Ilang gabi na akong tuliro, nagigising ng madaling araw, parang may sumusuntok sa dibdib ko, pinipigilan ko ang umiyak pero hindi ko napigilan kasi habang pinipigil lalo lang sumasakit… okey fine bumigay ako sa emosyon ko… tahimik akong nagiiyak sa kwarto ko pero palakas ng palakas hanggang sa naging hagulgul na… impit pa rin ang mga labi ayaw pakawalan ang nagsusumigaw na iyak.. napagod ako .. sinabay ko sa music ang pag iyak .. gusto ko kasi umiyak ng malakas one time lang para maalis ang kirot sa puso ko na paulit ulit na sumusumpong .
Kung sana madadaan lang sa pain reliever ito para isang inuman lang wala na ang kirot o kaya bawat sumpong isang tablet ang kaso hindi eh… kelangan ko tiisin ang sakit na walang gamot. Sige pa rin ang ang paguunahan ng mga luha ko, suko na ang mga mata ko.. sobra na kasing maga.. Bakit ganon ang hirap pigilan ng emosyon? Kung pwede lang mag pa confine sa hospital gagamitin ko ang phil health ko para may pakinabang naman ang kaso hindi rin pwede wala pa akong ID binabayaran ko buwan buwan yun eh… ( naisingit lang naman). Para hindi ko na maramdaman ang lintik na pakiramdam na ito.. pero parang may sariling isip ang emosyon ko na naguutos sa katawan ko na mag emo mode … sinubsob ko mukha ko sa unan at dun itinuloy ang pag iyak , hikbi, singhot iyak nanaman… kung sana may naghahagod ng likod ko ok lang kaso sariling kamay ko lang hahagod saken di ko pa abot ang hirap kaya non? Sariling kamay ko lang ang hahawak saken.. (
) sarili kong mga kamay aakap saken …
Naalala ko tuloy si nanay… dati rati sya taga punas ng luha ko tapos hahalikan ako sa noo kapag may nararamdaman akong sakit…
mama…
mama…
mama… sambit ko sabay iyak nanaman ( nakakainis no ang iyakin ko? ayaw maubos ng luha ko eh… ganyan ako kapag sinusumpong ng emo mode) para ba akong nagpapatulong sa sakit na pinagdaraanan ko… napagod akong umiyak nakatulog ako.. napanaginipan ko si nanay kasama ko daw sya… na miss ko sya sobra… andyan pa rin sya palagi para pagaanin ang loob ko…kahit sa panaginip dinalaw nya ako para patigilin.
Pero nag tataka ako sa panaginip ko.. nakasakay daw kami sa owner jeep tapos asawa daw nya si Sam Milby!
Pag gising ko tuloy nagtatawa ako .. nanay talaga kwela pa rin oo. . hmmm bakit kaya nasama si Sam Milby dun sa tingin mo?? ( nga pala kras ko si Sam lagi ko nababanggit kay nanay noon pag nanunuod kami ng t.v… nakakaselos ha.. )
Tears are God’s gift to us. Our holy water. They heal us as they flow. ~Rita Schiano, Sweet Bitter Love,