27
Aug
08

Kikay ako

Isa siguro sa mga namana ko sa nanay ko ay ang pagkahilig sa make-up. Nag simula akong ma aliw sa make-up noong isali ako ng nanay ko sa binibining lakambini noong ako ay grade one pa lang naks! At least nasali din ako noon, di pa kasi ako gaanong malusog noon. Nadaan sa pera, kasi pera ang labanan noon eh hehe. Nanalo nga ako noon at mayroong coronation night. Natandaan ko inaayusan ako ng mga bakla noon. Naaliw ako kasi doon ko nalaman maganda pala ako😉

Lagi kong pinag lalaruan ang mga make-up ng nanay ko noon halos mapalo pa nga ako kasi nasisira na yun iba sa kakalaro ko. Siguro bilang bata naaaliw lang ako sa ibat- ibang kulay noon, kaya pag may program sa school at ako ang  emcee o kasali ako sa progrram noon elementary days, tinatakas ko ang make- up ng nanay ko, tapos inaayusan ko yun mga classmate ko,  kailangan talaga na ka make-up ako.

Aliw na aliw ako kasing tignan ang nanay ko habang naglalagay ng maskara sa mata at kinukulot nya ang mga pilik mata nya. Gandang ganda kasi ako sa nanay ko noon. At nakalakihan ko na nga ang pagka hilig sa mga pang paganda. Pero hindi naman ako nagmamake up sa school noon bata pa ako hanngang nag college, kasi mahiyain nga ako. Saka ayaw kong napapansin ako ng tao. Occasionally lang.

Nang nagdalaga na ako, late bloomer kasi ako college days, baby powder lang pinapahid ko sa mukha ko saka konti tinta ng lipstick. Kung sinisipag naman ako nag lalagay ako ng mascara sa pilik mata at kinulot ko iyon, saka pabango.

Nang magkaroon na ako ng sarili kong pera dahil may trabaho na ako. Doon ako nahilig bumili ng kung ano ano. Syempre secretary ako noon kailangan presentable ako kaya napakinabangan ko din ang pag kahilig ko sa make-up. Ang laman ng bag ko?

  1. Curler – ito po yun bakal na pang kulot ng lashes , kung hindi masyado nabiyayaan ng kulot na pilik mata. Pwede naman natin kulutin nito pansamantala.
  2. Mascara – ito po yun liquid na pinapahid sa lashes para kumapal at ma enhance ang eyes. Pwede rin nya palakahin ang mata mo.
  3. Lip Gloss – para maging kissable lips, saka pinapalambot nya yun lips natin.
  4. Blusher/blush on – naeehance nito ang cheekbone natin, kung pale ang mukha mo, maglagay ka lang ng konting blush on viola! glowing na ang skin mo at pinkish pa. Dati mahilig ako maglagay ng blush sa mukha ko kasi naeenhance nga nya ang cheek bone ko kaso tinitigyawat ako kaya medyo iniiwasan ko na sya.
  5. Eyebrow pencil – manipis kasi ang kilay ko, kaya minsan naglalagay ako ng eyebrow para magkakilay ako.
  6. Lip Liner – Para ma enhance din ang shape ng lips ko.

Yan lang ang kadalasang ginagamit ko, hindi ako nag lalagay ng foundation kasi ayoko magmukhang aswang. Pero nasa tamang paggamit lang naman ang pagmamakeup eh. Depende sa pag lagay. Dapat pag maglalagay ka eh mukhang natural pa rin hindi sobrang kapal. Gumagamit ako ng make up para ma enhance lang yung beauty ko . Kasi lahat ng sobra pangit na.

Ewan ko kung may psychological reason ito, pag na de depressed ako, pinag lalaruan ko ang mukha ko, nag ma makeup ako, sa bahay nga lang. Basta depende, pag sinisipag ako nag aayos ako. Minsan gustong gusto ko rin ayusan yun mga friends ko.. hanggang ngayon na aaliw pa din ako sa ibat ibang kulay nya, at nagiginhawaan akong tignan yun mukha ko pag naayos ko iyon. Hindi naman siguro kaartehan ang pag mamakeup gusto ko lang pagandahin pa ang gift na bigay ni papa God sa akin. At ma ishare din ang mukhang iyon sa mga tumitingin sa akin😉

Ahmm na tag nanaman pala ako ni ate sonneth dito sa entry na ito ang tawag dito make-up essentials

Ang aking itatag uli ay sina

1. Wifeybee– miss ko na kasi sya!

2. Sommer uli – kasi tingin ko kikay din sya

3. Ako ito – Curious lang ako kung ano ang beauty secret nya

4. ifoundme -hindi pa kasi kita natatag😉

Kayo anong laman ng kikay kit nyo?


17 Responses to “Kikay ako”


  1. 1 BADoy
    Agosto 27, 2008 bandang 5:31 hapon

    alam mo kagabi ko lang nalaman na mas kikay pala ang mga japanese men ngayon.. updated sila sa FASHION even make up mas madami pa nga raw nag pa-foundation na lalake kesa babae… pinag dudahan ko tuloy ang kapatid ko dati na bading kasi gumagamit ng foundation pero ang daming chicks nun.. iba na pala ang panahon ngayon.. teka 24 pa lang ako a… hahahah!

    ****
    naku daig pa pala ako ng mga japanese men na yan hindi ako nag pa-foundation eh!
    nagulat talaga ako pati kapatid mo nag pa-foundation haha! so ibig sabihin mang Badoy kasama ka rin ba dun kasi 24 ka pa lang? nyahaha😆

  2. Agosto 27, 2008 bandang 5:40 hapon

    buti na lang hindi ko namana ang kakikayan ng nanay ko.

    *****

    nyahaha😆

    anu kaya itsura mo taps pag namana mo yun😉

  3. Agosto 27, 2008 bandang 7:22 hapon

    pwede ko bang sabihin na sabot ang aking kikay kit? hehehe! kasi yung mga liptsticks nakakalat sa iba’t ibang bags… hehehe! sige gawin ko later…

    *****
    okey lang yan te!😉

  4. Agosto 27, 2008 bandang 7:45 hapon

    ang dami mo pala nilalagay, Lambing:) Ilan oras ka mag-makeup sa harapan ng salamin?

    *****
    dami ba? hindi naman ako araw araw nag ma-makeup hehe.. yun araw araw lang lip gloss lang saka powder… pero pag sinisipag ako ayun naglalagay ako ng blush on at kinukulot ko pilik mata ko, pag feeling gerl ako ahihihi..😉 wala pa 30 minutes ate ahehe😆

  5. Agosto 27, 2008 bandang 9:13 hapon

    lambing dinadala mo lahat yan? lupit! hehehe. buti kami tamang panyo lang at suklay minsan pede na. hehe

    ****
    ngayon dina.. pero noon sa dating trabaho ko, oo kailangan dala ko yan para everyday beautiful ahihi😉

  6. Agosto 28, 2008 bandang 9:18 umaga

    juice ko po! kikay nga… buti nabibitbit mo lahat yan.. parang yan na lang ang laman ng bag mo.. pero ayos ah… at least beauty ka pa rin.. hihihi

    ****
    ganyan talaga… malaki naman ang bag ko kaya kasya lahat hihi😉

  7. 8 Ivan Cortez
    Agosto 28, 2008 bandang 11:01 umaga

    Sometimes, it is cool to be a girl. Good thing, I never wished to be so kikay.

    *****
    being kikay is one of the coolest thing a girl can do😉 thanks for dropping by🙂

  8. 9 kengkay
    Agosto 28, 2008 bandang 10:08 hapon

    hahaha, ang mga little kengkays ko ang tanungin mo, mas malaki pa yung kikay kit nila sa kikay kit mo🙂

    ****
    nyahaha!😆 mas malaki pa ba ang kit ng little kengkays?? hihi nu kaya laman nun hehe😉

  9. Agosto 29, 2008 bandang 11:14 umaga

    may panibagong assignment na naman pala ako. sige lalagay ko to sa calendar ko pala di ko makalimutan ( he..he.. kunwari madami ako appointments!)

    *****
    sige ateng lagay mo ha !!😉

  10. Agosto 29, 2008 bandang 5:16 hapon

    hahahaha! ako din type kong magmuk-up chenes. nyahahaha!

    ****
    ahahaha😆 di kikoy makoy kana nyan😀

  11. Agosto 30, 2008 bandang 3:20 hapon

    cuz, miss u too… like ko ang kikay kit mo, hahaha…

    ****
    like mo ba?? heheh picture lang yan hehe hindi talaga yan ang laman nayaya!😆

  12. 13 sommer
    Agosto 31, 2008 bandang 7:20 hapon

    ..hala natag pala ako…sige, sige gawin ko to…=)
    …ay feel ko kikay kit mo!! puro MAC!!! revlon gurl nmn ako..nyahahaha!

    *****

    feel mo ba? hehe

    sabi ko na nga kikay ka din eh hehe..🙂

    bongga revlon sya!😀

  13. 14 ayyzzz
    Setyembre 1, 2008 bandang 12:05 hapon

    bwahahaha..
    buti at hindi mo ko ni-tag!
    ahaha..

    pero kung sakali eto ang laman ng bag ko:

    1.) lip gloss – importanteng importante yan. kasing importante ng skaypleks.

    2.) baby powder – pulbos ng baby.. haha tinraslate lang e. nangangati kase ako sa mga peys peys powder na yan.. kaya eto anggang baby powder lang ako..

    3.) eyeshadow –🙂 para shimmering din ang mga talukap ng mata ko. pero light colors lang nilalagay ko.

    ayan lang…mga essentials…
    bwahahaha,

    kinarer ang pagkokoment e. hahaha

    ****
    nyahaha!😆 kinareer nga ang comments..

    ako din nangangati sa face powder, sensitive din kasi skin ko nyahaha!

    eye shadow ba kamo?? anong kulay? hehe😉

    hiya na akong itag ka eh.. panay kaw kasi tinatag ko eh.. baka mag selos yun iba ahaha!😀

  14. Setyembre 2, 2008 bandang 2:00 hapon

    ang saya! i so love kikay stuff :^)

    ****

    hilig ng mga magaganda yan hehe😉

  15. 16 anakngpiso
    Setyembre 6, 2008 bandang 10:25 umaga

    pwede ba ako umepal… kelangan ko na ring mag make-up, kc kinakelangan ng propesyon ko.. hala, ang hitad yours truly pulbo lang ang kayang ipahid sa mukha.. papaano na heto? hehe.. cheers..-glesy the grea;p

    *****

    hmmm.. ako din powder lang .. pag tinatamad😉

    hmm.. pwede ka bumili ng magazine for womens.. marami naman tips dun paano mag lagay ng make up😉

    yaan minsan gagawa uli ko entry bout sa make up hihi😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: