Imbakan para sa Kategoriyang 'Uncategorized'

31
Okt
09

RANTS

  • Tumataba nanaman ako
  • Malapit na pasko bakit ako nalulungkot?
  • Wala kong day off one week straight ako
  • Nakakunot ang kilay ko
  • Naiinis ako
28
Okt
09

PATAY

MALAMIG NA

MATIGAS

HINDI GUMAGALAW

NAAAGNAS

WALANG PAKIRAMDAM

Katangian ng isang patay.. minsan bakit maraming gustong makadanas ng nasa lugar nila. Dahil sa problema.. konting pagsubok.. maraming nag sasabing.. ” sana mamatay nalang ako” minsan nasasabi ko din yan kapag sobrang bigat ng mga binabatong pag subok.. pero sa awa ni Bosing di nya sinasagot yun ganong biro ko.. alam nya sigurong nagbibiro lang ako.

At ano bang kinalaman ng patay sa entry ko ngayon? Obviously araw ng patay.. at makikiisa ako sa kanila.. magpapakamatay din ako??? Hindi ah… sarap kayang mabuhay.. Ayaw ko lang may maramdaman.. at hindi ako umeemo.. minsan kasi nagiging exaggerated tayo pag may mga konting bagay tayong nararamdaman.. gusto kong maging manhid sa lahat ng pwedeng maramdaman. Yun bang hindi natitinag.. kasi wala ng pakiramdam. Yun kalmado sa lahat ng bagay. Yun ang gusto kong iparating.

At dahil malapit na ang araw ng mga patay.. happy halloween ayiii .. makakapag pahinga ako kahit isang araw lang.. may i rest in peace … lols

02
Okt
09

pepeng go away!

Malapit na mag alas tres.. nabalitaan ko na super typhoon daw ang paparating na bagyo. . di pa  nakakarecover ang pinas sa pinsala ni ondoy heto paparating na si pepeng.

Worried much si Lambing kasi dito ang sentro ng bagyo. at habang tumitipa ako ngayon.. lumalakas ang ihip ng hangin..

Worried much ule si Lambing kasi hindi concrete ang bahay namin.. ito ay isang bahay na gawa lamang sa kahoy.. at siguro kung sobrang lakas ng hangin ang dadaan sa aming tahanan.. tyak kong wala na rin kaming bahay…

Im  leaving it all to God my saviour .. i pray na gabayan nya kami at sana yun hangin eh wag na bumaba dun nalang sya sa taas..

God bless us..

Malamang bukas wala ako.. dahil kung malakas nga itong bagyong ito malamang walang kuryente at net dito…

To God be the glory .. Let us all pray.. ;)

28
Set
09

KISS

Ano ang meron sa mga pagkatao nina;?

1. Mohamed Ali

2. Roy Jones Jr.

3. Elorde?

4. Luisito Espinosa

Sa panahon ngayon,

1. Manny (un ow) Pacquiao

2. Floyd (labi) Maywethear

3. Miguel Cotto

4. Juan (ihi) Marquez

Simple, sila ang mga maton, ang mga may literal na kamay na bakal, ang mga kinatatakutan sa boxing ring, yang mga pangalan nayan marinig mo lang na tawagin ng may ginituang malaking boses ay mapapatayo kana at titirik ang mga muscle mo kagaya ni Mr. Fu. Pero ano namang kalokohan ang ginawa nitong mama na ito. Hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa namin kung nagkamali sya ng nasalihang contest, iniisip ko kung sa lovapolaza ba sya dapat. At may ruling ba talaga na minus 2 points ang may pagnanasa?

COURTESY OF alaehboi : matagal ko nang request sa kanya itong kiss na to hehe ;)

29
Hul
09

Muntik na kitang Minahal

May sekreto akong sasabihin sayo

Mayroong nangyaring hindi mo alam

At hanggang ngayon ay naalala pa

Muntik na kitang minahal…

Ilang beses ka na bang nakadama nang muntikang pagmamahal? Yun tipong andyan na pero di pala pwede. .

Meron bang ganon?

Ikaw naranasan mo na ba?

21
Hun
09

happy fadirs day tatang!

Hmmm kung meron man akong ipagpapasalamat ngayon ay ang pagkakaroon ko ng isang tatay. Hindi man kami laging magkasama, pero alam nya na mahal ko sya. Papa’s girl yata to..

Naaalala ko noon bata pa ako kung paano mo ako buhatin, ibigay lahat ng gusto ko, lambingin ako palagi, kandungin ako higit sa lahat maramdaman ko na may ama ako. At maramdaman na may nagmamahal sa akin. I will always miss the days when we’re together.

Hindi man tayo palagi magkasama pa, tandaan mo na isa ka sa mga lakas ko, sa twing iiyak ako ikaw pa rin ang hahanapin ko, hindi mo man masolusyunan ang problema ko, makita lang kita pa okey na ako.

Alam ko naman na walang perpekto .. pero para sa akin ikaw ang the best popsy in the world. Marami nag sasabi kamukha kita kaya tuwing na mimiss kita titignan ko lang ang sarili ko sa salamin.. :lol:

Pa, i miss you, always remember that I love you and i always will. Hindi kita ipagpapalit kaninuman.. ang buong respeto at pagmamahal ko ay sa inyo pa rin bilang tatang ko.. iloveyou ulet happy fadirs day .. mwwaaah !!!

eDbS-10C-1

17
Hun
09

PAGOD

Naranasan mo na bang mapagod???? Lahat naman ng tao pag pinag buti ang ginagawa o maraming ginagawa napapagod ito diba??

Ewan ko ba… pagod lang ako.. pagod na… gusto ko nang magpahinga.

Pagod na ako sa kasinungalingan..

Pagod na ako magpahalaga sa isang tao..

Pagod na…

Wag mo na akong pahalagahan kung iiwan mo din ako..

Wag mo na akong pansinin kung hindi ka naman totoo…

May sugat pa ang puso ko..

Hindi pa ko handa masaktan..

Naiinis ako

Bakit ako tinamaan ng ganitong ka emohan..

siguro nga pagod lang ako…

Bukas wala na to..

06
Hun
09

EMBAK

hmmm thanks po sa lahat ng nag greet sa akin… hmm yun mga gusto pang mag send ng birthday pix sa akin pwede pa po…

medyo busy lang si lambing… pero ipopost ko din yun mga naka pag submit… ;)

03
Hun
09

2 days na lang

2 days nalang yun mga piberdei pix nyo pu

hinihintay ko pa..

apat pa lang ang nakapag bigay sa akin…

Ang hirap pala mag kasakit…

ayokong magkasakit…

pero nagkasakit ako….

nang hihina ako mula kagabi pa..

sana gumaling na ako …

kaya send na kayo ng pibertdaypix puleezzzz ;)

25
Abr
09

Last Goodbye?

Naranasan nyo na bang manahimik pagkatapos mag paraya sa isang pag-ibig na hinawakan mo nang mahigpit? Pinahalagahan, ngunit sa di inaasahang pagkakataon kelangan mong mag desisyon na bumitaw na , mag paalam na, magparaya na ..matutunang mabuhay na wala sya. Alisin na sya sa sistema mo ?

At pag katapos mong tanggapin sa sarili mo na may bukas pa para sa isang bigo sa pag ibig tulad ko, nakakuha ng lakas para bumangon muli sa tulong ni Bosing at mga nakapaligid na tao na nagmamahal sayo.. muli sa di inaasahang pagkakataon.. magpaparamdam sayo?

Watta?? Nagparaya na nga ako eh, nanahimik na rin, pakialam ko ba sayo?? bakit ba kelangan mo pa magtanong sa akin? Close pa ba tayo???? Buti naman sana kung hindi panloloko ang dahilan ng paghihiwalay natin.. tapos nakiki friend ka dyan! Magtatanong ka pa ng walang ka kwenta kwentang bagay para lang mag karoon tayo ng komunikasyon.. utang ng loob… masakit pa rin .. may kumukurot pa rin sa puso ko.. sabi ko noon magiging masaya ako para sayo.. kung ano man maging desisyon mo.. kung ang mga pangarap ko mangyari sayo at hindi sa akin.. okey lang basta maging masaya ka lang (plastic si lambing). Gusto ko maiyak, pero bakit ba ako iiyak?? sayang lang luha ko sayo.. E masaya ka na nga.. kitang kita ko.. sinabi mo pa nga na matagal mo nang pangarap maging isang ama.. and finally isang ama ka na nga!!! yepeee! ama ka na.. pero hindi ako ang ina.. ang saya saya diba??

Pinangarap kong maging isang ina noon.. pero ikaw ang naging ama?? Ang gulo ko naman.. Paki batukan nga ako.. nasasaktan pa din kasi ako eh.. hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.. saktan mo ako unti unti lang naman.. hindi ko kayang harapin ka na parang wala lang nangyari.. hindi ako plastic.. nasasaktan ako.. akala ko hindi ako masasaktan pero nasasaktan ako??? ” IT HURTS YOU KNOW! “

Hindi ako angel! Pero bakit pag dating sayo okey lang lahat!!! @!$%$ masakit pa din talaga. Ang hinihiling ko nalang sana wala na akong maramdaman na sakit.. kasi natanggap ko na, na isa kanang ama… ouch! Paano ko ba haharapin itong pagsubok na ito.. ang hinde malungkot habang sinasabi mong masaya ka at ama ka na, na minsan sa buhay ko pinangarap kong mangyari sa atin yan.. Sya pipilitin ko nalang maging masaya para sayo.. napakamanhid mo naman.. sinasaktan mo pa din ako kahit di na tayo.. talo na nga ako eh.. talunan na inapakan pa.. pero ayos lang.. alam ko gagaling din itong sugat na ito..

Sige na huling goodbye ko na ito.. baka mamaya kunin mo pa akong ninang nang anak mo! Sobra ka na..

” ang pag tanggap sa isang kabiguan ay parang isang “pigsa” kelangan magkaroon ka ng lakas na pigain ang namamagang pigsa.. kasi hanggat tinitiis mo ang pamamaga lalong sumasakit ito.. once na piniga mo ang pigsa at pumutok na ito.. nawawala na rin ang sakit.. gagaling na ito. Lakasan lang ng loob yan.. ” – Lambing -




badge

Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

http://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.comhttp://emo.huhiho.com

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

"Wine is a little like love; when the right one comes along, you know it."

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

LAMBING SUPPORTS SARANGGOLA BLOG AWARD

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

award

Mga Nilambing

  • 17,085 ang nagpalambing na

ano sabi ni Lambing??

Anong araw na?

Nobyembre 2009
L M M H B S L
« Okt    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Imbakan