Hindi ako expressive na tao. Kadalasan hindi ko nasasabi nang tama sa salita ang sinasabi ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Pero isa sa way kong mag express ng nararamdaman ko ay thru music.
Dinadaan ko sa kanta. Mahilig akong kumanta kahit hindi kagandahan ang boses ko. Kapag matagal akong hindi kumakanta parang kulang ang buhay. Nanghihina ako kasi naiipon na yun mga words na gustong i express sa puso nya. Kaya kapag napuno na… boom! nagiging emosyonal ako. Ewan ko may sayad yata ako.
Mapapakanta mo naman ako sa kahit anong dahilan, kung inlove ok, kung gusto mag enjoy ok lang din. Pero mas mapapakanta mo ako kapag meron akong tinatagong nararamdaman kung inlove dinadaan ko sa kanta yan , pero mas ganado akong kumanta kapag nasasaktan ako. Paraan siguro yun ng pag rerelease ko ng pain .
Kasi sabi nila music can heal your soul, naiipahayag nito ang damdamin na hindi kayang sabihin ng puso, nagbibigay ng pahinga sa naguguluhan isip at puso, nakakagamot ng pagdaramdam at kaluluwa.
Kaya kapag nalulungkot ako nag vivideoke ako eto yun mga kantang yakang yaka ko kantahin kahit nakapikit
Bukas day off ko parang gusto kong kumanta ng kumanta , tatawagin ko si bespren at ibang ka tropa, ikaw? halika sama ka videoke tayo!
IKAW ANO ANG PEBORIT VIDEOKE PIECE MO?