12
Jul
08

Santa santita

Naka encounter na ba kayo ng taong sa harap ng ibang tao parang akala mo ang bait-bait, yun tipong parang sobrang bait na akala mo hindi makabasag pinggan?

Pero pag dalawa nalang kayo lumalabas yun tunay na kulay? Yun bang parang sa soap opera ang dating yun kontrabida hahaha yun mukhang walang kasalanan pero sya pala ang may pakana? Akala ko noon sa tv lang yun o pilikula, pwede din pala mangyari sa tunay na buhay.

Ang mukhang maldita talo. Tulad ko may mga sitwasyon na kasi akong napasukan na ganyan

Siguro nga katuloy ito nang na una kong entry, pero salamat sa kanya dahil may nasusulat akong entry panay hate entry nanaman tuloy.

Paki analyze po itong situation kung sobra akong maka react

Bago siyang kasama sa opisina, sa madaling salita mas nauna ako sa kanya. Ako din ang nag hire sa kanya dahil tingin ko qualify naman sya. At dahil dadalawa lang kami sa opisina , oo dadalawa lang kami naiiwan sa opisina na gerl. Lagi ko sya pinakikisamahan at inaalagaan na din. Mukha akong masungit oo pero impression lang yun nang tao but if you get to know me, totoo akong tao. Minsan nakakainis isipin na mga bagay na ginagawa mo sa tao binabale wala lang.

( ipagtangol sya sa mga manyakis sa opisina namin, ilibre sya nang lunch ” PALAGI” pero diba pag libre minsan lang? hehehe anak ng tinapa nasanay, di na nagbabaon, kung wala akong pambili ng lunch di na rin sya kakain. E ako medyo masiba ako kelangan ko kumain ng tanghalian di naman palagi may pang libre ka , di unahin ko naman sarili ko. Makikita sya nang ibang kasama sa trabaho di sya kumakain ako kumakain sa canteen… toinks!! ako mukhang masama , dahil iniwan ko sya? E wala na nga ko maipakakain sa kanya e, pareho kaming empleyado, sumusweldo. Ako naman si tanga naaawa binilan ng pansit, binigay sa kanya tanong sa akin sino magbabayad nito? .)

Yun tinanggap mo kung ano man siya ( attitude problem ) pero dumadating sa puntong mauubusan ka ng pasensya. Bakit?

– pag pinagagalitan ko siya na mimis interpret nya, ang nakaka asar pa dun iiyakan ka na parang aping api na nang hihinngi ng awa sa mga taong nakakitang umiiyak sya at ako ang kaharap nya. Matagal na daw sya nagtitiis sa ugali ko. ( Moody. Di kung di sya makatiis sa akin di sana wag na rin sya sumama sa bahay kong kumain twing tanghalian diba? Wag na rin syang makitulog sa bahay ko. Wag na rin nya akong tawaging ate.) take note ang iyak humahagugol na pagka lakas lakas at nandun ang boss namin. ( parang ang sarap ingud ngud ng mukha talaga)

May panahon na buong mag hapon naka simangot , di mo maka usap ng matino. Di mo kasi malaman kung ano problema nya. Lahat naman tayo nag kakaproblema pero bakit kelangan dalin sa trabaho yun askad ng mukha?

Sabi nga walang challenge ang buhay pag walang kontrabida sa buhay, what hurts the most is .. i dont treat her as kontrabida i treat her as friend, i tell her my secrets etc. , ganon lang yun gagawin sayo. May time na hindi ako papansinin, nag sasalita ako parang wala akong kausap walang ka emo emosyon.. Baka pag sitahin ko nanaman mag iiyak nanaman ng pagkalakas lakas walastik na buhay to oo. Ano kayang tamang gawin dito.

Hindi ako ma pakali ayoko ng ganito helping me plis.. kung suntukan nalang sana ang labanan game ako.


9 Responses to “Santa santita”


  1. Hulyo 13, 2008 bandang 3:09 umaga

    buti hindi mo pa sinasapok?

    ahehehe.. malapit lapit na..🙂

  2. 2 kengkay
    Hulyo 13, 2008 bandang 7:31 hapon

    girl, ikaw din ang may kasalanan pero inamin mo na rin kasi na sobrang inispoil mo sya e🙂 kausapin mo sya kung bakit kailangang matuto na syang tumayo sa sarili nyang mga paa at pagkatapos non let her be. kung type mo pa ring makasama sya, edi stay with her pero alam mo na dapat kung hanggang saan lamang.

    palagay ko nga🙂 kasalanan ko kasi emotionally attatch ako dun sa tao.. kaya dapat talaga may limit.. tnx po sa pag visit🙂

  3. Hulyo 14, 2008 bandang 10:42 umaga

    ang sarap i-firing squad ng kasama mo…pasalamat siya hindi ako ang kasama nya kung nagkataon at aarte arte siya makakakita siya ng dragon…wahaha

    hehehe…🙂 magkakasakit ka nga sa puso ei.. kung my hihgblood ka sigurado ma iistroke ka

  4. 4 apollo
    Hulyo 14, 2008 bandang 11:46 umaga

    give her the cold shoulder… distansyahan mo… matututo yan. hehe

    🙂 tnx po..🙂 that’s what am tyin to do now

  5. Hulyo 14, 2008 bandang 4:31 hapon

    katatapos ko lang sa ganyang experience,yung tipong kala mo friendship mo un pala xa ung number na kumakalaban sayo.actually til now di pa rin kami ok pero keber i never intended naman to keep someone who didn’t know how to value friends.deadma lang katapat nyan!

    tama ka dyan … yun lang talaga masakit, yun di alam magpahalaga..

  6. Hulyo 14, 2008 bandang 7:31 hapon

    Hello,

    Blogghopping!

    I’m Kevin Paquet from Pinoy Teens Online pinoyteens.net
    Care to link exchange with that blog of mine?^^,)

    Hope you would comment back and that I can know you guys hosted on wordpress.com better.
    Looking forward for a mutual blogging friendship^^,)

    Ingat,
    pinoy teens org CEO

  7. 7 y
    Hulyo 15, 2008 bandang 2:51 umaga

    padaan din po. hehe!

    marami akong kilalang ganyan. parang linta kung makakapit, parang ahas kung makalingkis. kala mo eh binalutan ka ng lahat ng kaswertehan at kayamanan sa mundo para sobra-sobra yung pagka-attach nila sa’yo. simplehan mo na lang ang pag-iwas. kung di parin madadaan sa ganun, prangkahin mo na para matauhan. kesa ikaw pa yung magmukhang kontrabida sa harap ng ibang tao. ewan ko kung naaalala mo yung post ko na nag-comment ka about my “friend” na nangungutang for her bday. kagabi lang she texted me her bank account number, dalawa pa. at ang sabi eh sa wed na daw bday nya. textback daw ako. yun lang. walang kamusta. mga lintik sila!

    pwede po pa-xlinks? thank you! keep posting!

    Lambing: tsk tsk! ganyan talaga may mga taong insensitive o sadyang makakapal ang mukha🙂 sure sge xlinks tayo..🙂

  8. Hulyo 29, 2008 bandang 6:19 hapon

    Masyado mo ata na-baby ang tao na ‘yan. Kausapin mo ng masinsinan. Sabihin mo mahirap ang buhay ngayon kaya pagtrabahuan nya yung kakainin nya, hindi yung puro libre sya. If she takes it against you, iwasan mo na kasi you’ll only absorb her negativism.

    ****
    tnx ate.. okey na po🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2008
M T W T F S S
    Aug »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: