22
Oct
08

walong buwan

Tandang tanda ko pa noong huli tayong magkita, bago ka umalis napakasaya ko kasi nakapiling kita kahit sandali lang. Huwag mong isipin na natutuwa ako na aalis ka noon, ayaw ko lang iparamdam sayo ang lungkot na dinadala ko, dahil gusto kong umalis kang walang alalahanin. Nalulungkot ako, gusto kitang yakapin ng mahigpit noon pero pinigil ko ang sarili ko.

Habang kapiling kita noon ramdam na ramdam ng puso ko ang kasiyahan habang yakap yakap mo ako. Sana hindi na matapos ang araw na iyon. Ngunit kinakailangan mong umalis, bago ka umalis iniwanan mo ako ng isang halik na hanggang ngayon dama ko pa rin sa aking puso sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata.

Kasabay nang iyong pag alis ay ang pag aalinlangan ng aking puso. Sapagkat wala kang iniwang pangako. Ang tanging naiwan sa akin ay ang pagmamahal ko sayo na nagpapatatag sa akin araw araw. Walang araw na hindi kita naiisip. Sa araw araw na ginawa ng maykapal ay kasama ang panalangin kong sana laging nasa mabuti kang kalagayan. Na laging ka nyang gagabayan hanggang sa iyong pagbabalik.

Bawat araw sa akin na malayo ka ay sing tagal ng isang taong paghihintay at pangungulila sayo. Kung pwede lang hilahin ang walong buwan ng mablis , para makita ka lang muli ay ginawa ko na.

Pero ngayong nag balik kana pagkatapos ng walong buwan, bigla akong sumaya, nagkaroon ng pag asang masilayan uli ang taong aking inaasam asam makita ng kaytagal. Ngunit.. bakit parang kay ilap mo? Magkakatotoo kaya ang aking pag aalinlangan? Sana huwag mo akong biglain..

Wala na akong ibang maisip pang salita na mas higit pa sa mahal kita. Pero kung dina gaya ng dati ang pagtingin mo sa akin, malulungkot ako at mabibigo, kalahati ng buhay ko ay mamatay dahil isa ka sa pinakamahalagang bagay kung bakit ako patuloy na nabubuhay… Pero paano ko maipapakita sayo kung gaano ka kahalaga sa akin …. hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon….

Mabibigo ako pero alam kong balang araw mahahanap ko din ang sagot sa mga tanong ko… o ang katahimikan ng puso na hinahanap ko.. Kaya tignan mo ako sa mata at sabihin mo sa akin kung mahal mo pa ako… o may bukas pa bang naghihintay sa ating dalawa….


3 Responses to “walong buwan”


  1. Oktubre 22, 2008 bandang 9:41 umaga

    lambing.. bumalik na ba si mang jose?

    hmmmm… kaya mo yan lambing.. i know what you feel..

    cheer up!..

    Tell to Him your worries. God understands our prayers even when we can’t find the words to say them.

    Labyah friend!

  2. Oktubre 22, 2008 bandang 9:12 hapon

    Pag ibig ulet kaya pass muna ako ulet dito.😆

    ***

    at least kahit pass nag iwan ka ng bakas picture mo hehe…😉

  3. Oktubre 23, 2008 bandang 11:36 umaga

    napadaan lang po…

    siguro po, kahit wala ka pong makitang pagkakataon na ibibigay nya… siguro hindi mo lang po makita… look for those chances, and I know for sure there is still hope… just dont let it make you fall down… ^^

    ****
    hi jheiphoe.. nice naman ng name mo… thanks for dropping by..

    maybe your right.. i will look for those chances… pag malakas na uli ang loob ko😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2008
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: