Author Archive for Lambing

03
Nob
09

Paano ka magtipid?? kapatid?

Wala na kong soy sows galing sa term ni aling baby. Minsan minsan lang naman yun sumumpong eh, siguro mga once a month lang pag malapit na datnan (PMS) o kaya naman minsan sinusumpong pag may nag trigger na ma badtrip ako. Tao lang ako no?? Sige sino sa inyo ang di sinusumpong ng toyo.. nasa pag dadala lang yan no??

O well na mimiss ko kasi yun family ko sa father side ko. Kung nagbabasa kayo ng blog ko. Dalawa ang family ko sa papa ko at sa nanay ko. Ayon kahit na galing ako sa broken family im still blessed kasi nadagdagan yun family ko.. dala dalawa pa. Dahil nag iisa akong anak ng nanay ko, im blessed na magkaroon ng MGA kapatid sa ama. (wag ka nang maguluhan.. MAPAGMAHAL ang papa ko :lol: ) tatlo kaming panganay.

Im proud to say na kahit hindi kami buong magkadugo.. close naman kami ng mga half sister and brother ko.. likas na kasi akong sweet sa kanila . Hmmm haba ng intro no??

E kasi naman namimiss ko yun bonding namin magkakapatid pag sabay sabay kami kumakain. Kwentohan ganon habang nakaharap si step mom at papa. Magkakahiwalay kami, kasi yun dalawa nag aaral sa magkahiwalay na school yun isa nasa Laguna yun isa naman nasa probinsya. Kaya ang time lang namin mag bonding moments pag holiday. Ang kaso di ako nakauwi nung undas… kaya namimiss ko sila :(

Ayun bigyan ko kayo ng sampol ng bonding moments namin..

Step mom: sige kumain kayo ng marami pag uwi nyo sa boarding house nyo di nanaman kayo makakain ng mabuti sasabihin nanaman ng bunso nyo skyflakes na lang kinakain nya..

Bro2:  Ako pag nagtitipid bumibili nalang ako ng karne sa MONTEREY tapos magluluto sa bhauz

Lambing : wow sosyal! monterey huh?? ayus ka bro! tipid yun ha??? Ako pag nag titipid di na ako kumakain pag gabi.. sabay diet na rin

Bunso :  Hehe.. ako pag nagtitipid NAKIKIKAIN nalang ako sa klasmeyt ko :lol:

Sa tingin nyo sino ang mas nakakatipid? :lol:

DSC00325

DSC00321

DSC00329

DSC00383

sa sementeryo

Last year ito na undas.. bunso, bro 2 , Lambing

31
Okt
09

RANTS

  • Tumataba nanaman ako
  • Malapit na pasko bakit ako nalulungkot?
  • Wala kong day off one week straight ako
  • Nakakunot ang kilay ko
  • Naiinis ako
28
Okt
09

PATAY

MALAMIG NA

MATIGAS

HINDI GUMAGALAW

NAAAGNAS

WALANG PAKIRAMDAM

Katangian ng isang patay.. minsan bakit maraming gustong makadanas ng nasa lugar nila. Dahil sa problema.. konting pagsubok.. maraming nag sasabing.. ” sana mamatay nalang ako” minsan nasasabi ko din yan kapag sobrang bigat ng mga binabatong pag subok.. pero sa awa ni Bosing di nya sinasagot yun ganong biro ko.. alam nya sigurong nagbibiro lang ako.

At ano bang kinalaman ng patay sa entry ko ngayon? Obviously araw ng patay.. at makikiisa ako sa kanila.. magpapakamatay din ako??? Hindi ah… sarap kayang mabuhay.. Ayaw ko lang may maramdaman.. at hindi ako umeemo.. minsan kasi nagiging exaggerated tayo pag may mga konting bagay tayong nararamdaman.. gusto kong maging manhid sa lahat ng pwedeng maramdaman. Yun bang hindi natitinag.. kasi wala ng pakiramdam. Yun kalmado sa lahat ng bagay. Yun ang gusto kong iparating.

At dahil malapit na ang araw ng mga patay.. happy halloween ayiii .. makakapag pahinga ako kahit isang araw lang.. may i rest in peace … lols

24
Okt
09

pektyur perpek

Noong unang panahon may isang babaeng ubod ng cute ( ako yun ! lols) na takot sa litrato.. ewan ko ba kung bakit ako nacoconcious kuhaan ng pix.. pero bakit noong nauso ang mga cam sa cellphone at digicam aba naman ang lambing picture adik na. Heneways sarili ko lang naman ang kinukunan ko..

Ewan ko ba kung bakit gusto gusto kong mag picture dahil siguro nakikita ko sarili kong maganda sa picture ( wag na kayo komontra pls hehe). Sa picture na lang bumabawi. Dahil kapag sa salamin pati katawan ko nakikita ko e hindi ako gaanong nasisiyahan sa nakikita ko kaya picture na lang ang kinahiligan kong gawin. Hobby ko na yan, kaya huwag magtaka sa picture fez ko lang lagi naka focus.. dahil hindi gumagalaw sa pix yun mukha kaya dun lang sa magandng angle lagi na focus.. ayaw mo maniwala? eto ang sampol:

Img00069

Img00083

Img00184

ayan mga ganyang angle lang at take note ako lang ang nagpipicture sa self ko…

eto mahilig din ako kumuha ng mga pang acting award na shot ko.. emoness

Img00054

Pero bakit ba talaga pag iba ang kumuhuha sa akin disaster ang labas.. sampol nalang sa studio. pag mag papa id .. haizz sobra na kasi nangangawit yun ngiti ko kung yun umpisa ganto ang ngiti..

Img00113

Sa tagal i click nangawit nalang yun ngumingiti … kung dating ang tamis ng ngiti.. eto kalalabasan sa paghihintay ng matagal sa photographer.. nagiging ngiting aso..

untitled

fgq

eeek… ayun oh… evolution ba ang tawag dito ehehe…

kaya mas gusto ko ako nalang kumukuha ng litrato ko lolz

wala naman na ishare ko lang naman… ;)

21
Okt
09

Drained

Kung wala kang pakialam saken wag mo nang ituloy basahin ito, at kung di ka mahilig sa drama.. ikinalulungkot kong sabihin sayo na ito ako… puno ng drama..

Ang blog kong ito ay ginawa ko para mailabas ang mga damdamin kong itinatago.. dahil ang blog ko tahimik.. hindi ako huhusgahan sa kung ano man ang sasabihin ko.. at pag may naantig at nagbigay ng komento.. bonus na saken yun.

Ang buhay ko ay puno ng pag eevacuate…  sa twenty nine years kong nabubuhay sa mundo… namulat na yata akong mag lipat ng gamit … kung di man taon taon.. minsan inaabot ng 2 taon mag tatagal. Parang bola.. pabalik balik.. aalis .. lilipat.. nakakahilo…… at sa huli.. ganon pa din.. lilipat pa din.. aalis.. paulit ulit lang..

Sa anong dahilan? Dahil sa isang di maayos na pamilya. Isang pamilyang binuo ngunit sinira ng isang babaeng nanghimasok sa buhay  namin.. Ang alam ko lang nawalan ako ng karapatan. Nawalan ng sariling pamamahay.

Simula noon.. ganito na ako.. Wala kong sinisisi sa mga nangyari… kung meron man hinanakit , siguro nahilom na iyon ng panahon..

Kung noong mga unang taon.. naglulumuhod ako sa Panginoon na maibalik ang pamilyang kinagisnan ko.. baka sakaling may chance pa.. ginawa ko lahat para maayos.. pero di na naayos.. Hanggang sa sumuko nako.. nag paraya at tanggapin nalang na wala na talaga.. Hindi lahat ng gusto mo pwedeng ibigay ni Bosing. Siguro nga alam nya na mas kaya ko mag isa kaysa sa mga kapatid ko sa labas.. mas kelangan nila mabuo.

Dahil ako nasanay na. Inilayo ang sarili.. nangarap na lang at nanalangin na mahanap at makabuo ng sariling pamilya pag dating ng panahon.. Pinangarap na pag dating nang panahon na yun siguro liligaya na rin ako..

At kung bakit ako nalulungkot ngayon ay dahil sa isang tao..ang dahilan ng  pag pupursige ko.. ang isang babaeng minahal ko na simulat simula pa lang.. Ang babaeng nagbibigay saken ng kalakasan at pakpak.. At hindi ko kakayanin pag nawala sya sa buhay ko. Ang babaeng maraming nang pinag daanan sa buhay.. Sya lang ang mahalaga sakin.. Gusto ko mabigyan sya ng magandang buhay..

Pinilit kong maging masaya para sa kanya.. sa nahanap nyang mundo.. sa pag iwan sa akin, dahil inaakala nyang.. pag dating nang panahon iiwan ko sya at magkakaroon ng sarili kong pamilya. Sumabak sya sa isang relasyon.. Siguro nga naging masaya na sya dun.. pero panandalian lamang.. Bigo sya mahanap ang kaligayahan.. At sa tuwing magkakalabuan sila sa akin sya tumatakbo..

Palaging bukas ang pinto ko para sa kanya.. at hanggang ngayon hindi ko pa sya iniiwan di gaya ng iniisip nya.. Mahalaga sya sa akin.. At ngayon.. ngayon na naguguluhan ako.. napapagod sa kakaisip.. sa emosyon , sa trabaho ko.. Isa lang ang gusto kong mangyari.. mabigyan sya ng ngiti.. kapayapaan.. siguro saka na yun happiness ko.. mauna muna sya.. at sana maibigay ko sa kanya iyon.

Kakayanin ko lahat ng pagtitiis para sa kanya.. kasi mahal ko sya.. ako lang ang meron sya.. nay mahal kita.. para sayo mag papakatatag pa ako.. kakayanin ko pa lahat ng bagyong sasalanta satin..

15
Okt
09

pagpipigil

Usapang emotion.. paano kung may minahal kang tao pero hindi pwede.. sagot di pigilan mo sarili mong mahalin sya…

Paano kung di mo mapigilan yun sarili mo? Dahil yun lang yun katanggap tanggap sa puso mong patay ang syang nagbibigay buhay.. Bawat atensyon na binigbigay.. bawat salitang MAHAL KITA. Ang kaso lang hindi pwede… mahal nyo ang isat- isat pero hindi pwede..  Kahit ang sarap sa pakiramdam nun sabihin sayong tandaan mo mahal kita.. Ang dali ng sagot.. di wag ipilit kung hindi pwede..

Pero minsan kahit anong pigil mo sa sarili mong wag mahulog dun sa balong iyon.. kahit gaano ka pa kagaling umiwas.. napakalaki na ng space para mahulog ka dun sa malaking balon na iyon.. Kahit sa pagkakahulog mo doon ay may panganib na ikaw ay masugatan at maaring mapilayan.

Pipikit nalang.. at kung mahulog ay bahala na… Choice mo ba??

Maging malungkot sa pag pipigil ng damdamin.. o sundin ang nararamdaman kahit mali? Emosyon ang hirap labanan.. Ano ba ang tama? Maging malungkot habang buhay dahil sa pag sunod sa inaakala mong tama.. O maging masaya sa inaakala ng ibang mali pero sa pakiramdam mo at sa puso mo ay tama…

Promise pinigilan ko ito at iniwasan narin maramdaman.. pero tulad ng isang bulag na di nakikita ang dinadaanan.. clueless ako na mahuhulog ako sa balong iyon.. mag tatampisaw kung ano meron doon sa ilalim ng balong iyon.. i eenjoy kung anong mang meron dun sa kinahulugan kong iyon.. pero nakahanda din akong ma iahon ng isang mapag mahal na kamay… at pag dumating yun mga kamay na iyon.. Mag papaahon ako dun..

Mamasdan ko ang balong kinahulugan ko… tatanawin.. dadamhin ko sa puso ko.. na minsan sa buhay ko nahulog ako sa balong iyon.. pero hindi naman pwedeng habang buhay ako nandon.. hindi pwede.. yun ang masakit na katotohanan.. walang pwedeng mabuhay sa balong malalim..

watta? umaarte ??? :lol:

toinks sabay nadapa ako.. tapos tumama ulo ko sa bato.. napaisip .. natauhan.. ang gulo ko.. e ano naman .. ;) umaarte lang ;)

05
Okt
09

FRIENDSHIP

Ako na siguro yun tipo ng taong mabilis magkaroon ng kaibigan, kasi friendly akong tao, medyo masungit nga lang tignan pero pag nakilala mo na ikaw na bahala mag judge kung for keeps nga ba ang lola mo maging fwend. Sabi ng isang kaibigan ko para daw akong “kanin” madikit lang na aa attach na.

269210339_8e9258be7a

Friendship kamag-anak ng relationship, ship at scholarship basta may ship yun na yun. Kahit sa isang relasyon kelangan din ng friendship para maganda ang flow ng pagsasama. Ang kaibigan ay parang damit.. may mga bagay o okasyon na binabagayan.. pang office, pang school, pambahay o yun damit napinaka gustong gusto mo sa lahat.

Sa 29 years ko sigurong nabuhay dito sa mundo dami ko nang nakasalamuhang klase ng friends yun iba for keeps yun iba naman masabi lang na kaibigan.. Mahahanap mo ang ibat ibang klase ng kaibigan sa mga eto:

It runs from the blood friendship – Eto yun tipo ng kaibigan mo na kadugo mo. Pwedeng nanay mo, tatay mo, kapatid, pinsan, 1st cousin hangang sa pinsan mo sa talampakan.. basta kadugo mo. May mga kamag anak ka naman na hindi mo ka close diba? Yun tinutukoy ko dito is yun close talaga kayo.. magkasundo ba.

Childhood Friendship- Mga pagkakaibigan na nadevelop non bata ka pa, mga kalaro, ka eskwela, kapitbahay ganon.

Kaibigan sa School – Eto yun mga friends na nakilala mo lang sa school nun college, highschool and elementary.

Workmate Friendship-Mga pagkakaibigan na nabuo sa workplace.. o kung saan ka man lupalop mapadpad.. kapitbahay ganon..

Cyber Friends - Mga kaibigan na nakilala mo lang thru internet.. ang galing na ng technology no pwede ka na makahanap ng friend, mag online ka lang. Kasama na rito sa cyber friends yun mga blogger , nagkakaroon ng exchange of ideas.. tapos kalaonan nagkakakuhaan ng loob.. nagiging mag kaibigan at minsan ka- ibigan pa.

Pero wag ka meron din ibang klase ng pakikipagkaibigan

  1. Prospective jowa – kinakaibigan ka kasi kursunada ka
  2. Friends with benefits - Eto ayaw ko to, meron kasi ako naririnig na ganitong sitwasyon.. yun kaibigan tapos pwede ka makipagtalik sa friend mo .. anu ba yan. Hindi ako sang ayon dito dahil kawawa ang girl
  3. Tropa thingy friends- yun mga kaibigan mo lang sa saya, sa inuman sa kalokohan pero hanggang dun lang yun panay saya lang . Kapag kailangan mo na di mo na pwedeng asahan .
  4. Pahawa ng popularity - Yun dumidikit sa gwapo, maganda, sikat, mayaman, matalino para masabi lang na may kaibigan syang sikat o parang to belong. Ito yun mga tipo na ginagawang alila ng tropa, utusan… tsk!! kawawa naman.
  5. Ex jowa friendship – Itinapon na pagibig para hindi masakit friends nalang kayo… eto pinaka ayaw ko.. ang masasabi ko lang marami na akong kaibigan bakit kelangan maging friends pa! ( may galet?)

Meron din mga level ng pagkakaibigan eh.. gaya nga ng sinabi ko kanina para syang damit meron kang paborito , meron ka din pinaka ayaw..

Kaya ang friendship kelangan din alagaan.. parang laro sa FACEBOOK yun yoville.. kelangan mo dalawin araw araw yun kapitbahay mo.. para madevelop ang friendship sa pagiging best friends.. eto yun level

  • AQUAINTANCE- gaya ng mga term na ginamit ko sa itaas.. ito yun first level bago maging friends.. pwede mo sya makilala sa kung saan saan.. at nasa iyo iyun kung gusto mo ito ituloy sa pagiging friends.
  • FRIENDS- Mayron kang bagay na nagustuhan sa kanya, maaring may pagkakapareha kayo sa ibat ibang bagay.. pareho kayo ng trabaho, pareho kayo mahilig sa music, pareho kayong course, natutuwa ka sa kanya, nag cacare sya sayo kaya feel mo na syang maging kaibigan. At nasa iyo rin kung dito sa level na ito eh gusto mong paabutin sa pagiging .. BESTFRIENDS.
  • BESTFRIENDS -416098197_418794c9c3

    “Best friends are the siblings God forgot to give us”

    maihahantulad sa pinaka paboritong damit.. gusto mo lagi isuot, kahit gutay gutay na gusto mo pa rin. Ito yun pinaka strong na form of friendship. Minsan mas higit pa sa kapatid ang turing mo. Kahit may kabulukan sa pagkatao ng kaibigan mo tinatanggap mo pa din. Sa kanya mo sinasabi yun pinaka sensitibong bagay sa buhay mo at sa kanya ka lang nagtitiwalang sabihin ito. Makita mo lang mukha nya okey ka na, isang text lang everythings ok, magkasama lang kayo buong araw na kayong masaya.. parang mag bf / gf din.. yun nga lang pag sinabing bestfriend dapat walang malisya hmmmkei?? walang bastusan hmmkei ule… sa mag best friends na opposite sex ha. Kasi ako wala pa akong bestfriend na opposite sex eh..

  • MORE THAN FRIENDS -eto hmmm nadevelop na friendship sa opposite sex.. meaning may malisya hehe.. eto yun pagkakaibigan na higit pa.. there’s more .. kaya pag bigyan mo na.. meron talagang ganon.. sa sobrang close nyo, nadedevelop sa may malisyang pagmamahalan. Naranasan ko na ba ito?? Ang sagot… hindi pa.. kasi wala pa akong naging super close na kaibigang lalake.. kung meron man.. una pa lang bago ko maging kaibigan may malisya na hehe.. kaya hindi na dumaan sa level level lols.. ;)

“Many people will walk in and out of your life, but only true friends will leave footprints in your heart”

1_107368376l

Lagi nating tatandaan na walang permanente sa buhay natin.. lahat pwedeng magbago.. may kanya kanya pa ring buhay ang mga kaibigan natin.. kung may naliligaw man nang landas.. basta ba nagawa mo na yun part mo.. wag mo nang sisihin yun sarili mo bakit hindi mo sya maiayos..

“Friends are angels who lift our feet when our own wings have trouble remembering how to fly.”

At ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan ay hindi lamang natutuon sa iisang tao.. kasi sa bawat yugto ng buhay mo.. meron at meron kang makikilalang matalik na kaibigan.. panahon man ay lumipas.. kung matatag ang foundation ng friendship nyo.. nandun pa rin yun habang buhay..

3536964087_062016e6fa

“True friends are like diamonds, precious and rare. False friends are like leaves, found everywhere.”

Mahirap humanap ng tunay kaibigan.. lahat pwede mo ituring na kaibigan…pero ang tunay na kaibigan na di ka iiwan sa lahat ng laban mo, yun ang mahirap hanapin.. kaya pag nahanap mo yun diamond na iyon.. kailangan i value mo ito..

At anu ano pa man ang mangyari.. kelangan natin irespesto ang differences natin.. pagtanggap at pagmamahal sa kung sino pa man sya..

“To have a good friend is one of the highest delights in life; to be a good friend is one of the noblest and most difficult undertakings.”

02
Okt
09

pepeng go away!

Malapit na mag alas tres.. nabalitaan ko na super typhoon daw ang paparating na bagyo. . di pa  nakakarecover ang pinas sa pinsala ni ondoy heto paparating na si pepeng.

Worried much si Lambing kasi dito ang sentro ng bagyo. at habang tumitipa ako ngayon.. lumalakas ang ihip ng hangin..

Worried much ule si Lambing kasi hindi concrete ang bahay namin.. ito ay isang bahay na gawa lamang sa kahoy.. at siguro kung sobrang lakas ng hangin ang dadaan sa aming tahanan.. tyak kong wala na rin kaming bahay…

Im  leaving it all to God my saviour .. i pray na gabayan nya kami at sana yun hangin eh wag na bumaba dun nalang sya sa taas..

God bless us..

Malamang bukas wala ako.. dahil kung malakas nga itong bagyong ito malamang walang kuryente at net dito…

To God be the glory .. Let us all pray.. ;)

28
Set
09

KISS

Ano ang meron sa mga pagkatao nina;?

1. Mohamed Ali

2. Roy Jones Jr.

3. Elorde?

4. Luisito Espinosa

Sa panahon ngayon,

1. Manny (un ow) Pacquiao

2. Floyd (labi) Maywethear

3. Miguel Cotto

4. Juan (ihi) Marquez

Simple, sila ang mga maton, ang mga may literal na kamay na bakal, ang mga kinatatakutan sa boxing ring, yang mga pangalan nayan marinig mo lang na tawagin ng may ginituang malaking boses ay mapapatayo kana at titirik ang mga muscle mo kagaya ni Mr. Fu. Pero ano namang kalokohan ang ginawa nitong mama na ito. Hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa namin kung nagkamali sya ng nasalihang contest, iniisip ko kung sa lovapolaza ba sya dapat. At may ruling ba talaga na minus 2 points ang may pagnanasa?

COURTESY OF alaehboi : matagal ko nang request sa kanya itong kiss na to hehe ;)

24
Set
09

BUSY ka ba?

Kagagawa ko lang ng entry at sabi ko busy ako. Kanina napanood ko itong video na ito, at sapul ako dito. Parang ayaw ko nang maging busy…

Kinilabutan ako, kasi sa sobrang pagiging busy nakakalimutan si God… daming mga bagay na ino offer para ma distract tayo sa connection natin kay God. Gusto ko lang i share ito.. dahil tulad ko.. kaya nanghihina kasi binibigyan ko ng importansya yun mga bagay na akala ko makakapag pasaya sa akin.

Nawawalan ng time sa Panginoon dahil sa trabaho, panonood ng kung ano ano at kung ano pang pinagkakaabalahan.. alam ko ang mga pagkukulang ko, at itong video na ito ay isang paalala na.. hoy anak anong ginagawa mo???

Ikaw busy ka ba???




badge

Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

http://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.com

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

"Wine is a little like love; when the right one comes along, you know it."

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

LAMBING SUPPORTS SARANGGOLA BLOG AWARD

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

award

Mga Nilambing

  • 17,085 ang nagpalambing na

ano sabi ni Lambing??

Anong araw na?

Nobyembre 2009
L M M H B S L
« Okt    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Imbakan