Dahil sa gusto kong iwasan na ang kape, naghanap ako ng substitute ng kape. Sabi ko sa sarili ko magkakalamansi juice nalang ako, pero teka pag asukal baka lalo ako lumobo nyan kasi di ko naman kaya ang asim ng kalamansi juice ng walang asukal. So nag isip ako ng healthy na pamalit sa asukal, madali’t sabi naisip ko agad ang honey. Masarap yun eh, saka di gaanong delikado tulad ng asukal.
Iyon nalang honey na nga lang, pero san ba ako bibili nun? Alam ko na pabibili ako sa co-worker ko , kasi nadadaanan nila ang Aritao, dito yun malapit sa Santa Fe pag nagbyabyahe sila papuntang Manila. So ayun na excite naman ako sa honey na yan. Di nyo naiitanong kasi talagang gusto ko na ang healthy living. Paano ba kasi nahahawa ako sa kasama ko sa boarding house ko. Hmm super sexy sya, at di naman masama na maingit ako sa katawan nya hehe. Ayun di sya kumakain ng karne, manok, itlog, at seafood. Paano pa kaya ako mabubuhay non? Halos lahat ng masarap bawal sa kanya?
Pero sa maniwala kayo o hindi, i want to congratulate myself kasi 1 month na akong di kumakain ng pork! huwow kamusta naman yun. Panay vegetable and fish ang drama ng lola nyo, tipid na iwas cholesterol pa. Minsan gusto ko din kumain ng pork pero parang nasanay na akong walang pork, substitute ng pork ko tokwa nalang. Hindi ko naman balak maging vegetarian, sinusubukan ko lang yun sarili ko kung kaya nya mag-adjust . At hndi naman pala mahirap ang mag gulay at fish ang kinakain, nakakasanay din. Iniisip ko rin na may benefits naman ang pagkain ng gulay lang at isda , medyo mahirap nga lang sa una pero sanayan lang din naman.
Kasi noon parang ayaw ko kumain ng gulay na walang halong karne, ngayon naaapreciate
ko na ang gulay na walang karne, pansit na walang karne sardinas lang ang halo, nabubusog din naman ako. Minsan naisip ko luho lang din pala yun dapat karne ang halo ng gulay. Dati nga pag nagluluto ako ng gulay mas maraming karne kaysa gulay. Ngayon wala ng karne. Seventh day adventist kasi yun kasama ko sa house, since dalawa lang kami dun nakikibagay ako, share kami ng food yun nga lang maraming bawal sa kanya, nahawa tuloy ako at nakapag adjust din sa kinakain. Hindi pa din ako nangangayayat
eh kasi naman malakas ako kumain ng rice
Mabalik tayo sa honey ko.. ayun nakabili na ng honey 200 isang bote. Pagka bigay sa akin ang ganda! Kulay brown sya.. nang tikman ko .. nakngtokwa.. parang asukal rin eh! Nadenggoy ako! Parang asukal na arnibal lang yun binili.. honey honey pang sinasabi! tinunaw na asukal lang.. paanong di ko malalaman na tinunaw na asukal lang eh nainigas sya pag may tubig na malamig parang candy! Pati ba naman ang honey may pirated! nakow! at ang mahal pa! 200! Bumili nalang sana ako ng 2 kilong asukal na pula at tinunaw ko wala pang 200 yun! At dahil sa inis ko nakow naubos agad ang pekeng honey within one week! Sa kaka healthy living ko nyan.. baka sa bandang huli diabetes ang sakit ko!
May nalalaman pa akong healthy living .








nag comments na may Lambing