Imbak para sa Setyembre, 2008

27
Set
08

Spot Your Ex?

Ano gagawin mo o ano kaya ang reaksyon mo pag nagkita kayo uli ng isang taong naging espesyal sayo at naging bahagi ng buhay mo? Normal lang bang …

  • Maconcious ka?
  • Isipin kung ano itsura mo, bigla magpaganda/ magpagwapo
  • Kabahan
  • Hindi mapakali
  • matuwa deep inside kasi nakita mo yun isang taong naging espesyal sa buahy mo

Ano nga ba ang dapat maramdaman o reaksyon? Hindi ko lubos maisip dahil ganito ang naramdaman ko nang makita ko ang ex ko. Ex meaning nakaraan ko. Pero binibigyan ng malisya ng mga nakakakita.

Normal lang ba maramdaman ang mga bagay na ito? Pagkatapos nyong di magkita ng mahabang panahon? Nagulat ako kahapon, kasi nakita ko ang isang taong naging espesyal sa akin. Hindi man naging maganda ang paghihiwalay namin, nang masilayan ko uli ang pagmumukhang yun nagbabalik tuloy ang alaala kung paano kami nagkahiwalay ni ex-men…

Nagpaalam sya sa akin na magtratrabaho malayo sa province namin. Pumayag naman ako, sabi nya susulat sya.. oo sumulat sya tatlong beses lang at dina nasundan. Naghintay ako pero hindi na sya naka alalang magparamdam, mahigit isang taon din akong na tengga. Kaya ang drama ng lola move on.. ang kaso nagkita uli kami ni perslab, umibig ako uli. Kinalimutan ko na si ex-men, ang kaso hindi naging maganda ang flow ng relasyon namin ni perslab.. Luhaan nanaman si Lambing, na sya namang pagbalik ni Ex-men . Dapat maging masaya na ako noon, kasi sinundan ako ni ex-men kung nasaan ako at umaasang KAMI pa din pagkatapos akong iwanan ng mahabang panahon?.

Pero hindi na ganon ang nararamdaman ko sa kanya, mas mahal ko na si mang jose kahit sinaktan ako nito. Siguro ganon talaga ang puso hindi natuturuan, susundin pa din ang gusto kahit ito pa yun nakakasakit sayo. Dahil may prinsipyo akong tao at ayaw kong manloko ng tao, hindi ko tinanggap ang pag ibig ni ex-men bagkus sinabi kong “kaibigan nalang tayo”. I’m just trying to be honest that time. Ayoko gumamit ng panakip butas para lang maka move on ako sa isang heartache, gusto ko ma heal ang puso ko sa tamang paraan at panahon. At siguro yun ang pinakamasakit na nagawa ko kay ex-men, ang tangihan sya, i just made a choice, meron akong rason bakit hindi na pwede, ayoko makasakit ng tao, pero diba there’s no easy way talaga . Hindi ko naman sya tinanggihan na meron akong karelasyon at the moment, gusto ko lang mag isa , mag isip,  gusto ko matahimik, hilumin ang puso kong sugatan, kung kami kami diba?? Time will tell, pero yun mga panahon na yun gusto ko lang talagang mag isa. Tatlong taon akong nagpagaling meaning, nagiisa ng tatlong taon para hilumin ang puso kong nasaktan ng dalawang beses.

Hanggang sa magkita uli kami nun lumipat ako ng work. Ang laki ng pinag bago nya. Successful na pero bakit ako apektado? Pero nangingiti ako, pag nakikita ko sya, di ko rin maintindihan sarili ko. Parang gusto ko sabihin sa kanya na ” sana ako nalang, ako nalang ulit” mala one more chance ang dating bea ikaw ba yan??  Pero wala na. Never mind we’re not meant to be.

Namamasyal sya sa opisina dahil may uncle sya na kasama ko sa work ko, what a small world, pwede naman nya dalawin sa bahay ng tito nya sa office pa nadalaw, ano yun pa cute??  Bakit nagpapakita pa sya sa akin? Tapos ligawan daw ba yun ka office mate ko? Naiinis ako kasi sa dinami dami ng babae sa buong mundo yun officemate ko pa ang nilalandi nya! Hindi naman naging sila, pero para akong naaaalibadbaran. Hanggang nun last June nga nabalitaan kong ikakasal na sya, okey lang naman i’l be happy for him kasi may mang jose naman ako at nag balik na, kaya lang wala sya sa piling ko ngayon nasa ibayong dagat. Pero bakit kailangan ipamukha sa akin na ikakasal na si Ex-men at di daw pwede matuloy ang kasal pag wala ako. Naiiyak ako hindi dahil ikakasal na sya, naiiyak ako kasi ipinamumukha sa akin na nag iisa pa din ako hanggang ngayon. May mang jose nga ako pero di naman ako sigurado, ang alam ko lang mahal ko sya.  Naiiyak ako kasi kung hindi ko sya pinakawalan magiging masaya na kaya ako ngayon? Ako kaya yun ikakasal sa kanya? Pero hinde eh.. Move on girl be happy for him. Naiiyak ako at the same time nalulungkot sana nasa tabi ko si Mang jose para ipagtanggol ako sa mga nang huhusga sa akin. I just made a choice ..  At humingi na ako ng sorry sa kanya noon, pero kailangan pa ba ulit ulitin na naka sakit ako ng tao?  Dapat masaya na sya kasi may asawa na sya.

At last week nagkita kami ni ex-men,  dumalaw uli sa opisina after 3 months nang nakakasal. Nginitian ko lang , nagulat ako kasi nakita ko sya , masama bang magulat? maconcious at isipin ano itsura ko? Syempre kailangan presentable.  After 15 minutes nag text sa akin:

Ex-men : Hi lambing musta ka?? Anong gawa mo?

Lambing: no reply..  (busy singing sa video oke .. tapos ng miskol sya)

Lambing:  oist kaw pala! eto nag coconcert.. kaw musta?

Ex-men: Treat mo naman ako! kwentuhan lang tayo? san tayo?

Lambing: naku wala akong budget! kaw ang taya ah.. ( i thought we’re okey.. gusto ko makipagkita sa kanya uli, kasi i want to fix things ba.. kaso hindi sya sumipot, daming alibis, pero ok lang gusto ko lang naman sya asarin dahil inumpisahan nya ako.)

He keeps on bothering me sa text, sabi nya pwede daw ba sya matulog sa boarding house ko? Cool lang naman ako, sabi ko hindi pwede Pagkatapos ng isang araw ayan nagtetext nanaman .. madaling araw pa, puntahan ko daw sa hotel where he stays sa room 207??? Huwaat???!!! Ano kala nya sa akin sabik? Hinayupak sya.. Dahil sa gusto kong maging civil nag reply uli ako, ” ano naman gagawin ko dyan?” sagot nya ” E di dito kana matulog, nilalagnat kasi ako eh..”

Lambing:  BAKA IBANG LAGNAT LANG YAN! ITULOG MO NALANG YAN OR MUCH BETTER UMINOM KA NALANG NG GAMOT!

I realized one thing. Tama pala ako ng desisyon na hindi sya ang piliin ko! Dapat hindi na ako nang hinayang na nasaktan ko sya. Mang Jose never treated me that way. He’s a gentleman. Smile nalang ako, masarap pa din pala magmahal ng taong mahal mo talaga.  Kahit masakit, basta yun yun tinitibok ng puso mo, masaya pa rin ang puso mo. Nakaka smile pa rin ako ng matamis. Magiging masaya din ako. Alam ko… malapit na maging lubos ang kasiyan ko.

Know when to let go and walk away… If its dead dont go digging it up to every 5 minutes to check for pulse… its dead… just walk away… “

So what to do if you spot your ex???  Totoo pala yun sabi ni ate shawie kay KC na be at your BEST kasi you never know..  Dapat lagi maganda / gwapo diba?? if ever magkita kayo ng ex at least beauty pa din.. asan ang malisya dun?.

 

 

 

 

 

22
Set
08

May Pusa

Hay naku, may bagyo nanaman dito sa province namin. Pag ganitong malamig maraming masarap gawin, bahala kayo kung ano gusto nyo isipin gawin pag umuulan. Basta ako gusto kong matulog ng naka kumot. Ewan ko ba kung bakit masarap matulog pag umuulan. Dahil siguro malamig at makulilim. Kaya lang bad trip kahit umuulan at bumabagyo kailangan pumasok.

Naalala ko tuloy noong nasa fourth year highschool ako, badtrip kahit umuulan kasi may pasok, gustong gusto ko pa namang matulog, ang kaso graduating na ako kaya dapat laging present ka. Matapat ka pa naman sa teacher na boring magturo sino bang hindi aantukin.

Nagbabalik tuloy sa alala ko ang isang karanasang hindi ko malilimutan sa highschool life ko. Meron akong teacher na head ng mga Cadette officer, sya yata yun pinaka terror na teacher sa buong campus namin. Paano ba naman malaki na ang katawan nya sobrang seryoso pa ng mukha. Halos lahat ng studyante sinisigawan nya pag may nagawang di nya nagustuhan. Kaya ako sobrang takot na takot sa kanya kasi takot akong masigawan.

Isang araw habang nagtuturo sya ng CAT.Hindi ko maiwasan antukin, kasi ba naman napalakalamig ng simoy ng hangin, makulimlim, parang ang sarap bumaluktot sa bahay at mag kumot habang nakikinig ng music, kung sana wala nalang pasok . Pero hindi eh, kailangan pumasok at dapat pumasok at dapat kong pigilan ang sarili kong wag antukin.. haaay… hikab.. at dahan dahang lumalabo ang tingin ko kay sir.. unti unti.. pero kailangan ko talagang pigilin itong talukap ng mata ko na unti unting gustong bumagsak. Yuyuko nalang ako para hindi mahalata ni terror…. zzzzzzzzzzzzzzzz zzzzzzzzzzzz zzzzzzzzzz

Parang tahimik ang klase sabi ko sa isip ko, hindi ko yata naririnig si teacher terror sa pagtuturo.. ano bang nangyayari? Maya maya parang may naririnig akong pusa.. MEEOOW! MEOWWW! san kaya galing yun? .. pagangat ko ng ulo ko.. si terror nasa harap ng mukha ko face to face! Sa kanya pala galing ang meoow ng pusa! :oops: At lahat ng atensyon ng buong klase nasa akin! At lahat sila sumakit ang tyan sa kakatawa! :oops: Wala akong nagawa kundi ngumiti sa kanya ng pagkatamis tamis kahit takot na takot masigawan naka ngiti pa din. Buti nalang hindi nya ko sinigawan! Ginising nya lang ako ng malambing na MEEEOOOWWW ! Pahamak na ulan! Sarap kasi matulog eh.

17
Set
08

Friend ko daw?

Hindi ko talaga maintindihan bakit ang dami taong manggagantso. Naaasar lang ako kasi sa dinami dami ng pwede nating gawin sa buhay natin bakit kailangan manloko pa ng kapwa. Binigyan naman tayo ng Diyos nang kalakasan, katalinuhan, at pangangatawan na maganda para makapagbanat ng buto pero bakit yun mga iba kailangan pang manloko ng kapwa.

Hindi ko alam kung ano ang intensyon ng taong sumulat sa akin, pero hindi naman lingid sa kaalaman ko maraming kumakalat na scam sa internet. Pero nakakairita na, ano ba talaga ang gusto nila sa buhay nila? Ano ba ang palagay nila sa atin bobo? Kakagat sa mga pain nila. Sana yun mga manloloko na yan eh mabigyan ng leksyon. Nakakairita, wala nang matinong nangyayari sa mundo ganyan pa dumadagdag pa sila.

Sana lang makahanap din sila ng katapat nila. Naiisip ko lang kasi, paano kung yun mga taong nakatanggap ng sulat na ito eh hindi gaano malawak ang pag iisip. Malamang kumagat sa pain ng mga walanghiyang manggaganstong ito. Saan ka ba makakakita ng hindi mo kakilala tapos mag tratransfer ng pera sa account mo??? Anong kalokohan iyan! Hindi naman po ako kumagat sa pain nila at walang balak kumagat, ang sa akin lang ma ishare ko kung ano-anong kalokohan ang pinaggagawa ng mga taong ito. Hindi lang ito ang kauna unahang natanggap kong scam marami pa po, yun iba kamag anak ko naman daw at pamamanahan ako.. haay nakuuu nakakataas ng dugo at nakakapanginig ng laman. Eto yun natanggap kong email :

Vous êtes invité :: From your friend nasser.
Par votre hôte: Nasser Hosaih

Message: My dear partner, how are you today? I know this mail will come to you as a suprise but consider it,I am a bank manager bill and exchange at the foreign remittance department bank of africa. I have a deal worths 12.5 Million US dollars,which i will like to transfer into your account.I will tell you more about this money when i hear from you,Contact ID (nasser.hosaih@yahoo.com)

Date: mardi 16 septembre 2008
Heure: 16h 00 – 17h 00 (GMT+00:00)

SANA LANG TALAGA MAKAHANAP SILA NG KATAPAT NILA. ANG SARAP NILANG IPAKIN SA LANGGAM HANGANG MAUBOS ANG LAMAN NILA!! ( oops.. sobra bang biolente ko? nakakainis kasi eh )

15
Set
08

Tag-wag Sa akin

Na tag ako ni mayyang :)

Rule: List all the names you were called by and the people who call you that. Tag at least 5 members of your contacts and give a comment on their site for them to know they’ve been tagged.

 

  1. Borong/ Bolong/Long – Tawag sa akin nung bata ako, ipinangalan ako ng tita ko sa komiks sa borong borong , kasi daw mataba yun na cute.. hihi ganon ako nun bata kaya yun, (hanggang nagyon pala) tawag ng mga tita ko at pinsan pati na  mga kalaro ko nun bata ako.
  2. Adelle/Adelina/delle – Tawag sa akin ng mga classmate ko highschool to college, pati narin ang mga co- workers ko. Adelle pinasosyal na Adelina ;)
  3. Taba / Baboy -  Tawag ng mga taon walang magawa kundi asarin ako.. :(
  4. Sexy – Hindi ko maintindihan ang tao minsan, mataba na nga tatawagin pang sexy, ewan ko ba kung ano nakikita nila sa akin?
  5. Cute – Tawag sa akin ng mga na cucutan sa akin.
  6. Pare/IDDU/LOVE - Tawag sa akin ni mang jose yung IDDU ybanag yun na dialect meaning mahal.. ;)
  7. Tita Ganda – Tawag sa akin ng mga little pamangkin ko na nauuto ko , tita ganda tawag sa akin kasi lagi sila may pagkain sa akin ;)
  8. Sungit – Tawag sa akin ng nanay ko madalas, kasi tumatanda na daw akong dalaga :(

Ang aking itatag ay sina ate sonnet , potpot, gmacomics, glesy, teacher zapped

12
Set
08

Paano nga ba mag move on?

Lonely-1

Minsan sa buhay ng tao, meron tayong mamahalin ng sobra. At kung sino pa yun pinahalagahan mo at minahal ng sobra yun pa ang sobrang nakasakit sa atin. Sabi ng iba kung gaano ka daw nasaktan ganon mo din sya kamahal, kasi kaya ka nasasaktan kasi mahal mo, di ka naman daw masasaktan kung wala lang.

Heartaches kasama sa buhay natin yan eh. Pero paano nga ba ang gagawin mo pag yun sobrang minahal mo ay hindi pala para sayo? Iyon bang buong buhay mo pinangarap mo na sana sya na nga at sana kayo na forever. Pero yun forever na yun ay hindi pala “sya” .

Pinipilit mong intindihin pero hindi maabot ng tamang pag iisip mo, kung bakit hindi pwede maging kayo. Masakit , oo sobrang sakit , kung baga sa kanta “knife cuts like a knife how will i ever heal im so deeply wounded knife” meron pa.. ” the first cut is the deepest” o yun kay Michael V na

Sinaktan mo ang puso ko
Sinaksak mo ng kutsilyo
Binuhusan mo ng asido
Pinukpok ng martilyo

Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako’y naghihingalo
Mauubusan na ‘ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko

At marami pang kanta na sumikat dahil sa heartaches. Naiisip ko normal lang naman talaga ang masaktan eh. Kasi halos lahat ng tao nakakaranas non.

At dahil nakita ko sa stat na marami nagtatanong kung paano daw ba mag move on sa isang broken relationship? Eto ang sagot ko. Depende siguro sa sitwasyon kung paano ka nasaktan . May ibat iba kasing sitwasyon eh tulad nito:

  1. Sobrang minahal mo sya, akala mo kayo na, umikot ang mundo mo sa kanya, pero nang tumagal nag iba na sya ng hangarin, iba na ang nararamdaman sayo.
  2. Sabi nya friendship is all he/she can offer. Pag katapos ng lahat sasabihin nya cool off muna tayo, after a week or so friends na lang tayo. Hello? pwede ba yun? friends? can exlovers be friends? Mahirap yun.
  3. O kaya its not you, its me.. hindi ikaw ang problema .. ako. Mga tamang alibi ba.
  4. Eto ang mas masakit, ” Hindi na kita mahal, meron nang iba”
  5. OR.. Ikaw lang ang may nararamdaman one sided love ba.

At marami pang scenario kung paano ka nasaktan, alam madami pang iba. Ang hirap … kasi kung mahal na mahal mo tapos ganyan mga approach ang maririnig mo, malamang kung di malakas ang tolerance mo sa pain mabaliw kana. Una tatanungin mo ang sarili mo ..

BAKIT? BAKIT AKO PA? WALA NAMAN AKONG KASALANAN NAGMAHAL LANG AKO?.

Minsan sinisi mo pa si BOSING kung bakit nangyayari sa iyo ito? Ano ang gagawin ko? Bigla na lang tutulo ang luha mo… bababa ang tingin mo sa sarili mo, iisipin mo unlikable ka, loser, walang kwenta.. sadyang nakakababa ng self esteem pag yun taong gusto mo hindi mo makuha kahit anong gawin mo. . Mahirap kalaban ang puso lalo na ang ego.

Yung iba gagawa ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman.. magwawala, kung dati good girl.. ngayon ang tawag sa kanya ” GOOD GIRL GONE BAD” sisirain ang sarili dahil lang dun. Kung lalaki naman syempre good boy naging BADBOY .

Yun iba maglalasing, lulunurin ang sarili sa alak para mawala yun sakit na nararamdaman pero pag gising mo bukas doble ang balik sayo.. Broken hearted ka na nga broken head ka pa! Kasi masakit ang ulo mo sa hang over pero andun pa din ang sakit.

Yun iba naman maghahanap ng panakip butas which is not advisable kasi lalo lang lalala ang sitwasyon, may mga taong ka pang masasaktan at idadamay para mawala lang yan sakit na nararamdaman mo.

Paano ba mag move on?

  1. Umiyak ka – Iiyak mo lang, hindi masama umiyak, pag sobrang sama na ng loob mo, minsan masarap umiyak, kahit lalaki ka pa umiyak ka lang, nakakagaan yun ng pakiramdam. Syempre sa tagong lugar ka umiyak or sa mga friends mo. Minsan masarap pag may humahagod sa likod mo habang umiiyak ka.
  2. Magdasal ka – Humingi ka ng strenght kay Bosing para kayanin lahat ng pagdadalamhati mo. Without the help of God we can do nothing sabi nila. Thank him kahit sa heartaches pasalamatan mo sya, tapos mag sumbong ka sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya. Magugulat ka nalang dahil pag katapos mo mag pray ang gaan na ng pakiramdam mo.
  3. Libangin mo sarili mo – Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa heartache mo, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan.
  4. Develop new skills or learn new skill – Focus mo nalang ang atensyon mo sa ibang bagay, tulad ng pag aaral ng bagong skill, pwede ka ding mag blog, matuto mag drive, mag aral kang mag luto kung di ka marunong.. that way makakalimutan mo na yun misery mo may bago ka pang natutunan.
  5. STAY AWAY FROM HIM – Lahat ng memories nya itapon mo na kung gusto mo mag move on, kasi the more na nakikita mo mo mga gamit nya, maalala mo pa din sya, pati number nya burahin mo na sa phone mo, para hindi kana ma tempt na i text sya. Basta kung gusto mo maka move on dapat lahat ng bagay na nakakapag paalala sa kanya iwasan mo na.
  6. Free will – Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Dapat kung gusto mo kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayanan na gawin yun. Dapat talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng sinasabi ko kung hindi ka pa ready, di ka talaga makakamove on. Lahat may rason, kaya dapat may rason ka din bakit mo gusto gawin ito.
  7. Love yourself – Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sarili mo ayaw mo? Love yourself ika nga , magpaganda/ magpagwapo ka. Improve yourself. Tapos ngumiti ka.. yan ang pinaka murang pangpaganda/pangpagwapo. ;)

Eto muna mashashare ko. Hindi naman ito mahirap gawin basta ba ready kana mag move on! ;)

The sand taught me one thing, you cant hold too many things, no matter what you do to make them stay, The wind will always blow them away… So learn to LET GO & choose carefully which you want to stay. Because like the sand, only those which in the center of our palm will last.. “

11
Set
08

Unwind for real

 

Ang ganda ng view, minsan ang sarap mag unwind, para makatakas sa problema ..

 

                            Tumingin sa malayo..

 

                mag isip.. kung anong tamang gawin…

 

                       Mag wish sa wishing well…

 

                                        Mag boating

 

                                Umakyat sa mataas na lugar…

 

                    Mamasyal sa malamig na lugar…..

Minsan sa sobrang subsob natin sa trabaho, mayroong oras na tayo ay napapagod, nagsasawa, naprapraning. Kung ano anong naiisip.. bakit hindi ka mag unwind? Para mawala naman yan mga problema mong dinadala, kahit panandalian lang, tiyak ko mawawala din yan dinadala mo.. makita mo lang ang mga creation ni God masasabi mo.. masarap pa din mabuhay, maswerte pa rin ako kasi humihinga pa ako. At nakakangiti ako tulad nito…

06
Set
08

Nabisto si Ako

Eto po entry na ito ay birit ko sa Hirit ng WPP for september.

Ano nga ba feeling natin pag tayo ay nabibisto sa mga bagay na pinaggagawa natin? Kadalasan may nakakatuwa, nakakahiya, at ang iba humahantong sa away, depende sa sitwasyon kung paano ka nabisto at gaano kabigat yun nagawa mo. Kaya eto na mag bistuhan na tayo!

“Mag tapos ka muna bago ka mag boypren! Pag nalaman kong may boypren ka tumigil ka na sa pag aaral mo!. At kung may makita man akong manliligaw mo dito sa bahay sisipain ko yan palabas!”

Nyaay ang bagsik ! sino ba naman di matatakot mag boypren at mag paligaw nyan? Yaan ang binitawan salita ng tatay ko noong ako ay nag aaral pa lamang. Ewan ko ba, bakit sobrang istrikto ng fadir ko, sinong  hindi matatakot kay Mang Eddie bukod na sa napaka seryoso ng mukha, suplado tipikal na lalaki yun bang tigasin, pag hindi mo kilala sasabihin mo.. anu ba namang klaseng tao ito hindi marunong ngumiti. Intimidating yaan ang salitang pwede ko ikabit sa tatay ko. Idagdag mo nang black belter ang tatay ko. Karatista po sya! Nung kabataan nun may mga pictures yun na parang kay jet lee na lumilipad sa ere .. ganon sya kabagsik!

Iniisip mo pa lang mag paligaw, hindi ko maatim na isipin kung anong mangyayari sa manliligaw ko sa mga kamay at paa ng tatay ko kapag nakita nya ito.. ang saklap!  malamang durog ang buto noon.. tsk tsk tsk kaawa awa.. Para walang taong maapektuhan, pinili ko nalang wag mag paligaw kahit kanino. Pero syempre dahil ako ay tao lamang.. at nakakaramdam din ng pag-ibig, syempre nag kaka crush din ako, Pero hanggang doon lang. Lihim na nalang hanggat di ako nakakapag tapos.

Meron akong crush noon, dahil bawal mag boypren ito ay isang malaking sikreto na lang. Di ko pwedeng iparamdam at wala din akong balak ipaalam sa taong iyon dahil sadyang mahiyain ako. Kaya ang tanging saksi sa aking nararamdaman ay ang aking maliit na note book. Doon ko lahat sinusulat ng aking sikreto. Minsan sadyang kay hirap sarilinin ng nararamdaman kailangan ilabas. Uso noon ang mga love letter sa fm radio, naiisip kong magsulat pero wala din naman akong balak ipadala iyon. Draft lang ng letter para ba mailabas ang aking pagsintang purorot.

Dear DJ,

Itago mo nalang ako sa pangalang Kristine..

Iyun ang mga katagang natatandaan ko sa sinulat ko sa maliit na notebook na iyun. Kasama ang damdamin ko na itinatago sa isang lalaki. Ang tema nun letter eh, si girl may lihim na pagtingin sa kaklase nya noong highschool pero , di sya pinapansin nito.. mga pa  senti ba.. Lahat talaga ng revelation andun sa letter. Ewan ko kung may mga nasulat din akong kalandian .. mga lihim na sana ako lang ang nakaka alam at ang notebook ko. Para lang lumuwag ang pakiramdam kelangan ko talaga syang isulat doon.

Ang kaso medyo hindi ako masinop sa gamit ko. Kung saan saan ko iniiwan ang little diary ko..

Minsan tinawag ako ang tatay ko.. ” HOY KRISTINE! ” sabay may pang aasar na ngiti..

 

Nakakahiya! :oops: :oops: nahihiya ako sa mga pinag sasabi ko dun sa diary nabasa kaya ng papa ko yun ? Hello!? Lambing kaya ang pangalan ko hindi KRISTINE! :oops: :

 

Wala naman syang ginawa sa akin. Baka naawa sya kasi emo mode yun letter ko dun hehe. Nasa 1st year college pa lang ako noon.

Pero heto, noong 4th year college na ako matigas na ulo ko, at hindi ko na kailangan magtago ng feelings, sabi nga nila pag-ibig, pag-ibig hahamakin ang lahat masunod ka lamang! Kahit ayaw ng fadir mag kaboypren habang nag aaral nag boypren ang lambing.  Nag boypren ako, si Mang Jose nga iyun pero di alam ng fadir ko. Gawa ng wala akong cell phone noon tinatakas ko din cellphone ng tatay ko pag tulog,  dun kami nag tetext ni mang jose gamit cp number ng tatay ko.  Nailihim ko yun.. yun ang ang akala ko..

Graduation day ko, sa restaurant habang kumakain kami, binigyan na ako ng sarili kong cellphone regalo sa graduation ko nun college. Ang saya, pwede na kami mag text ni mang jose sabi ko sa isip ko. . 

” Sya nga pala nag text si Mang Jose! andito daw sya ngayon sa isabela , kakauwi galing manila, nag text sa akin! “  Sabi ng fadir ko.  :oops:

Ano nangyari? Wala lang.. di naman ako pinagalitan, saka tapos na kaya ako.

Hanggang salita lang pala si fadir! Pero yun mga pananakot na ganon, nag dulot naman sa akin ng mabuti. Nakapagtapos ako. Na mimiss ko siya.. Kahit ganon sya ka strict hindi ako sinasaktan non love yata ako nun. At wala pang binugbug yun na manliligaw ko ahihi kasi wala naman akong manliligaw talaga..  :oops:

Kaya hayan.. hanggang ngayon tuloy single pa ako! ;)

Kaw nabisto ka na ba???

05
Set
08

PICTURE TAG

I’ve been tagged by ate sonnet ulit hehe

I’m not a photographer but I love to take pictures of myself.. cam whore hehe..
wala akong ibang makitang pictures kaya picture ko nalang ulit hehe ;)

Here’s the rule:

1. Write a poem or an inspiring line based on a photo of your choice. This photo can be your own, or someone else’s. (If the picture is not yours, please ask permission from the owner when you post it, or better yet, provide only the link to the picture that inspired you, without posting it.)
2. Your poem or inspiring line may be of any length, and any genre. It can be humorous, sentimental, heart-warming, whatever. You may write in Ilokano, English or Filipino.
3. Post your inspiring line in your blog and in the comment section of this page (or just a link to your post so we could go and check it there). For poetry submissions, please indicate if you wish your piece to be posted in Bilingual Pen as an article submission.

4. The goal of this game is to get us to write, and express our thoughts and emotions.

DO YOU KNOW?

Do you know how much I love you?

I LOVE YOU even though it HURTS..

I LOVE YOU even though I am not sure if you are MINE….

I LOVE YOU even though you seem so FAR AWAY

I LOVE YOU even though you’ve BROKEN MY HEART…

I LOVE YOU even though there’s no assurance that YOU LOVE ME TOO…

I LOVE YOU even though you are out of REACH…

I LOVE YOU even though I know that YOU WILL LEAVE ME AGAIN…

I LOVE YOU… even though there are many REASONS TO DOUBT…..

BUT WHO CARES?

I LOVE YOU…. ENOUGH REASON FOR ME TO STAY…

YOU are my reason…

I LOVE YOU…

DO YOU KNOW?

I AM NOW TAGGING alingbaby, mommy kengkay, ako si makoy, potpot ;)

05
Set
08

Missing Someone

Why do we miss a person?…

Its either because

We realized that we never treasured the moments when they where still there,

And it left us wishing we could turn back time AGAIN..

OR…

We were too happy with them,

We enjoyed every single moment,

That we became so used to the idea of having them around….

But when we finally walked seperate lives we realized that a moment spent without them is….

Like dying stars

Which slowly leave the sky ..

EMPTY … :(

03
Set
08

Tenk Yu..

Gusto kong magpasamat sa lahat ng naglalambing sa akin ;)

Minsan ako’y emo, minsan ako’y makulet…

Minsan di ko maiwasan malungkot..

Pero kahit ganon man ang mangyari..

Patuloy pa din akong lalaban

Sa aking pagkakadapa

Ako ay babangon muli…

Salamat kay God.. Salamat sa kapwa blogger..

mahal ko kayo …

Andito na uli si Lambing.. ngingiti, iiyak, tatawa..

Mangungulit…

May pagka luka luka man samahan nyo pa rin ako ;)

tara! lambingan tayo :D

Lambing




badge

Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

http://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.com

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

"Wine is a little like love; when the right one comes along, you know it."

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

award

Mga Nilambing

  • 18,305 ang nagpalambing na

ano sabi ni Lambing??

Anong araw na?

Setyembre 2008
L M M H B S L
« Ago   Okt »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Imbakan

kinig ka muna