its all about love, sino gusto mainlove? I love the words written on it
Siyempre ang sarap din pakinggan nun song
its all about love, sino gusto mainlove? I love the words written on it
Siyempre ang sarap din pakinggan nun song
Minsan pag ang tao ay galit kung ano-ano talaga ang nasasabi ano? Pero parte na sa buhay nang tao ang magalit. Kung ano man ang dahilan ng kinakagalit minsan naiisang tabi na natin, dahil ang iniisip natin eh yun galit talaga tayo, naagrabyado tayo, gusto natin sumabog parang bomba! kung pwede natin i masaker na yun taong galit tayo gagawin natin, o kaya patayin sya sa isip natin , o kaya naman gumawa ng ibang outlet para mailabas ang galit sa loob natin tulad nitong pag sulat ng blog( ang gulo ko).
Pero pag katapos natin mailabas ang galit natin, yun mga napagbuntungan natin kamusta naman? Minsan aminin man natin o hindi kung magalit man tayo sa tao syempre siguro may mali din tayo, kahit sino mapagbalingan natin ng galit bahala ka e galit ako e.
Kanina nag iisip ako dahil ilang araw na akong napepeste sa kasamahan ko sa trabaho, sobrang galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin. Sa sobrang galit ko nagbasag ako ng baso sa harap nya, i think may highblood na nga yata ako, kasi halos manginig lahat ng laman ko, teka mali taba pala kasi marami ako nun. Minsan pag galit tayo hindi na tayo nag iisip kung sumosobra na ba tayo o may nasasaktan na tayong tao . Yun taong nasaktan natin nagalit na rin sa atin, at doon mag sisimula ang conflict.
Ayoko nang away, pero di naman maiiwasan ang di pagkakaunawaan, lalo nat nasa iisa kayong trabaho at sa gusto mo man o hindi araw-araw mo pa rin makikita itong taong ito. Ano gagawin mo?
Kaya nag isip ako nang ibang paraan para matapos na itong bombang gusto sumabog sa dibdib ko. Minsan pa, pina iral ko pa rin ang pagkakaroon ko ng pusong mamon.(hindi po ako bakla babae po ako.) Kasi inisip ko hindi ko kayang pumasok araw-araw sa opisinang may kaaway, pero aaminin ko ayoko sana sya kausapin dahil feeling ko ako yun naagrabyado at kailangan sya humingi ng tawad sa akin. Paano kung mas matigas pa sya sa bato. Di forever na itong bangayan na ito?
TOK TOK!
Humugot ako na malalim na hininga, bahala na kailangan matapos na ito. Kinausap ko sya nang masinsinan, dahil totoo akong tao, ayoko nang may naririnig na pang baback stab sa akin. Ibinaba ko ang level ko sa kanya, kasi gusto ko maayos ang gusot. Aminado akong may kasalanan din ako at hiningi ko ng tawad iyun, at syempre gusto ko din malaman nya kung ano ang dahilan ng ikinagalit ko. Oo mahirap makipag usap lalo nat alam kong wala akong kasalanan, pero paano matatapos ito kung di ako maglalakas nang loob harapin ang problema diba?
Makinig
Kailangan ko din malaman kung ano ang side nya diba bakit nya ako ginalit? Hindi lang naman ako ang dapat nyang pakinggan, kailangan ko din pakinggan ang dahilan nya.
Kiss and make up
Dahil pareho kayong naglabasan ng sama ng loob pareho nyo maayos ang gusot nyo. Ano nga ba dapat gawin para maayos ang gusot?
Pagkatapos mo gawin lahat yan luluwag na pakiramdam mo. Kasi kung papansinin mo lang, palalakihin, walang mangyayari. Papangit tayo , mag kaka wrinkles , ma ii-stress.. ayokong pumangit ayoko din ma istress. Yun lang
nag comments na may Lambing