Sa lahat ng mga kadramahan ko sa buhay, meron din palang magandang mangyayari na hindi ko inaasahan. Isang matatawag kong pagpapala, tumpak blessing nga! Blessing na magkaroon ng mga kaibigan sa ibat ibang panig ng mundo, at sa bago kong mundo ang blogsphere.
Naaalala ko mga isang buwan na ang nakakalipas nang wala pa akong kamuwang muwang sa pag bblog. Ngunit sa pag pupursige natuto din akong mag blog at natuto din mag ayos ng mga themes at kung ano ano pang features dito sa wordpress. At dahil dyan ayan na adik na ako sa pag ba blag . Hindi naman masama ang pag ba blog dahil :
- Nagkaroon ako ng bagong mundo
- Nagkaroon ng mga bagong kaibigan
- Natuto sa mga bagay bagay base sa ekspiryens at bawat bloggers
- Nagpapalakas ng loob ko kung meron akong di magandang nararamdaman
- Nagpapangiti sayo na kahit nag iisa ka, sasabhin ng mga nakikita sayo na nababaliw na kasi nga naman ngumingiti mag isa.
- Nakakaganti sa mga taong di mo magantihan Physically kaya dinadaan mo sa blog para tender way of revenge kung baga
- Pagkakaroon ng mga hits! ang saya! di ko alam ang hits dati pero ngayon alam ko na at love ko na ang mga gustong mag palambing sa akin.
- Pagkakaroon ng mga comments na galing sa readers, usyosera at kapwa bloggers na nag bibigay sa akin ng kasiyahan.. kasi sa mga comments natututo ka din. Kaya mga ka blog comment lang ng comment
- Sa isang buwan kong pag bablag naka 20 post na rin ako, masasabi kong achievement na rin ito dahil kahit paano may mga nagtyatyaga naman na magbasa
- At dahil sa pag ba blog napatunayan kong interesting pala ang lablayp ko at may talent pala ako ahehe according to aling baby na may talent daw akong mag hintay
yeeey !
at least may talent diba? - Salamat kay ate sonnethaven kasi na inspire ako sa sinabi nya nun nag pa review ako.
- Mga ka blog roll ko salamat..
Nagamit ko din ang kadaldalan ko sa pamamagitan ng pag ba blog!
Kaya eto lang ang aking masasabi salamat sa mga matyatyagang nagpapalambing sa akin! Mwwaaah sa inyong lahat, dahil 1 month old na ang kapitbahay nyong full of lambing








nag comments na may Lambing