19
Oct
08

LAMBING D’ MALDITA

Nakakamiss magsulat. Lately hindi na ako naging active sa pag update ng blog ko, hindi naman sa walang ideang pumasok sa isip ko. Masyado lang ako naging busy sa trabaho. Biruin mo linggong linggo nandito ako sa opisina. Wala tayong magagawa eh kailangan ako sa trabaho ko. Kahit hindi ko sya gusto o nag sasawa na ako. Hindi ko naman maaatim na pabayaan yun duties ko.

Ano nga ba ang i kwekwento ko?? Nagiisip lang kasi ako, sa pagiging maldita ko. Ewan ko kung bakit ganon ang tingin sa akin ng tao. Masungit. Hindi naman ako nag susungit ng walang dahilan eh. Ayoko lang naiisahan ako ng mga manyakis. Masama bang magsungit sa tao pag alam mong lumalampas na sila sa limitation. Limitation sa pakikipagbiruan ba. Ako nakikipag biruan ako pero sinisigurado kong dapat igagalang pa din nila ako sa bandang huli. Hindi ko maintindihan ang mga ibang tao minsan, kung ayaw mo makisabay sa hilig nila ikaw pa ang nagiging masama. Tulad ng maging malapit sa lalaki, namimisinterpret nila na suplada ako, hindi lang talaga ako mahilig makihalubilo sa lalaki at lalong makipag close kahit kaninong ponsyo pilato dyan.

Naalala ko tuloy itong asungot na ka chat ng bestfriend ko, may biglang ng IM sa akin sa YM ko, hindi ko kilala yun eh.. ka chat daw sya ng bestfriend ko, madalit sabi kinausap ko, para maging civil lang diba. Nagkataon na malapit lang pala sya dito sa location ko isang kanto lang, madalit sabi kinulit ako na pupuntahan daw ako dito sa opisina, pumayag naman ako sige kako ikaw pumunta dito dahil busy ako, at wala akong time sa ganyan. Nagpunta sya ng hapon. Hindi talaga ako sanay makipag EB sa mga strangers eh.. pinagbigyan ko lang kasi ka chat nga sya ng bestfriend ko. Nagkita kami. usap.. paalam.

Kinabukasan ayan na kinukulit na ako sa chat.. punta daw ako dun sa cafe nila mag treat daw ako ng meryenda. Ha?? di nga ako nakikipagmeet diba?? sabi eh friends naman na tayo.. sabi nya. Kung ayaw mo ako nalang punta dyan pa snack ka naman? WTF?? kapal ng mukha nun ah.. sabi ko wala ako pera eh.. Sabi nya “ikaw pa?” . Kung ayaw mo maniwala di wag.

Kinahapunan.. ano dinner natin??? pa dinner ka naman punta ako dyan sa inyo. ( nak ng tokwang asungot to oo sadyang kapal ng fes..) Akala ko yun na yun pinakamakapal ng attempt nya … meron pa syang hirit. ” PAUTANG NAMAN OH! WALA NA KASI AKONG PERA.. TAGHIRAP AKO NGAYON” sa isip ko close ba kami nito at nangungutang sa akin?? Sabi ko wala ko pera now eh.. dami gastusin.. alam nyo ang sagot?? ” DI NEXT WEEK NALANG IRESERBA MO NALANG YUN PAUUTANG MO SA AKIN!”

Hindi ko nalang pinapansin. Naku!!! kapal.. ano ako sugar mommy? papameryenda, papadinner tapos magpapautang??? Gosh!! Ang sama naman ng itsura nya. Nakakainis buti sana kung gwapo sya e hindi naman. At saka kahit gwapo pa sya, ang kapal ng fes nya. Ngayon tatanungin ko kayo kung makita mo uli ang taong ito hindi ba kukulo ang dugo mo dito??

Nakita namin ng bestfriend ko kahapon si kapal muks .. naku nag tatanong if saan kami punta?? pa snack naman daw kami?? Diba sweldo nyo now?? grrr!! tapos itong bestfriend ko tinext pa kung nasan kami, sinundan tuloy kami sa location namin. Wala lang maldita na ako kung maldita sa ayaw ko makita mukha nun eh.. Sinermonan ko bestfriend ko.. bakit kasi tinetext mo pa kung nasan tayo!! with matching salubong ang kilay at kunot noo.

May pagka moody nga ako talaga.. pero natritriger lang naman ito ng mga taong sadyang nakakakulo ng dugo. . Hay nasira ang araw ko kahapon..


9 Responses to “LAMBING D’ MALDITA”


  1. Oktubre 19, 2008 bandang 5:47 hapon

    lambing, akin na muna first comment dito ha? hehe:

    May mga tao talgang feeling close noh? Yung sadyang pinanganak ng makafal ng mukha?
    Ka-azhar noh? Nakakasira ng araw…

    ****
    ahahaha!! uu nga sinabi mo pa!! sobrang kapal ng mukha ng mga feeling close

    pero teka bakit parang azhar na azhar ka ??? hihi

    salamat sa pag daan lhay mmwwaaah!

  2. Oktubre 20, 2008 bandang 11:03 umaga

    naku.. di na nga ako magpapafeeling close.. natamaan ako dito.. hihihi.. pero di ako nangungutang at nagpapalibre ha.. feeling close lang.. hihihi

    ****
    tama yun pot wag kang mangungutang ! ikaw nalang magpapautang nyahaha! close naman tayo! hihi😉

  3. Oktubre 20, 2008 bandang 4:13 hapon

    naku!..tama lang yung ginawa mo lambing.. sobrang kapal naman ng mukz nun!hehehe…

    …yan tuloy nasira araw mo dahil sa kanya! wag nalang natin pansinin mga taong ganyan lambing..

    hope you visit my blog too lambing.. inaantay ko pagkomento mo..heheheh

    take care!

    ****
    nakuu nagtampo ng ang avid reader ko hehehe..

    yaan mo mayyang dadalaw ako dyan one of these days… medyo pasensyahan mo na at sobrang busy ang beauty ng lola mo hahaha😉

    wab yu!!!

  4. Oktubre 21, 2008 bandang 3:26 hapon

    hehehe…it’s ok lambing

    basta dalaw ka ha…

    favor naman lambing? may ginawa kasi akong blog gamit ko ay wordpress..’para sa batch namin yun..hehehe…

    pwedeng pahelp na maayos yun?..hmmm…kung ok lang po sa inyo..heheh

    just email po d2.. mayyang_raq@yahoo.com

    Thanks! am looking forward for this…mwah!

  5. Oktubre 21, 2008 bandang 4:38 hapon

    paano di ako ma-aazhar ang daming nagkalat na ganyan sa paligid ko, kung hindi mo pagsusupladahan derederecho ang pagiging close..haaays.. pero xempre di ko din maxadong pinapatagal yung pag ka azhar ko ksi makakasira talga xa ng araw..

  6. Oktubre 21, 2008 bandang 7:42 hapon

    hehehe. nilabas na ang pagkasuplada with matching usok ng ilong ni lambing. hehehehe. kapal nga ng fes ng damukong. hahahha. ako minsan nagpaparining magpakain pero so super close ko na na kaibigan ko. kaya lambing pagbakasyon ko pameryenda ka naman. magaabang kami ni potsquared ha. hahahahaha. joke lang po.

    ****
    di bale kuya joms pag ikaw ang humiling nang magpa snack papayag ako si pot ang magbabayad hihi😉

  7. Oktubre 21, 2008 bandang 8:47 hapon

    hahaha! Feeling close. ako PAUTANG NAMAN! hahaha (kapal)

    ***
    hehehe magkano ba??? hhihi😉

  8. 8 jen
    Oktubre 22, 2008 bandang 3:19 umaga

    lambing! Pdeng makipag close? Hehe

    **
    chur jen close na tayo hihi…😉

  9. Oktubre 22, 2008 bandang 8:34 hapon

    Ang tigas nga ng kapalmuks buti wala pa kong namimeet na ganyang tao… At nangutang pa talaga ha!

    ****
    hi mommy ana!! hoonga super kapal muks talaga sya..

    salamat sa pag bisita ha?? mmwwwaaah😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2008
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: