23
Aug
08

Hitech

Talagang ang laki ng naitutulong ng bagong technolohiya ngayon, ang mga taong di mo inaasahan makakausap mo pa eh nagkakaroon ng katuparan makausap uli. Wala lang masaya lang ako kasi friendster saves the day uli hehe.

Kahapon may na received ako sa email ko na someone sent me a smile, pag open ko yun long lost friend ko pala. Nakakamiss kasi nagkaroon uli kami ng communication, chikahan sa chat, kamustahan, asaran ayun kasi eto nanaman …. ako nanaman ang center ng usapan bakit wala pa akong dyowa. Isang malaking buntong hininga.. eh BF? Isang haayzz pa uli.

Mabalik tayo sa kaibigan ko, since graduation ng elementary kasi eh naghiwalay na ang aming mga landas. Pero kahit ganon, meron mga tao talaga na nag iiwan ng pitak sa buhay mo. Ang tagal na nyang nawala since 1992 ngayon lang uli kami nagkausap pero andoon pa din yun closeness namin, kitang kita na miss na miss namin ang isat-isa . Nakakamiss talaga yun mga panahong…

  • nag cha chinese garter kami
  • jackstone
  • kwentuhan ng mga crush
  • inggitan hehe
  • lakwatsa
  • Minsang nag cutting class kami at naligo sa ilog ng naka panty lang, kinabukasan pinagalitan kami ng teacher namin. Elementary days…

Na kakamiss yun mga kalokohan, times na wala ka pang pinoproblema..  Gusto ko lang i share na happy ako ngayon. Basta i miss her so much. Ganon po talaga ako kalambing hehe . Kaya lang wala sya sa pilipinas ngayon kaya di ko sya mayayakap at kiss. Pero pag nagkita kami uli am chur talagang ihuhug ko sya.

NA MISS KITA FRIEND !🙂


18 Responses to “Hitech”


  1. Agosto 23, 2008 bandang 8:09 hapon

    ayan.. naalala ko yung friend ko dati…. *hikbi* pero tama ka dun.. nagiiwan talaga sila ng part sa puso mo… at masarap gunitain ang mga masasayang bahagi ng buhay mo… hihihi

    *****
    uuy pot sinong kaibigan yun? bakit may hikbi ? tama yun! masarap talaga yun feeling😉

  2. Agosto 23, 2008 bandang 8:23 hapon

    hehehehe. ang saya naman ng ganyan. meron din akong Bestfriend noong grade 3 ako pero nang maggegrade 4 na kami eh bigla na lang siyang umalis. sabagay nagpaalam naman siya sakin pero sana nagfefriendster din siya para makita niya ako dun hehehe! sana naaalala niya pa ako.

    ****
    ang sarap talaga ng may friend diba? all things are possible naman na ngayon eh,,, malay mo one of this days nka fs na rin sya!!😉

  3. 3 kengkay
    Agosto 23, 2008 bandang 9:25 hapon

    sa friendster rin namin nahanap yung mga ka batch namin nung high school na ang tagal na naming hindi mahanap, as in huling chika namin e more than 20 years na… hayzzz. at karamihan sa kanila wala pa ring BF, hehe

    *****
    ahahaha nakakatuwa talaga yun ganyan ano? una tatanungin kung may asawa na o bf hahaha😆
    20 years? ang tagal huh? mas lalo nakakamiss pag ganon hehe lalo na at sobra close pa kayo🙂

    welcome back tita kengs na miss kita! aru! o yan one week lang na miss na kita !🙂

  4. 4 kleng
    Agosto 23, 2008 bandang 10:57 hapon

    I missed you too friend!!!

    *****
    ahihi ayan nadalaw mo na ko sa bahay lambingan ko hehe.. basa ka lang ng mga wento ko haha para ma update ka sa buhay ko nyahaha😆

  5. Agosto 24, 2008 bandang 2:33 hapon

    galing naman, ako rin ung cousin ko sa friendster din kmi uli nagtagpo, haha.. kaya nung umuwi ako ng pinas nakapagkita kme, oha oha,, inuman tu da max un!😆 laki ng naitutulong ng mga social networking sites noh? kahit nakakabwisit ung mga maintenance. nyahaha

    *****
    huwOw ang saya naman nun.. at talagang may kasama pang OHA OHA😆

    correct ! nkakabwisit nga minsan pero nakakatulong talaga sila hehe😉

    salamat sa pagdaan😉

  6. Agosto 24, 2008 bandang 5:14 hapon

    awww…kakatuwa naman.🙂

    buong pinas na yata ang may account sa fs kaya minsan, ang sarap mag-search ng mga long lost fwends dun. sana nga lagyan na nila ng im chat para naman kung sakaling online, pwede na rin kayo makapag-usap agad diba nice yon?
    🙂

    *****
    totoo nakakatuwa talaga.. tapos yun feeling talaga iba hehehe.. lalo na pag long lost boypren yun na search mo ahihihi😉

  7. Agosto 24, 2008 bandang 6:16 hapon

    parang gusto ko na din maghagilap ng mga frends ko pero hindi ko sila ikikiss. hahahaha. congrats u found your long lost friend!

    *****
    salamat po! teka bakit naman hindi mo ikikiss yun long lost friend???🙂

  8. 8 barquera
    Agosto 24, 2008 bandang 8:27 hapon

    masarap talaga ang pakiramdam kapag nagkita ulit kayo ng best friend mo lalo’t matagal na ang panahon na di kyo nag kita o nag kakausap man lang… sarap talaga ng may kaibigan..

    *****
    tumpak! masarap talaga !🙂

  9. Agosto 25, 2008 bandang 11:22 umaga

    apir tayo! masaya rin ako kahit na malalayo na ang mga best friends ko sakin.

    *****
    kahit malayo parang malapit rin hehe😉 kasi hitech na hihi😉

  10. Agosto 25, 2008 bandang 4:05 hapon

    (sniff sniff) awwww.. naalala ko tuloy best pwend ko..😀
    at least kayo, nagagamit niyo hitech means of communication.. eh kami, kahit lowtech wala..😦

    napadaan lang..😀 link po kita ha..

    *****

    lowtech hahaha! may naalala ako sa lowtech na yan haha😆

    hmm salamat po sa pag daan.. i’ll link you up as well ! mmwaaah😉

  11. Agosto 25, 2008 bandang 5:57 hapon

    sagwa tignan eh lalake sa lalake? hahaha. kahit ihug hindi ko gagawin. dito lang nangyayari sa mga arabo ang mga ganun pero hindi mga pinoy dito ha. hehehe

  12. Agosto 25, 2008 bandang 5:58 hapon

    sagwa tignan eh lalake sa lalake? hahaha. kahit ihug hindi ko gagawin. mga arabo lang may kakayahan humalik sa kapwa lalake. hehehe

    *****
    ahahaha😆 tama sagwa nga apir na lang haha o kaya hug hehe😉

  13. Agosto 26, 2008 bandang 12:21 umaga

    naalala ko tuloy bigla yung ibang friends ko na..huhu! nyehe! nice, isa sa mga goody good goods ng technology..

    ******
    okey lang yan!😉

  14. Agosto 26, 2008 bandang 11:19 umaga

    Haaayyy…gaya ng karamihan dito, naalala ko rin bigla ang bestfriend ko. Last April nag-text sya sa akin na kauuwi nya lang from Singapore with her husband and son. Sabi nya, magkikita kami pero hanggang ngayon busy pa rin sya kaya babalik na lang sya ng Singapore ni isang dinner or lunch wala pa kami nagagawa, haaayyy…

    *****

    hehehe ganon talaga ka busy minsan😉 malay mo one of these days.. mangyari na yang dinner na yan😉

  15. Agosto 26, 2008 bandang 12:13 hapon

    parang si aling baby at ako.. nasa malayo ang aking bespren… dito lng kami sa wp nagsasama at sa ym.. hehehe.. single k pla? Eh di para sayo pala yung bagong lesson?

    ******

    huwow naman talagang bff sila ni aling baby! wish ko lang mag blog na rin besfriend ko hehe

    nadalaw ko na yun classroom natin bout sa singlehood teacher .. sge daan uli ako pa check ng attendance😉

  16. 16 Kat Carneo
    Agosto 26, 2008 bandang 4:52 hapon

    ang saya naman, nagmeet kayo ulit! Actually, yan din lang ang purpose ng friendster sa buhay lo–ang hanapin ang mga nawawala kong friend. Dahil diyan ay may kontak ako sa lahat ng ka-batch ko nung elementary (pati na si crush na dati-rati’y inignore ako, pero panget na siya ngayon!)-at high school, kaya ang saya-saya!ang galing talaga ng interweb!
    *****

    o diba? kaya lang meron na yata akong memory gap kasi yun ibang batch ko nun elementary di ko na matandaan hehe😉

  17. Agosto 27, 2008 bandang 11:18 umaga

    jackstone! nakakamiss nga!😉 naalala ko pa, talagang pinagpa-practisan ko yan nung bata pa ako. hehehe.

    ****
    o diba! may tournament pa kami nyan noon eh! ahahaa!😉

  18. 18 ayyzzz
    Setyembre 1, 2008 bandang 11:53 umaga

    huwaw!
    minsan..
    malaking tulong ang friendste.
    pero minsan naman,
    nakakaasar..

    espeking of jackstone..
    mahilig din ako maglaro nyan dati..
    hahahaha…

    me mga eksebesyon pa nga yan diba?
    hahaha..
    nakakatawa..

    *****
    hmmm… bakit naman nakakaasar ayyzzz??? na curious ako?!😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: