22
Sep
08

May Pusa

Hay naku, may bagyo nanaman dito sa province namin. Pag ganitong malamig maraming masarap gawin, bahala kayo kung ano gusto nyo isipin gawin pag umuulan. Basta ako gusto kong matulog ng naka kumot. Ewan ko ba kung bakit masarap matulog pag umuulan. Dahil siguro malamig at makulilim. Kaya lang bad trip kahit umuulan at bumabagyo kailangan pumasok.

Naalala ko tuloy noong nasa fourth year highschool ako, badtrip kahit umuulan kasi may pasok, gustong gusto ko pa namang matulog, ang kaso graduating na ako kaya dapat laging present ka. Matapat ka pa naman sa teacher na boring magturo sino bang hindi aantukin.

Nagbabalik tuloy sa alala ko ang isang karanasang hindi ko malilimutan sa highschool life ko. Meron akong teacher na head ng mga Cadette officer, sya yata yun pinaka terror na teacher sa buong campus namin. Paano ba naman malaki na ang katawan nya sobrang seryoso pa ng mukha. Halos lahat ng studyante sinisigawan nya pag may nagawang di nya nagustuhan. Kaya ako sobrang takot na takot sa kanya kasi takot akong masigawan.

Isang araw habang nagtuturo sya ng CAT.Hindi ko maiwasan antukin, kasi ba naman napalakalamig ng simoy ng hangin, makulimlim, parang ang sarap bumaluktot sa bahay at mag kumot habang nakikinig ng music, kung sana wala nalang pasok . Pero hindi eh, kailangan pumasok at dapat pumasok at dapat kong pigilan ang sarili kong wag antukin.. haaay… hikab.. at dahan dahang lumalabo ang tingin ko kay sir.. unti unti.. pero kailangan ko talagang pigilin itong talukap ng mata ko na unti unting gustong bumagsak. Yuyuko nalang ako para hindi mahalata ni terror…. zzzzzzzzzzzzzzzz zzzzzzzzzzzz zzzzzzzzzz

Parang tahimik ang klase sabi ko sa isip ko, hindi ko yata naririnig si teacher terror sa pagtuturo.. ano bang nangyayari? Maya maya parang may naririnig akong pusa.. MEEOOW! MEOWWW! san kaya galing yun? .. pagangat ko ng ulo ko.. si terror nasa harap ng mukha ko face to face! Sa kanya pala galing ang meoow ng pusa!😳 At lahat ng atensyon ng buong klase nasa akin! At lahat sila sumakit ang tyan sa kakatawa!😳 Wala akong nagawa kundi ngumiti sa kanya ng pagkatamis tamis kahit takot na takot masigawan naka ngiti pa din. Buti nalang hindi nya ko sinigawan! Ginising nya lang ako ng malambing na MEEEOOOWWW ! Pahamak na ulan! Sarap kasi matulog eh.


12 Responses to “May Pusa”


  1. Setyembre 23, 2008 bandang 12:38 hapon

    hi lambing!…salamat pala sa mga message mo sa akin…

    hmmm…am ok now, nasasanay na ako kung anong meron kami ngayon…at least we both mature na, so i understand!we both enjoy kung anong meron kmi ngayon…

    ..may bagyo nga daw lambing, taga cagayan din aq e..heheh.. napadpad lang d2 sa manila kc d2 n kmi work ng bf ko…

    …naku!d maiiwasan ang magkaroon ng terror na teacher.. buti nlang d aq naka encounter ng gnyan nun..hehehe…

    by the way lambing…musta work?

    ****
    wow buti pa nga kayo magkasama ng bf mo hihi😉

    taga cagayan ka ba? hehe ako sa isabela😉

    okey naman ang work wala pa din pag babago hehe😉

  2. 2 sommer
    Setyembre 23, 2008 bandang 2:29 hapon

    hi naglalambingnapretty!=)
    …me bagyo na naman?=( ako hate na hate ko ang ulan, kasi parang ang gloomy tas nakaktamad kumilos!kaya i feel for you na antukin sobra!heheh!
    lika dito sa disyerto, walang ulan as in…hehehehe!!

    ****
    wow ateng ! baka masanay ako dyan sa tawag mo hihi😉
    kaya sobra kayang nakaka antok pag ganyan ang panahon😉
    disyerto?? nyaaay! sabi mo malalaking surot naman kalaban dyan hihihi😉

  3. Setyembre 23, 2008 bandang 3:07 hapon

    sana lumipat na samin yang bagyo!🙂
    tagal ko ng di nakapunta dito.
    bisebisehan kase si winkii.
    ***
    ahahaha! bakit naman gusto mong lumipat ang bagyo sa inyo? gusto mo din bang matulog?

    welcome back winkii😉

  4. Setyembre 23, 2008 bandang 3:21 hapon

    how i miss ulan and bagyo, ang sarap ng feeling pag umuulan, wag lang may pasok ha, kakainis kasi maputikan, hahaha…

    naloka ako sa pusa cuz, hindi ba tigre yung teacher mo?😆

    ****
    hihi😉 nakuha sa ngiti…

    umamo siguro nun nakita na para akong baby natutulog nyahaha!😆 kaya meoow! hihi😉

  5. Setyembre 23, 2008 bandang 3:33 hapon

    hello, napadaan, ang nagbasa na rin..
    parang gusto ko na umuwi para matulog, hihi..

    just blog hopping..

    God Bless..

    ***
    hi madz! tnx for dropping by!😉

    bumabagyo din ba sa inyo? hihi😉

  6. Setyembre 23, 2008 bandang 4:55 hapon

    matuto ka kasi matulog ng nakabukas ang mata, hahaha. may mga classmates ako sa college na harapan na tinutulagan yung mga prof namin kasi marunong sila ng ganun! yun nga lang, naghihilik sila kaya minsan nabibisto rin, hahaha

    ***
    hahhaha mas matindi pala yun humihilik!! sarap nga naman ng tulog at nahilik pa!😉

  7. 7 apollo
    Setyembre 23, 2008 bandang 6:35 hapon

    cute! haha!

    ****

    alin po? yun meoow hihi😉

  8. Setyembre 23, 2008 bandang 8:12 hapon

    hehe..buti nga at indi ka naman sinigawan..nag-meowww nga lang pero kahit na diba? indi rin yon makakalimutan ng mga classmates mo.:)

    indi rin ako fanatic ng ulan pero tulad mo, antuuuuk na antuk din ako pag ganyang weder.🙂

    ****
    oo nga eh.. hindi manlang ako ginising nun seat mate ko!! siguro natakot din sa terror kong teacher!🙂

  9. Setyembre 25, 2008 bandang 4:27 umaga

    Hahahaha!!! baka sa antok mo meow ang pagkarinig mo imbes na Growl!~!!! hahhahaha!!!

    Sabay nginitian mo lng? magaling…
    wag moko ngingitian pag natulog ka sa klase ko ah. Kakagatin kita! hehehehe…

    wow…. nice house~! Sobrang dami ko na namiss!!! mishu lambing!🙂

    ****

    naku cher hindi naman ako inaantok sa klase mo.. aktwali na mimiss ko nga mga turo mo hihi😉

    yun sayo pampagising😀

  10. Setyembre 25, 2008 bandang 4:25 hapon

    Baket kaya meow? Baket hinde aw aw? O kaya oink oink?😆

    Bigla tuloy akong inantok sa post mo. Nyaha.

    ****

    subukan nyang oink oink! lokohin nya na ang lasing wag lang ang bagong gising!!!

  11. 11 anakngpiso
    Setyembre 26, 2008 bandang 9:00 hapon

    nyahaha.. parang di ko siya ma-imagine na nagmeomeow ayun sa description mo…

    uy nagrespond na pala ako sa tag mo sa akin.. sorry mejo late…

    http://anakngpiso.wordpress.com/2008/09/26/i-am____-in-other-names/

    ****
    ganon ba??? bakit now lang??? ahihihi jowk lang glesy!! galing nako sa bahay mo!!! katuwa sya!!!😉

  12. Setyembre 27, 2008 bandang 9:10 umaga

    hi lambing…d2 ulit c mayyang para magpalambing….

    taga cagayan din po ako…graduate ako sa University of St. Louie Tuguegarao…

    marami akong ka batch na taga isabela ah…hmmmmm..hehehehe

    nakakaantok d2 sa office pero baka dumating ang boss q..baka makarinig pa ako ng “meow meow”…hehehehe…

    take care always!

    *****
    inaantok ka ba??? bakit di ka na lang sumali sa plurk hehehe lika invite kita plurk na hehehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2008
M T W T F S S
« Aug   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: