24
Jul
08

Bata batuta

Pag gusto kong tumawa pinapanuod ko itong video na ito. Bakit ba ang mga bata nakakapag pagaan ng pakiramdam natin. Mga munting angel na nagbibigay sa atin ng lakas, basta iba yun feeling pag may bata, yun tipong pagod na pagod ka, makita mo lang silang masaya parang pati ikaw nahahawa sa saya nila.

Siguro ang sarap maging magulang, eh kasi ano ba naman ang alam ko sa pagiging magulang eh boypren nga nawawala pa magka anak pa kaya. Pero isa sa mga dreams ko ay magkaroon ng little angels, minsan nga naiingit ako sa mga ka batch mate kong may bitbit na mga bubwit pag nagkikita kita kami. At ako nanaman ang center ng pangaasar nila dahil ako nalang daw ang walang little angels.  Naalala ko pa nga kung pano mag request ang madir ng apo.. hay naku! basta bibgyan din kita madir sa tamang panahon … kelan kaya yun?!

Minsan naiisip ko pa nga na kahit walang daddy basta may baby makokompleto na ang buhay ko. Pero at some point naiisip ko din kawawa naman din ang bata pag walang kinagisnan na ama. Kaya hahanap na din ako ng ama syempre.  Minsan para pa akong tanga nag iisip kung ano kaya magiging itsura ng mga future babies ko ? ( naku future BABIES pa daw.. ) sana kamukha nung iniisip kong magiging ama nila. Hay naku nangangarap nanaman ako.

Pero kung maging magulang man ako, sana magampanan ko maging isang mabuti at cool na mommy. Basta natutuwa lang ako pag nakakakita ako ng mga bata, mahilig ako sa bata, nanghihiram pa nga ako ng baby at feel na feel kong patulugin with matching concert pa yan, at effective ang aking pagkanta kasi napapatulog ko agad ang baby.. pero pag ayaw matulog pinipitik ko sa mata para ipikit ang mata nun bata. Ayun nakakatulog naman sa takot na pitikin ko ulit ang mata😀 Naku bakit ko ba nasabi yun, mamaya dina ipahiram sa akin yun baby😀


14 Responses to “Bata batuta”


  1. Hulyo 24, 2008 bandang 6:11 hapon

    weeeee..
    naalala ko pinsan ko saka bespren ko..
    magkakababy na sila..

    hahaha..:lol:

    nyayy..gusto mo rin maging
    mommy na walang husband?? hahaha..apirrr!
    ewan ko ba kung san ko nakuha ang ideyang yan..

    *******
    ahahaha! uso yata yung gusto maging mommy na walang husband pag loveless bwahahaha😀 pati nga si vina morales nakikiuso din napanuod ko kanina sa tv..😀

  2. Hulyo 24, 2008 bandang 6:19 hapon

    hala. haha.
    nangungurot.🙂
    ako naiinis ako sa mga little angels.
    devil sila sa paningin ko. haha

    ******
    ngek… katakot ka naman winkii nangungurot ka.. 🙂

  3. Hulyo 24, 2008 bandang 7:09 hapon

    Ang cute ng video na ito:) Ayan, hindi pa dismisal dito sa office pero gusto ko na tuloy umuwi to be with my little girl. Kaw kasi eh, hehehe:) Masarap talaga ang may baby kasi parang may magic potion sila. Nakakatanggal ng stress at worries sa buhay:)

    ******
    hehehe…😀 ganda pati ng accent ng bata ” that really hurts charlie!”

    churi po! cute cute kasi ng babies ei…🙂

  4. Hulyo 24, 2008 bandang 11:48 hapon

    Ganun yata talaga mg bata…ako minsan kahit naiinis nako at stressed-out basta lambingin ako mga anak ko ay napapangiti nako🙂

    ******
    wow… pa lambing na rin sa mga babies mo hihihi…🙂

  5. 5 kidlatanvillage
    Hulyo 25, 2008 bandang 11:53 umaga

    Ang mga bata ang ligaya sa buhay ng magasawa. Dapat at binibigyan sila ng quality time. Taga kidlatan village lang po nakikimiron sa maganda ninyong blog. Salamat po.

    ******
    welkam po a aking bahay lambingan😀 balik balik lang🙂

  6. Hulyo 25, 2008 bandang 5:08 hapon

    hahahha..natawa ko dun ah. kulit nung mga bata :p

  7. Hulyo 26, 2008 bandang 2:50 umaga

    Masarap talaga ang may baby sa bahay.. totoo lahat sinabi ng mga parents na nagcomment dito (Nax.. feeling may anak na rin eh no.) Kasi meron akong pamangkin na pinangalanan ko pa namang R Travis.. tpos pinalitan ng tatay nyang bisaya sa ospital ng Rain Aero (sa Lufthansa kasi nagtatrabaho yung bayaw ko.) Hayun, binansagan ko na lang na DUDONG. ayaw nyo ng sosyal na name ah.
    Pero dahil kay Dudong kaya gusto ko pumashal sa MOA, kumain sa Jollibee, manood ng Dora at mag-abang ng komersyal sa tv. Pag nakikita ko na natututo na sya magsalita at magbilang after 48 yrs kong paulit ulit sa kanya… parang achievement na hindi kailangan ng certificate ang feeling! At minsan sobrang feeling ko wala na atang nagmamahal sakin dahil sa sumpa na dumapo sakin ( Pagiging long time Single.) everytime nakikita ko sya humahabol sakin pag papasok ako sa work, or ayaw magpabuhat kahit kanino kahit pa sa tatay nya kundi sakin lng, at sakin lng sya nagpapa hele para matulog, it makes me realize na Mali pala ako sa pag-aakalang ako na ang pinaka unwanted na tao sa mundo.

    *******
    At least may naghahabol sayo diba?😀

  8. 8 mang BADoy
    Hulyo 27, 2008 bandang 12:10 umaga

    ang cute nila!!! nakakatuwa naman!

    *****
    am chur ganyan ka din ka cute non mang badOy😀

  9. Hulyo 27, 2008 bandang 3:46 hapon

    Oh yeah, stress buster talaga ang kids. =)

    Padaan, nangangapitbahay lang. Hehe.

    *****

    salamat sa pagdalaw balik ka uli😀

  10. Hulyo 27, 2008 bandang 11:03 hapon

    pero, hindi naman ako wild. xD
    haha.
    pakiboto naman po ako sa idol blog.
    may link po sa blog ko.:)

    *****
    chur po😀

  11. Hulyo 28, 2008 bandang 12:28 hapon

    cute cute naman…kakatuwa. an sarap i-kiss.mahilig kasi ako humalik sa mga babies lagi kasi silang mabango at refreshing.

    **********
    hihihi..😀 ako din amoy mabango and refreshing pero hindi baby , amoy baby lang hahaha …😀

  12. Hulyo 31, 2008 bandang 9:20 hapon

    bespren na iyan? ayyii. hehe
    issue? haha..
    kung bespren nga iyan, napakabait
    mong bespren!🙂

  13. 13 gmacomics
    Agosto 1, 2008 bandang 4:09 umaga

    hhahahaha. hanggang nagun natatawa ako sa clip na yan. hehehe. thanks for sharing po.

    *****
    hehhe…🙂 yan pinapanuod ko pag gusto ko tumawa.. it brightens up my day..🙂

  14. 14 rubie
    Agosto 9, 2008 bandang 4:23 umaga

    i had this little sister.. naalala ko whenever i get my heart broken.. sya una ko laging naiisip na makakaabsorb ng pain na nararamdaman ko.. hmm basically sya ung shock-absorber sa buhay ko and i always wanna thank her for giving life and hope to me.. napakainosente nya sa paningin ko.. and kahit hindi nya naiintndhan sinasabi ko sa kanya ung mga probs ko at sinasabi ko na wag nya kong iiwan katulad ng mga ginawa “NILA” sakin hehe.. oo nman ung bata..😉 i love kids.. i wanna have one of my own.. kaya lang kahit anong pilit namin nung bf ko na magkababy kami ayaw eh hehe.. pero the good thing is buti nga hndi kasi iiwan din lang pla nya ko hehe

    *******
    Sayang naman di naka buo heheh.. ako din may pag iisip na ganyan ei gusto magkaanak.. lalo na kamukha ni bf ahaha.. kaso.. di pa time siguro.. hehe😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2008
M T W T F S S
    Aug »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: