17
Jul
08

Pride Tsiken

Minsan pag ang tao ay galit kung ano-ano talaga ang nasasabi ano? Pero parte na sa buhay nang tao ang magalit. Kung ano man ang dahilan ng kinakagalit minsan naiisang tabi na natin, dahil ang iniisip natin eh yun galit talaga tayo, naagrabyado tayo, gusto natin sumabog parang bomba! kung pwede natin i masaker na yun taong galit tayo gagawin natin, o kaya patayin sya sa isip natin , o kaya naman gumawa ng ibang outlet para mailabas ang galit sa loob natin tulad nitong pag sulat ng blog( ang gulo ko).

Pero pag katapos  natin mailabas ang galit natin, yun mga napagbuntungan natin kamusta naman? Minsan aminin man natin o hindi kung magalit man tayo sa tao syempre siguro may mali din tayo, kahit sino mapagbalingan natin ng galit bahala ka e galit ako e. 

Kanina nag iisip ako dahil ilang araw na akong napepeste sa kasamahan ko sa trabaho, sobrang galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin. Sa sobrang galit ko nagbasag ako ng baso sa harap nya, i think may highblood na nga yata ako, kasi halos manginig lahat ng laman ko, teka mali taba pala kasi marami ako nun. Minsan pag galit tayo hindi na tayo nag iisip kung sumosobra na ba tayo o may nasasaktan na tayong tao . Yun taong nasaktan natin nagalit na rin sa atin, at doon mag sisimula ang conflict. 

Ayoko nang away, pero di naman maiiwasan ang di pagkakaunawaan, lalo nat nasa iisa kayong trabaho at sa gusto mo man o hindi araw-araw mo pa rin makikita itong taong ito. Ano gagawin mo?

  1.  Pwede mo idedma itong taong ito at wag na lang pansinin forever, pero kung gagawin ko naman yun ang pangit kasi magkasama kayo sa workplace .
  2. Pwede ka mag revenge para di mo na sya makita forever, pero ang pangit din kasi parang ang sama sama mo naman nang tao pag ganon.
  3. Asarin mo sya lalo, pero kung ikaw ang mabilis maasar ikaw ang talo.

Kaya nag isip ako nang ibang paraan para matapos na itong bombang gusto sumabog sa dibdib ko. Minsan pa, pina iral ko pa rin ang pagkakaroon ko ng pusong mamon.(hindi po ako bakla babae po ako.) Kasi inisip ko hindi ko kayang pumasok araw-araw sa opisinang may kaaway, pero aaminin ko ayoko sana sya kausapin dahil feeling ko ako yun naagrabyado at kailangan sya humingi ng tawad sa akin. Paano kung mas matigas pa sya sa bato.  Di forever na itong bangayan na ito?

 

TOK TOK!

Humugot ako na malalim na hininga, bahala na kailangan matapos na ito. Kinausap ko sya nang masinsinan, dahil totoo akong tao, ayoko nang may naririnig na pang baback stab sa akin. Ibinaba ko ang level ko sa kanya, kasi gusto ko maayos ang gusot. Aminado akong may kasalanan din ako at hiningi ko ng tawad iyun, at syempre gusto ko din malaman nya kung ano ang dahilan ng ikinagalit ko. Oo mahirap makipag usap lalo nat alam kong wala akong kasalanan, pero paano matatapos ito kung di ako maglalakas nang loob harapin ang problema diba?

Makinig

Kailangan ko din malaman kung ano ang side nya diba bakit nya ako ginalit? Hindi lang naman ako ang dapat nyang pakinggan, kailangan ko din pakinggan ang dahilan nya.

 

Kiss and make up

Dahil pareho kayong naglabasan ng sama ng loob pareho nyo maayos ang gusot nyo. Ano nga ba dapat gawin para maayos ang gusot?

 

  1.  Lakas ng loob, para harapin kung ano mang bagay ang sasabihin sayo dapat handa ka .
  2. Pasensya. Kasi hindi naman ibig sabihin na pag nag usap na kayo ayos na, syempre may mag sasabihin pa din sya o aksyon na gagawin maaring di mo magustuhan  kailangan mahaba ang pisi mo.
  3. Lawakan mo pag unawa mo. Dahil gusto mong maayos dapat unawain mo sa abot ng makakaya mo yun mga bagay na hindi mo matanggap.
  4. Acceptance. Dapat kaya mo tanggapin lahat ng sasabihin sayo, may mali man sa sinabi nya dapat kaya mo tanggapin iyon. Kung mali talaga sa ginawa mo dapat marunong ka tumangap ng pagkakamali
  5. Be good, be nice hehehe yun ang kailangan putulin muna yun sungay natin na tumutubo sa noo natin. Alam ko kating kati tayo makaganti, o nanggigil tayo sa sinasabi nya… pero ooops.. be nice, be good kasi gusto mo maayos ang gusot.
  6. Forgiveness. Kailangan natin magpatawad. Humingi din tayo ng sorry para everybody happy.

Pagkatapos mo gawin lahat yan luluwag na pakiramdam mo. Kasi kung papansinin mo lang, palalakihin, walang mangyayari. Papangit tayo , mag kaka wrinkles , ma ii-stress.. ayokong pumangit ayoko din ma istress. Yun lang🙂


5 Responses to “Pride Tsiken”


  1. Hulyo 17, 2008 bandang 3:21 hapon

    wow buti ok na kayo ng opismeyt mo. i agree minsan kelangan lunukin ang pride at maunang gumawa ng step kung gustong maging stress-free ang buhay…

    Lambing : isang malaking tama po! bawal ma stress ! nakakapanget hihihi..😀

  2. Hulyo 17, 2008 bandang 4:06 hapon

    very good yan, tams ks tatanda ka lang pag di mo hinarap yang kina-iiritahan mo. at di sya healthy gaya nga ng sinabi mo. buti naman at naayos na gusot kasi ang hirap talaga pumasok sa trabaho pag ganyang, pwede kang sumabog anytime. nangyari na rin sa kin pero gaya ng ginawa mo, hinarap ko rin ang katotohanan. ayon naayos naman, ngayon ok pa rin kami nung colleague ko.

    yeah.. hindi kasi ako sanay na mabigat yun loob ko… since ako ang nakakaintindi.. ako na lang ang bababa..🙂

  3. Hulyo 18, 2008 bandang 5:08 hapon

    world peace!
    hahaha..
    maganda yong nagawa mong hakbang..
    seee..
    lahat naman e nadadaan sa mabuting usapan😀

    mas nayz magwork kung wala kang kinakaasaran😀

    Lambing: true po yan.. wag lang uli ako umpisahan … hehehe jowk lang🙂

  4. Hulyo 18, 2008 bandang 8:39 hapon

    Korek! Dapat hindi umiinit ang ulo kasi mas mahalaga ang kagandahan kesa sakit ng ulo at kulubot sa mukha. It’s nice to live in peace:)

    Lambing: hehehe maiinit na ulo mo panget ka pa ang sagwa hihihi😀 tnx for dropping po🙂

  5. 5 kengkay
    Hulyo 19, 2008 bandang 8:00 hapon

    kapag may nangiinis sa akin? mag rerelak muna ako bago ko harapin kung ano man yon. pero kapag nagaaway kami ng mga little kengkays? iba ng usapan yon, hehehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2008
M T W T F S S
    Aug »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: