Tag Archive | relationships

balang araw..

Ilang beses na ba nangyari sa iyo ito?

Bawat kabanata may kanya kanyang kirot?

Masakit? Sino ba ang hindi nasasaktan?

Namatay ka ba? Hindi naman..

Kaya mag isip ka.. kahit masakit basta hindi nakakamatay

Magiging okey ka..

Isang buntong hininga..

Isang taimtim na panalangin..

Pagluluksa…

Pagpapalaya.. 

Pagpapatawad…

Lalo na sa sarili mo..

Gaya nang lagi mong naririnig…

May bukas pa..

Lahat ng masasakit  na pangyayari  na nararanasan mo ngayon

magiging kwento nalang yan balang araw..

kumokompose

Minsan nagbababad ako sa facebook na pakinggan ko yung version ni madi jane sa kanta ng  script na breakeven.. natuwa ako kasi medyo naaabot ko yung tono nya kaya pinag aralan ko yung kanta.. medyo may isang stanza akong hindi gusto kasi sabi “Just prayed to god but i dont believe in” ayaw ko ng lyrics kaya naiisip kong palitan ang nalang.. hindi pa rin ako mapalagay gusto ko na sya tagalugin para masarap kantahin habang bumibirit :lol:

Kaya heto kumokompose ang lambing subok lang ;)

 

TAGALOG VERSION

Minsan Hindi Patas

Em                      D                  G   Am7

Buhay nga ako, ngunit puso’y manhid na

Em              D

G   Am7

Sadyang ganyan kapag puso ay nasasaktan

Em               D           G

Bigo ako habang siya’y malaya

Em                        D

G   Am7

Bakit ba sa kabiguan parang lahat hindi patas..

 

Em                D          G       Am7

Masayang araw nya’y kabiguan ko

G     Am7

Nakahanap na sya ng taong uunahin sya

Em                      D

G    Am7

Habang ako’y puyat sya ay natutulog

G   Am7

G   Am7

Bakit ba sa kabiguan parang lahat hindi patas..

C         G                       D                   Em

 

Anong aking gagawin kung ang lahat sa akin ay ikaw… at

 

D                  Em

Anong masasabi ko, kung nasasaktan ako pero ikaw hinde

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan … yeah

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan

Em   D   G   Am7

 

 

Em                    D              G   Am7

Lahat daw ng kabiguan,  may dahilan

Em                  D

G    Am7

Ngunit tila walang gamot saking pagdurugo

Em                   D

G      Am7

Masaya na sya heto ako’t nagdurusa

Em                        D

G   Am7

Bakit ba sa kabiguan lahat ay hindi pantas..

Anong aking gagawin kung ang lahat sa akin ay ikaw… at

 

D                  Em

Anong masasabi ko, habang nasasaktan ako pero ika’y hindi

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan … yeah

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan

Em   D   G   Am7

Ako ay nasasaktan … yeah

C   G          D  Em

Ako ay nasasaktan

Em   D   G   Am7

Em   D    G    Am7 (x2)

 

 

D

Pinaglaban kita ngunit pinili mo sya

G                       Am7

Nilayuan mo ako at iniwang bigo

Em                       D          G

Ngayo’y bumabangon sa konting lakas ohhhh

Am7

Minahal kita, pero sinaktan mo lang ako

 

G   Am7

Buhay nga ako, ngunit puso’y manhid na

Em              D

G   Am7

Sadyang ganyan kapag puso ay nasasaktan

Em               D           G

Bigo ako habang siya’y malaya

Em                        D

G   Am7

Bakit ba sa kabiguan parang lahat hindi patas..

 

 

Yown oh … ala lang

love story ♥

Kung magsusulat kaya ako ng love story ko ano kaya kalalabasan ng kwento ng pag ibig ko. Minsan kasi ang daming intresado malaman ang love story ko eh. Kapag may nag tatanong ang isinasagot ko ay in the making pa lang, wala pang cast, wala pang ka love team yun mga nauna nag backout, ang iba naman nasulot na para gumanap sa love story ng iba. Parang ang dami no? Eh nakakatatlo pa lang naman ako :) )

Yung iba naman akala mo yun na kasi ang ganda ng umpisa halos ayaw mo na nga tapusin kasi ang ganda talaga pang best seller ang story kaso nga lang hindi pwede. Wala naman love story na nag iisa diba? Dapat kwento nyo talagang dalawa at walang ibang kahalo. Pero ganon pa man… ang mahalaga kung paano mo naramdaman na mahalin ka ng taong iyon kahit walang tawag sa relasyon nyo.. iyung pahalagahan ka lang masasabi mo na enough na kahit walang happy ending at least naranasan ko mapabilang sa cast o pinagpipilian mong  makasama sa love story ng buhay nya.

Pero sa kwento ng pag – ibig mahalaga ba talaga ang happy ending? Para saken naman kwentong pag-ibig pa rin naman kahit hindi mo nakatuluyan yung taong minahal mo.

Ang mahalaga naramdaman mo yung sinasabing pag-ibig. Kahit sandali lang yun, Ibig sabihin marunong kang magmahal hindi ka bato. Kahit na sa dinami dami ng take at drafts para lang makagawa ng magandang love story eh hindi ka pa rin makabuo, malay mo bukas makita mo na yung tamang cast para makagawa ng bago at mas magandang love story. Tyaga lang sa paghihintay huwag manawa, huwag rin mapagod maghintay.. kasi yun magagandang love story pinag iisipan ng mabuti, pinaghahandaan yan kailangan ng panahon.

Eh ilang panahon na nga ba ang lumipas? lipas na nga ba ang panahon ko para makabuo? Tingin ko naman hindi haha. Sana lang dumating na, kasi medyo nakakangawit na rin sa terminal. Pero ayus lang ineenjoy ko muna mag isa para kapag dumating na si ka love team mas focus na ako sa kanya. Yun yun eh..

ty’ one – ilang taon na ba ako?

Life is a learning process … lahat ng pinagdaraan natin sa buhay mabuti man o hindi ay nakakatulong sa pag hulma sa atin bilang isang mature individual. Kaya siguro yung iba  sa taon  nagbabase kung marami na tayo natutunan sa buhay.  Sa T’ one taong existence ko sa mundo ano ano nga ba ang natutunan ko?

  1. Seek first the kingdom of God and his righteousness and all of these things will be added unto you.. Yan ang motto ko sa buhay.. unahin si Bosing sa lahat ng bagay.. kasi kapag inuuna mo sya ang pagpapala ay patuloy na dadaloy sa buhay mo.. parang madali no? Pero minsan naiisantabi ko sya kasi mas marami akong inuuna kaysa sa kanya.. siguro itinuturo lang nya na if I trust Him to work in my life ..sya magpupuno sa lahat ng kakulangan ko sa buhay.
  2. Be greatful- Kapag marunong tayo magpasalamat sa lahat ng bagay na tinatamasa natin, katulad ng pag gising mo sa umaga o  ultimo sa pinakamaliit na bagay , hindi ka mawawalan ng pagpapala dahil ang pag hinga ay isa nang pagpapala. Kapag marunong tayong magpasalamat lahat ng bagay ay magiging madali. 
  3. Contentment – Kapatid ng gratitude , kailangan natin i appreciate kung anong meron sa atin, kapag may contentment tayo hindi na tayo maghahanap ng iba lalo na yung hindi natin kayang abutin.. minsan nasa harap na natin dipa natin nakikita kaya matutong makontento kung anong meron tayo. 
  4. Learn to forgive -if we know how to forgive life will become easy, less worries, less anger, less stress. Kung hindi tayo marunong magpatawad madadagdagan lang ang mga burdens mo , isa pa yun na dadalin natin sa buhay natin.. bakit hindi naten i release ang nagpapabigat na yan para maging magaan ang buhay.. inhale exhale…
  5. Love , love, love- walang lambing kung walang love, hindi pa rin ako susuko magmahal.. mabigo man palagi andun pa rin ang pag asa ko na mahahanap ko rin ang true love ko at hindi ako mapapagod magmahal pwede ba sigurong mainip kaya pls lang dumating ka na.. Yun nga lang dapat wag nang choosy :) Sabi nga ni shakespear “When you start caring for yourself , you start loving somebody, but when you start caring about others , somebody starts loving you…”  ;)  
  6. Share your blessings… Minsan may nagtanong saken..

Sya: ang love ba ay blessing?

Ako: oo naman..

Sya: I love you.. gusto ko i share ito sayo..

Share your blessings pera man yan , talent, kaalaman o pagmamahal dapat huwag mo yan ipinagdadamot kasi naniniwala ako na lahat ng isini share naten eh babalik sayo in due time ;)

  • Learn how to say sorry..
  • Don’t over commit yourself sa work kasi hindi mo boyfriend o asawa ang boss mo , kapag namatay ka sa katatrabaho aabuluyan ka lang ng kumpanya mo, kinabukasan mag ha hire na sila ng kapalit mo…
  • Be happy always..  ” we fail to be happy because we are not satisfied with who and what we have. Do not hold on to someone or something that would never be yours; Do not fight for something not worth fighting for; Do not cry for someone or something lost, gone or irretrievable; Learn to appreciate whoever and whatever you have.. Happiness is a mere construct of mind  every one can be HAPPY as long as  we really want to be :)

Kaya kung may mga taong malaga sa akin na hinintay ko para batiin ako nakalimutan man o hindi talaga ako binati i can always be happy kasi mas marami yun kapalit na pagbati saken anong karapatan ko para malungkot diba?

Salamat pala dito-–>  sir bon

Sa lahat po ng bumati at nakisaya sa kaarawan ko , sa mga bumati sa fb, tumawag,  sa mga kumanta, nag bigay ng ayskrim, nagluto , kumiss, yumakap salamat po .. napasaya nyo ako sa kaarawan ko ….

dahil si lambing…

LAMBING LANG DIN ANG KATAPAT!

si lambing, si tonette at ang kidlat

Sabi nila laughter is the best medicine . Siguro nga totoo ito, kahit sankatutak ang problema mo kailangan bigyan mo yun sarili mo ng oras para maging masaya. Yun tipong kahit konting bagay lang eh tinatawanan mo. Ganyan ako dati masayahin hanggang ngayon naman eh ang kaso lang pili lang yung taong nakakapag pasaya saken.

Ewan ko lang kung choosy langba talaga ako. E kasi naman mararamdaman mo naman sa tao yun kung sincere ba sya talaga para mapasaya ka. Kaya nga dapat kung malungkot ka sa buhay mo bigyan mo ng pagkakataon yun ibang taong nakapaligid sayo para mapasaya ka. Huwag sa iisang tao ka lang dumepende para ka sumaya, kasi pag nagkataon na hindi kana kayang pasayahin ng taong inaasahan mo may iba ka pang option para sumaya.

Nakahanap ako ng bagong clown. Ang sarap talaga kasama ng mga masayahin kasi pati ikaw nadadala sa saya nila. Kahit pagod ako sa trabaho andyan sila para i cheer up yung tipong patutugtugin yun paborito kong music paulit ulit hanggang sa ako na ang sumuko para sabihing tama na! O kaya naman marinig mo yun lutong ng tawa habang ikaw yung nagpapatawa. Ang saya nakahanap lang kaya ako ng katulad kong baliw?

Masaya na ang lambing sa work place nya kasi hindi na sya mag isa umuwi kung gabi, hindi na rin sya mag aalala habulin ng aso dahil kung sakali man may kasama syang tumakbo sakaling harangin man sya ng mga aso sa daan.

Gaya ng inaasahan ginabi nanaman kami sa pag uwi at dahil gabi na inaya ko si tonette mag gabihan sa amin kaya lang habang kumakain kami umulan ng paglakas lakas kaya pinatila na muna namin ang ulan bago ko sya ihatid. Nang humina ang ulan hinatid ko na sya sa kanto at habang naglalakad kami biglang kumidlat ng malakas..

nagtataka ako kay tonette bakit hindi mapakali at nagtatago sa akin yun pala takot din sya sa kidlat  at pula pa pala yun payong namin :lol: kaya sa tuwing kumikidlat hinaharang ako ni tonette sa liwanag wata sabi ko ok lang dalawa naman kami matututong kung sakali pero nakasakay na sya ng tricycle kaya mag isa na ako umuwi pabalik sa amin sabay kumidlat ulit kulang nalang itapon ko na yun pulang payong ko ..  napaisip tuloy ako kung kailangan ba sa lahat ng oras favorite color ko ang red?

Laughter is a tranquilizer with no side effects.  ~Arnold Glasow

“One Last Cry”

I love you.

I love you not because you’re adorable or because you’re sweet, or because you’re my best friend.

I love you because you make me step outside myself & look at who I really am.

You make me want to be a better person, just because you are who you are.

I can tell you absolutely everything, & I know you will listen.

And you’re one of my best friends,

but I’ll keep all of this to myself because I love you & because you don’t feel the same way.

I wish that I could make you love me, but I can’t.

That’s why these words will be forever lost in my memories & never to be spoken aloud.

I love you..

Sometimes you love something so much that it hurts to leave it, but you must. Sometimes it hurts too much to hold on to that thing you love. And sometimes you let go of what you love because it hurts.

Its not easy to just let go of the feeling..
but i have to…
Because sometimes you don’t need strength to let go of something.
What you really need is understanding.

My shattered dreams and broken heart
Are mending on the shelf
I saw you holding hands
Standing close to someone else
Now I sit all alone
Wishing all my feelings was gone
I gave my best to you
Nothing for me to do
But have one last cry

[Chorus:]
One last cry
Before I leave it all behind
I gotta put you out of my mind this time
Stop living a lie
I guess I’m down to my last cry

Cry…..

I was here
You were there
Guess we never could agree
While the sun shines on you
I need some love to rain on me
Still I sit all alone
Wishing all my feelings was gone
Gotta get over you
Nothing for me to do
But have one last cry

I know I gotta be strong
Cause round me life goes on and on
And on ….
And on ….

I guess I’m down…
To my last cry…

“Letting go doesn’t mean we don’t care. It doesn’t mean we shut down. Letting go means we stop trying to force outcomes and make people behave. It means we give up resistance to the way things are, for the moment. It means we stop trying to do the impossible – controlling that which we cannot – and instead, focus on what is possible – which usually means taking care of ourselves. And that we do this in gentleness, kindness, and love, as much as possible.”
— Melody Beattie-_

inlove nga ba ako?

Am i inlove? or am i just inlove in the idea of being inlove?

what are the symptoms?

  • no i cant stay up till your next to me (insomia)
  • para kanino ako bumabangon sa umaga? sagot para sa kape? bakit kape? kasi ikaw ang kape ng buhay ko :) Oo na sinungaling ako nun sinabi kong hindi ko alam para kanino ako gumigising.
  • i cant stop thinking of you.. 24/7 every minute every hour every second (addicted ) at habang tina type ko ito oo empre ikaw nasa isip ko
  • a voice call from you takes my sickness away oh yeah
  • i stay up late at night waiting a text from you
  • i always get jealous
  • i cried a million times

Bakit ko nararamdaman lahat ng ito? because you

  • you make me feel special
  • you make smile
  • you make me laugh
  • pinakikilig mo ako
  • you make me feel loved…

Mahigit isang taon ko na itong nararamdaman, una bulong lang.. hangang sa palakas ng palakas.. tinakpan ko para wala akong  marinig pero yung tibok lalong lumalakas..pinalaya ko .. inamin.. nadapa, nasaktan, nasugutan, luhaan..umibig ulet.. paulit ulit hihinto , mag mamasid pero  iibig pa rin..

Kung titimbangin halos pantay lang may saya may lungkot, pero mas matimbang ang lungkot alam mo kung bakit? Dahil marami akong bagay na hindi magawa kasi malayo ka sa akin .. pareho tayong nasa magkabilang mundo.. at iyon ang pinakamahirap sa lahat.

Sana bukas pag gising ko andyan ka na..

Sana cup noodles nalang ang pag ibig..

While eating cup noodles:

CALOY: Masaya rin ‘yung mga ganito paminsan-minsan. ‘Yung hindi mo na kailangang paghirapan masyado. Minsan kasi, sobrang pinaghihirapan mo pero wala lang rin naman palang pupuntahan. ‘Di kagaya ng ganito – instant lang.

CHLOE: Tama ka diyan….

At saka kakain na si Chloe.

CHLOE: Masarap, in fairness…

CALOY: Sabi sa ‘yo, eh.

Relationship tips (try lang)

Sabi nila huwag daw masanay sa pagmamahal kapag nasanay ka naku kawawa ka. Totoo nga naman ang taong sinanay mo sa isang bagay pagkatapos hindi mo na ginagawa ang dati iisipin nito na nagbago na sya. Hindi ka na mahal, may iba na syang mahal, may iba nang pinagkaka abalahan. Eto namang kapares mo mapa praning na.

Hay naku buhay pag-ibig. Siguro hindi naman mag iisip ang kapares mo na nagbago ka na kung wala talaga syang napapansin. Eto lang ha kapag nagloloko ka at di pa napapansin ng kapares mo malamang hindi ka mahal non.. o di naman kaya nagloloko din sya. :lol:

Hindi ba pwedeng kapag pumasok sa isang relasyon maging masaya nalang? Pero at isang malaking pero wala namang perpektong relasyon.. am sure maraming ups and down yan pero kung gusto mong mag level up ang relasyon mo may tip ako sayo. Ui tumitip si Lambing try lang ;)

  1. Trust- pinaka importante ito,  paano  kayo magiging masaya kung sa umpisa pa lang eh wala ka nang tiwala dun sa ka pair mo?
  2. Honesty – Paano ka pagkakatiwalaan kung hindi ka tapat. Kelangan nyong maging tapat sa isat- isa para walang praningan moments na mangyayari. Kelangan lagi mo i assure dun sa kapares mo na wala kang tinatagong secrets.. kapag walang secrets walang mapa praning diba?
  3. Usap-usap – open- communication essential po ito sa isang happy relationship, hindi lang basta usap,  kelangan nanggagaling sa puso. Yung deep, ewan ko ha sa akin kasi kelangan ko talaga ng connection pag nakikipag usap mapuso akong tao. Hindi naman kelangan minu minuto kelangan mag usap, pero spice din yun ng relationship na palagi mo sya nakakausap.
  4. Oras sa isat isa- kailangan din na mag bigay ng oras para sa isat -isat mga lambingan moments , mga sweet nothings medyo korni pero kelangan natin yun.. kung baga lambing lang ang katapat mo diba?
  5. Maghiwalay – yup tama nabasa mo.. kelangan nyo din naman maghiwalay at isipin ang mga sariling buhay nyo. Kasi may kanya kanya naman kayong interes sa buhay i develop nyo yun. Mahirap naman yun palaging magkadikit magkakasawaan na kayo. Naalala ko tuloy kapag araw araw kayo nag uusap halos wala na kayong mapag usapan.. papasok na dyan na magkakasawaan na at yung isa maghahanap na ng mas interesadong tao. Kaya mag pa miss din kayo sa isat isa.
  6. Pasensya- kelangan natin magkaroon ng patience kung gusto mo maging masaya ang relasyon mo, minsan sabi nila kamartiran daw yun ganon.. sa lahat ng hindi pagkakaunawaan kung wala kang pasensya walang patutunguhan ang pinakaka asam asam mo na mahaba at masayang relasyon.
  7. Pagpapatawad- Kapag may nagkamali, lawakan ang pag uunawa at bigyan ng panahon makapag paliwanag ang kapares, makinig . At huwag nang halungkatin ang nakalipas . Sabi nga past is past. Forgive 77x awts.. e mahal ko eh?
  8. Respeto sa isat isa. Dont try to change your partner. Kelangan i respeto mo kung ano sya at ano ang gusto nya. Kapag walang respeto sa isa isa i doubt na magtatagal kayo.
  9. Learn from each others mistakes. Walang perfect relationship, may nagkakamali rin.. kaya dun sa mga pagkakamaling nagagawa natin piliin mo yun lesson kung anong itinuturo sayo nun at isa puso mo. Para next time wag mo nang gawin . Kelangan mag eeffort ka naman na ma improve pa ang relasyon kapag nakikita mong medyo gumegewang gewang na.. kelangan kumapit ka ng mabuti at itama mo uli sa dating ayos.
  10. Love – kelangan wag mawawala yun. Yun na yun kahit sino pa man sya at kahit praning pa rin sya. Dapat huwag mawawala ang lab para sa isat isa ;)

Pero sabi ng iba huwag mo daw masyado ipakita na mahal na mahal mo sya.. Bakit? kasi kapag dumating yun time na iwasan ka na nya.. yun ang sakit na walang gamot! Kasi sobrang sakit nun pag nagkataon

Kaya relax lang.. take it easy.. at maging masaya nalang tayo ;) Kelangan marunong kang sumabay sa agos at mag balanse para hindi ka malubog.

Puso

Paano ba tumibok ang puso pag enlab? tugtug tugtug tugtug… (kinakabahan parang laging high sa drugs o kaya katol na sininghot)

Paano naman kung broken hearted? tug.. tug.. tug..( dahan dahan na sa pag tibok.. kasi nagdadalawang isip na kung gusto pa ng puso nya na magpatuloy tumibok bok bok )

Kapag sobrang broken hearted? ______________________________ ( in hale exhale nalang ang naririnig kasi pinipigilan na nya tumibok ang puso)

Hahayss araw ng mga puso daw.. ano ba meron sa puso bakit nadadamay ang puso kapag valentines day?

Pero para sa akin ang valentines day ay hindi para sa mga couples lamang.. para rin ito sa mga inlove, gustong ma inlove, broken hearted at all the singles out there. Kasi lahat ng tao may puso o ha?? Siguro kasama na rin pati saging kasi may puso rin sya , korny? hmmmkei.

Wag ka nang mag bitter bitteran dyan na para lang sa kanila ang araw ng balentayns para rin ito sa iyo at sa akin dahil aminin mo man o hindi umiibig ka din, pana panahon lang iyan. Nagkataon lang na ngayon ay wala kang ka pakner.Oweno naman ngayon?

Mag isip ka nalang ng mga bagay na nakakatulong sa pagkatao mo.. ano uli yun .. sensya na di pa ako nagkakape eh.. o kaya basahin mo yun post ko last year bout v-day

Kung sabagay nakakainggit nga naman hahays na iyong iba nasa restaurant o kung saan saang lugar na nagkalat para mapatunayan ang pagpamamahalan nila. . (pagmamahalan?? anu daw ? weh! ) sa araw ng mga puso.

Kung baga araw lang naman yan isang araw lang so wag ka nang komontra sa gusto ng nakakarami…. >>>>

  • May ari ng mga hotel/motel/ inn
  • Mga nagbebenta ng cards
  • May ari ng mga Restaurants
  • May ari ng mall/ sinehan
  • Nagbebenta ng mga pulang damit, lingerie at kung anek anek pa.

Wag na kontrahin.. Sa huli masarap pa rin ang magmahal at mahalin. Pag ganitong panahon ang daming humihingi ng definition nang love.. o sige papauto uli ako i – de define ko uli ang lab ayun sa experience ko ( umeexperience pa :lol: )

Ang Love… ang tawag ko sa ex ko dati :(

Pag-ibig -ito ay nakakabaliw na pakiramdam na pwede mong maramdaman sa buong buhay mo. nakakapag patirik ng mata( nakatulala ka kasi maghapon sa kakaisip sa kanya kapag inlove o pag nabroken hearted naman titirikan mo nalang sya ng mata tulad nito :roll: )

Para kang kinukuryente ng ilang boltahe kapag nakikita mo sya o nakakadikit (nakow!) nakakapag blush na di na kelangan mag lagay ng cheek stain o blusher.Nakakaganda kapag blooming, nakakapanget kapag sawi. Parang may kung anong kumukulo sa tyan mo, di mo maintindihan kung natatae ka o kung ano pa man yan. O hindi ba nakakabalaliw na pakiramdam non??

Pero aminin mo masaya makaramdam nito diba? Napapangiti ka maghapon kahit walang nagpapatawa sayo parang adik lang din na nakahihit ng katol high to the highest level talaga.

Kinig ka muna ng music kong cheezy mapapangiti ka rin.. damhin mo ! :lol:

Ikaw anong nakakabaliw na pakiramdam ang experience mo?

Happy balentayns haters and lovers :lol:

I LOVE YOU ALL ;)

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!” -Bob Ong-

paano ka magmahal?

Ang tao ay likas na mapagmahal. Pagkalabas pa lang sa sinapupunan ng ina itinakda na itong magmahal at mahalin. Basta usaping pagmamahal lagi kong sinasabi na nakatatak na sa tao ang pagmamahal maging anong klase ka man ng tao, masama, mabuti, professional, illiterate, matalino, bobo , may kapansanan o wala, sikat o siga wala kang ligtas dito tatamaan ka din ni stupid cupid ng pana nya mai inlove ka din magmamahal ka din.

At dahil everyone is unique malamang iba iba rin tayo ng pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal and everything.

  1. Ikaw ba ay possesive? Gusto mo ba sayo lamang palagi ang atensyon? Lagi kang tamang hinala. Gusto mo 24/7 mo namomonitor ang mahal mo. Gusto mo lagi may text sayo, i chat ka or call. Utang ng loob get a life! Hindi lang sayo umiikot ang mundo nya . May kanya kanya tayong buhay dapat harapin at isipin araw araw. Try to enjoy kung anong meron ka sa buhay mo. Kelan ba nagiging possesiveness ang pagmamahal? Pag nagiging controlling ka na gusto mo nang paikutin ang buhay ng kapareha mo . Sobra sa pagseselos lahat ng malapit na girl sa kanya lagi mong pinagseselosan may mag comment lang sa friendster o facebook na babae jumejelling kana agad, kahit pangalan lang ng alaga nyang pusa e “kathy” e tamang hinala ka palagi. Super iyak ka na agad halos ubusin mo na luha mo at pwede ka na makapuno ng isang drum na luhang maalat.
  2. Demanding ka ba? “Dapat tawagan mo ako palagi”. “Dapat twing rest day magkita tayo.” Gusto ko ako lang ang inaasikaso mo. Ayaw kong nag susuot ka ng maiigsi, ayaw kong nagpapatubo ka ng balbas, buhok sa kili kili (ayaw ko din naman nun) Kuya .. Ate.. hindi lahat ng gusto mo ay gusto rin nya. At kapag hindi ka mapagbigyan babantaan mo na lulunurin mo ang sarili mo sa isang basong tubig, maawa ka naman sa kanya. Hindi masama mag demand pero dapat nasa tamang wisyo ka. Kung sa pilitan lagi para makuha mo ang gusto mo at minamanipulate mo na ang buhay nun tao.. oi gumising ka nga.. daig pa ang preso ng labidab mo.
  3. Expecting much ka ba? Mahal ko sya kaya binubuhos ko sa kanya lahat ng oras ko sana naman ganon din sya saken. Reregaluhan ko sya ng LAPTOP sana may regalo din sya saken.( gusto ko kasi ng LAPTOP :lol: ) Binati ko sya ng good morning sana batiin din nya ako. Lahat naman ginagawa ko para sa kanya sana ganon din gawin nya saken. O baka naman ikaw ay kabilang sa mga federasyon ng ONE SIDED LOVE. Nagmamahal lang sa isang tabi umaasa na in due time maramdaman din nya yun feelings na nararamdaman mo para sa kanya. Hindi masama yun mag isip ng ganon think positive ika nga.. eh paano kung hindi? May mga taong sadyang manhid, insensitive, napalibutan na yata yun puso nila ng bakal o nag freez na ganon talaga kelangan mong tanggapin yun. Mahirap mag expect much! masakit masaktan, para di ka masaktan wag kang mag expect. At mahalin mo ng konte ang sarili mo.

“E sa inlove ako eh! Mahal ko ano magagawa ko? Ganito ako magmahal, nagmamahal lang ako… masama ba magmahal ng sobra????”

Lahat ng sobra hindi maganda… kapag sobrang lamig maninigas ka, kapag sobrang init mapapaso ka. Kapag sobrang tamis magkaka diabetes ka o di kaya langgamin ka. Kapag sobra ang make- up ng babae nag mumukhang bakla.. maganda ba yun? hindi… dahil sobra.

Mahalin mo ng sobra masasakal ito.

“Ang isang bagay na buhay kapag sinakal mo, manghihina ito, gustong makawala, in the end namamatay.”

At iyan minsan ang pagkakamaling nagagawa natin in the name of love. Am i being possesive, demanding and expecting much?

Lumalayo ang pag-ibig dahil nasasakal sya at yan ang katotohan.

Kung totoo tayong nagmamahal ” PABAYAAN MO SYA” . ” SET HIM/HER FREE” .

May kasabihan na “If you love something, set it free. If it comes back, it’s yours. If it doesn’t, it never was.”

Let me share you this text quote

GIVE but dont EXPECT…

ADVISE but never ORDER…

ASK but never ever DEMAND…


Ang pagmamahal ng totoo ay yun binibigyan natin ang bawat isa ng pagkakataon na maging SILA kung ano sila hindi kung ano yun gusto maging sila.

Pwede mo iparamdam ang pagmamahal mo sa pamamagitan ng unahin mo yun kapakanan nila , kung ano ang nakakabuti sa kanya at tulungan sila sa abot ng iyong makakaya, kung ano ang alam mong makakapagpasaya sa kanya. Magmahal ka ng walang hinihintay na kapalit tawag dyan selfless love. Masarap sa pakiramdam yun.

Ang pagiging hindi makasarili ay pagtrato sa tao ng maayos na may pag galang sa kung ano man ang gusto nya.

” LOVE KNOWS NO REWARD”