Ang pagmamahal ko sayo ay lubos kong ikinagagalak dahil alam kong sa dako riyan ay may isang nangungulila at nanabik sa aking presensya, na sa dako riyan ay may isang kaluluwang nalulumbay sa aking pagkawala, na di man sa pagluha ay nadarama kong may isang ikaw na nagigiliw sa akin, nagpapahalaga at umiibig gaya ko..
Na di man sapat ang sandali para sa araw-araw na pakikipagpalitan ng salita ay nakukuha pa ring akoy alalahanin, pagpaalaman sa tuwing ikaw ay gagaod na sa inyong tahanan..batid ko ang kahalagahan ko sa iyo kahit lubhang mahiwagang ang ating paraan ng pakikipagkaibigan, walang hawak kamay, walang titigan sa mata, walang pisikal na yakap, pero ang mahalaga ay ating mga ispirito, ang pag-uusap sa ating sari-sariling lengwahe…
Ang pagpapadama ng mga nabanggit ay sapat na para malaman kong ako ay isa ring tao, hamak man, pero ginawa mo akong mayaman sa pagpapadama mo ng kahalagahan ko sa mundong ito…lubos ang aking tiwala na sa kahit anumang oras, sitwasyon ay may isang boi na masasandalan, mahihingan ng tulong, magbibigay ng init sakaling ulanin man ako ng laksa-laksang nyebe, handang sumagip sakaling malunod man at anudin ako sa mga maling gawain…
Mapalad nga akong di hamak sa pagkakaroon ko ng isang ikaw sa buhay ko, sa katunayan ay naubos ko na ang isang walang tigil na taon para hanapin ang mga salitang makakapagpabatid sau kung gaano ka kahalaga at kung gaano ka importante ang papel na ginagampanan mo sa akin, kulang pa ito para masabing ikaw ang aking nagiisang tanglaw sa panahon ng aking karimlan…
* salamat boi sa mga sinabing mong yan, twing malulungkot ako, babasahin ko lang ito. Galing galing talaga…*
Awwww hinlababo, happy poryu!!!
****
akoo???? hehehe
thanks joycee ;)
uyyy..
kilig aman hehe nice..woooot..
in lab ate?
****
woot woot hehehe
isn’t it nice to feel you are being loved by so many people, when you feel like you are all alone.
Nice.. iba talaga ang inlove sa panahon ng tagulan.. hehe.. *chill*
****
ur right! sarap sa pakiramdam