Kumpleto na sana araw ko ngayon dahil nakikita ko na isa ako sa fastest growing blog sa wordpress.com . Pero bakit kaya may mga taong insecure sa buhay? Nak ng tokwa! Balitaan mo at pagka laki laki ng ngiti ko sa kanya dedmahin daw ba ako?!
At wala akong paki alam kung mabasa nya itong entry na ito dahil tiyak di naman sya magbabasa. Ibalita ko pa nga lang dedma na ako nungka mabasa nya ito, at kung mabasa mo man ito putik ka!! Hay.. ang blood pressure tumataas .. tsk tsk .. iiwasan ko na talaga ang baboy promise.
Kung bakit mangkukulam ang title ng entry na ito dahil mukha syang mangkukulam! Ewan ko ba at bakit ganyan ang ugali ng taong yan.. Syet talaga naiirita ako..
Kung bakit ako galit na galit dito sa impaktang ito may malalalim na dahilan:
1. Mas maganda ako sa kanya hehehe jowk lang yun
2. Hindi naman ako mapang lait na tao, pero baduy sya, hindi naman yun pagka baduy nya ang kinaiirita ko, may ugali kasi syang di ko ma take.. mantakin mong magkamot ng ulo na parang ungguy na naghahanap ng kuto, sabay di nya namamalayan kinakagat nya ang kuku nya… yuck!!
3. Mas payat sya sa akin.. hindi rin yun ang dahilan nang kinagagalit ko.. pakitaan mo mo nang maganda susuwagin ka pa ! tang inumin nya.. Pakainin mo na palagi wala pang utang ng loob.
4. Insecure sya sa akin.. aba malay ko ba sa kanya bakit lahat ng ginagawa ko ginagaya nya? Minsan nag pipicture ako ng sarili ko sa mp4 ang sabi nya artista daw ako dahil addict ako mag picture at i post sa friendster .. anong paki nya e mukha ko naman.. pero nun dalawin ko naman un friendster nya pati pose ko ginaya nya!! GRRRR!!!
5. Eto pa.. nakita nya lang na nag sho short ako sa office.. aba pumasok ng office naka short pang basketball nga lang..
6. Sinusuwag ako eh sa akin naman nakikitulog minsan, nakikikain.. okey lang sana yun eh.. kaso ako pa may utang ng loob sa kanya.. at pag iinartehan pa ako? Pusyeet talaga..
7. Ayaw basahin ang blog ko yun lang…
Hay naku medyo lumuwag na ang dibdib ko. Medyo humihina na rin ang usok na galing sa tenga’t ilong ko. Ikaw ba naman mag karoon ng kasamang ganito sa opisina di kaya masira ulo mo. Hindi na rin ako magtatakang mag blog na rin ito in the future at tirahin din ako..
salamat nga po pala sa mga nagbabasa ng blog ko .








nag comments na may Lambing