27
Sep
08

Spot Your Ex?

Ano gagawin mo o ano kaya ang reaksyon mo pag nagkita kayo uli ng isang taong naging espesyal sayo at naging bahagi ng buhay mo? Normal lang bang …

  • Maconcious ka?
  • Isipin kung ano itsura mo, bigla magpaganda/ magpagwapo
  • Kabahan
  • Hindi mapakali
  • matuwa deep inside kasi nakita mo yun isang taong naging espesyal sa buahy mo

Ano nga ba ang dapat maramdaman o reaksyon? Hindi ko lubos maisip dahil ganito ang naramdaman ko nang makita ko ang ex ko. Ex meaning nakaraan ko. Pero binibigyan ng malisya ng mga nakakakita.

Normal lang ba maramdaman ang mga bagay na ito? Pagkatapos nyong di magkita ng mahabang panahon? Nagulat ako kahapon, kasi nakita ko ang isang taong naging espesyal sa akin. Hindi man naging maganda ang paghihiwalay namin, nang masilayan ko uli ang pagmumukhang yun nagbabalik tuloy ang alaala kung paano kami nagkahiwalay ni ex-men…

Nagpaalam sya sa akin na magtratrabaho malayo sa province namin. Pumayag naman ako, sabi nya susulat sya.. oo sumulat sya tatlong beses lang at dina nasundan. Naghintay ako pero hindi na sya naka alalang magparamdam, mahigit isang taon din akong na tengga. Kaya ang drama ng lola move on.. ang kaso nagkita uli kami ni perslab, umibig ako uli. Kinalimutan ko na si ex-men, ang kaso hindi naging maganda ang flow ng relasyon namin ni perslab.. Luhaan nanaman si Lambing, na sya namang pagbalik ni Ex-men . Dapat maging masaya na ako noon, kasi sinundan ako ni ex-men kung nasaan ako at umaasang KAMI pa din pagkatapos akong iwanan ng mahabang panahon?.

Pero hindi na ganon ang nararamdaman ko sa kanya, mas mahal ko na si mang jose kahit sinaktan ako nito. Siguro ganon talaga ang puso hindi natuturuan, susundin pa din ang gusto kahit ito pa yun nakakasakit sayo. Dahil may prinsipyo akong tao at ayaw kong manloko ng tao, hindi ko tinanggap ang pag ibig ni ex-men bagkus sinabi kong “kaibigan nalang tayo”. I’m just trying to be honest that time. Ayoko gumamit ng panakip butas para lang maka move on ako sa isang heartache, gusto ko ma heal ang puso ko sa tamang paraan at panahon. At siguro yun ang pinakamasakit na nagawa ko kay ex-men, ang tangihan sya, i just made a choice, meron akong rason bakit hindi na pwede, ayoko makasakit ng tao, pero diba there’s no easy way talaga . Hindi ko naman sya tinanggihan na meron akong karelasyon at the moment, gusto ko lang mag isa , mag isip,  gusto ko matahimik, hilumin ang puso kong sugatan, kung kami kami diba?? Time will tell, pero yun mga panahon na yun gusto ko lang talagang mag isa. Tatlong taon akong nagpagaling meaning, nagiisa ng tatlong taon para hilumin ang puso kong nasaktan ng dalawang beses.

Hanggang sa magkita uli kami nun lumipat ako ng work. Ang laki ng pinag bago nya. Successful na pero bakit ako apektado? Pero nangingiti ako, pag nakikita ko sya, di ko rin maintindihan sarili ko. Parang gusto ko sabihin sa kanya na ” sana ako nalang, ako nalang ulit” mala one more chance ang dating bea ikaw ba yan??  Pero wala na. Never mind we’re not meant to be.

Namamasyal sya sa opisina dahil may uncle sya na kasama ko sa work ko, what a small world, pwede naman nya dalawin sa bahay ng tito nya sa office pa nadalaw, ano yun pa cute??  Bakit nagpapakita pa sya sa akin? Tapos ligawan daw ba yun ka office mate ko? Naiinis ako kasi sa dinami dami ng babae sa buong mundo yun officemate ko pa ang nilalandi nya! Hindi naman naging sila, pero para akong naaaalibadbaran. Hanggang nun last June nga nabalitaan kong ikakasal na sya, okey lang naman i’l be happy for him kasi may mang jose naman ako at nag balik na, kaya lang wala sya sa piling ko ngayon nasa ibayong dagat. Pero bakit kailangan ipamukha sa akin na ikakasal na si Ex-men at di daw pwede matuloy ang kasal pag wala ako. Naiiyak ako hindi dahil ikakasal na sya, naiiyak ako kasi ipinamumukha sa akin na nag iisa pa din ako hanggang ngayon. May mang jose nga ako pero di naman ako sigurado, ang alam ko lang mahal ko sya.  Naiiyak ako kasi kung hindi ko sya pinakawalan magiging masaya na kaya ako ngayon? Ako kaya yun ikakasal sa kanya? Pero hinde eh.. Move on girl be happy for him. Naiiyak ako at the same time nalulungkot sana nasa tabi ko si Mang jose para ipagtanggol ako sa mga nang huhusga sa akin. I just made a choice ..  At humingi na ako ng sorry sa kanya noon, pero kailangan pa ba ulit ulitin na naka sakit ako ng tao?  Dapat masaya na sya kasi may asawa na sya.

At last week nagkita kami ni ex-men,  dumalaw uli sa opisina after 3 months nang nakakasal. Nginitian ko lang , nagulat ako kasi nakita ko sya , masama bang magulat? maconcious at isipin ano itsura ko? Syempre kailangan presentable.  After 15 minutes nag text sa akin:

Ex-men : Hi lambing musta ka?? Anong gawa mo?

Lambing: no reply..  (busy singing sa video oke .. tapos ng miskol sya)

Lambing:  oist kaw pala! eto nag coconcert.. kaw musta?

Ex-men: Treat mo naman ako! kwentuhan lang tayo? san tayo?

Lambing: naku wala akong budget! kaw ang taya ah.. ( i thought we’re okey.. gusto ko makipagkita sa kanya uli, kasi i want to fix things ba.. kaso hindi sya sumipot, daming alibis, pero ok lang gusto ko lang naman sya asarin dahil inumpisahan nya ako.)

He keeps on bothering me sa text, sabi nya pwede daw ba sya matulog sa boarding house ko? Cool lang naman ako, sabi ko hindi pwede Pagkatapos ng isang araw ayan nagtetext nanaman .. madaling araw pa, puntahan ko daw sa hotel where he stays sa room 207??? Huwaat???!!! Ano kala nya sa akin sabik? Hinayupak sya.. Dahil sa gusto kong maging civil nag reply uli ako, ” ano naman gagawin ko dyan?” sagot nya ” E di dito kana matulog, nilalagnat kasi ako eh..”

Lambing:  BAKA IBANG LAGNAT LANG YAN! ITULOG MO NALANG YAN OR MUCH BETTER UMINOM KA NALANG NG GAMOT!

I realized one thing. Tama pala ako ng desisyon na hindi sya ang piliin ko! Dapat hindi na ako nang hinayang na nasaktan ko sya. Mang Jose never treated me that way. He’s a gentleman. Smile nalang ako, masarap pa din pala magmahal ng taong mahal mo talaga.  Kahit masakit, basta yun yun tinitibok ng puso mo, masaya pa rin ang puso mo. Nakaka smile pa rin ako ng matamis. Magiging masaya din ako. Alam ko… malapit na maging lubos ang kasiyan ko.

Know when to let go and walk away… If its dead dont go digging it up to every 5 minutes to check for pulse… its dead… just walk away… “

So what to do if you spot your ex???  Totoo pala yun sabi ni ate shawie kay KC na be at your BEST kasi you never know..  Dapat lagi maganda / gwapo diba?? if ever magkita kayo ng ex at least beauty pa din.. asan ang malisya dun?.

 

 

 

 

 


21 Responses to “Spot Your Ex?”


  1. 1 apollo
    Setyembre 28, 2008 bandang 3:59 hapon

    asshole naman pala c ex-men. you definitely made a good choice.

    ****
    kaya nga po..😉

  2. Setyembre 28, 2008 bandang 5:59 hapon

    what a jerk, si ex-men.
    dont worry lambing hindi lahat ng lalake ganun.
    and im sure magiging happy ka din in time. makikita mo din ang araw araw na maglalamabing sa u.😉

    ****
    salamat naman at di lahat ng lalaki katulad nya..

    may gentleman pa din natitira kagaya mo kuya diba??🙂

    at salamat😉

  3. Setyembre 28, 2008 bandang 6:54 hapon

    pinuntahan ko ang ex ko kahapon, naaksidente sa koche eh. di ako nakuntento sa tawag lang sa selpon na sinabi nya sa akin na okay lang sya.

    i surprised her, pinuntahan ko sya. di ko kasi maalis sa sarili ko ang magalala.

    ***
    wow bait mo naman taps.. kamusta naman sya??

  4. 4 mangbadoy
    Setyembre 28, 2008 bandang 9:58 hapon

    ex-men ibig sabihin bading na sya ngayon or worst transexual na kasi ex-men e….

    tama ka dapat gwapo/maganda parati para kunwari hindi affected nung naghiwalay kayo! hehhehe!

    ****
    hahaha transasexual!😆 di naman ako affected hehehe😉

  5. Setyembre 29, 2008 bandang 9:51 umaga

    hay naku lambing… ang BAD ng ex-men mo.. tama lang ang ginawa mo noh!

    buti pa c mang jose..gentleman xa..heheheh.. cheer up lambing…

    …masarap talaga magmahal lambing lalo na pag ang minamahal mo talaga ay worthy sa pagmamahal mo.. hay, c mang jose at ung “life” q..parehong gentleman…heheh.super!.. kaya mahal ko un e…hehehe…

    …wag ka maconcious pag makita mo ex-men mo..basta be confident!… then you sing the song “I’am beautiful no matter what they say…..”…heheheh..

    ****
    oo nga sabay hawi ng buhok hahaha!!

    lavyah lambing!!!!mwah!

  6. Setyembre 29, 2008 bandang 11:13 umaga

    n
    o

    c
    o
    m
    m
    e
    n
    t
    😛

    ***
    tnx sa pagdaan😉

  7. Setyembre 29, 2008 bandang 1:56 hapon

    hmm.. tingin ko assuming si ex-man. akala niya may gusto ka pa sa kanya kaya parang nagpaparamdam siya in a way na akala niya kakagat ka sa patibong niya… you made the right decision.. isipin mo na lang.. kung asawa mo yun tapos nakikipag landian pa siya sa ibang mga gels.. ayy tama ba yun?!?! cheer up adelle, tama ka sa desisyon.. i am proud of you!

    nagkita kami dati ng una kong gf nung nasa pinas pa ako… pareho na kaming may asawa para hindi ako nahiyang tawagin siya kasi of all the places, dun pa kami nagkita.. sa marikina… walang connect no… well naging friends kami uli kasi nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan noong college days at nung ilang linggong ka ym ko siya.. madami kaming napag-usapan na di ko akalain na kinimkim niya ng matagal… parang post na ito no.. eheheheh saka ko na lang kwento sa iyo adelle.. hihihi

    ****
    hmm hoonga haba ng comment mo pot epekto ba yan ng plurking hehe..
    hmmm assuming nga sya!! malanding yun,, masama bang ngitian ko sya.. tsk tsk.. nakakadisappoint sya… kaya kawawa naman yun asawa nya..

    congrats pala at nagkita kayo ng ex mo hihi sabay ganon eh.. at ikaw gentleman ka!! uyy kwento mo naman sa akin yan dali..🙂

  8. Setyembre 29, 2008 bandang 5:23 hapon

    marami pang gentlemen sa mundong ibabaw lambing kaya dont lose hope. hehehe. by the way tag done. sensya po sobrang busy lang. wala din pumapasok sa isip ko kaya di me makapagsulat. hehehe. thanks sa tag ulit!

    ****
    yan naman eh… kaya gustong gusto ko magbasa ng comments galing sayo papa joms eh..

    yey! tapos na ang tag! thanks sa pag gawa!

  9. Setyembre 30, 2008 bandang 12:12 umaga

    wala naman..sisingit lang, naka relate ako sa blog post mo eh.
    ako nga araw-araw nakikita ko rin ang “ex-men” ko sa school.
    in fact may new girl na rin siya..hindi tlaga maiaalis yung
    magmukha kang affected kahit sa loob loob mo alam mong
    after ng heartaches eh..tumatag(?) kana rin at di na nasasaktan pa. Di mo maiaalis ang “malisya” sa ibang tao..haizzz…awkward nga para skn na makita siya araw-araw..at ma concoius, siyempre natural lang na magmukha kang presentable. di lang sa kanya kundi sa ibang tao rin=)

    yeah, you made a choice lambing. and it was a right one! tunay!

    http://www.aquamethyst.wordpress.com

    ***
    salamat sa pagdaan rei.. normal lang talaga yan ganyan, lalo nat may pinagsamahan kayo..
    pero sabi ko nga dapat lagi presentable!

  10. Oktubre 2, 2008 bandang 12:07 hapon

    Maconcious ka?
    Isipin kung ano itsura mo, bigla magpaganda/ magpagwapo
    Kabahan
    Hindi mapakali
    matuwa deep inside kasi nakita mo yun isang taong naging espesyal sa buahy mo

    All of the above dahil nangyari na sa akin mismo nang aksidenteng nagkita kami sa Mall, hehehe. Buti na lang wala pa siyang asawa o girlfried. Baka puwedi pang maglambing.

    ***
    ahihi!! kung walang asawa surely pde maglambing! pero kung taken na… sa asawa nalang nya sya!😉

  11. 11 V
    Oktubre 2, 2008 bandang 12:16 hapon

    alam mo i can relate to the first part. that is exactly what’s happening to my windangers na love life right now. para na nga akong tanga atras abante. pero dun ako napunta kay mala-mang jose. si per sa pagitan nilang dalawa, si ex-men naman ang gentleman.

    ****
    hi Vera musta??? naka relate ba??
    si exman ba ang gentleman sayo?? pano si mang jose ? ibig bang sabihin… maginoong medyo bastos? hihi😉

  12. Oktubre 2, 2008 bandang 2:10 hapon

    Kapag pinansin ako, papansinin ko. Kapag hinde, eh di wala lang. Hehe.

    ***
    hay kirksydney!!! nandito ka pala ?? hehehe

    tama yun pag di ka pansinin wag mo din pansinin.. pero pano teka pag inaya ka mag sa hotel???😉

  13. Oktubre 2, 2008 bandang 7:50 hapon

    Natural lang na reaksyon yon Lambing… ano ka ba tao lang tayo kahit nga di natin Ex gusto natin lagi tayong presentable… Pero ang lakas ng arrive ng Ex. mo ha balak pang mamangaka sa dalawang ilog…

    ***
    hi ana! salamat sa pagdaan !;)

    lakas ng arrive no?? pero nagkamali sya ng gustong bangkain😉

  14. Oktubre 3, 2008 bandang 3:30 umaga

    what a man! anyway, ako yung mga eks ko – tek not – MGA – kapag kaharap ko at alam kong hindi ako sasabunutan nung mga asawa nila, may i bussy bussy ako, pang showbiz si kengkay e, hahaha. lintek, yung karamihan nga sa mga eks ko ninang pa ako sa mga anak nila, hahaha

    ****
    hahaha ginawang ninang ano?? Ibig sabihin non good gf ka talaga kasi ginawa ka ninang eh!😉

  15. Oktubre 4, 2008 bandang 10:15 umaga

    For me, dalawa ang meaning ng “ex”: ‘Yung una, “X-rated” and ‘yung pangalawa “X” meaning “Erased”. It’s always a choice between the two on how one should react kung magku-cross ulit ang landas n’yo. I think you made the right one.

  16. 16 lhay
    Oktubre 6, 2008 bandang 6:41 umaga

    title pa lang ng entry kinabahan na agad ako what more sa totoong buhay db? Naiisip ko plng parang feeling ko di ko laging nakekeri buti kp, hinahangaan kita kasi parang ang galing mong magdala abt past relationships, ako kasi im always pretending na pinakikita ko ok lng lahat, na ayos lng ba pero deep inside kabaliktaran, tawag ng mga nakakakilala sa akin great pretender,kpag anjan si ex nagprepretend ako na parang wala lang dedma ba pero ang totoo nun ang lakas ng kabog by dibdib ko kasi siguro til now , mahal ko pa rin sya, chos!!! Move on lhay!! Go to me and to you lambing!!!

    ****
    wow lhay! seryoso ka yata now? hihi

    pero magaling kasi great pretender ka!!

    go lang talaga tayo!! nyay!!!

  17. 17 anakngpiso
    Oktubre 6, 2008 bandang 6:55 hapon

    pramis binasa ko hanggang matapos.. ganito talaga kaming mga dalahira, uber sa chismosa… pero u know what? i’m so happy for you, i really am… you made the right decision, lecheng lalaki yun.. dapat sa mga ganung lalaki pinuputulan ng kaligayahan eh, haliparot masyado… pero at least ngayon okay ka na… sana maging okay na kayo ni mang jose… i wish you all the luck… kaya nyo yan!!!! cheers!!!!-lablots, glesy the great

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  18. Oktubre 7, 2008 bandang 2:24 hapon

    I doubt that I would recognize my exes hehehe:) I forgot all their faces already kasi mukha na lang ng husband ko ang nasa isip ko day and night:)

    ****
    wow! look who’s here… na miss kita ate sonnet.. pa kiss nga *mwaah*

    hmmm buti ka pa di mo na marecognize…

    sa part ko naman ako yun na rerecognize nila hehehe

  19. Oktubre 23, 2008 bandang 4:18 hapon

    taas ng tingn ni ex-men sa sarli nya ha.u mde d ryt choice girl.go on nd frget dat asshole.u beter focus on mang jose.wish you ol d best in your relationship with mang jose.btw i want u to be my friend.do you have a frienster?nvte me namn on my friendster on.hrs my ei add.mackytugado@yahoo.com..cute q jan.l…heheheeheheh…kding lang

    ***
    hi macky sure i can be your friend.. actually i added you na.. thanks sa wish..
    and thanks for reading my blog.. tecee😉

  20. 20 deathkisser
    Setyembre 23, 2011 bandang 7:10 hapon

    lambing….i’ve been observing ur page for a couple of months :))…i like it very much po….
    daming inspiring mssge ng kwento mo….
    but about this “spot ur ex”
    dva sabi nila, kung mahal mo tlga ibang tao pakawalan mo…
    pagbumalik xia sau…sau na tlga xia..
    pag hindi ur not ment to be…
    what if bumalik xia one day??…panu mu xia haharapin??…o pano mo xia kakausapin…kung napagod kna sa paghihintay sa kanya??
    nakamove on kna bago pa xia bumalik….

    • Setyembre 28, 2011 bandang 9:57 hapon

      salamat ms death kisser…

      well… ganon talaga pakawalan kapag gusto kumawala… yun pa rin ang alam ko na greatest sacrifice.. tama ka dyan.. hmmm sagot sa tanong mo…

      kapag bumalik ulit sya… at may nararamdaman ka pa rin bakit hindi mo uli pag bigyan yun damdamin mo.. eh mahal mo nga eh.. pero this time kung gusto mo uli sya papasukin sa buhay mo kelangan siguro mag usap muna kayo ng masinsinan…

      ang taong nagmamahal hindi yan napapagod.. siguro magpapahinga lang.. pero kapag kinatok ka uli ng dating pag ibig im sure titibok pa rin yan kung talagang di mo pa sya nakakalimutan….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2008
M T W T F S S
« Aug   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: