02
Aug
08

Pers Lab

Minsan sa buhay natin mga tao na darating nang hindi natin inaasahan. Mag iiwan ng marka sa buhay natin na parang mantsa na kahit anong linis o kuskos mo di pa rin matanggal tanggal, para rin isang tattoo na kahit ipalis mo pa may peklat pa rin na maiiwan.

Lab at first sayt?

May nakilala akong tao na kahit na siguro baligtarin ang mundo maging ” domun” man ito hinding hindi ko sya makakalimutan. Bakit kaya ganon? Hay.. Una ko palang sya makasabay sa enrollment noon hindi na sya naalis sa isipan ko. Akalain mong inabangan ko na sya agad nun mag simula ang klase namin. Inabangan ko na sya agad sa flag ceremony halos mabali na nga leeg ko sa kakalingon makita ko lang yun mukhang yun ulit.

Pers Miting

Sa wakas nakita ko din. Pero nakakahiya kaya lapitan, baka isipin pa nya cheapipay ako, pero hay… ang gwapo nya! para sa akin ha! Kasi magaling sya magdala ng damit, bagay na bagay sa tangkad nya yun uniporme nyang pang marine, lalo na pag ngumingiti sya, hayyy nakakalaglag panty! … este puso pala.

Stalker

Magmula nun araw – araw ko na sya inaabangan sa skul, makita ko lang siya kahit ulo nya o dulo ng buhok nya.. (buhok sa ulo ha? wholesome tayo) o kahit likod lang nya kompleto na ang araw ko. Halos buong maghapon nakangiti na ako noon.

Sinuswerte?

Kita mo nga naman pag sinuswerte ka, magkaklase pala sila nun isang ka close ko at pareho pa sila ng pangalan. Kaya sa tuwing tatawagin ko yun pangalan ng kaibigan ko sabay sila lumilingon.

Ms. Insecure

Ako ay isang mahiyaing tao, kung bakit ay dahil siguro sa katawan kong malapad, feeling ko hindi magkakagusto sa ang taong yun.. dadag mo pang lapitin sya ng mga babae, kasi naman ang lakas nang dating nya, kaya siguro suntok nalang sa buwan na magustuhan ako. Hanggang pagkakaibigan na lang ang tyansa ko, hanggang tingin nalang sa malayo, pag nakatalikod o hindi nakatingin saka na lang titigan. Hanggang asaran nalang kami, common friends o friends nga ba? Maalala nya kaya ang pangalan ko? Hay … i really like him so much! Yun ang sabi ng puso ko. Pero napakaraming pero.. kasi ako si ms. insecure.

Nagdaramdam

Nasasaktan ako ng hindi nya alam, kasi sobra na yun nararamdaman ko, pero wala naman akong pag-asang mahalin nya… iniisip ko pa lang napaka imposible na. Pinagdasal ko sya noon ng sobra kung pwede nga lang ipagtirik ng kandila ginawa ko na e. Pero kahit sarili ko ayaw na makumbinse na magiging kami or mapansin man lang nya ako. Kaya nag desisyon na akong i erase sya sa buhay ko.. kasi walang chance.. ang kawawang puso ko .

Four years later…

Sa apat na taon na yun nagkaroon naman ako ng boyfriend. Hindi man sya ang pers boypren ko , sya naman ang tumatak sa puso ko.   At sa di inaasahang pagkakataon, kung kailan ang mundo ko ay parang walang sigla, parang gusto mo sumuko sa mga pagsubok sa buhay, may binibigay si Bosing na instrumento para tayo ay palakasin, pasiglahin, sinasagot ni Bosing yun mga dasal natin, sabi nga nila ano man hilingin natin sa kanya may kasagutan din iyon, hindi man ngayon malay mo bukas o four years later.. eto na nga ba yun?   At nag krus nga uli ang landas naming dalawa.

TEKS TEKS..

Salamat sa bagong technology ang texting at napapalakas ang loob ng isang tao. Ang mahiyain nagiging makapal ang mukha. Binigay sa akin ng pren ko yun number nya.

 Pren: Lambing naalala mo pa ba si Mang Jose yun patay na patay ka? diba crush mo yun?” ( kulang nalang hiyain ako sa kasama ko eh.)

Lambing:  ” Aanuhin ko naman yan? (para naman di obyus ang lola nyo na eksited) Saka wala akong cellphone e, pero sige , Ligaya pakimemorize nga yun number.”

Isang araw wala akong magawa, tinanong ko si Ligaya, ” pren na memorized mo pa ba yun number ni Mang Jose?” ( buti nalang at walang memory gap ang bes pren ko. ) At sinimulan ko na nga i teks si Mang Jose. Sabi dun sa teks.

Lambing” HI DO U STIL REMMBER ME? WER SKULMATE B4″

 Mang Jose : ” HU U?” ( mga tamang teks e.)

reply naman lola nyo

Lambing:  ” U USE 2 CALL ME APPLE B4..” nag reply uli. ( nakakakilig hihihi kasi nag rereply e)

Mang Jose : ” IM NOT A MAGICIAN MY DEAR TO KNW HU U R, SO PLS TELL ME HU U R!”

 ( aray ko!) Supladong to ah.. may pagka antipatiko, nawalan nako ng gana.. sumagot ako

Lambing: ” GANON B? SORI HA, BTW IM LAMBING SCHOOLMATES TAYO NOON U USED TO CALL ME APPLE B4, BUT IF YOU DONT REMMBER ME OKEY LANG.. SORI IF I DISTURB U”.

 Akala siguro non mokong na yun hmmp! kala nya hahabulin ko sya! Hay.. tapos na agad yata ang lab layp ko.. sabi ko sa isip ko. E bigla tumunog uli yun cellphone ni Ligaya alcatel pa naman yun noon at nakikigamit lang ako.

Mang Jose:  ” Uy! Lambing its u pala! HOW CAN I FORGET U UR SPECIAL TO ME. ” (Huwaw! kinilig naman ako dun.)

Parang bumalik yun mga panahong adik na adik ako sa pagmumukha nya.. halos di ako makatulog, laging tulala. Naalala ko tuloy yun kantang Pers Lab na lagi kinakanta ng nanay ko na nababaduyan ako .
” Tuwing kita’y nakikita ako’y natutunaw , parang ice cream nabilad sa ilalim ng araw. Dina makatulog dipa makakain, tagyawat sa ilong pati na sa pisngi sa kakaisip sayo tagyawat dumadami..!! “

INLAB?

Halos batukan na ako ng pren ko sa kapal ng mukha ko nun makahiram lang ng cellphone. Sobrang kapal talaga kasi lahat ng makita kong may cellphone nakikitext ako ma text ko lang si Mang Jose. Bawat cellphone ay ginto sa aking paningin,lahat ng may cellphone ay angel sa aking paningin, kahit di ko kilala kinikilala ko makahiram lang ako ng cellphone. Gawa ng wala nga akong cellphone di alam ni Mang Jose saan ako i teteks. Umalis na pren ko wala na akong cellphone. Paano na ang lab lyp ko? Di pa nakakapag umpisa mukhang todas na.. Pero napakabait talaga si bosing at answered prayer dumating ang savior ko.. Buti nalang dumating ang pinsan ko galing maynila at may cellphone ayun, nakapag teks kami ni Mang Jose.. diko na pinakawalan niligawan ako sa teks e wala akong cellphone,  pag pinalampas ko yun baka di na maging kami, kaya sunggab agad sige tayo na!😀 .

Pinaka masaya ko na yatang araw yun. Walang paglagyan yun kasiyahang nadarama ko, kasi sya yun ipinagdasal ko noon na nagkaroon ng katuparan. Tingin palang nya solb na ako o titigan nya lang ako pati tuhod ko nanlalambot na, tama yun sabi nilang parang ice cream nabilad unti unting natutunaw pag katabi ko sya. Mayakap lang nya parang secure na secure ako sa mga bisig nya. Kahit anong mang amoy gustong gusto ko singhutin, pero in fairness mabango naman si Mang Jose. Walang araw o sandali na hindi sya pumapasok sa isip ko, yun mga mata ko nagniningning na parang bituin, sabi nga mukhang blooming! Hindi ko na kailangan ng myra E para lang magmukhang blooming kasi natural na lumalabas ang aking kagandahan. At ang mga ngiti ko, sobrang tamis.

 Maramdaman mo lang na nandyan sya bale wala lahat ng problema. Yun feeling na ayaw mo sya mawala sa paningin mo o ayaw mo matapos yun oras na magkasama kayo, sa takot na baka dina ulit maulit yun pagkakataon na yun. Kasi noon ko lang naramdaman at naranasan sa buong buhay ko maging masaya o mainlove .

LUHA

Pero lahat daw ng kasiyahan may kapalit na lungkot. Nagkahiwalay kami ni Mang Jose dahil hindi lang pala ako. Dina sya nagparamdam, dahilan nya ayaw nya ako masaktan,  iniwan nya akong naka lutang sa hangin.. ayaw sagutin ang tawag ko pati mga text. Parang  masisiraan ako ng ulo, gumuho ang mundo ko. Hindi ako gumawa ng paraan para linawin ang lahat dahil natakot akong harapin o malaman ang sagot. Dahil mas natatakot akong malaman ang totoo, sagot na mas lalong hindi ko kakayanin, kaya umiyak nalang ako, binuhos ko nalang lahat ng luha ko. Kung ilang taon man akong nagdamdam , umabot ng 3 taon. Masakit , sobra… Halos maubos ang luha ko sa kaiiyak, kung paano ako naka move on.. siguro tinanggap ko nalang sa sarili ko na hindi kami talaga para sa isat isa.

Muni – muni

May sampung taon na ang nakalipas simula nun una ko syang makilala. Pero nakakatawang isipin na bakit hanggang ngayon bawat detalye ng Love story namin tandang tanda ko pa. Ito ba ang sinasabi nilang pers lab? Kasi diba pers lab never dies. Hanggang ngayon di ko pa rin maiwasang isipin sya, kahit nasaktan nya ako nang sobra bakit nitong mga huling araw na nagkita kami after 6 years bakit wala nang sakit? Niyakap lang nya ako parang napawi lahat ng sakit, dina ako nag tanong. May pag aalinlangan man sa puso ko, nandito pa din ako. Maghihintay, magmamahal ng walang kapalit. Umaasang mag kakaroon ng happy ending ang lab story ni Lambing at Mang Jose.

Pero kung hindi man…Hindi ko sya makakalimutan kailan man. Kasi sya lang ang unang lalaki na minahal ko nang sobra, masaktan man nya ako uli  o nasaktan man nya ako, nakatatak pa din sya dito sa aking puso…  magmahal man ako ng iba, mag ka asawa o magka apo.. bahagi na sya ng buhay ko.. Hindi ko kakalimutan na minsan sa buhay ni Lambing may isang Mang Jose na nagbigay ng kulay sa mundo nya, nagmahal, nagpasaya, nagpangiti, nagbigay ng insprirasyon… oo masakit man.. pero worth it naman yun pain. Dahil nag iwan sya ng puwang sa puso at buhay ko na sya lang ang pwede pumasok. Dahil sa kanya may nashashare akong entry sa aking pers lab….Si Mang Jose lang.. ang aking Pers Lab..🙂


20 Responses to “Pers Lab”


  1. Agosto 2, 2008 bandang 5:47 hapon

    perslab ba? hehehe.. sarap basahin a…ice yan … kaso parang nung binabasa ko e parang mejo may kalungkutan akong napapansin.. ewan ko.. sarap basahin kaso siguro yung black background lang ung nagbigay ng ganung ambiance. peace.

    *****
    ahahaha birit ko po sa hirit ng WPP !🙂 hmmm actually may sadness talaga.. and favorite ko talaga ang black😀

  2. 2 prinsesamusang
    Agosto 2, 2008 bandang 7:10 hapon

    uso yata ang mga heartbreaking stories ngayon ah?

    ******
    hmmm nagkataon lang na heart breaking ang entry ko bout pers lab sa hirit ng WPP🙂

  3. Agosto 2, 2008 bandang 9:00 hapon

    siya ang perslab mo? hihi.. wowowee.
    nakakaantig naman yan!

    *******
    yup yup! :blushed:

  4. Agosto 2, 2008 bandang 9:37 hapon

    talaga nga naman…kwentong lablayp to ah…:) ganyan talaga pag pers, kahit siguro tumanda na at magkaron ng memory gap..yan lang ang matitirang indi mabubura ng katandaan. wawa naman si mang jose kasi indi na siya makakahanap ng kasing lambing mo diba?🙂

    ******
    hahaha tama ka dyan aling baby😀 san na entry nyo sa pers lab? hala join na kau.. sa hirit ng WPP first sat of august😀

  5. 5 aga
    Agosto 3, 2008 bandang 3:47 umaga

    may ganun pa un! asust🙂

    *****
    ahihihi… napapa asust tuloy ako ei..😀

  6. Agosto 3, 2008 bandang 11:49 umaga

    hello po.. grabe naman pala yang si mang jose.. tapos lab mo parin. ang tawag jan, unconditional lab. hehe

    *******
    hala.. one true love ,first love rolled in one… asust.. kakahiya..

  7. Agosto 3, 2008 bandang 3:51 hapon

    mganda!
    magaling magaling magaling!
    ang pagkakakwento
    hehehe…:D

    pero sayang naman..
    bat bigla siyang nawala??
    hemmm?

    ayos lang yan..
    lahat naman ng bagay e may dahilan,
    kung may umalis,
    may darating na makakahigit pa sa umalis..

    naksss!
    hahaha..
    kinarir ko ata ang comment ko..

    **********
    weeee … ganda ng comments hahaha…
    bakit sya umalis? hmmm ibang kwento uli yun hahahaha😀

  8. 8 wei
    Agosto 3, 2008 bandang 6:38 hapon

    naku…baka naman may reason bakit siya umalis… hehehe…😀

    *******
    meron nga… hmm may part 2 hehehe…😀

  9. Agosto 3, 2008 bandang 6:42 hapon

    naku sad naman, may mga lalake talagang ganyan noh.. but anyway, i know you’ve already moved on and you’re absolutely happy now! wherever mang jose is right now, sana masaya na din sya at di nya pinagsisihan ang pagiwan sayo ng nakalutang sa hangin! God bless!😀

    *****
    hmmm actually nagkita na kami ulit after 6 years diba? hehehe… un lang hanging pa din😀

  10. Agosto 3, 2008 bandang 8:14 hapon

    Buhay lab layp lagi na lang bang sad dapat? he..he..

    *****
    hehehe.. meron din naman nauuwi sa happy ending.. wish ko lang😀

  11. Agosto 4, 2008 bandang 10:07 umaga

    ang haba ng storya..at talagang napakaraming taon ang binalikan mo para mabuo ang entry na to…first love never dies talaga.

    ikaw kasi na-obvious ka agad na may gusto ka sa kanya kaya sinamantala nya yun.

    ******
    ahahaha … ganon ba yun ? aba malay ko first tym ei… huhuhu.. mga lalaki talaga mapagsamantala!!😀

  12. Agosto 4, 2008 bandang 11:23 umaga

    feel na feel ko yong love story mo…hayyy perslab..lab nga naman sabi nga pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin lahat masunod ka lamang (balagtas is dat u?)🙂

    ******
    ahihi.. feel na feel ba… inipon ko lahat ng emosyon ko dyan halos mag halo ang luha at sipon dyan habang sinusulat ko yan ahahaha! salamat sa pagladalaw!😀

  13. 13 BADoy
    Agosto 4, 2008 bandang 12:58 hapon

    si mang jose pala ang first lab mo buti na lang hindi si mang badoy! nye! heheheh joke lang… atleast ngayon medyo okay na puso mo….

    *****
    ahehehe.. buti nalang …😀

  14. Agosto 4, 2008 bandang 3:42 hapon

    naku nakaktuwa nmnpo itong basahin…

    lalo akong nawiwiling umibig…

    musta na kaya ang aking pag ibig??? ehhehe

    ******
    ahahaha… cge lang di masamang umibig !😀

  15. Agosto 4, 2008 bandang 4:02 hapon

    Ayon sa kasabihan, “you meet your first love at 17 and your true love 10 years later.” Siyempre figure of speech lang sya pero it’s true na kapag bata tayo, sobra tayo magmahal kasi puso lang ang gumagana. Kaya nga first love never dies kasi puso lang ang pinairal dun:) pag true love na, hindi lang puro kilig. May rationale na kasama:)

    ***********
    aba aba.. sandali lang po first love at 17? i was 18 noon.. and im 28 ngayon… truelove na sya? ahihihi..😀 hmmm nyaaay! baka after 10 year pa.. sya na yun most hated person ko .. hekhek .. ganon daw yun ei..🙂

  16. 16 gmacomics
    Agosto 4, 2008 bandang 6:50 hapon

    sabi nila kung kayo kayo malay mo magkita kayo balang araw at kaya talaga eh di may babasahin na naman kami tungkol sa interesting love story mo. daan lang po.

    *********
    ahehehe… actually nagkita nga po uli kami after 6 years last dec lang… hmmm another entry to read .. heheh😀

  17. 17 sommer
    Agosto 4, 2008 bandang 9:35 hapon

    ..huwow!! wat is detalyado ang lahat ng stages ng first love? hehehehe! in fairness kahit di naging ok ending nakakakilig ha?=) kaso parang nalasing ako sa name ni mang jose.hehehehe!!!

    *****
    napa huwow din ako kasi kinilig ka hehehe… hmmm nkakalasing ba si mang jose? hihihi.. =)

  18. Agosto 4, 2008 bandang 10:17 hapon

    ay minsan, akala talaga nila e kapag bigla na lang sila nawala sa buhay ng isang tao e yun na ang pinaka tender moment para maramdaman nung isang nag aantay na tapos na ang lahat… di nila alam na mas tender yung sabihin mismo na hiwalay na tayo at hindi yung antay ka ng antay sa wala.

    kung mag mature yang si pers lab mo at makipagbalikan, ano kaya gagawin mo? at ano naman yang december meeting na yan, heheh.

    ******
    ahehehe… :”> tama po yun mas mahirap maghintay sa wala..
    yun meeting.. o xa.. gagawa ako nang entry bout dun .. madaming naiintriga ei….😀

  19. Agosto 5, 2008 bandang 7:07 umaga

    Anubayan lambinG! nakakarelate ako! wahaha! atleast naging kayo. eh kami ng perslab ko hindi. Tropa lang kinabinagsakan. Atleast diba?
    Nakakatuwa naman yung story niyo ni Mang Jose. Teka nga, siya ba yung crush mo nung sa enrollment?\

    Anghaba nito pero nag enjoy ako!

    ******
    ahahaha!😀 napansin ko nga mahaba pala.. summarized pa yan! yup sya po yun!
    salamat sa pagdalaw ma’am😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: