Imbak para sa Agosto 9th, 2008

09
Ago
08

Magiliw na tricycle driber

Sabado nanaman, eto may pasok pa rin sa trabaho, putek talaga parang ang haba haba ng araw walang katapusang pangangareer sa trabaho kong walang pahinga, daig ko pa si Ligaya ang babaeng walang pahinga.. teka si Ligaya nga ba yun babaeng walang pahinga? ah ewan basta ang alam ko si Lambing ang babaeng tulog lang ang pahinga. ;) Bakit walang pahinga? Ikaw ba naman ang pumasok sa opisina ng 7 days ei may overtime pa yun. Kung malaki laki lang sana ang sweldo siguro rich na ang lola nyo kaso kulang pang pangbuhay ng isang pamilya.  Hayaan na nga natin ang buhay trabaho ko, kasi siguro kahit magunaw ang mundo di magbabago ang boss kong nuno ng kakuriputan.

Ano kaya ang magandang gawin? Eto nagnanakaw nanaman ako ng oras sa pag gawa nitong entry na ito, kasi parang matutuyo na ang utak ko sa mga papel na nakalatag sa harapan ko.  Araw araw nalang ganito ang ginagawa ko, kung baga sa pagkain yun at yun lagi ang ulam mo, nakakasuya , nakakasuka na. Parang i need a break talaga.. gusto kong mag unwind.. Naalala ko tuloy nung isang araw after office hour nag unwind ako sa palengke .. nyak! uniwnd sa palengke? Sari saring amoy ang maaamoy , maingay din. Gusto ko kasi kumain ng bangus na sinigang sa hinog na bayabas, yum yum! daig ko pa ang naglilihi pag may gusto akong kainin eh, saka gustong gusto ko magluto, pang tanggal ng stress yun eh, sa akin ha? Paano habang nagluluto ako mega concert ako harap ng lutuan at ginagawang mike ang sandok.. Kung totoong man yun sinasabi nilang pamahiin na darami ang asawa.. siguro marami na ako nun..

Nakabili na ako ng isang bangus, pauwi nako sa palengke, kahit paano nakapag unwind din, makalanghap manlang ng hangin, kahit din na sariwa kahit amoy bilasa okey na makapag unwind lang.. sakay ng tricycle ang lola nyo pauwi…  at ang tricycle driver mukhang magiliw at mabait hindi nag tanong kung magkano ibabayad ko.  Dito kasi sa probinsya namin sadyang napaka kapal ng mukha ng tricycle driver dito.. katataas lang ng pamasahe 10 piso na biruin nyo, pag nag sakay pa sila gusto nila doble ang pamasahe.. aba aba.. tumaas na nga pamasahe gusto pa nila doble ang pamasahe sadyang walang mga walang awa eh.. pare pareho naman tayong nagbabanat ng buto, pare pareho din tayong tao na apektado sa pagtaas ng kung anik anik na tumataas na yan, pagsasamantalahan ka pa e ang lapit lapit lang naman ng pupuntahan.. ay malayo din pala kasi mag tra tricycle ka ba kung malapit.. nu ba yan ..

Mabalik tayo kay mang tricycle driver na napakagiliw .. pero teka parang may napapansin ako parang di sa daan nakatingin ang hinayupak na ito ah.. tama nga hinala ko .. sa bundok pala nakatingin.. sa dalawang bundok ko! o may gulay.. di naman nag pahalata ang lola nyo.. medyo lumilitaw kasi ang cleavege ko eh.. nu ba naman magagawa ko eh biniyayaan ako ng malulusog na pares.. ewan ko ba.. ano meron dito at lahat nang nakakakita napapalingon.. sa iba gift tawag dito, pero ako parang sumpa kasi ayaw ko talaga ng tinitignan ako ng mga hinayupak na manyakis .. asar!  Taas na nga kasi ng neckline ko etong cleavege na to sumisilip pa din. Tinaas ko ng bahagya ang blouse ko.. dedma kunwari wala lang.. pati si mang driver dumiretso ang tingin.. maya maya malapit na yun kanto aba aba! lumampas! ‘Oi manong lumampas na tayo dun po ang daan o!’ Ano kaya iniisip ni manong? Salamat at nakarating din kami ng safe.. manong kasi kung saan saan nakatingin eh.. at nang nagbayad na ako mantakin mong 20 pa ang siningil!? grrr .. ang sabi ko sukli ko?  balik mo yun 10 ! sampung lang pamasahe.. sabay irap pagbaba.  Lokong yun.. libre silip na nga gusto pa ako magbayad ng doble?!




badge

Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

http://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.com

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

"Wine is a little like love; when the right one comes along, you know it."

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

award

Mga Nilambing

  • 18,305 ang nagpalambing na

ano sabi ni Lambing??

Anong araw na?

Agosto 2008
L M M H B S L
« Hul   Set »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Imbakan

kinig ka muna