06
Aug
08

Life goes on..

Narinig nyo na ba yun song na Life goes on ni Leanne Rhymes? quote ko lang yun isang part ng song dun ” shame on you if you fool me once, shame on me if you fool me twice, you’ve been a pretty hard case to crack, should have known better but i didn’t and i cant go back “

Life goes on.. katuloy ito ng last entry ko after 2003 nag move on na ako sa heart aches ko.. nag karoon ng sariling buhay, nagka boypren pang palit sa kanya pero di rin nag work out.. last year 2007 pinaka down na year ko yun sa buong buhay ko kasi i feel so empty.. i feel so all alone, wasted, basta yun, yun feeling, kasi i am from a broken family at may kanya kanya na silang buhay.. while i struggle sa love life ko at family life… feeling ko wala nang magandang nangyayari sa akin.. at gusto ko mag wala.. to the point na.. makipag boyfriend na walang feelings.. I used to believe in love before.. pero pag sobrang paulit ulit ka nalang nasasaktan ng mga pangyayari .. napapagod ka din.. naisip ko if you cant beat them join them.. manloloko na rin ako.. pero.. God is good all the time.. Ayaw nya mapariwara ang buhay ko and i thank God kasi lagi nya ako sinisave sa temptation or kung malapit na akong mag give up..

December 2007 may na receive akong friendster message kay Mang Jose.. actually matagal ko na syang hinahanap sa user search sa Friendster kaso di ko makita, hanggang nun june 2007 nakita ko fs nya kaso wala sya picture.. opo naka move on na ako.. curious lang ako makita sya sa picture kaso wala eh, nag friend request ako na i add sya. Wala naman sa akin yun kung i decline nya yun o hindi ang sa akin baka sakali lang.. for old time sake.

Mang Jose is now your friend sabi sa FS. Tapos may na received akong message from him. Kamustahan. Last June nasa turkey pala sya noong  nakita nya yun request ko kaso bigla daw nagbrownout kaya na shutdown yun PC. FYI ang trabaho po ni mang jose ay marino. Ayun nasa Pilipinas sya last dec kaya nagkaroon kami ng contact.

Anong feeling? Masaya, excited, wala ng pain kasi im not expecting naman na magkikita pa kami.. pero at some point andun pa din na im longing to see him, at yun nga nag request sya na pwede daw ba sya mamasyal sa akin. Pinuntahan nya ako dito sa office.. kwentuhan.. ang lola nyo naman demure syempre ayaw pa obvious na miss ko sya, kaplastikan kung sasabhin kong hindi ako masaya. Nagulat sya sa katawan ko kasi mas lalo ako lumapad😳 hindi pa din daw ako nagbabago, ano daw ba ginawa ko sa katawan ko. Ako na naman normal lang yun reaction, sabi ko “ marami kanang utang sa akin.. 6 years? Tumatawa sya.. masaya ako kasi parang friends kami na nagkita after noong conflict namin 6 years ago.. tama nga time heals.. Hindi na namin pinag usapan yun past. Para kasing awkward eh..

Tahimik .. sabay.. “PAYAKAP NGA NA MISS KITA “..” sabi nya.. nagulat ako.. kinilig syempre.. di parin nagbabago yun itsura nya mas lalong gumandang lalaki, paano ko ba iiwasan yun? E mukhang wiling wili yun puso ko that time.. dug dug dug.. nagpayakap naman ako.. parang lahat ng sakit na pinagdaraanan ko nawala lahat.. kasi nung niyakap nya ako.. iba yun feeling parang yun talaga yun bahay ng puso ko.. na doon lang sya natatahimik.. pero teka diba nag move on na ako? Bakit ganito yun nararamdaman ko.. teka mukhang di tama to ah.. sabi ng utak ko.. “eng eng! nag move on ka lang pero you’re not over him!” para akong mawiwindang.. Tinitigan nya ako.. hinawi yun buhok ko.. dinikit yun ilong sa ilong ko.. oooopppsss.. yun lang.

Nadagdagan yun pagkikita namin, walang tanong tanong, basta we enjoyed each others company, nag bonding kami, yun ginagawa ng mga lovers .. ginagawa namin.. nagluluto, watching dvd, nag dedate. Without clearing if kami ba ulit. Naku shame on me talaga.. takot na akong magtanong kasi ayaw ko nang masaktan… nakakapagod masaktan, gusto ko lang i enjoy yun moment.. actually mas sweet pa nga kami ngayon kaysa noon.. yun nga lang natotorture ang utak ko… bahala na bukas..

Naka alis na sya last Feb, nasa dagat sya ngayon, pero walang iniwan na pangako, ka plastican kung di ako umasa na babalik sya, kasi yun ang gusto ng puso ko. Naiinis ako kasi ang tanga tanga ko, niloko na nya ako noon, papaloko pa ba uli ako? Ang sa akin lang naman mahal ko sya.. bongang bongang love ko sya.. may communication na kami nag eemail sya pag may time. Pero di pa rin ako sigurado kaya yun ang pumapatay sa akin ngayon unti unti. Kaya dinadaan ko nalang dito sa pag bblog ang kalungkutan ko.. naka hang uli ako..

Pero masaya naman ako sa sitwasyon ko ngayon (plastic). Hindi ko pa kaya magkipag confrontation ngayon kasi i am full of insecurities pa rin, its because of my body… i have nothing to offer.. pagmamahal ko lang.. yun lang . Sana pag balik nya makapag usap na kami para mapag move on na uli ako.

Para masabi ko na uli sa sarili ko na life goes on.. ano man ang kahihinatnan ng lab layb ko.

Nagmahal naba kayo ng ganto katindi?

Ikaw paano ka magmahal?


7 Responses to “Life goes on..”


  1. 1 apollo
    Agosto 6, 2008 bandang 2:33 hapon

    i know some other women too na ganyan ding magmahal…

    *****
    nice to know na medyo normal pa pala ako hehehe..🙂

  2. Agosto 6, 2008 bandang 3:35 hapon

    eto na pala yung continuation.kababasa ko lang nung first part. pagclick ko kasi ng link ko sa botd dun ako napadpad.

    eniweys, ano ba masasabi ko. actually speechless ako. kasi tulad mo rin ako kung magmahal, minsan nakakalimutan ang sarili kaya pag nasaktan lakas din ng impact.

    pero ang hirap ata nung present situation mo, yung di mo alam kung sino o ano ka ba sa buhay nya.para kang lumilipad sa hangin na di alam kung saan pupunta.

    siguro just be preprared sa mga possibilities para kahit anong ending ready ka.

    Godbless lambing. sana matagpuan mo na ang kasagutan ng iyong mga katanungan:) ( wow para ako gumawa ng isang entry )

    *****
    ayos yan ! sarap kaya magbasa ng comments.. meaning concern diba? salamat salamat😀

  3. 3 sommer
    Agosto 6, 2008 bandang 4:37 hapon

    …grabe, i feel for you lola. ramdam ko ang love at ang heartache mo..pati ang pagkamiss sa kanya at yung feeling na parang kayo pero hindi…yung ineenjoy lang company nya at yung kilig moments na dapat e wala na kasi nakamve on na… kasi nman ganyan din ako sa first bf ko..=) ganyan din kame, nahinto na lang nung kinasal na xa.=( masakit pa din.haaay!

    ******
    ano ba naman magagawa natin tao lang tayo ahehe.. pero tnx din kasi na fefeel mo.. hala love na kita ..😀

  4. Agosto 6, 2008 bandang 5:03 hapon

    bonggang-bonggang lab nga yan lambing. iba ka! steeg magmahal. pero ang hirap ng sitwasyon mo. para kang nakalambitin sa puno na unti-unting bumibigay ang sanga..nag-aantay kung tuluyan kang mahuhulog mag-isa o dadating ang taong yun para saluhin ka. ayaw mo nang tingnan kung anu ang kahuhulugan mo kasi masaya ka naman. Ito ang sinisigaw ng puso mo kaya kahit nangangalay ka na dyan sa pwesto mo, keri pa rin. ang lupit ng perseverance mo. sana nga ma-realize niya kung ganu mo siya minahal at patuloy na mamahalin despite of his shortcomings..indi madaling maghintay girl pero tingin ko yan ang talent na binigay sayo ni Papa God.

    Gud lak ha, i’m still hopeful for both of you.

    ********
    at talagang sinubayayan mo ang mahabang nobela ko hehehe..
    nakakaiyak naman yan comment mo ateng🙂

    talent pala ito.. yeeey .. sa wakas nag ka talent din ako😀 Pero lumuwag ang dib dib ko salamat ateng..🙂

  5. Agosto 6, 2008 bandang 5:48 hapon

    hay di ka nag iisa mare..hehe minsan kahit sabihin natin nakapag move on na tayo pero in fact hindi pa talaga. Agree ako sa sinabi mo, nagmove on lang pero not over him yet..:) apir!

    ****
    tumpak mare ! hahaha .. naka relate ba?😀

  6. Agosto 8, 2008 bandang 12:31 hapon

    Oo naman, nagmahal na rin ako ng ganyan katindi. Pero ang pinagkaiba lang natin, nung tinalikuran ko sya after 7 years there was no turning back. Kahit anong paraan ng pakikipag-communicate sa akin, hindi ko na pinagbigyan kasi tapos na. Hindi naman ako galit sa kanya. Ayoko lang kasi tapos na nga. Alam mo bang may asawa na ako 2 years ago eh nagparamdam ulit yung una. Deadma sya kasi wala na talaga. Kaya naniniwala ako sa sinabi ni Heart Evangelista, “When you have the right reason, it’s easy for you to move on.”

    *******
    ahehehe… sana mahanap ko na yun right reason na yun o makita … tnx tita sonnetshaven .. hala love na talaga kita !😀 at mwwaah ulet😉

  7. 7 rubie
    Agosto 9, 2008 bandang 2:33 umaga

    pareho lang tayo.. hehe kulang na lang laslasin ko ang pulso ko bumalik lang sya sakin haha.. hmm it’s been 5 days since he dumped me.. i’ve been sleeping in my friend’s house for 4 days kasi i wanna help myself naman to get rid of my usual self since then.. aykong umuwi kasi madami akong maaalala.. para machange lagn ung environment ko hehe.. i cant even sleep in my bed.. what’s wrong.. huhu
    but hell yeah i’m trying to figure things out… hush..😉

    *******
    ahaha normal lang yan! lalo kung sa room mo full of memories hehehe… basta keep your self busy nalang.. life goes on po😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: