05
Aug
08

Restoring Broken Relationships

Dahil marami na intriga sa lab layp ko, at may nagtatanong bakit umalis si pers lab ko ng walang paalam? Ano ang dahilan.. eto na .. fasten your seatbelt baka mayanig kayo sa kababawan ko at katangahan at kamartiran ( singhot)… ( buntong hininga..) game!

  1. May nag text sa akin na girlala gf daw sya ni Mang Jose
  2. Nag panggap yun girlala na sya si Mang Jose at sinabi na tigilan ko na daw sila at wag nang guluhin pa. Syempre di ako naniniwala na si Mang Jose yun.
  3. Tinawagan ko yun cp ni mang jose yun girl ang sumagot.. wala daw si mang jose, sabi ko paki sabi tumawag ako.
  4. Di na sinasagot ang mga text, email, calls ko.
  5. Ano ba bang gagawin ko? Kailangan ko pa bang ipaglaban sya e parang sya na mismo ang sumuko?

Ano ba yan may numbering.. para maiwasan ko mag emote kasi parang binabalikan ko yun time kung gaano ako nasaktan. Simple lang naman akong tao, mababaw lang ang kaligayahan ko, mahalin lang ako ng mga taong mahal ko ok na ako. Ayaw ko namang maging second best, kung nauna sa akin yun girlala , pareho kaming biktima , nag mahal lang ako. Pero sana linawin nya, sana kinausap nya ako, kasi para akong nangangapa sa dilim noon kailangan ng sagot. Alam ko na yun sagot noon, siguro hindi ko lang matanggap sa sarili ko na ganon yun mangyayari. Dahil duwag ako, ayaw kong mawala sya sa akin kasi mahal ko sya, nangungulila ako, gusto ko marinig boses nya kahit sandali lang pero pinag kait nya.

“Sabi ko pa sa sarili ko noon, bumalik lang sya hindi na ako magtatanong… bumalik lang sya…”

Halos madurog lahat ng pwede madurog… (ano ba yan ayaw ko mag emote, pero ano magagawa ko ito talaga yun kwento).  Nagkaroon ako ng contact sa ate nya, sabi nya gf daw ni pers lab yun girlala gawa ng malayo nga kami nasa probinsya ako at si pers lab ay nasa maynila hindi ko napansin yun. ( actualy malakas ang pakiramdam naming mga babae e, hindi ko lang dinamdam dahil ayaw ko ng stress). Di daw maiwan ni Pers lab yung girlala kasi may sakit sa puso. Kung ano anong dahilan sinabi ng ate nya sa akin, kesyo ayaw daw nya ako masaktan.. ayaw masaktan? Ano pa ba ginawa nya?  Guilty feeling siguro yun naramdaman ni first love kaya di nag pakita sa akin. Masakit man isipin napatunayan ko na mas pinili nya si girlala. Yun lang yun naloko ako.

Alam ko tanga ako, martyr at lahat lahat na ng sasabihin ng mga kaibigan ko sa akin,  lahat ng panghuhusga kung paano ko gagamutin ang puso kasi they dont know naman how much im hurting eh.. bakit patuloy ko pa ding minahal yun mokong na yun kahit iniwan ako naka lutang sa hangin parang ghost.. Kasi hindi naman nila nararamdaman yun sakit na nararamdaman ko e. Sabi nila kalimutan ko na sya.. oo i know what to do.. but im not yet ready to let go.. kasi it hurts me.. yun maisip mo lang na mawawala sya sa buhay ko masakit talaga.

Pero sabi nila time heals all wounds.. one time nag babasa ako ng PURPOSE DRIVEN LIFE by Rick Warren. Sa Chapter 20 Restoring a broken relationship :

  • Relationships are always worth restoring. Life is all about learning how to love.
  • Restoring relationships – reconciliation, resolve conflict, peace making

How to restore a relationship

1. Talk to God before talking to the person. -Syempre kailangan natin ng guidance above para maging maayos ang pag uusap.

2. Always take the initiative.  – Kung gusto mo maayos di take the initiative diba?

3. Sympathize with their feelings.  – Syempre kailangan din natin pakinggan yun feelings nila.

4. Confess your part of the conflict.  – Kung may kasalanan ka sa conflict confess mo din.

5. Attack the problem, not the person. – Wag mang away.. yun problema ang i attack.

6. Cooperate as much as possible. – Kailangan cooperative din tayo, kahit nag ngingit na tayo.

7. Emphasize reconciliation, not resolution. – Dahil gusto mo walang kaaway makipag ayos ka, di mahalaga kung sino ang may kasalanan, basta gusto mo lang maayos yun broken relationship nyo.

Key Bible verses:

  • God has reconciled us to himself through Christ and given us the ministry of reconciliation. [2 Corinthians 5:18]
  • May the God of endurance and encouragement grant you to think in harmony with one another, in keeping with Christ Jesus. [Roman 15:5]
  • I urge you, brothers, in the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree in what you say, and that there be no divisions among you, but that you be united in the same mind and in the same purpose. [1 Corinthians 1:10]
  • Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God. [Matthew 5:9]
  • If possible, on your part, live at peace with all. [Romans 12:18]

Sabi dun sa thoughts to ponder mag isip daw ako ng taong gusto kong ma restore yun broken relationship.. si pers lab agad yun pumasok sa isip ko.. sinundan ko lahat ng steps bago ko sya tawagan nag pray muna ako.. saka ko nag dial ng number nya.. himala kung dati ate nya sumasagot ng cp o hindi sinasagot ang tawag ko.. after 2 years.. nagkausap din kami.. noong 2003 yun.

So sinagot nya.. 

Lambing: hello mang jose lambing here..

Mang Jose : Oi kaw pala musta na? San ka ngayon? blah blah..

Lambing: Okey naman ako, i just called kasi nabasa ko itong libro bout restoring a broken relationship blah .. blah… at blah..  ikaw agad yun una kong naisip kaya ito tinawagan kita. I just want to say sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. ( as if may nagawa naman ako, pero sabi sa book ganon gawin ko e). And i forgive you na rin sa lahat ng ginawa mo sa akin. Blah blah.. bye… toot..

Text Message From Mang Jose: I JUST WANT TO SAY SORRY FOR ALL THE THINGS I’VE DONE TO YOU. BUT PLEASE DONT TEXT ME ANYMORE … I WANT PEACE OF MIND.

After reading his message, syempre masakit yun pero siguro its time to MOVE ON .. so nag moved on na ako. Acceptance, na hindi na talaga pwede.. kelangan ko ng strength binigay naman ni bosing yun..

Naka move on na ako.. nakapag boyfriend na ako ng iba.. pero failed relationship pa din ano bang kamalasan yan dumapo sa aking lab layb at lagi akong bigo sa pag-ibig… Hanggang last dec 2007… ( to be continue…)


12 Responses to “Restoring Broken Relationships”


  1. 1 gmacomics
    Agosto 5, 2008 bandang 8:52 hapon

    also include this on your list. isaiah 43:18-19

    18 “Forget the former things;
    do not dwell on the past.

    19 See, I am doing a new thing!
    Now it springs up; do you not perceive it?
    I am making a way in the desert
    and streams in the wasteland.

    kakaaliw naman subaybayan. hehehe. mejo nabitin lang. pede ko bang include itong site u sa blogroll ko po? thanks.
    *******
    18 “Forget the former things;
    do not dwell on the past. ouch!😀

    tnx po sa verse.. sure po you can add me ..🙂

  2. Agosto 6, 2008 bandang 1:22 hapon

    anyabang naman nyan ni mang jose.
    grrr! hahaha..
    dapat nga kalimutan mo na siya.
    haha..parang mas galit pa ata ako kesa sayo a.

    pero parang gusto ko na ring sundin yang tips on restoring relationship..pero wag muna ngayon, eym not yet ready..
    mamaya na pag mejo, strong na ako. hahaha..basta magagawa ko rin yannnn…

    makakamove on ka rin…😀

    sabay tayo.. let’s move on😀
    *********
    naku ayyzzz yan din ang reaction ko noon 4 years ago..
    yup sundin mo yang restoring broken relationship.. kasi helpful sya.. kung ready kana talaga.. at malakas na ang loob mo..🙂

    cge lang sabay tau mag move on… sasamahan kita ..😀

  3. 3 kengkay
    Agosto 6, 2008 bandang 3:13 hapon

    hay buhey talaga ano? ah basta ako kapag tapos na, tapos na… hindi madali pero may paraan, tulad nga ng mga nilista mo. plus, malaki kasi ang support group ko na makukulit na mga barkada kaya nakakatulong ng marami – nagkakaron kami ng special day kung saan binebenta namin ang mga regalo ng mga ex, nagkakaron kami ng inuman time na ang mga ex ang aming pulutan, at kung ano pa😀

    ********
    ahehehe… iba talaga pag maraming friends na nakapaligid ano?🙂 natawa ko dun gawin pulutan ang ex !! yum yum😀

  4. Agosto 6, 2008 bandang 3:24 hapon

    bakit kaya ganun yung mga lalaki,pag nabuko sasabihing kaya di sinabi ay ayaw tayong masaktan.di ba nila alam na masmasakit na tayo ang makakadiskubre at yung isiping all those times ginawa tayong tanga.hayyy (may naalala tuloy akong mapapait na kahapon hu..hu..)

    pero tama ginawa mo. acceptance para makamove on kahit mahirap.dahil hindi pwedeng forever na lang tayo paalipin sa pait ng kahapon (drama!)

    so pano aabangan ko na lang yung continuation he..he..

    *****
    ang pait nga hihih.. ateng may continue na eto o😀

  5. Agosto 6, 2008 bandang 4:52 hapon

    “I JUST WANT TO SAY SORRY FOR ALL THE THINGS I’VE DONE TO YOU. BUT PLEASE DONT TEXT ME ANYMORE … I WANT PEACE OF MIND.”

    kakaasar! grrr! kung ako nakariciv nito baka nitapon ko pa yung cp ko sa asar hmmpft! but it’s just me ehehe…ang galing mo lambing. lam ko mahirap pagdaanan to pero nagawa mo…apir!!

    ayy may kasunod ba? hehe..

    *******
    waaaaaaaa… sabi ko sayo masipag akong mag type ei..😀

    ateng mas mahirap yun ngayon ahahhaha.. ano ba yan.. di bale dyan naman kayo mga k blog ko para malibang ako hehehe…😀

  6. Agosto 6, 2008 bandang 9:10 hapon

    bat nainlab ka ke mang jose? bulag kaya yun! ang GANDA ng taong binalewala nya..

    *****
    Hmmm ewan ko ba kung bakit .. hehehe love is blind daw ahahaha..😀 salamat snobero😀

  7. 7 rubie
    Agosto 6, 2008 bandang 11:19 hapon

    ganon din kaya ang ngyayari sa kin ngayon.. mababaliw na nga ako eh.. hmm mas malala pa nga kasi mas mahal nya ung isa.. sinabi pa nya in my face na tigilan na namin ang kalokohan namin.. when we started kasi my gf sya nun.. nabuhay kami ng normal in spite of that.. and then we broke up.. nung ngkabalikan kami sinabi nya hiwalay na sila.. all this time hindi pa pala.. un nalost tuloy ako.. so bitter tuloy ng buhay ko.. well, anyway, dahil mahal ko sya i will let him be.. wala naman na akong magagawa eh.. sinabi na rin nya na mahal nya un.. how sad..

    ********
    haaaaaaaayy.. lab layp nga naman.. basta ateng life goes on.. yaan nalang natin kung saan sya masaya.. pag sinabi nya na ng tigilan na… stop na , set him free.. para maka move tau.. marami pang fish sa dagat.. saka malas nila dahil di na sila makakahanap ng magmamahal sa kanila ng sobra…🙂

  8. Agosto 8, 2008 bandang 12:19 hapon

    Lambing, wag mong intayin si Mr. Right or Mr. Perfect or The One or kahit sinong lalaki. Focus on yourself, treat yourself like a princess. Dapat lagi tayong maganda at nag-eexcel sa anumang field na nandoroon tayo. Make yourself the most important creature on earth. Magugulat ka na lang one day darating sya at wala kang kamalay-malay na sya na pala ‘yon:)

    ********
    yeey ! im gonna do that… i’ll treat myself like a princess😀

    sana nga mahintay ko ..😀

  9. Agosto 14, 2008 bandang 12:21 hapon

    Yes, absolutely right — DO NOT DWELL on the past, let them SERVE AS LESSON, though… (even the Bible itself is full of historical facts that served as lessons)😉 Dagdag ko ito ha:

    “You may be the product of the past, but you don’t have to be the prisoner of it.”
    “From every wound there’s a scar, and every scar tells a story — a story that says ‘I survived.’”

    Naging ‘best-seller’ yang kay Rick Warren nuon. Obserbasyon nga nung isang pastor, maraming may kipkip na kristyano nyan, yung Bible nalimutan na sa bahay.😆
    The human soul has three ‘sub-components’ — intellect (mind), will, and emotion. Dapat balanse lang, anak.🙂

    *****
    thanks po , napansin ko masyado akong emotional hehe😉

  10. 10 yzabelle
    Agosto 30, 2008 bandang 1:04 hapon

    hey Im with girL… drama ng love life pero patok yan ahhh… na touch nman ako sa kwento mo…!! nice post see you around..!

    ****
    hello there! yeah.. drama ba ? hehe😉 salamat sa pag bisita😉

  11. 11 silent rusher
    Pebrero 5, 2009 bandang 4:46 hapon

    hay naku ang hirap nga ng ganyan..i think i am also in that situation..gusto ko na ngang makipag usap para matapos na din yun sakit kaso ayoko naman na gawin thru txt or phone call lang.. i still believe that we can be friends “despite and in spite of” kaya kahit yun friendship lang ang ma save ok na ako dun.. ayoko lang din talaga ng idea na mag hold ng sama ng loob mabigat kse kaya magkausap lang ng maganda ayos na yun for me. gudluck nalang cguro sa ting lahat..nag mahal lang tayo at sad to say bigo at sawi in the end.. pero cyempre life is beautiful kaya go lang ng go!! malay mu yun right person pala para sa tin nasa corner lang.. un lang..

  12. Enero 10, 2012 bandang 1:19 hapon

    sarap nmn tumambay dito while reading


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: