10
Jul
08

Matawa ka kaya?

Sa pag kaka alam ko normal naman ako na tao, mapagmahal sa magulang kahit bata pa lang ako naghiwalay na ang nanay at tatay ko, kahit para akong bolang pinag papasahan noon.. well hangang ngayon naman para pa din akong bola hindi na nga lang pinagpapasahan pero from the word bola mukha na akong “bola”. Lumaki naman akong matino.. teka lumaki nga ba?

Dahil sa madir ko ako nag-dalaga medyo hirap kami sa buhay. Naaalala ko kung pano nya ako itaguyod, sobrang sipag ni madir nag titinda sya ng pagkain araw-araw sa banko, hangang sa nalugi na sya, kasi panay utang ba naman yun mga empleyado tapos walang nang bayaran. Masayahing tao ang madir ko mabunganga nga lang, likas na nga siguro sa babae ang mabunganga. Bilang isang anak gusto ko makatulong sa kanya.

Pala utos si madir minsan naalala ko wala na kami ititinda nangutang ng manok si madir sabi ” anak pakihugasan nga yun manok nang maitinda natin bukas” at dali dali naman akong sumunod sa utos ni madir. Wala kaming kuryente noon kasi nga mahirap lang talaga kami kaya gasera ang ginagamit kong ilaw. Habang hinuhugasan ko yun manok mantakin mong nabuhos iyon gas sa manok! “Inay ko po! patay ako kay madir nito..” ” Nak tapos naba iyun ….. anong… @@#$$@@$$!! Batang ito hugasan mo iyan ha?!! wala na tayong ititinda binuhusan mo pa nang gas yan manok!!! Hala pag nangamoy pa rin yan kainin mo lahat yan ha!? “. Haay.. paano ko matatangal yun.. ilan beses ko na hinugasan amOy gas pa din. Imbis daw na makatulong ako perwisyo pa daw. At wala kaming paninda kinabukasan biruin mong niluto pa din ni madir iyong manok? Naaay… lasang gaas talaga. Palpak daw ako.

Meron pang isa.. madilim na nanaman.. pag uwi ko ng bahay nanginginig si nanay may sakit sya, dahil ako ay mapag mahal na anak at gusto ko sya alagaan dahil may sakit ang mahal kong ina. ” Anak paki kuha mo nga iyon kalamansi juice dyan sa lamesa.. ” ” Alin dito nay?? ” . ” Iyon nasa baso…” Madali’t sabi baso daw, e madilim , kalamansi juice daw di inabot ko iyong nasa baso. ” “@@@%###### kang bata ka!!! ” Nakita ko mukha ng nanay ko hindi mo maipinta basta ang pangit talaga ng itsura nya. Iba pala iyon naabOt ko.. ” IHI NYA! “

Sa dinami dami ba naman ng iihian ni madir umihi sya sa baso ng selecta iyon plastic? Aba malay kong ihi nya iyon? E kalamansi juice ang hinihingi nya mukha kalamansi juice un nandun.. !” Hay naku .. “Bakit kasi kayo umihi jan sa baso?” ” Pag katapos kong ngang maligo nag – chill ako kaya umihi na ako jan sa plastic…”

Minsan naisip ko.. mabuti ba akong anak? gusto ko lang naman makatulong eh… Kayo may palpak na din ba kayOng nagawa?


8 Responses to “Matawa ka kaya?”


  1. Hulyo 10, 2008 bandang 11:19 hapon

    ako? pinakulo skin yung bote ng pamangkin ko na baby.. tapos, hnd ko na napatay yung apoy. ayun, lusaw lahat ng bote. hehe.. disaster!🙂

  2. Hulyo 11, 2008 bandang 12:11 umaga

    hahaha😀

    ihi niya naabot mo.
    awe..😦 bat ako natawa.
    ansamasama ko talagang anak.

    palpak?
    hemm..
    kamuntikan ko ng maahit ang kilay ng pinsan ko.
    bwahahaha.😆

    kkaasar kaxi xa.
    kaya ayon, nung natutulog na siya sa asar ko
    kumuha ako ng tsani at agad kong binunot ang kilay niya.

    sabay takbo ako para magtago.

    bwahahaha…buti ndi nya ako nakita..
    pero ngayon okey na kami😀

  3. Hulyo 11, 2008 bandang 12:18 umaga

    yeah as in ihi nya .. sama daw ng lasa =( btw tnx for dropping by.. nice to knOw dilang pala ako ang pumapalpak =)

  4. Hulyo 11, 2008 bandang 8:24 umaga

    haha aye nako.. siguro lasang gas din yun lol

  5. Hulyo 11, 2008 bandang 11:20 umaga

    hehe! kadiri yun ah sana kasi bago nya inumin eh inamoy nya diba? di mo naman sadya eh oks lang yun😉

  6. Hulyo 11, 2008 bandang 11:25 umaga

    uu nga …hekhek.. may galit ako sa nanay ko ei..😛


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2008
M T W T F S S
    Aug »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: