Imbak para sa Agosto, 2008

30
Ago
08

Bato

Paano ba maging bato? Yun kahit anong gawin mo di pa rin natitinag. Ibato mo, ipukpuk mo, durugin mo  di ka pa rin nasasaktan. Minsan naiisip ko sana ganon ako katatag tulad ng bato. Pero kahit anong gawin kong magpakatatag minsan sinusumpong ako ng pagiging pusong mamon, nagkakaroon ng heartache. Yun bang sumusuot ang kirot hanggang sa kaduluduluhan ng kalamnan mo. Ayoko ng ganito.

Paano bang magkunwaring masaya ka? Kung ang puso mo puno ng pagdadalamhati.. magagawa mo bang ngumiti? Kahit yun puso mo bugbog na bugbog na, pilit mong nilalabanan pero natatalo ka ng emosyon mo.

Paano magkunwaring di ka nasasaktan sa mga bagay na gumugulo sa isip mo. Pilit mong iniiwasan pero parang nang aasar na bawat pahinga at buntong hininga may kirot na humahagupit. Bugbog man ang puso pilit kinakayang huwag indahin ang sakit.

Paano bang kumapit tulad ang unggoy sa isang sangang malapit nang mahulog… bibitaw na ba ako o mas kakapit pa ng mahigpit?

Paano ko ba sasabihing nasasaktan ako? Na sana pag sinabi kong nasasaktan na ako.. haplusin mo ang puso kong sugatan, na naghihintay na gamutin mo..  walang kakayanan gamutin ang puso ko mag isa dahil ikaw ang lang ang alam kong makakagamot.. 

Hindi ko alam kung paano mo ito gagamutin, pero kung sakaling di mo na kayang gamutin, sabihin mo. Na kahit sa iyo na nasanay ang puso ko magpagamot.. sana magawa kong lumipat ng ibang doctor na pwede gamutin ang puso kong sugatan… Pero sana ganon kadali..

Paano ba? Sana turuan mo ako..
dahil tulad mo na may pusong bato …
na di makaramdam nang pangungulila ko sayo.. :(

27
Ago
08

Kikay ako

Isa siguro sa mga namana ko sa nanay ko ay ang pagkahilig sa make-up. Nag simula akong ma aliw sa make-up noong isali ako ng nanay ko sa binibining lakambini noong ako ay grade one pa lang naks! At least nasali din ako noon, di pa kasi ako gaanong malusog noon. Nadaan sa pera, kasi pera ang labanan noon eh hehe. Nanalo nga ako noon at mayroong coronation night. Natandaan ko inaayusan ako ng mga bakla noon. Naaliw ako kasi doon ko nalaman maganda pala ako ;)

Lagi kong pinag lalaruan ang mga make-up ng nanay ko noon halos mapalo pa nga ako kasi nasisira na yun iba sa kakalaro ko. Siguro bilang bata naaaliw lang ako sa ibat- ibang kulay noon, kaya pag may program sa school at ako ang  emcee o kasali ako sa progrram noon elementary days, tinatakas ko ang make- up ng nanay ko, tapos inaayusan ko yun mga classmate ko,  kailangan talaga na ka make-up ako.

Aliw na aliw ako kasing tignan ang nanay ko habang naglalagay ng maskara sa mata at kinukulot nya ang mga pilik mata nya. Gandang ganda kasi ako sa nanay ko noon. At nakalakihan ko na nga ang pagka hilig sa mga pang paganda. Pero hindi naman ako nagmamake up sa school noon bata pa ako hanngang nag college, kasi mahiyain nga ako. Saka ayaw kong napapansin ako ng tao. Occasionally lang.

Nang nagdalaga na ako, late bloomer kasi ako college days, baby powder lang pinapahid ko sa mukha ko saka konti tinta ng lipstick. Kung sinisipag naman ako nag lalagay ako ng mascara sa pilik mata at kinulot ko iyon, saka pabango.

Nang magkaroon na ako ng sarili kong pera dahil may trabaho na ako. Doon ako nahilig bumili ng kung ano ano. Syempre secretary ako noon kailangan presentable ako kaya napakinabangan ko din ang pag kahilig ko sa make-up. Ang laman ng bag ko?

  1. Curler – ito po yun bakal na pang kulot ng lashes , kung hindi masyado nabiyayaan ng kulot na pilik mata. Pwede naman natin kulutin nito pansamantala.
  2. Mascara – ito po yun liquid na pinapahid sa lashes para kumapal at ma enhance ang eyes. Pwede rin nya palakahin ang mata mo.
  3. Lip Gloss – para maging kissable lips, saka pinapalambot nya yun lips natin.
  4. Blusher/blush on – naeehance nito ang cheekbone natin, kung pale ang mukha mo, maglagay ka lang ng konting blush on viola! glowing na ang skin mo at pinkish pa. Dati mahilig ako maglagay ng blush sa mukha ko kasi naeenhance nga nya ang cheek bone ko kaso tinitigyawat ako kaya medyo iniiwasan ko na sya.
  5. Eyebrow pencil – manipis kasi ang kilay ko, kaya minsan naglalagay ako ng eyebrow para magkakilay ako.
  6. Lip Liner – Para ma enhance din ang shape ng lips ko.

Yan lang ang kadalasang ginagamit ko, hindi ako nag lalagay ng foundation kasi ayoko magmukhang aswang. Pero nasa tamang paggamit lang naman ang pagmamakeup eh. Depende sa pag lagay. Dapat pag maglalagay ka eh mukhang natural pa rin hindi sobrang kapal. Gumagamit ako ng make up para ma enhance lang yung beauty ko . Kasi lahat ng sobra pangit na.

Ewan ko kung may psychological reason ito, pag na de depressed ako, pinag lalaruan ko ang mukha ko, nag ma makeup ako, sa bahay nga lang. Basta depende, pag sinisipag ako nag aayos ako. Minsan gustong gusto ko rin ayusan yun mga friends ko.. hanggang ngayon na aaliw pa din ako sa ibat ibang kulay nya, at nagiginhawaan akong tignan yun mukha ko pag naayos ko iyon. Hindi naman siguro kaartehan ang pag mamakeup gusto ko lang pagandahin pa ang gift na bigay ni papa God sa akin. At ma ishare din ang mukhang iyon sa mga tumitingin sa akin ;)

Ahmm na tag nanaman pala ako ni ate sonneth dito sa entry na ito ang tawag dito make-up essentials

Ang aking itatag uli ay sina

1. Wifeybee- miss ko na kasi sya!

2. Sommer uli – kasi tingin ko kikay din sya

3. Ako ito - Curious lang ako kung ano ang beauty secret nya

4. ifoundme -hindi pa kasi kita natatag ;)

Kayo anong laman ng kikay kit nyo?

26
Ago
08

Honey

 

Dahil sa gusto kong iwasan na ang kape, naghanap ako ng substitute ng kape. Sabi ko sa sarili ko magkakalamansi juice nalang ako, pero teka pag asukal baka lalo ako lumobo nyan kasi di ko naman kaya ang asim ng kalamansi juice ng walang asukal. So nag isip ako ng healthy na pamalit sa asukal, madali’t sabi naisip ko agad ang honey. Masarap yun eh, saka di gaanong delikado tulad ng asukal.

Iyon nalang honey na nga lang, pero san ba ako bibili nun? Alam ko na pabibili ako sa co-worker ko , kasi nadadaanan nila ang Aritao, dito yun malapit sa Santa Fe pag nagbyabyahe sila papuntang Manila. So ayun na excite naman ako sa honey na yan. Di nyo naiitanong kasi talagang gusto ko na ang healthy living. Paano ba kasi nahahawa ako sa kasama ko sa boarding house ko. Hmm super sexy sya, at di naman masama na maingit ako sa katawan nya hehe. Ayun di sya kumakain ng karne, manok, itlog, at seafood. Paano pa kaya ako mabubuhay non? Halos lahat ng masarap bawal sa kanya?

Pero sa maniwala kayo o hindi, i want to congratulate myself kasi 1 month na akong di kumakain ng pork! huwow kamusta naman yun. Panay vegetable and fish ang drama ng lola nyo, tipid na iwas cholesterol pa. Minsan gusto ko din kumain ng pork pero parang nasanay na akong walang pork, substitute ng pork ko tokwa nalang. Hindi ko naman balak maging vegetarian, sinusubukan ko lang yun sarili ko kung kaya nya mag-adjust . At hndi naman pala mahirap ang mag gulay at fish ang kinakain, nakakasanay din. Iniisip ko rin na may benefits naman ang pagkain ng gulay lang at isda , medyo mahirap nga lang sa una pero sanayan lang din naman.

Kasi noon parang ayaw ko kumain ng gulay na walang halong karne, ngayon naaapreciate
ko na ang gulay na walang karne, pansit na walang karne sardinas lang ang halo, nabubusog din naman ako. Minsan naisip ko luho lang din pala yun dapat karne ang halo ng gulay. Dati nga pag nagluluto ako ng gulay mas maraming karne kaysa gulay. Ngayon wala ng karne. Seventh day adventist kasi yun kasama ko sa house, since dalawa lang kami dun nakikibagay ako, share kami ng food yun nga lang maraming bawal sa kanya, nahawa tuloy ako at nakapag adjust din sa kinakain. Hindi pa din ako nangangayayat :oops: eh kasi naman malakas ako kumain ng rice :D

Mabalik tayo sa honey ko.. ayun nakabili na ng honey 200 isang bote. Pagka bigay sa akin ang ganda! Kulay brown sya.. nang tikman ko .. nakngtokwa.. parang asukal rin eh! Nadenggoy ako! Parang asukal na arnibal lang yun binili.. honey honey pang sinasabi! tinunaw na asukal lang.. paanong di ko malalaman na tinunaw na asukal lang eh nainigas sya pag may tubig na malamig parang candy! Pati ba naman ang honey may pirated! nakow! at ang mahal pa! 200! Bumili nalang sana ako ng 2 kilong asukal na pula at tinunaw ko wala pang 200 yun! At dahil sa inis ko nakow naubos agad ang pekeng honey within one week! Sa kaka healthy living ko nyan.. baka sa bandang huli diabetes ang sakit ko! :(

May nalalaman pa akong healthy living .

23
Ago
08

Hitech

Talagang ang laki ng naitutulong ng bagong technolohiya ngayon, ang mga taong di mo inaasahan makakausap mo pa eh nagkakaroon ng katuparan makausap uli. Wala lang masaya lang ako kasi friendster saves the day uli hehe.

Kahapon may na received ako sa email ko na someone sent me a smile, pag open ko yun long lost friend ko pala. Nakakamiss kasi nagkaroon uli kami ng communication, chikahan sa chat, kamustahan, asaran ayun kasi eto nanaman …. ako nanaman ang center ng usapan bakit wala pa akong dyowa. Isang malaking buntong hininga.. eh BF? Isang haayzz pa uli.

Mabalik tayo sa kaibigan ko, since graduation ng elementary kasi eh naghiwalay na ang aming mga landas. Pero kahit ganon, meron mga tao talaga na nag iiwan ng pitak sa buhay mo. Ang tagal na nyang nawala since 1992 ngayon lang uli kami nagkausap pero andoon pa din yun closeness namin, kitang kita na miss na miss namin ang isat-isa . Nakakamiss talaga yun mga panahong…

  • nag cha chinese garter kami
  • jackstone
  • kwentuhan ng mga crush
  • inggitan hehe
  • lakwatsa
  • Minsang nag cutting class kami at naligo sa ilog ng naka panty lang, kinabukasan pinagalitan kami ng teacher namin. Elementary days…

Na kakamiss yun mga kalokohan, times na wala ka pang pinoproblema..  Gusto ko lang i share na happy ako ngayon. Basta i miss her so much. Ganon po talaga ako kalambing hehe . Kaya lang wala sya sa pilipinas ngayon kaya di ko sya mayayakap at kiss. Pero pag nagkita kami uli am chur talagang ihuhug ko sya.

NA MISS KITA FRIEND ! :)

22
Ago
08

Gusto mo matawa?

PARENTAL GUIDANCE !

Dahil sa issue ng pokwang aswang na kumakalat sa magkalabang istasyon , naki usyoso naman ang lola nyo sa you tube… aba eh.. akala ko ito iyun , etong video po ang lumabas.. sa search ko na POKWANG ASWANG wala lang natawa ako eh.. sobrang hagalpak ako sa katatawa.. ewan ko lang kung mababaw lang talaga ako hehe :lol: watch and laugh..

20
Ago
08

Erotic daw..

 

Nyaay… na tagged ako ni potpot :lol:

Napa isip tuloy ako kung paano ako magkwekwento ng erotic nito :oops:

Rules:

Create a short erotica of not more than 200 words, with the following words that can only be used once in the story:

1. sleepover – nakitulog
2. whip – latigo
3. handcuffs – posas
4. leather – katad
5. sexy – seksi
6. threesome – tatluhan
7. hairy – mabuhok
8. shotgun – shotgun
9. squeeze – pisil
10. explosion – pagsabog

Naku may bagyo dito sa amin, medyo makulimlim… sa mga ganitong panahon di ko maiwasan makapag isip ng kung ano ano. At nahagip nga ng aking mga matang mapupungay ang isang sofang malambot na paNg – TATLUHAN, habang tinitigan ko iyon may biglang naglaro sa malikot kong isip.

Pag dumating si mang jose at NAKITULOG, sosorpresahin ko sya ng bongang bonga. Mag susuout ako ng SEKSIng damit teternohan ko iyon ng highheels na booths na yari sa KATAD. Papaupuin ko sya sa sofang iyon pag katapos ay dahan dahan akong lalapit sa kanya habang tinititigan ko sya ng malagkit… aabutin ko ang kamay nya at dahan dahang ipoPOSAS ng mahigpit para hindi sya makawala. Huhubarin ko ang pantalon nya… itataas ko ang kanyang mga binti sa sofa habang PISIL ang kanyang mga binti… didikit ako ng kaunti at dahan dahan kong ilalabas ang pang ahit at aahitin ko ang MABUHOK nyang binti! Kapag hindi sya pumayag LATIGO at SHOTGUN ang katapat nya… kahit ito pa ang maging dahilan ng PAGSABOG ng galit nya aahitin ko talaga ang binti nya! :lol:

Pero syempre di ko magagawa iyon.. hehe :oops: .. nu ba yan kung ano ano naiisip ko.. ayan po! tapos na ang erotic na tag na ito hehe whew!! pahirapan ba ako !

at ang aking itatag ay sina:

Ate Sonnet

Ms. Jovi

ayyzzz

sommer

aga

PS:
Pasensya na hindi talaga ako magaling sa ganito .. :oops: :oops: :oops:

15
Ago
08

Adik sayo

Bakit ng una kitang matikman di kana naalis sa isip ko

Araw araw nalang hinahanap kita..

Para akong mababaliw pag wala ka sa buhay ko..

Pinilit kong kalimutan ka..

Tanggalin ka sa buhay ko.. 

Pero bakit sa tuwing iniiwasan kita

Parang nag susumigaw ang damdamin ko na huwag!!

Ano nga bang mayron ka?

At sa isip at katawan ko’y di ka maalis

Nais kitang tikman araw araw

Tingin ko addict na ako sayo…

Hindi na ito nakakatulong .. kailangan na kita limutin..

Kahit sumakit pa ang ulo ko kakaisip sayo..

Kailangan na kita talagang iwasan..

paalam mahal kong

 

Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang makaranas ako ng senti mode. At kahit  i deny ko man im chur may dahilan talaga kaya na tritriger tayo minsan maging senti. O kung hindi ka man kasali sige ako nalang.

Sa aking pag sisiyasat naks naman aking napag alaman na isa pala ang kape na nag tririger sa pagiging irritable ko, pag trigger ng symtoms ng pagkakaroon ng PMS. Napag alaman ko na may kinalaman pala ang content ng kape ang caffeine   sa pagiging senti mode ko. Malamang kasi yun lang naman iniinom ko araw araw pag gising, pag gusto ko makatulog umiinom ako ng kape, baliktad kasi effect sa akin eh, inaantok ako pag umiinom ako hehe … May caffeine content din daw po ang softdrinks at tea.

eto po ang mga nabasa kong effects sa katawan ng caffeine :

Caffeine is considered a psychoactive drug since it stimulates the central nervous system and alters mood and behavior. Physiological effects may be experienced in adults after as little as one cup of coffee or 2 cans of cola. The unnatural stimulation or high is usually followed by a depression or low. Unfortunately, caffeine has a variety of adverse physiological effects.

Adverse effects include insomnia and disruption of sleep patterns; tremors, nervousness, restlessness, and irritability; headaches; elevation of blood fatty acid levels; elevation of blood pressure and/or serum cholesterol levels; irregular heartbeats and palpitations, and increased risk of cardiac arrhythmia and heart attack; increased gastric acid production & aggravation of peptic ulcers; increased heartburn; increased symptoms of PMS; increased risk of bladder and rectal cancer; higher risk of the birth of a low-birth-weight child; and increased urinary calcium losses.

Regular users of caffeine who try to quit, may experience increased anxiety, headache, irritability, and fatigue during the first few days of abstinence. These caffeine withdrawal symptoms are temporarily relieved by caffeine consumption which contributes to the habitual use of the drug. Caffeine is considered an addictive drug, and its regular use can lead to dependency. Some have suggested that its use may lead to the use of a stronger drug.

With so many questions regarding the safety of caffeine, the use of tea, coffee and cola beverages cannot be encouraged. Small children and pregnant women especially should avoid caffeine-containing foods and beverages.

Kung iisipin ang daming side effects ng coffee o caffeine pero bakit ba hindi ko maiwan uminom ng kape. Kasi sa tuwing iiwasan ko sya paniguradong sumasakit ang ulo ko.

Pero gusto ko mag ka anak may effect din daw kasi sa fertility yun eh.. gusto ko pa maging future mommy ano? kaya medyo iiwasan ko na sya..

Mayroon pa akong naririnig tungkol sa kape.. hindi ko alam kung may katotohanan iyon.. tinanong kasi ako minsan ng isang kakilala ko kung mahilig daw ba ako sa kape. Ang sabi ko ” OO COFFEE ADDICT AKO E ! ” Bigla akong tinawanan kasi may connection  daw kasi ang kape sa sex.. Sabi ko naman may nalalaman ka pang cone connection  dyan..

ano nga yun ? sabi ko..

Ano nga mahilig ka ba sa kape? sabi nya..

Ang kulit sinabi nang addict ako dun eh.. bakit nga?

 

” KUNG GAANO KA DAW KAHILIG SA KAPE GANUN DIN DAW SA SEX !”

Bwahahaha!  addict ha??  :lol:

:oops: :oops: :oops:

Hindi naman siguro.. kaw mahilig ka ba sa kape?

15
Ago
08

TAGulan

Hala mukhang TAG-ulan na talaga kasi inuulan ako ng TAG hehehe.. Okey lang naman kasi para malibang din ako. Galing itong tag na ito kay alingbaby at  ”ate” sonnet ule hehe ;) O diba  talagang inuulan ako ng tag.

Here’s the rule..

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go over and over

  • Boarding House (  San pa ba? ang aking inuuwian araw araw )
  • Office ( 50 steps away from my boarding house… huwat? tignan mo naman kung sino hindi ma -               i stress nyan..)
  • Grocery/Market (pag na i stress si lambing nag grogrocery at namamalengke para  makalayo naman sa opisina kahit sandali hehe )
  • Bahay ng nanay ko ( 10 house away sa office.. nyaaay! tignan nyo na talagang wala akong gaano pinupuntahan)

2. Four people who e-mails me regularly

  • Boss ko ( forwarded memos, etc .. )
  • Friendster  (walang katapusang someone sent you a smile.. mas masaya lalo na pag galing kay mang jose ;)  .. )
  • Jobstreet  ( mga job na available hehe.. na hindi ko naman pinupuntahan at ina applyan)
  • WordPress (Eto bago lang kasi bago lang ako sa wordpress eh.. pero masaya makatanggap ng email dito kasi ibig sabihin may comments ako hehe ;) )

3. Four of my favorite places to eat?

  • SA BAHAY  ( Wala pa rin tatalo sa luto ni madir.. ay meron pala .. luto ko hehe ;) )
  • JOLLIBEE  (…hekhek jollibee girl ako eh.. i love french fries with matching mayo and ketchup solve na ko dun )
  • JAMBALAYA ( Dating place namin ni mang jose dito sa isabela )
  • RAMOS CAFE ( Best pizza in town at saka ang ganda ng ambiance very romantic place.. syempre dito din sa amin yun )

 

4. Four places you’d rather be?

  • EUROPE (…gusto ko maka langhap ng hangin dun hehe.. makita ang madaming bulaklak ahaha , babaw no? ;) )
  • U.S.A ( well gusto ko rin makita ang statue of liberty at syempre para kumita ng dolyar ;) )
  • BORACAY ( Di pa ako nakakapunta dun eh.. subukan ko lang mag two piece… yaak .. :lol: )
  • Where Mang Jose is.. ( sa piling ni Mang Jose is the best place i’d rather be.. aaaw.. walang nang lugar pa ang gaganda basta nasa piling ng isang minamahal diba??? ayan bumanat nanaman ako hehe ;) )

5. Four TV shows I could watch over and over.

  • Pinoy Dream Academy ( haayss wala akong choice iisa lang ang channel dito nakukuha sa boarding house ko… )
  • Eat Bulaga ( haydol ko si bosing hehe ;) at ayoko kay wowowee kahit yun ang palaging nakukuhang channel dito.. kainis sya.. basta .. di ko sya gusto..)
  • Lifestyle Channel ( i love to cook, kikay din ako.. kaya bagay na bagay sa akin ang channel na ito.. )
  • MYX ( opo i love music and i love to sing.. kaya kahit 24 hours na myx keri yan.. )

6. Four people I think (and hope) will respond. ( i am not sure they will, pero sana naman sige na ooh… pleaaassseee … )

  • aga ( hmm kasi may insomia sya hehe kaya masasagutan nya ito )
  • tita kengkay ( haydol ko to eh.. she inspires me…)
  • kathmik (sister kong pasaway.. nagblog din hehehe… ;) )
  • Mang BadOy  (…para matanggal ang init ng ulo nya kay gagi nyahaha :lol: )

At dyan po natatapos ang TAG .. ;)

13
Ago
08

Topak

Listening to : Always be my baby by david cook

Senti mode:

Ewan ko ba bakit ganto ako ka senti, gustong gusto kong makinig ng music, pag ganitong senti mode ako gusto kong makinig ng mga love songs, At saka parang kulang ang buhay ko pag hindi ako nakakarinig ng musika, para syang bitamina ko, na pag hindi ako naka take matamlay ang buhay ko. Love ko talaga ang music .. tingin ko mas lab ko pa nga sya kay mang jose eh.

Listening to : Big girl dont cry by fergie

Haay.. minsan parang nanadya pa ang music kung ano yun nararamdaman at the moment parang yun ang sinisigaw ng kanta.. Ganto talaga ako, may time na gusto ko wala akong ginagawa.. nakatingin sa malayo na wala namang tinitignan, basta nakikinig ng music..

Listening to : Fool again by : westlife

Haay ulit.. may na mimiss ako.. ano ba yan, sayang naman yun pagiging malambing ko, wala akong malambing.. San ko ba nakuha itong emo mode ko.. malamang tinamaan din ako ng virus na kumakalat sa blogsphere.. at month of august pala ngayon.. ganon ba yun?

Listening to : Tell me where it hurts – mymp

Why dont you tell me where it hurts my baby ayan kumanta na tuloy ako.. haaayzz uli..

Listening to : Hero by : Mariah carey

Aba at may ganon pa hero hero ka dyan… nakakaloka ang ganitong mode. Kelan kaya darating yun hero na yun… haaay pa uli..

Listening to : No ordinary love by : MYMP

Nakakainis bakit ba ako nag kakaganito kasi eh… o sige na nga aaminin ko na nga .. nasa stage ako ng PMS( PreMenstrual Syndrome) hehe.. ganto daw yun eh.. nagkaka moodswings ang girlala, minsan naman yun iba sumasakit ang kung ano ano sa katawan. Gusto ko nagyon kumain ng tsokoleyt.. ng maalat.. hindi naman ako nag lilihi.. gusto ko nakasimangot lang ako, kaso hindi ko feel ngumiti.. at nakakainis tinutubuan ako ng pimples!! inlove? di naman.. kasi dati na akong inlove.. haayzz pa uli…

Listening to : I MISS YOU by : Klymaxx

At OO may na mimiss ako..SOBRA.. as in miss na miss to the tenth level.. haayzzz yun lang yun eh may nalalaman pa akong PMS PMS..

kaw na PMS KANA BA? hehehe ;)

09
Ago
08

Magiliw na tricycle driber

Sabado nanaman, eto may pasok pa rin sa trabaho, putek talaga parang ang haba haba ng araw walang katapusang pangangareer sa trabaho kong walang pahinga, daig ko pa si Ligaya ang babaeng walang pahinga.. teka si Ligaya nga ba yun babaeng walang pahinga? ah ewan basta ang alam ko si Lambing ang babaeng tulog lang ang pahinga. ;) Bakit walang pahinga? Ikaw ba naman ang pumasok sa opisina ng 7 days ei may overtime pa yun. Kung malaki laki lang sana ang sweldo siguro rich na ang lola nyo kaso kulang pang pangbuhay ng isang pamilya.  Hayaan na nga natin ang buhay trabaho ko, kasi siguro kahit magunaw ang mundo di magbabago ang boss kong nuno ng kakuriputan.

Ano kaya ang magandang gawin? Eto nagnanakaw nanaman ako ng oras sa pag gawa nitong entry na ito, kasi parang matutuyo na ang utak ko sa mga papel na nakalatag sa harapan ko.  Araw araw nalang ganito ang ginagawa ko, kung baga sa pagkain yun at yun lagi ang ulam mo, nakakasuya , nakakasuka na. Parang i need a break talaga.. gusto kong mag unwind.. Naalala ko tuloy nung isang araw after office hour nag unwind ako sa palengke .. nyak! uniwnd sa palengke? Sari saring amoy ang maaamoy , maingay din. Gusto ko kasi kumain ng bangus na sinigang sa hinog na bayabas, yum yum! daig ko pa ang naglilihi pag may gusto akong kainin eh, saka gustong gusto ko magluto, pang tanggal ng stress yun eh, sa akin ha? Paano habang nagluluto ako mega concert ako harap ng lutuan at ginagawang mike ang sandok.. Kung totoong man yun sinasabi nilang pamahiin na darami ang asawa.. siguro marami na ako nun..

Nakabili na ako ng isang bangus, pauwi nako sa palengke, kahit paano nakapag unwind din, makalanghap manlang ng hangin, kahit din na sariwa kahit amoy bilasa okey na makapag unwind lang.. sakay ng tricycle ang lola nyo pauwi…  at ang tricycle driver mukhang magiliw at mabait hindi nag tanong kung magkano ibabayad ko.  Dito kasi sa probinsya namin sadyang napaka kapal ng mukha ng tricycle driver dito.. katataas lang ng pamasahe 10 piso na biruin nyo, pag nag sakay pa sila gusto nila doble ang pamasahe.. aba aba.. tumaas na nga pamasahe gusto pa nila doble ang pamasahe sadyang walang mga walang awa eh.. pare pareho naman tayong nagbabanat ng buto, pare pareho din tayong tao na apektado sa pagtaas ng kung anik anik na tumataas na yan, pagsasamantalahan ka pa e ang lapit lapit lang naman ng pupuntahan.. ay malayo din pala kasi mag tra tricycle ka ba kung malapit.. nu ba yan ..

Mabalik tayo kay mang tricycle driver na napakagiliw .. pero teka parang may napapansin ako parang di sa daan nakatingin ang hinayupak na ito ah.. tama nga hinala ko .. sa bundok pala nakatingin.. sa dalawang bundok ko! o may gulay.. di naman nag pahalata ang lola nyo.. medyo lumilitaw kasi ang cleavege ko eh.. nu ba naman magagawa ko eh biniyayaan ako ng malulusog na pares.. ewan ko ba.. ano meron dito at lahat nang nakakakita napapalingon.. sa iba gift tawag dito, pero ako parang sumpa kasi ayaw ko talaga ng tinitignan ako ng mga hinayupak na manyakis .. asar!  Taas na nga kasi ng neckline ko etong cleavege na to sumisilip pa din. Tinaas ko ng bahagya ang blouse ko.. dedma kunwari wala lang.. pati si mang driver dumiretso ang tingin.. maya maya malapit na yun kanto aba aba! lumampas! ‘Oi manong lumampas na tayo dun po ang daan o!’ Ano kaya iniisip ni manong? Salamat at nakarating din kami ng safe.. manong kasi kung saan saan nakatingin eh.. at nang nagbayad na ako mantakin mong 20 pa ang siningil!? grrr .. ang sabi ko sukli ko?  balik mo yun 10 ! sampung lang pamasahe.. sabay irap pagbaba.  Lokong yun.. libre silip na nga gusto pa ako magbayad ng doble?!




badge

Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

http://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.com

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

"Wine is a little like love; when the right one comes along, you know it."

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

award

Mga Nilambing

  • 17,963 ang nagpalambing na

ano sabi ni Lambing??

Anong araw na?

Agosto 2008
L M M H B S L
« Hul   Set »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Imbakan

kinig ka muna