26
Aug
08

Honey

 

Dahil sa gusto kong iwasan na ang kape, naghanap ako ng substitute ng kape. Sabi ko sa sarili ko magkakalamansi juice nalang ako, pero teka pag asukal baka lalo ako lumobo nyan kasi di ko naman kaya ang asim ng kalamansi juice ng walang asukal. So nag isip ako ng healthy na pamalit sa asukal, madali’t sabi naisip ko agad ang honey. Masarap yun eh, saka di gaanong delikado tulad ng asukal.

Iyon nalang honey na nga lang, pero san ba ako bibili nun? Alam ko na pabibili ako sa co-worker ko , kasi nadadaanan nila ang Aritao, dito yun malapit sa Santa Fe pag nagbyabyahe sila papuntang Manila. So ayun na excite naman ako sa honey na yan. Di nyo naiitanong kasi talagang gusto ko na ang healthy living. Paano ba kasi nahahawa ako sa kasama ko sa boarding house ko. Hmm super sexy sya, at di naman masama na maingit ako sa katawan nya hehe. Ayun di sya kumakain ng karne, manok, itlog, at seafood. Paano pa kaya ako mabubuhay non? Halos lahat ng masarap bawal sa kanya?

Pero sa maniwala kayo o hindi, i want to congratulate myself kasi 1 month na akong di kumakain ng pork! huwow kamusta naman yun. Panay vegetable and fish ang drama ng lola nyo, tipid na iwas cholesterol pa. Minsan gusto ko din kumain ng pork pero parang nasanay na akong walang pork, substitute ng pork ko tokwa nalang. Hindi ko naman balak maging vegetarian, sinusubukan ko lang yun sarili ko kung kaya nya mag-adjust . At hndi naman pala mahirap ang mag gulay at fish ang kinakain, nakakasanay din. Iniisip ko rin na may benefits naman ang pagkain ng gulay lang at isda , medyo mahirap nga lang sa una pero sanayan lang din naman.

Kasi noon parang ayaw ko kumain ng gulay na walang halong karne, ngayon naaapreciate
ko na ang gulay na walang karne, pansit na walang karne sardinas lang ang halo, nabubusog din naman ako. Minsan naisip ko luho lang din pala yun dapat karne ang halo ng gulay. Dati nga pag nagluluto ako ng gulay mas maraming karne kaysa gulay. Ngayon wala ng karne. Seventh day adventist kasi yun kasama ko sa house, since dalawa lang kami dun nakikibagay ako, share kami ng food yun nga lang maraming bawal sa kanya, nahawa tuloy ako at nakapag adjust din sa kinakain. Hindi pa din ako nangangayayat😳 eh kasi naman malakas ako kumain ng rice😀

Mabalik tayo sa honey ko.. ayun nakabili na ng honey 200 isang bote. Pagka bigay sa akin ang ganda! Kulay brown sya.. nang tikman ko .. nakngtokwa.. parang asukal rin eh! Nadenggoy ako! Parang asukal na arnibal lang yun binili.. honey honey pang sinasabi! tinunaw na asukal lang.. paanong di ko malalaman na tinunaw na asukal lang eh nainigas sya pag may tubig na malamig parang candy! Pati ba naman ang honey may pirated! nakow! at ang mahal pa! 200! Bumili nalang sana ako ng 2 kilong asukal na pula at tinunaw ko wala pang 200 yun! At dahil sa inis ko nakow naubos agad ang pekeng honey within one week! Sa kaka healthy living ko nyan.. baka sa bandang huli diabetes ang sakit ko!😦

May nalalaman pa akong healthy living .


16 Responses to “Honey”


  1. 1 apollo
    Agosto 26, 2008 bandang 1:37 hapon

    naku miss lambing… nadenggoy ka nga… saka wala rin akong naririnig na mga magha-honey sa aritao…

    ******
    nahawa kasi ako sa boss ko hehe dun daw may nag bebenta ng honey haha.. pag dating dito asukal!😉

  2. 2 sommer
    Agosto 26, 2008 bandang 2:41 hapon

    …ngek sayang naman ang 200 at napeke ka.=( at congratulations at napapanindigan mo ang no pork ng 1 month na. good job! pero feel mo talaga papayat? me diet na ginagawa mga housemates ko (diet + cleansing na din para healthy living), in 1 week bawas 5kg agad…in fairness di mo gugutumin sarili mo. pero paano ko send sayo details?hmmm…

    ****
    yeey! sge lola send mo details sa akin ahihi sa email add ko! cutie_penelope05@yahoo.com
    effective ba yan? nyahaha!😆

  3. Agosto 26, 2008 bandang 4:41 hapon

    dito sa middle east marami honey na orig.masrap sya ihalo sa tea.
    pork dito bawal kaya pedeng pede ka na magabroad dito lambing! hehe.

    pede ka din naman magseafoods kapalit ng pork gaya ng shrimp.

    *******
    ahaha.. uu nga poh pwede naman! kaso yung housemate ko bawal din ang seafoods… manok, egg and fish na walang kaliskis😀

    so pwede na pala ako mag abroad sa middle east?😉

  4. 4 Kat Carneo
    Agosto 26, 2008 bandang 4:47 hapon

    di ba pag nasanay ka na hindi naman mahirap maging vegetarian…yun nga lang hindi ko magawang mag-veggies all the way dahil minsan tinatawag ako ng cheeseburger….

    try mong mag-tea na may honey, masarap yun!

    ******

    hehehe.. sa akin subok lang ahihi wala akong maging vegetarian😆

    opo na try ko na yun tea na may honey !🙂

  5. 5 menggay
    Agosto 26, 2008 bandang 4:49 hapon

    wow!!

    APIR!! CONGRATZ NAKAya mo yun…sis!!

    ****
    wow talalga heheh..

    subok lang yun kaya naman pala !😉
    salamat sa pagdaan !:)

  6. Agosto 26, 2008 bandang 5:56 hapon

    sa may mercury drug ka na lang bumili ng honey. meron yun sa otc section.

    sabatista pala boardmate mo. may 2 friends din akong sabatista at unti unti ko na ring naaabsorb ang lifestyle nila. kaso lang minsan di ko talaga ma-gets kung bakit dami bawal pati seafoods, fishes lang pwede.

    *****
    ganon ba? sige try ko …;)

    uu sabatista nga , based daw sa bible yun.. meron yata explanation sa bible mga hindi dapat kainin.. pero ako may sarili rin akong faith na pinaniniwalaan… yun nga lang dahil nasa isang bahay kami, at ako yun pwedeng mag adjust kaya .. yun!😉

  7. 7 kengkay
    Agosto 26, 2008 bandang 11:50 hapon

    hindi mahirap yang desisyon na yan… ako dati hindi kumakain ng gulay pero dahil super fresh ang mga gulay dito sa amin, may i eat na rin ako. masarap naman di ba. as for honey, kakatawa naman na pati iyan e pinepeke😀

    *****
    correct! masarap ang gulay pag fresh talaga🙂

    kaya nga , imbis na makatulong sila lalo ba magkakasakit yun binebentahan nila…
    ang pinoy talaga … magaling kumita hehe😉

  8. Agosto 27, 2008 bandang 8:52 umaga

    sabi nga nila (ewan lang kung sino sila eksakli) ang honey daw ay ang “perfect food” — hindi napapanis, walang allergenic effects, hindi masama sa katawan…

    yun lang, gaya ng dvds, pirated na rin ang honey ngayon. hehehe

    *****
    kung totoong honey ang nabili wahehe🙂
    salamat po sa pagdaan😉

  9. Agosto 27, 2008 bandang 9:54 umaga

    hahahahaha! itatanong ko pa dapat kung hindi ka pa nagkakagout gawa ng tokwa. nung nabasa ko yung sa huli, di ko mapigilan tumawa. ibalik mo! kelangan malaman nila na peke ang binebenta nila AT ipagkakalat mo na peke nga yun para matuto.

    sagot naman dun sa confusion ni akoito, hindi sila kumakain ng seafoods kasi madumi daw ito at sabi raw ng Diyos bawal kainin yan. pero nasa old testament yan. sa panahon ngayon, dapat pasalamat tayo na may kinakain tayo.

    basta ako kakain ng kahit ano para masabi ko sa sarili ko kapag mamatay ako na namatay akong masaya kasi busog. hehehe!
    *****
    nakakagout ba ang tokwa??? nakup..😦

    wala na akong ibabalik kasi sa sobrang inis ko yun isang bote na yun inubos ko ! wahehe! 😆

    tama yun, noon old testament pa naman yun.. ang alam ko nilinis na lahat ng Panginoon lahat yan.. hmm basta ako nakikisama lang hehe pag umalis na sya back to normal nanaman nyahaha !😆

  10. Agosto 27, 2008 bandang 11:12 umaga

    congrats lambing! walang pork! kaya mo yan…😉

    madami ngang pirated na honey.. naabutan ko pa sa pinas yan… kakaiba talaga! hihihi

    ****
    hihihi kakaiba nga eh.. kakahawa naman yan tawa mo…😉

  11. Agosto 27, 2008 bandang 11:19 umaga

    Nakakainis naman ‘yan, akala ko naman tuluy-tuloy na ang iyong healthy living kaso naudlot pa dahil sa fake honey. Don’t give up though, there are other options. Tsaka binanggit mo asukal na pula, okay na rin yon. Healthy naman sya unlike yung puti. Don’t give up dearie:)

    *****
    ahehehe sige ate tutuloy ko rin yun hehee😉

  12. Agosto 27, 2008 bandang 3:49 hapon

    pedeng pede ka na dito lambing!! anu pa wait mo, apply na. hehehe. kaso mapapalyo ka kay mang jose pag nagkataon. kay abdullah ka na mapunta. hahaha

    ******
    nyahahaha! abdullah…hihi parang nakakatakot hehe😉

  13. Agosto 28, 2008 bandang 9:16 umaga

    abdullah.. parang nakakatakot nga pare ah.. ehehehehehe pero pwede na rin basta papa.. ahahay!

    *****
    ayoko nang mabuhok nyahaha !😆 kahit papa pa sya!

  14. 14 ayyzzz
    Setyembre 1, 2008 bandang 11:58 umaga

    hahahaha…

    hindi rin ako kumakain ng pork.
    hindi ako muslim a.
    wala lang..hindi ko lang ma-take ang lasa ng karne…

    bili ka na lang ng honey sa mall..
    yung ndi peke..

    ***
    wow buti ka pa di kumakain ng pork.. siguro wala kang memory gap ano?? hihi

    nasanay ka na yata sa skyflakes eh..😉

    mmuuaaah na miss kita😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: