Talagang ang laki ng naitutulong ng bagong technolohiya ngayon, ang mga taong di mo inaasahan makakausap mo pa eh nagkakaroon ng katuparan makausap uli. Wala lang masaya lang ako kasi friendster saves the day uli hehe.
Kahapon may na received ako sa email ko na someone sent me a smile, pag open ko yun long lost friend ko pala. Nakakamiss kasi nagkaroon uli kami ng communication, chikahan sa chat, kamustahan, asaran ayun kasi eto nanaman …. ako nanaman ang center ng usapan bakit wala pa akong dyowa. Isang malaking buntong hininga.. eh BF? Isang haayzz pa uli.
Mabalik tayo sa kaibigan ko, since graduation ng elementary kasi eh naghiwalay na ang aming mga landas. Pero kahit ganon, meron mga tao talaga na nag iiwan ng pitak sa buhay mo. Ang tagal na nyang nawala since 1992 ngayon lang uli kami nagkausap pero andoon pa din yun closeness namin, kitang kita na miss na miss namin ang isat-isa . Nakakamiss talaga yun mga panahong…
- nag cha chinese garter kami
- jackstone
- kwentuhan ng mga crush
- inggitan hehe
- lakwatsa
- Minsang nag cutting class kami at naligo sa ilog ng naka panty lang, kinabukasan pinagalitan kami ng teacher namin. Elementary days…
Na kakamiss yun mga kalokohan, times na wala ka pang pinoproblema.. Gusto ko lang i share na happy ako ngayon. Basta i miss her so much. Ganon po talaga ako kalambing hehe . Kaya lang wala sya sa pilipinas ngayon kaya di ko sya mayayakap at kiss. Pero pag nagkita kami uli am chur talagang ihuhug ko sya.
NA MISS KITA FRIEND !








nag comments na may Lambing