Pag gusto kong tumawa pinapanuod ko itong video na ito. Bakit ba ang mga bata nakakapag pagaan ng pakiramdam natin. Mga munting angel na nagbibigay sa atin ng lakas, basta iba yun feeling pag may bata, yun tipong pagod na pagod ka, makita mo lang silang masaya parang pati ikaw nahahawa sa saya nila.
Siguro ang sarap maging magulang, eh kasi ano ba naman ang alam ko sa pagiging magulang eh boypren nga nawawala pa magka anak pa kaya. Pero isa sa mga dreams ko ay magkaroon ng little angels, minsan nga naiingit ako sa mga ka batch mate kong may bitbit na mga bubwit pag nagkikita kita kami. At ako nanaman ang center ng pangaasar nila dahil ako nalang daw ang walang little angels. Naalala ko pa nga kung pano mag request ang madir ng apo.. hay naku! basta bibgyan din kita madir sa tamang panahon … kelan kaya yun?!
Minsan naiisip ko pa nga na kahit walang daddy basta may baby makokompleto na ang buhay ko. Pero at some point naiisip ko din kawawa naman din ang bata pag walang kinagisnan na ama. Kaya hahanap na din ako ng ama syempre. Minsan para pa akong tanga nag iisip kung ano kaya magiging itsura ng mga future babies ko ? ( naku future BABIES pa daw.. ) sana kamukha nung iniisip kong magiging ama nila. Hay naku nangangarap nanaman ako.
Pero kung maging magulang man ako, sana magampanan ko maging isang mabuti at cool na mommy. Basta natutuwa lang ako pag nakakakita ako ng mga bata, mahilig ako sa bata, nanghihiram pa nga ako ng baby at feel na feel kong patulugin with matching concert pa yan, at effective ang aking pagkanta kasi napapatulog ko agad ang baby.. pero pag ayaw matulog pinipitik ko sa mata para ipikit ang mata nun bata. Ayun nakakatulog naman sa takot na pitikin ko ulit ang mata
Naku bakit ko ba nasabi yun, mamaya dina ipahiram sa akin yun baby








nag comments na may Lambing