30
Aug
08

Bato

Paano ba maging bato? Yun kahit anong gawin mo di pa rin natitinag. Ibato mo, ipukpuk mo, durugin mo  di ka pa rin nasasaktan. Minsan naiisip ko sana ganon ako katatag tulad ng bato. Pero kahit anong gawin kong magpakatatag minsan sinusumpong ako ng pagiging pusong mamon, nagkakaroon ng heartache. Yun bang sumusuot ang kirot hanggang sa kaduluduluhan ng kalamnan mo. Ayoko ng ganito.

Paano bang magkunwaring masaya ka? Kung ang puso mo puno ng pagdadalamhati.. magagawa mo bang ngumiti? Kahit yun puso mo bugbog na bugbog na, pilit mong nilalabanan pero natatalo ka ng emosyon mo.

Paano magkunwaring di ka nasasaktan sa mga bagay na gumugulo sa isip mo. Pilit mong iniiwasan pero parang nang aasar na bawat pahinga at buntong hininga may kirot na humahagupit. Bugbog man ang puso pilit kinakayang huwag indahin ang sakit.

Paano bang kumapit tulad ang unggoy sa isang sangang malapit nang mahulog… bibitaw na ba ako o mas kakapit pa ng mahigpit?

Paano ko ba sasabihing nasasaktan ako? Na sana pag sinabi kong nasasaktan na ako.. haplusin mo ang puso kong sugatan, na naghihintay na gamutin mo..  walang kakayanan gamutin ang puso ko mag isa dahil ikaw ang lang ang alam kong makakagamot.. 

Hindi ko alam kung paano mo ito gagamutin, pero kung sakaling di mo na kayang gamutin, sabihin mo. Na kahit sa iyo na nasanay ang puso ko magpagamot.. sana magawa kong lumipat ng ibang doctor na pwede gamutin ang puso kong sugatan… Pero sana ganon kadali..

Paano ba? Sana turuan mo ako..
dahil tulad mo na may pusong bato …
na di makaramdam nang pangungulila ko sayo..😦


22 Responses to “Bato”


  1. Agosto 30, 2008 bandang 1:44 hapon

    pray ka lang po. :))
    si God na po ang bhala jan.🙂

    ****
    tnx winkii🙂

  2. Agosto 30, 2008 bandang 3:33 hapon

    cuz, don’t punish yourself, bee happy😉 i know it’s not easy, but life’s too short for those things… love yah!

    ****
    yeey bee happy! salamat salamat.. medyo senti mode uli wahehe😉

  3. Agosto 30, 2008 bandang 7:16 hapon

    hi lambing….mukha yatang malungkot ka.🙂

    pusong bato ba kamo? pareho ba un sa pusong manhid? pusong makasarili? at walang puso?

    pag sinabi ko sayo na “maghintay ka lang lambing, dadating din ang araw na mamahalin ka rin niya.” >>> for shur gagawin mo ito kahit indi ko pa sabihin.😉

    pero pag sinabi kong, “alam mo, kalimutan mo na siya kasi he’s not worth it. maghanap ka na ng iba na magmamahal sayo..yung deserving sa pagmamahal mo.” >> eto isasagot mo sakin, “oo nga siguro. dapat ko na siyang kalimutan.” >> kasi alam mong ito ang tama para sa’yo. pero indi un ang gustu ng puso mo.

    madali para sakin ang sabihin ang dapat na gagawin mo…pero ang totoo, kahit mapaos pako kakasalita kung anu ang tama…wala namang tenga ang puso..indi niya ako maririnig at yang tenga mo ngayon..ay wala ring gustong marinig kundi ang mga bagay lang na gustu niyang marinig. mahirap.

    at walang ibang makakatulong sayo ngyn kundi ikaw. kasi ikaw lang ang pakikinggan nyan for now.

    linger for a moment but not for long.

    i hope you make it right this time, lambing.🙂

    (*blog ko ba ‘to?? haha.)

    ****
    nasa aling baby’s blog ba ako? ahehe..

    salamat ng marami sa pagdalaw.. at pag iwan ng komento sa aking bahay lambingan.. tunay na nakakapag bagbag damdamin ang iyong komento ahahay! lalim ba ng tagalog..😉

    hmm.. kapalit nito ay isang ngiting.. nakakagaan ng kaunti sa puso kong nahihirapan ahehe.. nuu ba ang kulit ko…

    basta! salamat sa pagdamay.. mmuuaaah! galing galing talaga..😉

  4. Agosto 30, 2008 bandang 7:34 hapon

    y not put it this way lambing..

    thank God meron akong pakiramdam
    thank God at may puso ako na umiibig
    thank God at kahit nadapa ako dami pa rin nagmamahal sa akin
    thank God at nakakapagsulat ako at least naisusulat ko sa blog ko naramdaman ko.

    and lastly

    thank God may mga comments ako at least i know maraming nakikiramay sa feelings ko.

    what you think lambing?

    ****
    I want to thank God for giving me friends like you guys… thanks for making me feel better..
    SALAMAT PO😉

    at muuah!😉

  5. Agosto 30, 2008 bandang 7:44 hapon

    hehe.mahirap yan… but i know you can make it out yow!

    ***
    hmm thanks wei!😉

  6. 6 nuel jose
    Agosto 30, 2008 bandang 10:59 hapon

    awts…😦 mukhang ikaw ang lalambingin ko ngayon ah.. hehe

    wag ka na po sad..🙂

    ****
    aawwts talaga.. sige nga lambingin mo ko ahaha! may jose ka din pala nyahaha😆

    salamat.. sige smile nako..🙂

  7. Agosto 31, 2008 bandang 12:55 umaga

    panu ba kmi makakatulong sa iyong dinadala?😉

    mukha may kalaliman ang iyong kalungkutan…

    *****
    hmmm maramdaman ko lang po andyan kayo medyo okey no ako..
    there’s a lot of things to thank about..

    like you ..😉

    SALAMAT!😉

  8. Agosto 31, 2008 bandang 10:10 hapon

    oooohhhh…
    senti-mode….
    kelangan mo ng
    kisspirin at yakapsul…
    don’t wori, kung hindi siya
    para sayo, may better na ibibigay sayo…
    sana maging masaya ka…🙂

    ****
    yun ba ang gamot dun hehe …

    salamat sa pagdaan😉

    at mwwaah🙂

  9. Agosto 31, 2008 bandang 10:11 hapon

    thank you nga pala sa pagdaan sa bahay ku….

  10. Setyembre 1, 2008 bandang 1:06 umaga

    hayz… dumaan ako dito para sana makipaglambingan sa’yo… kaso emo ka yata hehe…. kung doktor lang ako… ako ng gagamot sayo… libre… walang bayad… patatawanin na lang kita… sabi kasi nila LAUGHTER IS THE BEST MEDICINE… game?

    bata: ale, ale pabili ng apple.
    ale: wala kaming apple d2.

    kinabukasan:
    bata: ale, ale pabili po ng apple.
    ale: sinabi nang wala kaming tindang apple eh, isang beses pa iistepler ko yang bibig mo.

    kinabukasan uli:
    bata: ale, ale may istepler kau?
    ale: wala, bakit?
    bata: pabili nga ng apple.

    natawa kaba? haha.

    ****
    ahaha😆 salamat hehehe natawa ako🙂

    welcome po sa bahay lambingan ko … salamat din sa paglalambing…
    yaan mo babawi ako hehe .. balik ka lang ulit😉

  11. 11 ayyzzz
    Setyembre 1, 2008 bandang 12:10 hapon

    natawa ako sa joke ni roland.
    hahaha..

    nakuppp..
    lambing,
    alika nga dito,
    ng ma-hug kita.

    tara iyak tayo..
    sabay tayo..

    wahhhhhh!

    i know bukas,
    u will feel better na!

    smile smile na…🙂

    ang OA ko.. hahaha..

    ****
    dahil pinuno mo ako ng comments mo…

    i feel better na.. at natatawa na ako hahaha😆

    na miss mo ako no??? salamat ayyzzz mwwaaaah!😉

  12. Setyembre 1, 2008 bandang 3:20 hapon

    Hi Lambing, may sakit kang pinagdadaanan? It will pass, just pray. Life is good:)

    ***
    tnx ate😉

  13. 13 kengkay
    Setyembre 1, 2008 bandang 5:13 hapon

    kapag nailabas mo na lahat yan sa post mo, minsan mas masarap ang pakiramdam esp since maraming naglalambing sa yo, tulad ko🙂

    ****
    salamat tita kengs malambing ka din pala hehe😉

    mmwwaaah!😉

  14. Setyembre 2, 2008 bandang 9:23 umaga

    i have to agree with gmacomics. siguro readjusting of mindset ang kelangan kahit na mahirap. hehehe! thank you dahil may entry ka, nailabas mo ang hinaing mo, may nababasa kami at nakakacomment kami. hehehe!

    pero kung ano man yan, isasama namin sa prayers namin.

    ****
    salamat sa prayers ifoundme … 😉

    at mwaah !😉

  15. 15 BADoy
    Setyembre 2, 2008 bandang 6:46 hapon

    wag ka ng malungkot… normal sa babae na maging maramdamin… magduda ka pag bato ka ibig sabihin tibo ka…

    mag blog ka na lang tama na emo…😛

    ****

    hehe ayan poh mag ba- blog na!😉

  16. Setyembre 3, 2008 bandang 11:35 umaga

    hello lambing…

    nabasa ko ang iyong entry…parang pareho lang tau ng pinagdadaanan.

    hmmm…maybe it’s time to let go lambing. there will be a time that we’ll be happy…let’s just continue praying.

    cheer up!

    ****

    salamat sa pagdaan mayyang😉

  17. Setyembre 3, 2008 bandang 1:04 hapon

    hehehe.. lambing lang ang katapat nian.😉

    ***
    hehehe correct!! alam na alam ah…😉

  18. Setyembre 3, 2008 bandang 2:56 hapon

    Hello Lambing! May tag ako sa ‘yo para maaliw ka naman at hindi na malungkot:)

    ***
    hahaha tag nanaman!! salamat poh… sige.. mag iisip pa ako ng tula hehe😉

  19. Setyembre 3, 2008 bandang 4:47 hapon

    wag na lungkot lambing.😉

    ****
    dina kuya smile nako…😉

  20. Setyembre 3, 2008 bandang 5:37 hapon

    napagdaan ko na yan..
    yung alam kong dapat maglet go na ako kasi nahihirapan na ako pero ayoko namang luwagan ang pagkakahawak ko dito dahil natatakot akong baka pag pinakawalan ko ay sya pa rin ang kailangan ko.

    ang hirap…

    heart vs mind

    ang masasabi ko lang don’t be unfair sa sarili mo. wag mong pahirapan ang puso mo. kung wala ka na rin namang nakikitang future para sa inyong dalawa then don’t prolong the agony. mas mainam na yung minsanang sakit kaysa sa everyday torture na iniisip mo sya at umaasa.makakalimutan mo rin sya. wala namang sugat na di naghihilom maliban na lang kong meron kang diabetes😉

    ****
    may diabetes nga ko hihihi..

    salamat sa mga comments…

    nakaka touch ..🙂

  21. Setyembre 12, 2008 bandang 9:01 hapon

    wag u alala doctor naman din.. ako nalang gagamot sayo, mag-aalaga at mag-papadama na mahalaga ka talaga sa akin ipaparamdam ko sau na masarap mabuhay malamang na hindi mo pa na nakakatagpo si mr.blabla kaya wag u mawalan ng pag-asa marami kondoctor d2 hehe i mean doctor ng puso hehe keep safe🙂

    ****
    hahaha😆 sino mr. blabla hehe

    uu naman masarap talaga mabuhay … asan na kaya yun mga doctor na yun???😉

  22. 22 qwertyme
    Hulyo 8, 2010 bandang 10:49 umaga

    hay buhay…
    pag ibig nga naman.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: