09
Aug
08

Magiliw na tricycle driber

Sabado nanaman, eto may pasok pa rin sa trabaho, putek talaga parang ang haba haba ng araw walang katapusang pangangareer sa trabaho kong walang pahinga, daig ko pa si Ligaya ang babaeng walang pahinga.. teka si Ligaya nga ba yun babaeng walang pahinga? ah ewan basta ang alam ko si Lambing ang babaeng tulog lang ang pahinga.😉 Bakit walang pahinga? Ikaw ba naman ang pumasok sa opisina ng 7 days ei may overtime pa yun. Kung malaki laki lang sana ang sweldo siguro rich na ang lola nyo kaso kulang pang pangbuhay ng isang pamilya.  Hayaan na nga natin ang buhay trabaho ko, kasi siguro kahit magunaw ang mundo di magbabago ang boss kong nuno ng kakuriputan.

Ano kaya ang magandang gawin? Eto nagnanakaw nanaman ako ng oras sa pag gawa nitong entry na ito, kasi parang matutuyo na ang utak ko sa mga papel na nakalatag sa harapan ko.  Araw araw nalang ganito ang ginagawa ko, kung baga sa pagkain yun at yun lagi ang ulam mo, nakakasuya , nakakasuka na. Parang i need a break talaga.. gusto kong mag unwind.. Naalala ko tuloy nung isang araw after office hour nag unwind ako sa palengke .. nyak! uniwnd sa palengke? Sari saring amoy ang maaamoy , maingay din. Gusto ko kasi kumain ng bangus na sinigang sa hinog na bayabas, yum yum! daig ko pa ang naglilihi pag may gusto akong kainin eh, saka gustong gusto ko magluto, pang tanggal ng stress yun eh, sa akin ha? Paano habang nagluluto ako mega concert ako harap ng lutuan at ginagawang mike ang sandok.. Kung totoong man yun sinasabi nilang pamahiin na darami ang asawa.. siguro marami na ako nun..

Nakabili na ako ng isang bangus, pauwi nako sa palengke, kahit paano nakapag unwind din, makalanghap manlang ng hangin, kahit din na sariwa kahit amoy bilasa okey na makapag unwind lang.. sakay ng tricycle ang lola nyo pauwi…  at ang tricycle driver mukhang magiliw at mabait hindi nag tanong kung magkano ibabayad ko.  Dito kasi sa probinsya namin sadyang napaka kapal ng mukha ng tricycle driver dito.. katataas lang ng pamasahe 10 piso na biruin nyo, pag nag sakay pa sila gusto nila doble ang pamasahe.. aba aba.. tumaas na nga pamasahe gusto pa nila doble ang pamasahe sadyang walang mga walang awa eh.. pare pareho naman tayong nagbabanat ng buto, pare pareho din tayong tao na apektado sa pagtaas ng kung anik anik na tumataas na yan, pagsasamantalahan ka pa e ang lapit lapit lang naman ng pupuntahan.. ay malayo din pala kasi mag tra tricycle ka ba kung malapit.. nu ba yan ..

Mabalik tayo kay mang tricycle driver na napakagiliw .. pero teka parang may napapansin ako parang di sa daan nakatingin ang hinayupak na ito ah.. tama nga hinala ko .. sa bundok pala nakatingin.. sa dalawang bundok ko! o may gulay.. di naman nag pahalata ang lola nyo.. medyo lumilitaw kasi ang cleavege ko eh.. nu ba naman magagawa ko eh biniyayaan ako ng malulusog na pares.. ewan ko ba.. ano meron dito at lahat nang nakakakita napapalingon.. sa iba gift tawag dito, pero ako parang sumpa kasi ayaw ko talaga ng tinitignan ako ng mga hinayupak na manyakis .. asar!  Taas na nga kasi ng neckline ko etong cleavege na to sumisilip pa din. Tinaas ko ng bahagya ang blouse ko.. dedma kunwari wala lang.. pati si mang driver dumiretso ang tingin.. maya maya malapit na yun kanto aba aba! lumampas! ‘Oi manong lumampas na tayo dun po ang daan o!’ Ano kaya iniisip ni manong? Salamat at nakarating din kami ng safe.. manong kasi kung saan saan nakatingin eh.. at nang nagbayad na ako mantakin mong 20 pa ang siningil!? grrr .. ang sabi ko sukli ko?  balik mo yun 10 ! sampung lang pamasahe.. sabay irap pagbaba.  Lokong yun.. libre silip na nga gusto pa ako magbayad ng doble?!


11 Responses to “Magiliw na tricycle driber”


  1. 1 sommer
    Agosto 10, 2008 bandang 8:35 hapon

    ..tsk! yan kasi hirap sa mga nabiyayaan ng malusog na dibdib!hehehe!
    …pareho tayo, pang unwind ko din pag stressed na ako maggrocery.=)

    ***********
    yun nga eh.. mga mapagsamantala ahihihi..😉

  2. Agosto 10, 2008 bandang 10:43 hapon

    dapat yata manyak na tricycle driver ang title ms lambingcutie. hehehe.

    *****
    na peke kasi ako hehehe kala ko magiliw po eh!😉

  3. Agosto 11, 2008 bandang 11:24 umaga

    Hahaha!:) Natawa naman ako sa last line mo, libre silip gusto pa ng doble bayad. Next time may ganyang driver, sabihin mo may extra charge pag susulyap-sulyap sya sa ‘yo. Gifted child ka naman kasi:)

    *****
    ahahaha.. diba libre silip na nga tatagain pa ko ng bayad😀 swerte naman nya!😉

  4. Agosto 11, 2008 bandang 3:53 hapon

    awww!
    bastus naman!
    hindi ka na sana nagbayad!
    hahaha…

    buti ka pa nabiyayaan.
    hahaha..
    ako parang likod lang..

    uyiii

    hahahaha😆

    ********
    parang likod lang? aaaw kamusta naman yun likod mo wahehehe😉
    kawawa naman yun mama ei.. di naman sya obyus eh.. naku subukan nya ipa obyus at may tusok sa mata sa akin yun!😉

  5. 5 BADoy
    Agosto 11, 2008 bandang 5:07 hapon

    pasilip naman… hahahha! be proud kesa naman kung cythia patag ka!!!!!! heheheh!

    ******
    mang badoy ha!!🙂 mataas na suot kong neck line wala nang masisilip hehe😉

  6. Agosto 11, 2008 bandang 6:37 hapon

    at least now you know pag may magiliw, manyak. hahahahaha.

    ****
    ahahaha… oo nga ! now i know … hehehe😉

  7. Agosto 11, 2008 bandang 7:17 hapon

    haha iba talaga si manong. buti nalang indi ka inuwi sa kanila.😀

    hmmpft mga mapagsamantala talaga yang mga yan. kaya konting ingat lang.
    🙂

    *****
    kaya nga buti nalang nakita kong lumampas ahehe🙂 di nalang sya natakot sa laki ng katawan ko kung iuuwi nya ko nyahahha..😆

    warning: mag ingat sa magigiliw na tricycle driber at wag magsuot ng litaw ang cleavege😳

  8. 8 aga
    Agosto 11, 2008 bandang 7:59 hapon

    ui sana ako nalang ung driver! ahehehehe joke lang!
    ingat parati!🙂 asust

    *******
    ahihi.. KUYA hmmm..
    hehe asust ka talaga.. ano ba yan nakakahawa ka !😀

  9. Agosto 12, 2008 bandang 1:00 umaga

    huwaw… ipamahagi ang biyaya… joke…

    e hindi ko masisi si manong drayber.. kung sobrang maganda ka naman talaga para titigan y not… hehehe.. basta ganun lang.. wala ng iba.. mamatay sya kakatitig.. hehehehe…

    ganda ng lola..

    ******
    ahahaha may ganon?😉 salamat salamat po😀

  10. Agosto 12, 2008 bandang 4:46 hapon

    Awts. Muntik na magbiglang liko si manong driver, haha. Kaya nga sabi, 1st impressions usually don’t last. =p

    *******
    korek kirksydney!!😉 add kita ha, tnx pala sa pagdalaw😉

  11. Agosto 13, 2008 bandang 7:32 umaga

    Walangyang yon. eh kung tignan mo rin kaya yung ano niya…. yung MATA niya ng MATALIM ng makatikim ng hiya! Hay nako.. kaya bwisit din ako sumakay sa tricycle eh. Kakaupo mo pa lang p30 na minimun fare dito samin! Anuto?!!! — TAXI?!! bakit, may aircon kb manong? kapal mo.

    Pati ako nagalit eh no.

    ******
    hahahaha akala ko kung ano ano yun eh… huwow mas mahal pala dyan 30 ???? 😆

    relax teacher.. ang puso mo hehe😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: