Wala na kong soy sows galing sa term ni aling baby. Minsan minsan lang naman yun sumumpong eh, siguro mga once a month lang pag malapit na datnan (PMS) o kaya naman minsan sinusumpong pag may nag trigger na ma badtrip ako. Tao lang ako no?? Sige sino sa inyo ang di sinusumpong ng toyo.. nasa pag dadala lang yan no??
O well na mimiss ko kasi yun family ko sa father side ko. Kung nagbabasa kayo ng blog ko. Dalawa ang family ko sa papa ko at sa nanay ko. Ayon kahit na galing ako sa broken family im still blessed kasi nadagdagan yun family ko.. dala dalawa pa. Dahil nag iisa akong anak ng nanay ko, im blessed na magkaroon ng MGA kapatid sa ama. (wag ka nang maguluhan.. MAPAGMAHAL ang papa ko
) tatlo kaming panganay.
Im proud to say na kahit hindi kami buong magkadugo.. close naman kami ng mga half sister and brother ko.. likas na kasi akong sweet sa kanila . Hmmm haba ng intro no??
E kasi naman namimiss ko yun bonding namin magkakapatid pag sabay sabay kami kumakain. Kwentohan ganon habang nakaharap si step mom at papa. Magkakahiwalay kami, kasi yun dalawa nag aaral sa magkahiwalay na school yun isa nasa Laguna yun isa naman nasa probinsya. Kaya ang time lang namin mag bonding moments pag holiday. Ang kaso di ako nakauwi nung undas… kaya namimiss ko sila
Ayun bigyan ko kayo ng sampol ng bonding moments namin..
Step mom: sige kumain kayo ng marami pag uwi nyo sa boarding house nyo di nanaman kayo makakain ng mabuti sasabihin nanaman ng bunso nyo skyflakes na lang kinakain nya..
Bro2: Ako pag nagtitipid bumibili nalang ako ng karne sa MONTEREY tapos magluluto sa bhauz
Lambing : wow sosyal! monterey huh?? ayus ka bro! tipid yun ha??? Ako pag nag titipid di na ako kumakain pag gabi.. sabay diet na rin
Bunso : Hehe.. ako pag nagtitipid NAKIKIKAIN nalang ako sa klasmeyt ko
Sa tingin nyo sino ang mas nakakatipid?




sa sementeryo
Last year ito na undas.. bunso, bro 2 , Lambing








pareho tayo ng paraan ng pagtitipid. doon sa madaming benefits. hehehe
@ STAR .. naman.. wala ng gastos .. mamayat ka pa
eksheli, lahat kayo nakakatipid hehehe…
sa tingin ko, kung indi mo sinabi na half bro st sis mo sila…indi ko mahahalata hehe…close na close kasi talaga kayo.
hihi… musta aling baby??
at least, it’s good to know that you’re close to them. bihira yan ha.
tama si aling baby, hindi ko rin marerealize na hindi kayo tunay na magkakapatid kung hindi mo sinabi. thanks for sharing us your life ms. lambing.
@ rye
ok ka na? hugs ule
ay syempre yung nakikian na lang..pero dapat hindi nman araw-araw..mga twice a week lang hahahaha
wahahaha.. pakapalang ng face …. di bale twice a week sya nakakatipid
dumaan ulit para magparamdam at magpaamoy ng kandila.toinks.
enjoy the day!
huh??? scented ba yun candle rye??
you too… take care
Wow ang sweet naman ng magkakapatid na to… pero winnur si bunso ha… sobrang tipid nakikikain na lang hahaha
ako kapag nagtitipid, nagtataxi na lang ako kesa rument pa ng eroplano… aaaawwww
ako? quacker oats kesa mcdo..mas mura na healthy pa..
ate nasan ka na ba?
Ang saya naman! Makikita sa picture nyo na sobrang close tlga kayo…
ahehehe…ako? hindi ko kayang matipid kc sa payat kong ito..hindi ko na alam mangyayari sakin kung magtipid pa aq..heheheh
Miss you lambing
ingat!
ako pag nagtitipid, ahmmmmm… nagdadamot ako hahaha.ibig kasi sabihin nun wala na ko pera hehehe. feeling galanta hindi naman hehehe.
hihi parang pareho kami ng bunso nyo lols…
musta sister?! libre mo naman ako ng hopia