06
Sep
08

Nabisto si Ako

Eto po entry na ito ay birit ko sa Hirit ng WPP for september.

Ano nga ba feeling natin pag tayo ay nabibisto sa mga bagay na pinaggagawa natin? Kadalasan may nakakatuwa, nakakahiya, at ang iba humahantong sa away, depende sa sitwasyon kung paano ka nabisto at gaano kabigat yun nagawa mo. Kaya eto na mag bistuhan na tayo!

“Mag tapos ka muna bago ka mag boypren! Pag nalaman kong may boypren ka tumigil ka na sa pag aaral mo!. At kung may makita man akong manliligaw mo dito sa bahay sisipain ko yan palabas!”

Nyaay ang bagsik ! sino ba naman di matatakot mag boypren at mag paligaw nyan? Yaan ang binitawan salita ng tatay ko noong ako ay nag aaral pa lamang. Ewan ko ba, bakit sobrang istrikto ng fadir ko, sinong  hindi matatakot kay Mang Eddie bukod na sa napaka seryoso ng mukha, suplado tipikal na lalaki yun bang tigasin, pag hindi mo kilala sasabihin mo.. anu ba namang klaseng tao ito hindi marunong ngumiti. Intimidating yaan ang salitang pwede ko ikabit sa tatay ko. Idagdag mo nang black belter ang tatay ko. Karatista po sya! Nung kabataan nun may mga pictures yun na parang kay jet lee na lumilipad sa ere .. ganon sya kabagsik!

Iniisip mo pa lang mag paligaw, hindi ko maatim na isipin kung anong mangyayari sa manliligaw ko sa mga kamay at paa ng tatay ko kapag nakita nya ito.. ang saklap!  malamang durog ang buto noon.. tsk tsk tsk kaawa awa.. Para walang taong maapektuhan, pinili ko nalang wag mag paligaw kahit kanino. Pero syempre dahil ako ay tao lamang.. at nakakaramdam din ng pag-ibig, syempre nag kaka crush din ako, Pero hanggang doon lang. Lihim na nalang hanggat di ako nakakapag tapos.

Meron akong crush noon, dahil bawal mag boypren ito ay isang malaking sikreto na lang. Di ko pwedeng iparamdam at wala din akong balak ipaalam sa taong iyon dahil sadyang mahiyain ako. Kaya ang tanging saksi sa aking nararamdaman ay ang aking maliit na note book. Doon ko lahat sinusulat ng aking sikreto. Minsan sadyang kay hirap sarilinin ng nararamdaman kailangan ilabas. Uso noon ang mga love letter sa fm radio, naiisip kong magsulat pero wala din naman akong balak ipadala iyon. Draft lang ng letter para ba mailabas ang aking pagsintang purorot.

Dear DJ,

Itago mo nalang ako sa pangalang Kristine..

Iyun ang mga katagang natatandaan ko sa sinulat ko sa maliit na notebook na iyun. Kasama ang damdamin ko na itinatago sa isang lalaki. Ang tema nun letter eh, si girl may lihim na pagtingin sa kaklase nya noong highschool pero , di sya pinapansin nito.. mga pa  senti ba.. Lahat talaga ng revelation andun sa letter. Ewan ko kung may mga nasulat din akong kalandian .. mga lihim na sana ako lang ang nakaka alam at ang notebook ko. Para lang lumuwag ang pakiramdam kelangan ko talaga syang isulat doon.

Ang kaso medyo hindi ako masinop sa gamit ko. Kung saan saan ko iniiwan ang little diary ko..

Minsan tinawag ako ang tatay ko.. ” HOY KRISTINE! ” sabay may pang aasar na ngiti..

 

Nakakahiya!😳😳 nahihiya ako sa mga pinag sasabi ko dun sa diary nabasa kaya ng papa ko yun ? Hello!? Lambing kaya ang pangalan ko hindi KRISTINE!😳:

 

Wala naman syang ginawa sa akin. Baka naawa sya kasi emo mode yun letter ko dun hehe. Nasa 1st year college pa lang ako noon.

Pero heto, noong 4th year college na ako matigas na ulo ko, at hindi ko na kailangan magtago ng feelings, sabi nga nila pag-ibig, pag-ibig hahamakin ang lahat masunod ka lamang! Kahit ayaw ng fadir mag kaboypren habang nag aaral nag boypren ang lambing.  Nag boypren ako, si Mang Jose nga iyun pero di alam ng fadir ko. Gawa ng wala akong cell phone noon tinatakas ko din cellphone ng tatay ko pag tulog,  dun kami nag tetext ni mang jose gamit cp number ng tatay ko.  Nailihim ko yun.. yun ang ang akala ko..

Graduation day ko, sa restaurant habang kumakain kami, binigyan na ako ng sarili kong cellphone regalo sa graduation ko nun college. Ang saya, pwede na kami mag text ni mang jose sabi ko sa isip ko. . 

” Sya nga pala nag text si Mang Jose! andito daw sya ngayon sa isabela , kakauwi galing manila, nag text sa akin! ”  Sabi ng fadir ko. 😳

Ano nangyari? Wala lang.. di naman ako pinagalitan, saka tapos na kaya ako.

Hanggang salita lang pala si fadir! Pero yun mga pananakot na ganon, nag dulot naman sa akin ng mabuti. Nakapagtapos ako. Na mimiss ko siya.. Kahit ganon sya ka strict hindi ako sinasaktan non love yata ako nun. At wala pang binugbug yun na manliligaw ko ahihi kasi wala naman akong manliligaw talaga.. 😳

Kaya hayan.. hanggang ngayon tuloy single pa ako!😉

Kaw nabisto ka na ba???


22 Responses to “Nabisto si Ako”


  1. 1 anakngpiso
    Setyembre 6, 2008 bandang 10:15 umaga

    nyahaha… mag drama dramahan daw ba tapos ikakalat ng ebidensya ng kadramahan.. pero nangyari na sa akin yan.. nyahahaha… katawa.. i can relate.. cheers ;p-glesy the great.. sana mapadaan ka din sa bistuhan ko….

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    *****
    hi there!! salamat naman at napadaan ka hehe!

    chur no problem dadalawin kita sa bahay mo!!

  2. 2 anakngpiso
    Setyembre 6, 2008 bandang 10:16 umaga

    honga pala.. add kita sa blogroll ko ah.. meet nyo friends ba… lablots..;p

    ****
    chur!! gleasy..

    na add na kita🙂

  3. 3 anakngpiso
    Setyembre 6, 2008 bandang 12:35 hapon

    thanks sa pagdalaw… sana wag kang madala!!!! dalaw lang ako sa bahay mo pag kelangan ko ng kalambingan… -glesy the great;p

    ****
    welcome welcome tayo dyan glesy😉

    dalaw ka lang ! masarap talaga pag may naglalambing😉

  4. 4 menggay
    Setyembre 6, 2008 bandang 2:02 hapon

    musTa??

    kakatuwa naman si tatay mo🙂

    ganun lang talaga siguro kapag magulang na palagi nag papa alala..

    Dati palagi sumasama loob ko kapag napapagsabihan ako. Pero ng matapos ang mahabang sermon eto sa wakas nakatapos din hehe..

    Kusang lumabas sa bibig ko ang salitang salamat sa kanila kasi siguro kong nagkulang sila sa paalala napariwara nako hahaha..

    ****
    okey naman ako..😀

    uu kakatuwang nakakatakot si fadir hihihi😉

    kaya nga ang magulang dapat sundin hehe😉

    kita mo naman nakapagtapos ka😀

  5. Setyembre 6, 2008 bandang 5:48 hapon

    nice one KRISTINE…hehe

    ****
    yun kasi ang gusto kong pangalan noon eh.. ahehe

  6. Setyembre 6, 2008 bandang 8:12 hapon

    hehehe. natakot ba. kala ko naman lumipad sa ere sa pagsipa ng tatay mo si mang jose nung nalaman nya. hehehe. san ka nga pala sa isabela? may kilala ba kayong mga roque family?

    ***
    ako natakot para sa kanila kasi iba talaga si fadir.. nyahaha! mukhang ngayon balak kong ipakilala si mang jose ng masipa nyahaha!😆

    sa cauayan and ilagan po.. yes may kapit bahay kaming mga roque ..🙂

  7. Setyembre 6, 2008 bandang 9:04 hapon

    single k p?!!!

    d mkapaniwla eh no…

    ****
    sad but true hehe single na single hahaha😆

  8. 8 kengkay
    Setyembre 6, 2008 bandang 10:34 hapon

    uy, post your link sa WPP para mas maraming makabasa ng version mo, hehe. kami din, bawal magbf hanggat di tapos ng kolehiyo, pero sempre, takas takas din… at bistuhan? sempre kasali yan,hahaha. buti nga cool pa si tatay mo e

    ****
    yup ate na post ko na nun sat pa hehe😉

    yun ang masarap dun eh.. yun mga nakaw na sandali nyahaha!!😆

    pero medyo aatakihin ka sa puso sa takot hehe😉

  9. Setyembre 7, 2008 bandang 3:11 umaga

    Ayos yan…magaling..magaling…

    ***
    hehe salamat sa pag daan lhay😉

  10. Setyembre 7, 2008 bandang 4:11 umaga

    tsk.tsk.tsk. selos na ako!!!! ampf.

    ****
    hahaha selos ka ?? uuy wag naman… noon pa yun hehe😉

  11. Setyembre 8, 2008 bandang 7:58 umaga

    ang hirap talaga pag nakabantay si itay.. ahaha
    pero pwede naman magsinungaling..
    pero kung halata ka din..
    wag na lang :p

    ****
    ahaha oo nga mahirap na nakakatuwa..
    wag lang papahuli sa akto nyahaha😆

    salamat sa pagdaan🙂

  12. 12 sommer
    Setyembre 8, 2008 bandang 2:28 hapon

    ..nakakaaliw naman si tatay mo..kadalasan naman ganun di ba? hanggang salita lang mga tatay…cool nga pagkakabuko nya sa sikreto mo.nyahhh. ako kasi proud tatay’s gurl e.=)

    ****
    hehe uu cool naman si fadir kakatakot nga lang hehe at saka dyahi talaga yun tawagin akong kristine hehe😉

    ako din papa’s girl pero now medyo nahihiya na ko hehe🙂

  13. Setyembre 8, 2008 bandang 4:53 hapon

    Hehehe:) Nakakatawa naman ang story ninyong mag-ama:) Front lang pala ni fadir mo ang pagiging strict pero effective:)

    ****
    yeah! strict talaga as in sobra! pero thankful ako kasi di naman tinototoo yun banta nya hihih..🙂

  14. Setyembre 8, 2008 bandang 7:21 hapon

    karatista erpats mo at kamo sumisipa siya gaya ni jet li? magkasing buhok din ba sila noon sa once upon a time?

    mabuti naman at hindi ka naman pinalo ng tatay mo ng malamn na ginagamit m ocellfone niya pang text kay mang jose….. sa tingin ko kinilig pa fader mo.. hihihi

    nabisto na ba ako? madaming beses na.. saka ko na lang kwento lambing.. hihihi

    ****
    ahahaha😆 long hair nga si fadir noon hanggang batok nga lang hihi.. indi naman ganon buhok nya hahaha😆

    hihihi siguro nga kinilig si fadir kasi sinabi pa sa akin na nag text si mang jose hehe😉

    wow pot dali kwento mo naman yun bistuhan mo..😀

  15. Setyembre 8, 2008 bandang 8:31 hapon

    ayus nga kaso nasobrahan ka naman sa takot hehe..ayun single ka pa din.🙂 pero oks lang yon lambing atlis diba, nakatapos ka naman – – ang galing ni tatay manakot kasi.

    nahuli na rin ako madaming beses na haha…kaso, nakakahiya i-share hehe.🙂
    ****
    hahaha uu nga eh… nasobrahan.. no wonder hindi na sya nanakot ngayon.. at nagtatanong na kung may ipakikilala na ako! at heto pa nagbibigay pa ng texas si fadir ngayon hahaha😆

    share mo naman yan hehe😉

  16. Setyembre 9, 2008 bandang 9:30 umaga

    haha! nakakahiya nga yun..syet! napakasaklapa talaga ng mga nabubuking..alam ko ang pakiramdam dahil ilang beses na rin ngyari sakin yun. buti na lang wala ako diary ng gaya nung sayo.

    ****
    napakasaklap nga gasti hehe sobrang nakakahiya!

    anong bukingan yan gasti??😆

    salamat pala sa pagdalaw😉

  17. Setyembre 9, 2008 bandang 10:25 umaga

    hello lambing…
    and2 na nman si mayyang na naglalambing sau….

    hmmmm…alam mo nakarelate ako sa entry mo,hay naku..namis ko tuloy ang aking tatay…super istrikto din xa kagaya ng tatay mo. alam mo bang pag may dumadalaw sa akin sa bahay noon,bantay sarado ako (guardia sibil ba?!)hehehe….tapos pag ayaw talaga niya yung manliligaw ko…hihiga nlang sya sa gitna namin with matching kulambo ha lambing…hehehhe..(ano masasabi mo sa tatay ko..oh dba?)heheheh

    ..pero d aq nagalit o nagtampo sa tatay ko kc naiintindihan ko sya kung bakit nya ginawa mga yun sakin.

    ngayon…pinayagan na ako kasi nasa tamang edad na ako. At masaya ako na “ok” sila ng “lakay ku”..hehhehe

    pacnxa na lambing at nag emote ako…hehehe…

    ****

    hahaha pareho nga tayo.. buti ka pa at pumapayag syang may manligaw sayo.. sa akin talagang wala akong dinala sa bahay… untill now..

    buti ka pa may lakay na hihihi

    ok lang yan balik palagi dito😉

  18. Setyembre 9, 2008 bandang 1:50 hapon

    hahaha.
    buking!

    kristine!🙂

    nakakahiyang mabisto😦
    kahit anung gawin mong palusot,
    wala ka ng lusot.. hahaha..

    me pasulat-sulat ka pa sa radyo a..
    hahaha..

    ****

    hahaha jologs ako noon eh hahaha😆

    dyahi talaga kristine??? nyahaha😆

    libreng blush on ang mabuking😉

  19. Setyembre 9, 2008 bandang 3:44 hapon

    pareho pala panakot mga tatay natin, once na nagboypren patitigilin sa pag-aaral.sumunod naman ako. sumuway na lang ng nasa 4th year college na ko. pero nung malaman nila na nag-bf na ko na di pa graduate di naman ako napatigil.aba sayang ata binayad nila sa mga tuitions at books ko he..he.. kidding aside, gusto lang ng mga parents nating maiayos ang future natin kaya minsan nagiging strict sila.

    ****
    hahaha uu nga naman sayang ang bayad hihihi..

    talagang lumusot pa nun 4th year eh.. hehe

  20. Setyembre 10, 2008 bandang 2:09 hapon

    so anu na ang nangyari kay mang-jose? tuloy p din ba ang inyong paglalambingan?😉

    ayan at naka-broadcast na single kpa, masusubukan talga naten kung mabait si fadir pagbisita nila (haaayyy yahh! karate chop kya? hehe)

    teka graduate kna nga pla legal na kung meron tutongtong sa hauz nyo😉

    ***
    hmmm sana tuloy pa din pag balik nya.. kaso ayaw ko na ma stress bahala sya pag dina sya bumalik hehe😉

    hihi.. di na ko babantayan ni fadir ngayon pinag tutulakan naman na ako ngayon hahaha😆

  21. Setyembre 10, 2008 bandang 9:48 hapon

    lambing, have added you in our blogroll. andito n pla kme😉

    tnx!
    ***
    sure po!😉

  22. Setyembre 12, 2008 bandang 8:40 hapon

    ako single din ako pwede ba tau joke poh hehek… auz ang ganda ng BLOG u…🙂

    ***
    hello jonathan tnx for dropping by..😉

    di nga single ka pa??? hihi😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2008
M T W T F S S
« Aug   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: