Kagabi nalulungkot ako, tinititigan ko yun kisame bigla naisip ko si Mang Jose. Kelan lang nandito sya sa tabi ko, pinangingiti , kinukulit, inaasar, mga pag lalambing na di mo inaasahan . Parang kelan lang mag aanim na buwan na nang sya ay umalis , nakakamiss, nakakapraning.
Naalala ko kung pano ako kiligin, sabi makikita mo daw sa mata kung blooming ang isang babae, kahit hindi ito nakangiti makikita mo ang kislap ng mga mata nya. Bakit nga kaya kumikislap ang mata pag inlove? Parang christmas light na kumukutikutitap. Pati mga ngiti ay walang kasing tamis.
Ang sarap ng pakiramdam pag inlove, parang lagi ka nasa cloud nine sabi ng iba, e hindi ka naman lumilipad. Makita mo lang siya parang kumpleto na ang araw mo, parang lahat ng darating na sakuna kakayanin mo dahil nandyan siya. Minsan para kang baliw na nakangiti nakatingin sa malayo. Lahat nang tao kaibigan mo, napapalampas mo ang mga nakaka asar sa paligid mo pag inlove. Kasi isa namang nagpapasaya sa tao e ang pag-ibig diba? Pag may nag mamahal sayo lahat kakayanin mo.
Ang sarap bumalik sa nakaraan.. pero minsan sa sobrang sarap bigla ka magigising o matatauhan ay.. matagal na pala yun… toinks! Maluluha ka na lang bigla, nasan na kaya sya? Okey lang kaya sya? Ano kaya ginagawa nya? Naaalala rin kaya nya ako? Mga katanungan na gumulo sa isip ko. Na nagkaroon ng kasagutan.
Nag log in ako sa friendster ko kanina, my bagong message, pag open ko si Mang Jose. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.. (plastic) syempre natutuwa ako, walang pag lagyan yun kasiyahan ko, parang yun puso ko punong puno ng hangin di makahinga sa sobrang saya siguro. Okey naman daw sya.
Parang bigla nagkaroon ng instant energy, yun ngiti ko lalong tumamis.. basta ang sarap ng feeling. Yun lungkot na nararamdaman ko biglang nawala. Kung alam lang nya kung gaano ako kasaya ngayong nagparamdam ang nawawala kong boypren. Parang lahat ng nasa paligid ko ay maganda, pati mangkukulam ay nagiging angel sa paningin ko..








nag comments na may Lambing