14
Oct
08

Pusong pasaway

” Wag kang magreklamo kung yun mahal mo e hindi ka mahal, kasi meron din mga taong mahal ka pero di mo rin mahal. Kaya quits lang! “

Naalala ko ang mga katagang yan minsang nag eemote ako sa plurk. Sinabi sa akin yun ni issey. Napaisip ako, oo nga naman, may mga taong mahal na mahal tayo pero kahit anong gawin natin hindi natin ito magawang mahalin. Tama ba isagot dun na quits lang? Napakahirap talaga sagutin nang mga katanungan basta ang pinag uusapan ay pag ibig. Walang matinong sagot, dahil ang pusong nagmamahal, walang tinatanggap na sagot, ang alam lang nito ay yun nararamdaman nya.

Bakit ba ang kulit ng puso? Kung sana pwede nalang magmahal ng taong mahal ka din, pero bakit ganon? natataon pa na minamahal natin yun taong walang paki alam sa atin. Napaka gulo, o kung sakali mang mahal din tayo, may balakid naman, pwedeng di na sya available o may asawa na. Saka mo sya minahal kung kelan hindi na pwede ang lahat ng posibilidad para maging kayo. Yun iba sinusunod ang puso, kahit mali sugod pa din para lang mapagbigyan ang pusong naghuhurumentado pabagbigyan lang ang gusto.

Naisip ko lang, pano kaya kung magpalit kayo ng damdamin nung taong minamahal mo. Siya yun makaramdam nang pag ka miss sayo, makaramdam ng sakit sa tuwing binabale wala ka. Makaramdam ng pangungulila at pag luha sa tuwing naiisip ka. Maramdaman nya yun pusong parang madudurog pag naiisip na ang lahat ng pagmamahal mo hindi na rerecognize. Makaramdam ng takot, takot na hindi mo na makita yun mukhang nagpapasaya sa iyo. Yun mga ngiting nagpapakompleto ng araw mo.  O mapapawalang saysay ang mga bagay na inalay mo sa kanya. Mga sakripisyo mo na binigay o handang ibigay pa.

Magkakaroon kaya sya  ng realization. Maiintindihan na kaya nya ang taong ito na sobrang nagmamahal sa kanya pag nag palit kayo ng nararamdaman. Masasabi kaya nya na .. ganon pala yun! Dahil sa  isang nagmamahal, hindi naman natin pwedeng piliin kung sino ang mamahalin natin. Basta basta na lang ito tumitibok kung kanino nito gusto tumibok. Kahit pangit ang ugali o mukha mang sanggano kung dun ito tumibok eh. O kahit mukha mang balyena ito. O pinaka maganda o gwapo sobra naman panget ng ugali, kung dun tumibok si pusong malupit wala pa rin tayong magagawa.

Ibig sabihin swertehan lang talaga. Sana nga pwedeng piliin o pwede mamili kung kanino titibok ang puso natin , para sa bandang huli hindi tayo masaktan. Pero kasama sa buhay yan eh,, kasama sa pag ibig ang kabiguan. Gaya ng lagi kong sinasabi sa mga nauna kong entry.. hindi ka masasaktan kung di mo mahal, kaya ka nasasaktan kasi nagmamahal ka.

Bakit ko ba nasasabi itong mga bagay na ito? Siyempre may kinalaman nanaman ito sa nararamdaman ko. Thankful ako kasi may nararamdaman ako, at dahil may nararamdaman ako mayron akong nasusulat sa blog ko.

Kung sakali man maligaw dito ang itinitibok ng puso ko..

Gusto ko sabihin sayo na mahal kita. Hindi ko ito pinilit at lalong di ko ito sinadya. Sana maintindihan mo ang nararamdaman ko. Mahal kita, uulit ulitin ko iyon hanggang marinig mo ito at maramdaman. Kung di mo pa rin maramdaman o ayaw mo man itong maramdaman … wag kang mag alala , okey lang ako. Magiging masaya na rin ako para sayo. Dahil hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo.. gusto ko lang iparamdam sayo ang pag ibig ko. Nakakatawa kasi ang galing ko magsulat ng nararamdaman ko pero sa bunganga ko ayaw lumabas. Dahil siguro takot lang ako,, takot akong mawala ka sa akin .. pero kelan ka ba naging akin ???  Ingat ka nalang palagi .. sana kung mag krus uli ang landas natin ngitian mo lang ako solve na ako dun, o kung pwede bang mag request hug mo ako ng mahigpit.. o kung pwede pa uli mag request… o sya wag na nga..

Whatta emo girl this lambing!

” There will always be that first true LOVE. The ONE you first spent the night crying for. The one that never really worked out, but you keep your hopes up too much. The one who got away. The one who taught you all you need to know about love. The ONE that  till now is still the ONE you LOOK BACK to whenever you try to LOVE again… “

IKAW PASAWAY BA ANG PUSO MO?😉


14 Responses to “Pusong pasaway”


  1. Oktubre 14, 2008 bandang 6:47 hapon

    pasaway ba ang umibig? naks sinabayan sa pagka EMO eh noh. hahahaha. ok lang yan lambing makita mo din ang tunay na magmamahal sa iyo.

    ***
    sana nga.. kuya joms..🙂

  2. Oktubre 14, 2008 bandang 10:58 hapon

    tsk tsk emote mode … lilipas din yan… cycle yan magmamahal ka masasaktan, magmamahal at masasaktan ulit… hihinto lang yan pag dun na sa para sa iyo talaga…

    ****
    wow! oo nga emote mode po hehe

    salamat sa pagdalaw ms libay! mwwaah!

  3. Oktubre 15, 2008 bandang 5:20 hapon

    mayyang’s here!!!

    yah.., there will always be that first true LOVE….ouch lambing! sapul ako dito sa entry mo…hehehehe

    hmmmmmm….pasaway talaga ang puso..sometimes we think we’re part of someone’s life. We share things with them, spend time with them, and gather good memories with them., for me kasi lambing, I used to be his princess and he used to be my prince. Then suddenly they(witch) stole him from me. I thought of fighting, but then I saw him happy with them. so, do I need to fight for my one true love? Or just accept the fact that sometimes witches are better than princesses.got me lambing?

    Sometimes I can say I moved on. But, deep inside I know I am stranded. I don’t know how long I’ll be like this. Because as long as I feel the love, there will always be pain. ;(.. am still hoping na magiging maayos din ang lahat.. because he’s not accepting my “goodbye”…so, hinahayaan ko nlang xa to realize my “WORTH”… na marealize nya mga kamalian niya… na marealize niya na He miss me na…hehehe

    ok ba lambing?

    ****
    tama.. go girl!!!

  4. Oktubre 16, 2008 bandang 7:12 hapon

    Nakupo! Pass muna ko dito sa usapang puso.😆

    ****
    pass??? bakit kirk?? pasaway din siguro yan no??? hehe😉

  5. Oktubre 17, 2008 bandang 4:03 umaga

    ayosdin ah…

    ***
    ayos ba???😉

  6. 6 alasais
    Oktubre 17, 2008 bandang 6:23 umaga

    Hello,

    Magugustuhan mo ‘to

    alasais.wordpress.com

    Tem-i of Alasais

    ***
    tnx for dropping by..😉

  7. Oktubre 18, 2008 bandang 11:58 hapon

    pasaway din ako! hihihi

    ****
    alam ko na yun na pasaway ka pot hihi😉

  8. Oktubre 19, 2008 bandang 6:42 hapon

    ang emo…di ko kaya toh..

    ***
    ahahaha!!! shhh… wag kana lhay.. pagbigyan mo ako hahaha

  9. 9 mangbadoy
    Oktubre 20, 2008 bandang 5:21 hapon

    natuturuan naman ang pagmamahal di ba? during sa process ng courtship natutunan mahalin ng babae ang lalaki kasi pinapakita ng lalaki ang tunay nilang nararamdaman.. ang sad part lang masagwang tingnan pag ang babae ang nanligaw sa lalaki para kasi nakaka degrate kung minsan pero feeling gwapo pag ginawa yun ng babae…

    lambing, ligawan mo kaya malay mo sagutin ka!

    ****
    hmm nice one mang badoy.. di ako nanliligaw ng lalake eh hehehe

    ang situasyon.. kami na parang hindi.. yun na!! parang gusto ko lang maramdaman sya..

  10. Nobyembre 9, 2008 bandang 2:47 hapon

    tagal ko na di nag wo-wordpress…nataon naman may mga bagong magagandang posts..hahaha,,

    naka relate na naman ulit ako ..mahirap tlga i-convince ang sarili mo. I deny man, cguro magiging totoo pa rin ung “first love never dies” na kadramahan..hahaha:)..kasi nga gaya ng sabi mo, kung alin pa yung palpak, kung alin pa yung wala na, kung alin pa yung unang nagpaiyak sayo eh hanggang ngayon un pa rin ang hinahanap-hanap mo..naks..

    cge blog lang ng blog..galing, galing ka eh hehehe..kakawili!^^

  11. 11 yambean
    Disyembre 6, 2008 bandang 5:31 hapon

    hello…

    tama, may mga pasaway ang puso… but actually di pasaway yun kung kaya nilang magcontroll.
    kaya nilagay ang utak higher sa puso…use it!!!!

    pasaway din kasi PUSO koh….

    ****
    ganon ba? mabuhay ang mga pasaway ang puso😉

    salamat sa pagdaan😉

  12. Agosto 4, 2012 bandang 10:23 umaga

    dati di ko lam “first love first love” na yan natatawa pa ko sa mga taong sobrang umiyak at ginagawa at pinagpipilitan ang sarili kahit ayaw na sa kanila napagaling ko mag-advice nun ngaun alam ko na kasi naka encounter din ako ng ganon grabe ang sakit sakit pala pag pinakawalan mo taong mhal mo ipinaglaban mo xa pero ikaw iniwan ka lng nya basta basta sabi ko “di ko Kaya” sabi nya “kaya mo yan”… ang sakit sakit …

  13. 13 lovelyn
    Pebrero 25, 2014 bandang 10:42 umaga

    hahahaha.,,,,,,,,pag ang puso na talaga kailangan mag paka .pasaway para mapansin ….
    ikaw ang magmahal o ikaw ang mamahalin?.
    pero pwd naman sabay db amhal mo sya mahal ka nya…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2008
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: