Posts Tagged ‘heart aches

30
Hul
13

Paano nga ba?

Minsan may nagtanong sa akin kung paano mo daw malalaman na mahal mo ang isang tao?

Paano nga ba?

Parang pag inom ko ng kape, alam kong may side effect ito pero mas pinipili ko pa rin inumin ito dahil iyon ang nakakapag pasaya sa akin. Kahit ilang beses kang bawalan ng mga nakapaligid sa iyo mas pipiliin mong maranasan iyong effect na naidudulot sa iyo. Iyong pakiramdam na kada iinumin may pakiramdam na nasasatisfy sa pagkatao mo. Ang lalim no? Hayaan mo na.

Katulad nang pagkahilig ko sa pula,  maraming choices pero sa kulay pula ako mas masaya, mas kumportable, mas na e-excite, mas gumaganda ang araw.

Katulad ng pagkahilig ko sa kanta.. kahit paulit paulit mong pakinggan hindi ka nagsasawa.

Katulad ng pagsusulat, maraming beses kang hihinto, pero babalik at babalik ka pa rin para makapagsulat tulad ngayon.

At higit sa lahat nararamdaman mo.

You feel it.. inulit ko lang para humaba ahek..  Kapag willing kang magsakripisyo ng isang bagay para sa kasiyahan ng isang tao, iyong tipong lahat ng prinsipyo mo nababali dahil lang ayaw mo mawala ang isang tao. Bakit? Dahil nagmamahal ka dahil mahal mo sya. Gusto mo syang protektahan sa lahat ng bagay na pwedeng makasakit sa kanya.

Kapag may kumukurot sa puso tuwing may magbabanta na anytime pwede sya mawala sa iyo, iyong pakiramdam na natatakot kang mawala sya.

Kapag naririnig mo ang boses ng taong iyon nakakapag kumpleto na ng iyong araw, isang text , isang call o kahit magbabad pa kayong mag usap , iyon nalang ang hinihintay mo sa araw araw.

Hindi ka natatakot buksan ang puso mo sa kanya , sabihin lahat ng nararamdaman mo kase alam mo na mahal ka rin nya. Hindi ka natatakot ipakita kung sino ka talaga bubuksan mo ang buong pagkatao mo para sa kanya .

Kapag hindi ka natatakot na sabihin mong mahal mo sya, kahit ano man ang isasagot sa iyo.

Inlove ba ako? Lipas na ako sa mga pa tweetums na iyan. Nag mature na nga siguro ako.. hindi na ako nag babase sa kilig feeling, mas iniisip ko na ngayon iyon kapakanan isang tao. Masasabi kong nagmamahal ako kapag mas pinili kong intindihin sya , ang sitwasyon nya kaysa mga gusto kong mangyari.. higit sa lahat iyong kahit masakit aminin sa sarili kayang kong magparaya ng isang tao gaya ng nakasanayan ko, kung alam ko saan sya mas magiging masaya o ano ang mas ikakabuti nya.

At kaya ko rin ipaglaban ang isang bagay kung alam kong may patutunguhan, kakayaning maghintay. Kakayaning bumitaw kapag kinakailangan.

You can’t stop loving or wanting to love because when its right it’s the best thing in the world. When you’re in a relationship and its good, even if nothing else in your life is right, you feel like your whole world is complete.

Keith Sweat

IKAW? PAANO MO BA MALALAMAN?
09
Abr
12

balang araw..

Ilang beses na ba nangyari sa iyo ito?

Bawat kabanata may kanya kanyang kirot?

Masakit? Sino ba ang hindi nasasaktan?

Namatay ka ba? Hindi naman..

Kaya mag isip ka.. kahit masakit basta hindi nakakamatay

Magiging okey ka..

Isang buntong hininga..

Isang taimtim na panalangin..

Pagluluksa…

Pagpapalaya.. 

Pagpapatawad…

Lalo na sa sarili mo..

Gaya nang lagi mong naririnig…

May bukas pa..

Lahat ng masasakit  na pangyayari  na nararanasan mo ngayon

magiging kwento nalang yan balang araw..

05
Ene
12

the unreachable star

Nakakita ako ng isang bituin

Sa unang tingin ko palang alam kong marami nang matutuwa sa kinang nito

Siguro dahil sa natural nyang ganda kumikislap ito sa karamihan

Napangiti ako, sabi sana mapasaakin yun bituin na yun..

Pero ako mismo sa sarili ko hindi ko mapaniwalaan na mapapasaakin nga yun

Mananatili na lang itong isang pangarap alam ko.

Tititigan ko nalang ito sa malayo, masaya na ako.

Pero may mga pangarap pala na natutupad..

Nakasama ko ang bituin, itinatangi ko ito sa lahat ng mga bituin na nakikita ko

Alam ko iba sya, Kaya laking tuwa ko nalang nang mapasaakin iyon..

Pero isang araw biglang nawala ang bituin..

Umiyak ako, pero alam ko sa sarili ko na makikita ulit ang bituin..

Hanggang sa paglipas ng panahon nakita ko ang bituin mas makinang sa dati…

Naakit nanaman ako, gusto ko nanaman makuha ang bituin ngunit sa pangalawang pagkakataon parang mas mataas ang kinalalagyan nito kaysa dati..

Gusto ko syang abutin.. pero nandun pa rin ang takot ayaw kong mawala ulit ito baka masaktan lang ulit ako.. Pero mas malakas yung nasa puso ko na gusto ko talaga ito kaya kahit natatakot akong abutin iyon naglakas loob ako sa ikalawang pagkakataon..

Kakalimutan ko lahat ng takot, mas ibibigay ko pa ang lahat ng kaya ko ibigay, mas ipakikita ko ang kaya kong iparamdam.

Ang sarap pala sa pakiramdam iyong sundin mo yung tinitibok ng puso mo, wala nang sasarap pa na pakiramdam iyong pagbigyan mo yung nararamdaman mo . Pero bakit ganon ? Iniwan nanaman ako ng bituin ko..

Naiisip ko baka nga iyong bituin na iyon ay sadyang hindi para sa akin..  baka hanggang pangarap lang talaga yun, hanggang panaginip..masakit.. pero tinanggap ko sa sarili ko na hindi nga para saken talaga iyon…

May mga bituin akong nakikita, marahil mas makinang pa nga sa bituin na itinangi ko, pero naduduwag ako, may mga bituin rin naman na binigyan ko ng pansin pero parang kulang yung kasiyahang maibibigay nya sa bandang huli nasaktan din ako, hanggang sa naiisip ko pa rin ang kakaibang kislap ng bituin nasaan na kaya yun?? Pero naisip ko pinakawalan ko na iyon..

Hanggang sa nasilip ko ulit ang kinang nya, natuwa ako at nag krus ulit ang landas namin pero mas natakot kasi ang layo nya lalo. Hindi na ako kasing tapang ng dati.. wala na rin iyong lakas ng loob na bumubuhay saken dati, kasi alam ko na kung paano masaktan, alam ko na kung paano ipaglaban iyon nararamdaman..kaso hindi sa paraang inaasahan ko ang nangyari.

Aminin ko man o hindi may sumisigaw pa din dun sa kaibuturan ng puso ko na gusto ko uli’t masilayan ang kislap na iyon…

Napapaligiran man ako ng mga bituin , sa pagkakalatis ko iyong iba peke ang kinang ang iba naman mas makinang pa sa kanya..

Gusto ko na lumagay sa tahimik, ayoko na rin mabalot sa nakaraan ko pero wala kong makitang sing kinang nya.

Hindi  naman ako naghahanap ng katulad nya… mas may mga mas higit pa nga..

Ang gusto ko lang naman eh maramdaman ulit iyong pakiramdam hindi ako pangunahan ng takot na mawala uli ito sa piling ko, iyon bituin na hindi mawawala sa paningin ko…iyong hindi ako iiwan, kaso sa palagay ko  wala pang ganong bituin..

Hanggang sa binigyan ko ulit ng atensyon ang itinatangi kong bituin.. natuwa , nagkaroon ng kaunting pag-asa baka maiba naman ngayon..  Ang tagal na nang panahon baka may mag bago sa  sagot sa panalangin ko.

Nag hintay ulit akong lumapit sya.. binigyan ko ng panahon… hanggang sa naabot ko ang panahon na inilaan ko sa pag hihintay sa kanya… binale wala ko ang ibang bituin dahil hinihintay ko sya.. pero napagod ako sa kakatingala.. ang lapit na nya pero parang malayo pa rin.. ginawa ko na lahat ng paraan para mapansin nya ako pero parang hangin lang ako…. kelan ba ako magiging sapat para sa kanya? Nakakapagod na… Ano pa ba ang gusto nya marinig? Na hoy UNGAS! mahal na mahal pa rin kita bakit hindi mo maramdaman iyon? Naghihintay pa rin ako sayo pero ayokong magmukhang tanga pero eto ako… naghihintay sa wala.. hinihintay mo pa na ligawan kita?? Hindi ako marunong man ligaw pero marunong akong mag blog.. kaya heto… nagbabakasakali ulit.. pero kung talagang wala na talaga.. hahayaan ko nalang baka nga hindi talaga pwede ipilit..

Sana madali lang ang lahat… alam ko namang sapat na ako. Alam kong sapat na ako para mahalin… Nasa iyo lang ang problema. Masakit lang… pakawalan ka ulit gayong hindi ka naman na akin.. hindi na kita maramdaman.. nauubos na rin ang pag – asa ko.. baka mali ulit ako ng nararamdaman ko.. at kelangan ko na magising na kahit kailan ang bituin ay hindi kailan man maaabot ng isang ordinaryong tao tulad ko.

I’ve always been hurt by the one I love. Always been loved by the person I don’t. The hard thing here is even though I tried to choose the one who loves me; still my heart belongs to the person who hurts me.

19
Okt
11

Sagot sa tanong na… bakit single ka pa girl?

Isa ka ba dun sa mga nagpagtatanungan palagi kung kamusta na ang lovelife mo? Bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend? Asawa? Habang Lahat ng mga ka klase , kapit bahay, mas batang pinsan, kapatid , ex boyfriend eh may kanya kanya nang pamilya. Samantalang ikaw eh walang maisagot sa bawat tanong nila. What happen to you? Hanggang ngayon ba naman eh choosy ka pa rin? You’re running out of time my dear baka sumara na lahat ng dapat sumara sayo. Huli ka na sa byahe. Mga ganon comments.

For all I care!!!! Wa ako care!!! Wala nga ba talaga? Hmmmm empre meron.. kapag nag iisa ka nalang at nag mumuni muni tatanungin mo rin yan sa sarili mo.. why o why bakit nga ba o bakit hanggang ngayon eh hindi pa nasusungkit ang iyong pusong bato ? Pusong bato ka ba? Ennnngggg ( katunog ng buzzer pag mali ang sagot) Manhid ka ba? ENGGGG!!!! ( parang pareho lang naman yun) Picky ka ba? Enngggg! uli… Choosy ka ba???? Enggggg! (Hindi ako choosy juicy ako juicy!)  Ang chappy mo naman… ( hindi ako chappy .. chubby ako chubby!! )

Oweno ba talaga ang problema bakit singol ka pa rin???  Meron din naman ibat ibang dahilan kung bakit single pa kami.. siguro yung iba may dahilan baka…

  • May trauma na sa pagiging sawi. Sobrang nasaktan sa huling relasyon kaya naduduwag sumubok ulet.. thinking na mauulit lang ulit yun,dahil sa sobrang sakit na naranasan nya.
  • Siguro dahil sa hirap ng buhay ngayon , naisip nya mahirap mag pamilya, paano na yung mga magiging anak ko? Takot sa responsibilidad.
  • Galing sa broken family… siguro natakot sya kase nakita nya yun hindi magandang nangyari sa relasyon ng magulang nya kaya ayaw nya matulad dun. Hindi naman sa ayaw nya magkapamilya gusto nya lang wag maulet sa kanya yun nangyari sa magulang nya kaya sya nag seset ng standards.
  • Siguro dahil Masaya naman na sya sa buhay nya , kontento na sya dahil maraming nag mamahal sa kanyang kaibigan mga kamag anak, may sarili syang career kaya hindi sya nag aalala na kahit na walang lalaki sa tabi nya kaya nyang mabuhay dahil kumikita naman sya .
  • Baka may hinihintay? Bakit mag hihintay? Siguro dahil doon tumibok yun puso nya ,kahit nasaktan sya nito ng sobra sobra eh hindi na nya kayang ipagkatiwala ulet yun puso nya sa panibagong mang iibig kaya nag I stick sya dun sa taong kahit nasaktan sya nito eh alam nya na mahal nya eto, takot sya na magtiwala ulet sa ibang tao kasi paano kung saktan din sya nito di ang dami na nakasakit sa kanya? Tama na ang isa, dalawa, pangatlo eh too much na yun.. Napapagod din kami.

Pero lahat naman yan eh nadadaan sa mabuting usapan, pwede pa rin kami masungkit kahit may mga dahilan kami kung bakit kami single..  Kailangan lang siguro Makita naming yun qualities na hinahanap namin sa isang lalaki. Siguro nga Kaduwagan lahat ng dahilan sa itaas pero pwede din naman maalis ang takot namin kapag may isang tapat na mag aalis lahat ng takot na nararamdaman naming at magpapatunay na hindi lahat ng kinakatakutan mo eh magkakatotoo meron ding happy ending at the right time at sa tamang tao. Pero bago kami mag tiwala syempre kailangan muna may qualitities sila sa mga listahan namin.. You heard it right .. may listahan kami…

Hindi naman sa pihikan kaming mga babae, meron lang talaga kaming mga listahan , checklist  , standards para masungkit ang iniingatan naming mga puuuusooo…  Alam lang naming talaga kung ano yung hinahanap namin.. eto ang sampol…

  • May itsura ba? ( Empre lahat naman ng tao unang tumitingin sa physical appearance… No one falls inlove agad sa character unang tinitignan eh yung unang lumilitaw.. Mukha.. kahit hindi gwapo basta maginoo at hindi bastos… So ano ang gusto ko mangyari? Hindi rin masyadong mahalaga ang appearance samen,  kaya  kung your running out of time babaan mo na yung standards mo kung may itsura ba kunwari kung 1-10 kahit 4-5 patusin mo na… ok ok  kaming mga babae hindi basta basta bumibigay , kahit gwapo ka kung mayabang ka naman eh major turn off yun.
  • Responsable ba? Eh kung sugalero, at madami kang bisyo , alak. Sigarilyo, babae hay nako….. Para lang kami kumuha ng batong ipopokpok namin sa ulo . Di mas magandang mag isa nalang kaysa mangunsumi ka sa lalaking ito. Pero kung nakita mo naman na responsible aba eh dagdag pogi points yun..
  • Gwapo (optional)
  • Polite
  • May dimples
  • Maganda ang ngipin
  • Matangos ang ilong
  • May sense of humor
  • Talented
  • Responsible
  • Matalino
  • Maginoo pero medyo bastos ( ayaw namin ng binabastos agad… mag paka ginoo ka muna)
  • Father material
  • Marunong magluto
  • Matangkad
  • Mahilig sa Music
  • Humble
  • Sweet
  • Maalaga

….. at marami pang iba…

Yung iba napakahaba ng listahan… pero sabi nga if your running out of time aba eh lower your standards… yang haba ng listahan mo eh minsan mauuwi nalang yan sa 5

  1. Kung nararamdaman naming na mahal kami kahit wala ka pang itsura
  2. Kung secure kami sayo winner ka tsong…
  3. Kung napapatawa mo kami another pogi points
  4. Kung pareho kayo ng interest hobbies para walang dull moment
  5. Kung pareho kami ng paniniwala… relihiyon.. malaking point din ito kasi kung ang hanap mo eh magiging partner kailangan talaga pareho kayo ng pananampalataya para hindi mo na kailangan magaya kay supsup na sumagot kung sino ang pipiliin God o Sya … dapat pareho kayong may God. Yowwwnnnn…
  6. Kung pareho kayo ng level ng pag iisip… o mas maganda mas mataas sya… mapaguusapan kayo at hindi magiging boring.. dahil kung hindi kayo magkakaunawaan eh nakaka disappoint lang yun.

Kaya kung etong mga qualities na ito meron sa listahan naming eh malamang masungkit din ang tinatawag nilang pusong bato. Kaya kapag tinatanong ka ng mga echoserang frog na naawa sayo kung bakit ka pa single hanggang ngayon?  Huwag kang ma stress…  Nakakabawas ba ng pag katao ang pagiging single? Nakakapangit ba? Tingin ba nila eh may kapansanan ka?  May kulang sayo? Miserable ka ba????

HINDI NO!!!!

Being single doesn’t mean that you are unloved, unwanted, unhappy, or unappreciated. In the end, it’s wiser to be single, than in the wrong relationship.

CHECKLIST  VS. CHUVACHUCHOOO?

Alam mo lang kung ano yung talagang gusto mo, at alam mong kapag hinintay mo yun mga nasa listahan mo hindi man kumpleto alam mo sa sarili mong magiging Masaya ka sa mga choices mo. . after all checklist lang naman yan at kapag ang puso ay tumibok kiber din sa checklist checklist nay an ang mahalaga pa rin eh yung nararamdaman mo…chuvachoochooooo wins!

Women need to value themselves more and see that it is better to choose wisely than to waste time with the one they settled for. If they are patient and choose wisely, they will be rewarded.

01
Set
11

kumokompose

Minsan nagbababad ako sa facebook na pakinggan ko yung version ni madi jane sa kanta ng  script na breakeven.. natuwa ako kasi medyo naaabot ko yung tono nya kaya pinag aralan ko yung kanta.. medyo may isang stanza akong hindi gusto kasi sabi “Just prayed to god but i dont believe in” ayaw ko ng lyrics kaya naiisip kong palitan ang nalang.. hindi pa rin ako mapalagay gusto ko na sya tagalugin para masarap kantahin habang bumibirit :lol:

Kaya heto kumokompose ang lambing subok lang ;)

 

TAGALOG VERSION

Minsan Hindi Patas

Em                      D                  G   Am7

Buhay nga ako, ngunit puso’y manhid na

Em              D

G   Am7

Sadyang ganyan kapag puso ay nasasaktan

Em               D           G

Bigo ako habang siya’y malaya

Em                        D

G   Am7

Bakit ba sa kabiguan parang lahat hindi patas..

 

Em                D          G       Am7

Masayang araw nya’y kabiguan ko

G     Am7

Nakahanap na sya ng taong uunahin sya

Em                      D

G    Am7

Habang ako’y puyat sya ay natutulog

G   Am7

G   Am7

Bakit ba sa kabiguan parang lahat hindi patas..

C         G                       D                   Em

 

Anong aking gagawin kung ang lahat sa akin ay ikaw… at

 

D                  Em

Anong masasabi ko, kung nasasaktan ako pero ikaw hinde

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan … yeah

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan

Em   D   G   Am7

 

 

Em                    D              G   Am7

Lahat daw ng kabiguan,  may dahilan

Em                  D

G    Am7

Ngunit tila walang gamot saking pagdurugo

Em                   D

G      Am7

Masaya na sya heto ako’t nagdurusa

Em                        D

G   Am7

Bakit ba sa kabiguan lahat ay hindi pantas..

Anong aking gagawin kung ang lahat sa akin ay ikaw… at

 

D                  Em

Anong masasabi ko, habang nasasaktan ako pero ika’y hindi

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan … yeah

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan

Em   D   G   Am7

Ako ay nasasaktan … yeah

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan

Em   D   G   Am7

Em   D    G    Am7 (x2)

 

 

D

Pinaglaban kita ngunit pinili mo sya

G                       Am7

Nilayuan mo ako at iniwang bigo

Em                       D          G

Ngayo’y bumabangon sa konting lakas ohhhh

Am7

Minahal kita, pero sinaktan mo lang ako

 

G   Am7

Buhay nga ako, ngunit puso’y manhid na

Em              D

G   Am7

Sadyang ganyan kapag puso ay nasasaktan

Em               D           G

Bigo ako habang siya’y malaya

Em                        D

G   Am7

Bakit ba sa kabiguan parang lahat hindi patas..

 

 

Yown oh … ala lang

20
Hul
11

SANA MERON AKO NG DI KA NAWALA SA PILING KO”

Binibigyan ko ng space sa blog ko ang letter ni Bry, Sa mga gusto mo mag advice open ang blog ko . Tulungan po naten ang letter sender.

SANA MERON AKO NG DI KA NAWALA SA PILING KO”

isa po akong sawing tao sa larangan ng pag-ibig na nag nanais magsulat sa blog na ito para kahit paano mailabas ko ang hinanakit ng damdamin ko at upang makahingi ng payo sa mga taong gusto magbigay ng payo…………

, ,umalis ako dec 13 2008, na nangarap makapag trabaho dito sa ibang bansa nagsumikap na makaahon sa buhay sa kabila ng,, may pag asa na darating kahit pa anong hirap na danasin sa lugar na narating,, palagi kong sinasabi darating din ako at matatapos din ang araw na paghihirap,,pagtitiis,,at pagtitiyaga,,, at muli ay magkakasama na tayo ,,, …

may naging live in partner po ako at nagkaroon kmi ng isang anak….sa 7yrs naming pagsasama akala ko na wala ng katapusan ang ligayang nadaramana nandiyan siya na nagpapalakas ng loob ko “hihintayin kita hanggang pagbalik mo”,,”,mahal na mahal kita ikaw lang ang mamahalain ko habanga buhay ko” mga pangako niya sa akin na inasam ko,, palagi siyang nandiyan kapag may problema ako ,, nandiyan lang siya para sabihin wag kang mag alala matatapos din yan lagi mong tandaan na kapag may problema nandiyan palagi ang sulosyon at ,wag kang panghinaan ng loob at may bukas pa,,dahil sa kanya umikot ang mundo ko,,.nandinyan ang anak ko na siyang naging bunga ng pagmamahalan namin at higit sa lahat siya na siyang minahal ko ng buong buhay ko……..

pitong taon niya akong napagtiisan at na kasama kahit pa sa hirap at ginhawa kinaya niya,,akala ko ,, . noon ayos na dahil plinano ko ng pakasalan siya.. pag umuwi ako..sa dalawang taon na pag kawala ko sa atin sa pinas di ko lubos na isip na magkakaroon pa siya ng ugnayan sa iba dahil kung ako lang sapat na para sa kanya, masayahin akong tao..mapagmahal…maunawain…walang bisyo at higit sa lahat may takot sa diyos..lahat na siguro ng katangian na hinahanap niya nasa akin na,wag lang ang kayamanang materyal dahil alam kung un ang wala sa akin,,aaminin ko ang kayaman lang na pwede kung maipagmalaki ay ang kayaman na nasa puso ko kahit kaylan di ito matutumbasan

..simpleng bagay lang ikinasisiya ko mababaw lang ang kaligayahan ko pero marunong akong makuntento kung anong meron ako…..di ako mapaghanap na tao,,yun ang katauhan na meron ako ,,

sabi ko may anak na din kami at di na siya gagawa pa ng ikakasira ng samahan namin,pero marami na akong mga balita sa pinas na di maganda tungkol sa kanya,,, pinabayaan kulang yun mga un sapagkat may tiwala ako sa kanya,.ng umuwi ako last january 01,2011 at kumprontahin ko siya,, siya na mismo ang nagsabi sa akin na di na siya masaya sa akin at may iba na siyang mahal masakit na malaman ang totoo…sinayang niya bakit ganon

Nandiyan na nga ung inuunawa ko siya na kahit kasalanan niya,,iniintindi ko siya ,, nagpapakatanga kahit na masakit pa tinatanggap ko pagkat mahal ko siya,pagtitiis na kahit pinahihirapan na ako nanatili pa rin akong matatag pagkat mahal ko siya,,,pero lahat pala talaga ay may magiging hangganan kahit pa anong tatag ng isang taong nagmamahal sumusuko parin,, ang pinakamasakit sa lahat ang magparaya ka na kahit mahal mo siya ,,, upang di ka magmukhang tanga na kahit mahal mopa siya hahayaan mo nalang na mkawala siya,dahil yun ang gusto niya,,paano kapaba magiging masaya kung may taong nagpapasaya sa kanya may taong mas malapit na sa puso niya sa kabila ng pangungulila niya sayo dahil malayo ka kaya niya nagawa ito sapat ba itong dahilan niya para magmahal sa iba,,,,, di naman ako nagkulang sa pagmamahal halos down to earth na ang ginawa ko pero kulang pa din sa kanya..sa sobrang sama ng loob ko ng malaman ko un halos ikamatay ko ang mga pangyayari dahil sa di ko matanggap..,,,kung kelan ako ay nagmahal ng totoo kung kailan lahat ng pinangarap ko ay ang makasama sila habang buhay ng anak ko..gumawa ako ng paraan paano sulosyunan ang mga pangyayari pero wala din nangyari sa bandang huli ako parin ang nasaktan.kaya nagdesisyon akong bumalik sa ibang bansa at tuluyan kung kalimutan ang masamang nangyari sa aking buhay dala ko ang pangarap ko ng umuwi ako pero sa nangyari parang ayaw konang mabuhay pang muli SANA di ko nalang siya nakilala SANA di ako nagmahal ng sobra SANA nagtira ako para sa sarili ko SANA andaming SANA sa buhay ko,,, dahil sa sariwa pa ang sugat na nangyari sa kin.sa totoo lang mapagkunwari ako sa kabila ng nangyari sa akin .NAKAKATAWA ako na akala mo wala lang,, nagbibigay ng mabuting payo sa mga taong naging katulad ng pangyayari ng buhay ko pero ako sa kaoloban ko pUrO sama ng loob ang nandito lumuluha nalang ako sa isang sulok pag naalala ko ang mga nangyari sa akin.sapagkat sa luha ko dito lang lumuluwag ang damdamin ko bawat patak ng luha ko ay sumisimbulo sa tunay na pagmamahal ko sa isang babaeng nagawang ipagpalit ako,,,,pinilit kung maging perpekto para maging maligaya siya pero sadyang ang kapalaran ko,,,.masasabi kung kahit kailan di ko siya makakalimutan dahil siya parin ang ina ng aming anak……… kahit kailan nabago man ang mundo niyang ginagalawan may araw parin at magku krus ang landas namin…….na sana maging Masaya siya at mas higitan pa ng taong mahal niya ang pagmamahal na binigay ko sa kanya…………SANA………………..

Kung maibabalik kulang ang panahon,,, yun ay ang di ko na aasamin na umalis pa para bantayan SIYA………………………………………………………………………

BRY,,,,,,,,,,,,,,,

**********************************************************************

Sa pagmamahalan hindi batayan kung meron ka o wala. Ang mahalaga dyan ay ang katapatan na binitiwan nyo sa isat-isa. Kasama sa pagmamahal ang patience.. Wala akong karanasan sa ganyan sitwasyon dahil wala pa akong asawa. Pero tulad mo nag mahal din ako. Lahat naman ng tao ang gusto ay magmahal at mahalin. Pero minsan mali nga lang yung paraan ng pagmamahal natin. Hindi masama mag mahal pero kailangan alam natin yun limitasyon naten huwag nating gawin pundasyon yun object of love naten bagkus gawin mong pundasyon ng pagmamahal nyo ay ang Panginoon.  Kasi kita mo ha.. walang tayong katiyakan na magtatagal at hindi magbabago yung minamahal naten pero ang pagmamahal ng Dyos ay hindi magbabago panghawakan mo yan.  

Huwag mong sisihin yung katayuan mo sa buhay na kung sana meron ako… dahil hindi ikaw ang may problema … sya.. hindi nya kaya mag tiis at tanggapin ka kung anong meron ka. Ginawa mo naman na pala ang lahat so wala ka nang kailangan pang gawin . Kailangan mo nalang na tanggapin na mali ka ng minahal. Maswerte sya at may isang katulad mo. Kaya wag mo sisihin ang sarili mo sa ganyang bagay.. Be strong at yung great foundation ang dapat mong sandigan yun ay si Lord.. Pray always.. na maging ok ka na. Kasi ganyan ang ginagawa ko, kapag nasasaktan ako. 


There are some things that are far beyond our control, and you have to accept the cold harsh truth that the people you can’t live without, can live without you…

Lambing

16
Abr
11

yung kinatatakutan ko

Sabi nila past is past. Huwag ka na lumingon sa kahapon, kung paano ka nasaktan , ano man ang nangyari sa nakalipas. Pinilit kong kalimutan lahat ng masasamang nangyari, pero bakit hinahabol pa din ako ng nakaraan?

Gusto ko lang naman huminto na dahil sabi nga nila hindi naman hihinto ang pag ikot ng mundo kahit pa ubusin mo ang luha mo. Hindi lahat ng nararamdaman mo pwedeng maramdaman nang nakapaligid sayo.

Pero bakit ganon sa kakatakbo ko nasalubong ko nanaman yung iniiwasan ko? Ayoko ng ganitong pakiramdam. Yun maalala mo lahat lahat ng pinagdaanan mo at kung paanong hanggang ngayon nararamdaman mo pa rin yun matagal mo nang pinipilit ibaon sa limot? Kung paano ka lumaban , sumugod ka sa hamon, subukan tumayo uli sa pagkakadapa mo… at pag kalipas ng araw biglang naisip mo bakit may kurot pa rin?

Yung maalala mo kung paano may kumalinga sayo pagkatapos ng pagkadapa mo, kung paano umasa ka na mababago na ang lahat dahil meron pang nagpapahalaga sayo.. Pero paano kung pati ang nagpapahalaga na iyon ay magbago rin? Saan ka pupulutin?

Nakita ko na.. kahit mahirap ,kahit  masakit , kahit parang sinusuntok ang puso mo sa ikalawang pagkakataon, bakit ka tatakbo? Bakit hindi mo harapin ang pag iisa? Siguro hindi naman habang buhay kang nag iisa.. oo sa una malungkot parang napakahirap na sa dinami dami ng tao sa mundo wala ka manlang makasama.

Pero ganon talaga ang buhay… hindi lahat ng bagay kailangan takbuhan.. minsan kailangan mo rin magpakatatag , harapin yung humahabol sayo..tumayo sa sarili mong paa, baka sakali wala kang ibang taong sisihin bakit hanggang ngayon malungkot ka pa rin at nag iisa.




Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 318,612 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2014
L M M H B S L
« Hun    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 136 other followers


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 136 other followers