin ko ulit ang mata :D Naku bakit ko ba nasabi yun, mamaya dina ipahiram sa akin yun baby :D

21
Hul
08

Mensahe

“Keep on sending those text, i appreciate them extremely. Many thanks for cheering me up always”.

Bakit kaya napakasarap sa pakiramdam makatanggap ng mga messages, mapa text man ito o email. Aminin man natin o hindi minsan kahit sobrang kulit na ng mga text sa atin kahit paulit-ulit na eat nba u? how ru ? goodmorning! i wab yu :D , i miss you .. it gives us this unexplainable feeling na nagpapa kumpleto ng araw natin .

 

Minsan ang nakakaasar pa dito, kung kelan ka walang load saka sandamakmak ang nagtetext. Pag may load ka naman , walang nagtetext ! Ano ba yan.

 

Pag wala namang nagtetext sayo minsan gusto mo ibato ang cellphone kasi ayaw tumunog, lalo na pag loveless huhuhu.. parang ayaw mo na mag cellphone kasi kahit may mga nagtetext sayo hindi naman yun ang gusto mo mag text! hehehe pero gusto ko pa rin makatanggap ng text. Mapa quotes man yan, inspirational quotes, green jokes, wag lang chain text kaasar kaya yun! grrr! Love quotes mahilig po ako dyan halos mawalan na nga ng space yung cellphone ko sa kakasave ng love quotes, lalo naman na pag galing sa special someone, kahit ilang taon na naka lipas naka save pa din mga message ultimo iloveyou basta lahat ng memorable na pinag usapan naka save pa din.

Hirap na hirap ako magbura ng mga message sa inbox ko, naalala ko yun mga email ni Mang Jose 2001 pa andun pa rin sa mailbox ko hindi ko madelete delete. Hayzz… Naalala ko yun mga ex ko nun.. hehehe halos masira ulo ko nung masira ang simcard ko, parang nakakapaghina ng tuhod parang lahat ng special messages nandun, parang kalahati ng buhay ko nawala hehehe, basta ganon yun feeling, pero kasama ng pagkasira ng sim card ko sira na rin sila sa buhay ko.. bye bye na which is good pag gusto mo makalimutan ang isang tao.

At ano naman kinalaman ng nararamdaman ko ngayon sa pinag sasabi ko ngayon?

:D masaya lang ako kasi may natutuwa din pala sa akin sa pangungulit ko sa text :D

Kaya keep on sending those text.. i appreciate it EXTREMELY , and thanks for cheering me up always.. ang saya ko! :D

17
Hul
08

In a Rush by: Blackstreet

its all about love, sino gusto mainlove? I love the words written on it :) Siyempre ang sarap din pakinggan nun song :)

17
Hul
08

Pride Tsiken

Minsan pag ang tao ay galit kung ano-ano talaga ang nasasabi ano? Pero parte na sa buhay nang tao ang magalit. Kung ano man ang dahilan ng kinakagalit minsan naiisang tabi na natin, dahil ang iniisip natin eh yun galit talaga tayo, naagrabyado tayo, gusto natin sumabog parang bomba! kung pwede natin i masaker na yun taong galit tayo gagawin natin, o kaya patayin sya sa isip natin , o kaya naman gumawa ng ibang outlet para mailabas ang galit sa loob natin tulad nitong pag sulat ng blog( ang gulo ko).

Pero pag katapos  natin mailabas ang galit natin, yun mga napagbuntungan natin kamusta naman? Minsan aminin man natin o hindi kung magalit man tayo sa tao syempre siguro may mali din tayo, kahit sino mapagbalingan natin ng galit bahala ka e galit ako e. 

Kanina nag iisip ako dahil ilang araw na akong napepeste sa kasamahan ko sa trabaho, sobrang galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin. Sa sobrang galit ko nagbasag ako ng baso sa harap nya, i think may highblood na nga yata ako, kasi halos manginig lahat ng laman ko, teka mali taba pala kasi marami ako nun. Minsan pag galit tayo hindi na tayo nag iisip kung sumosobra na ba tayo o may nasasaktan na tayong tao . Yun taong nasaktan natin nagalit na rin sa atin, at doon mag sisimula ang conflict. 

Ayoko nang away, pero di naman maiiwasan ang di pagkakaunawaan, lalo nat nasa iisa kayong trabaho at sa gusto mo man o hindi araw-araw mo pa rin makikita itong taong ito. Ano gagawin mo?

  1.  Pwede mo idedma itong taong ito at wag na lang pansinin forever, pero kung gagawin ko naman yun ang pangit kasi magkasama kayo sa workplace .
  2. Pwede ka mag revenge para di mo na sya makita forever, pero ang pangit din kasi parang ang sama sama mo naman nang tao pag ganon.
  3. Asarin mo sya lalo, pero kung ikaw ang mabilis maasar ikaw ang talo.

Kaya nag isip ako nang ibang paraan para matapos na itong bombang gusto sumabog sa dibdib ko. Minsan pa, pina iral ko pa rin ang pagkakaroon ko ng pusong mamon.(hindi po ako bakla babae po ako.) Kasi inisip ko hindi ko kayang pumasok araw-araw sa opisinang may kaaway, pero aaminin ko ayoko sana sya kausapin dahil feeling ko ako yun naagrabyado at kailangan sya humingi ng tawad sa akin. Paano kung mas matigas pa sya sa bato.  Di forever na itong bangayan na ito?

 

TOK TOK!

Humugot ako na malalim na hininga, bahala na kailangan matapos na ito. Kinausap ko sya nang masinsinan, dahil totoo akong tao, ayoko nang may naririnig na pang baback stab sa akin. Ibinaba ko ang level ko sa kanya, kasi gusto ko maayos ang gusot. Aminado akong may kasalanan din ako at hiningi ko ng tawad iyun, at syempre gusto ko din malaman nya kung ano ang dahilan ng ikinagalit ko. Oo mahirap makipag usap lalo nat alam kong wala akong kasalanan, pero paano matatapos ito kung di ako maglalakas nang loob harapin ang problema diba?

Makinig

Kailangan ko din malaman kung ano ang side nya diba bakit nya ako ginalit? Hindi lang naman ako ang dapat nyang pakinggan, kailangan ko din pakinggan ang dahilan nya.

 

Kiss and make up

Dahil pareho kayong naglabasan ng sama ng loob pareho nyo maayos ang gusot nyo. Ano nga ba dapat gawin para maayos ang gusot?

 

  1.  Lakas ng loob, para harapin kung ano mang bagay ang sasabihin sayo dapat handa ka .
  2. Pasensya. Kasi hindi naman ibig sabihin na pag nag usap na kayo ayos na, syempre may mag sasabihin pa din sya o aksyon na gagawin maaring di mo magustuhan  kailangan mahaba ang pisi mo.
  3. Lawakan mo pag unawa mo. Dahil gusto mong maayos dapat unawain mo sa abot ng makakaya mo yun mga bagay na hindi mo matanggap.
  4. Acceptance. Dapat kaya mo tanggapin lahat ng sasabihin sayo, may mali man sa sinabi nya dapat kaya mo tanggapin iyon. Kung mali talaga sa ginawa mo dapat marunong ka tumangap ng pagkakamali
  5. Be good, be nice hehehe yun ang kailangan putulin muna yun sungay natin na tumutubo sa noo natin. Alam ko kating kati tayo makaganti, o nanggigil tayo sa sinasabi nya… pero ooops.. be nice, be good kasi gusto mo maayos ang gusot.
  6. Forgiveness. Kailangan natin magpatawad. Humingi din tayo ng sorry para everybody happy.

Pagkatapos mo gawin lahat yan luluwag na pakiramdam mo. Kasi kung papansinin mo lang, palalakihin, walang mangyayari. Papangit tayo , mag kaka wrinkles , ma ii-stress.. ayokong pumangit ayoko din ma istress. Yun lang :)

15
Hul
08

Ika siyam na langit

Kagabi nalulungkot ako, tinititigan ko yun kisame bigla naisip ko si Mang Jose. Kelan lang nandito sya sa tabi ko, pinangingiti , kinukulit, inaasar, mga pag lalambing na di mo inaasahan . Parang kelan lang mag aanim na buwan na nang sya ay umalis , nakakamiss, nakakapraning.

Naalala ko kung pano ako kiligin, sabi makikita mo daw sa mata kung blooming ang isang babae, kahit hindi ito nakangiti makikita mo ang kislap ng mga mata nya. Bakit nga kaya kumikislap ang mata pag inlove? Parang christmas light na kumukutikutitap. Pati mga ngiti ay walang kasing tamis.

Ang sarap ng pakiramdam pag inlove, parang lagi ka nasa cloud nine sabi ng iba, e hindi ka naman lumilipad. Makita mo lang siya parang kumpleto na ang araw mo, parang lahat ng darating na sakuna kakayanin mo dahil nandyan siya. Minsan para kang baliw na nakangiti nakatingin sa malayo. Lahat nang tao kaibigan mo, napapalampas mo ang mga nakaka asar sa paligid mo pag inlove. Kasi isa namang nagpapasaya sa tao e ang pag-ibig diba? Pag may nag mamahal sayo lahat kakayanin mo.

Ang sarap bumalik sa nakaraan.. pero minsan sa sobrang sarap bigla ka magigising o matatauhan ay.. matagal na pala yun… toinks! Maluluha ka na lang bigla, nasan na kaya sya? Okey lang kaya sya? Ano kaya ginagawa nya? Naaalala rin kaya nya ako? Mga katanungan na gumulo sa isip ko. Na nagkaroon ng kasagutan.

Nag log in ako sa friendster ko kanina, my bagong message, pag open ko si Mang Jose. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.. (plastic) syempre natutuwa ako, walang pag lagyan yun kasiyahan ko, parang yun puso ko punong puno ng hangin di makahinga sa sobrang saya siguro. Okey naman daw sya.

Parang bigla nagkaroon ng instant energy, yun ngiti ko lalong tumamis.. basta ang sarap ng feeling. Yun lungkot na nararamdaman ko biglang nawala. Kung alam lang nya kung gaano ako kasaya ngayong nagparamdam ang nawawala kong boypren. Parang lahat ng nasa paligid ko ay maganda, pati mangkukulam ay nagiging angel sa paningin ko.. :)

12
Hul
08

Santa santita

Naka encounter na ba kayo ng taong sa harap ng ibang tao parang akala mo ang bait-bait, yun tipong parang sobrang bait na akala mo hindi makabasag pinggan?

Pero pag dalawa nalang kayo lumalabas yun tunay na kulay? Yun bang parang sa soap opera ang dating yun kontrabida hahaha yun mukhang walang kasalanan pero sya pala ang may pakana? Akala ko noon sa tv lang yun o pilikula, pwede din pala mangyari sa tunay na buhay.

Ang mukhang maldita talo. Tulad ko may mga sitwasyon na kasi akong napasukan na ganyan

Siguro nga katuloy ito nang na una kong entry, pero salamat sa kanya dahil may nasusulat akong entry panay hate entry nanaman tuloy.

Paki analyze po itong situation kung sobra akong maka react

Bago siyang kasama sa opisina, sa madaling salita mas nauna ako sa kanya. Ako din ang nag hire sa kanya dahil tingin ko qualify naman sya. At dahil dadalawa lang kami sa opisina , oo dadalawa lang kami naiiwan sa opisina na gerl. Lagi ko sya pinakikisamahan at inaalagaan na din. Mukha akong masungit oo pero impression lang yun nang tao but if you get to know me, totoo akong tao. Minsan nakakainis isipin na mga bagay na ginagawa mo sa tao binabale wala lang.

( ipagtangol sya sa mga manyakis sa opisina namin, ilibre sya nang lunch ” PALAGI” pero diba pag libre minsan lang? hehehe anak ng tinapa nasanay, di na nagbabaon, kung wala akong pambili ng lunch di na rin sya kakain. E ako medyo masiba ako kelangan ko kumain ng tanghalian di naman palagi may pang libre ka , di unahin ko naman sarili ko. Makikita sya nang ibang kasama sa trabaho di sya kumakain ako kumakain sa canteen… toinks!! ako mukhang masama , dahil iniwan ko sya? E wala na nga ko maipakakain sa kanya e, pareho kaming empleyado, sumusweldo. Ako naman si tanga naaawa binilan ng pansit, binigay sa kanya tanong sa akin sino magbabayad nito? .)

Yun tinanggap mo kung ano man siya ( attitude problem ) pero dumadating sa puntong mauubusan ka ng pasensya. Bakit?

- pag pinagagalitan ko siya na mimis interpret nya, ang nakaka asar pa dun iiyakan ka na parang aping api na nang hihinngi ng awa sa mga taong nakakitang umiiyak sya at ako ang kaharap nya. Matagal na daw sya nagtitiis sa ugali ko. ( Moody. Di kung di sya makatiis sa akin di sana wag na rin sya sumama sa bahay kong kumain twing tanghalian diba? Wag na rin syang makitulog sa bahay ko. Wag na rin nya akong tawaging ate.) take note ang iyak humahagugol na pagka lakas lakas at nandun ang boss namin. ( parang ang sarap ingud ngud ng mukha talaga)

May panahon na buong mag hapon naka simangot , di mo maka usap ng matino. Di mo kasi malaman kung ano problema nya. Lahat naman tayo nag kakaproblema pero bakit kelangan dalin sa trabaho yun askad ng mukha?

Sabi nga walang challenge ang buhay pag walang kontrabida sa buhay, what hurts the most is .. i dont treat her as kontrabida i treat her as friend, i tell her my secrets etc. , ganon lang yun gagawin sayo. May time na hindi ako papansinin, nag sasalita ako parang wala akong kausap walang ka emo emosyon.. Baka pag sitahin ko nanaman mag iiyak nanaman ng pagkalakas lakas walastik na buhay to oo. Ano kayang tamang gawin dito.

Hindi ako ma pakali ayoko ng ganito helping me plis.. kung suntukan nalang sana ang labanan game ako.




Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 316,837 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2008
L M M H B S L
    Ago »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 136 other followers


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 136 other followers