23
Oct
08

diet 101

Sa katulad kong biniyayaan ng malusog na pangangatawan, pinapangarap ko na kahit manlang konti lumiit ang aking katawan. Kaya kahit anong bagong diet ang lumabas o mabasa ko sinusubukan ko. Hindi naman sana ako macoconcious sa katawan ko eh. Nagsimula lang akong ma concious ng dumami ang admirers ko naks! Paano ba naman babanatan ka ng mga pick up line na ganto “ Alam mo maganda ka….. kaya lang mataba ka! ” Pwede namang purihin ka nalang wag na isama yun kaya lang diba diba diba??

Whats wrong with my body ba? Kasalanan ko bang ipinanganak akong maganda at makulong sa isang katawang malaki? (kapal ng fes ko..)  Minsan unfair din ang tao, sa katawan tumitingin lalo na ang mga boys.. hhmmm aminin.. xempre kung ikaw ang papapiliin mataba o sexy syempre sa sexy ka na. Hindi rin sana ako macoconcious kung walang mga taong nanlalait sa akin. Itatawag ang mga words na nakakadegrade sa iyong pagkatao.. “baboy” , tama bang i compare ako sa isang baboy? “elepante” ganon na ba kalaki ang katawan akong elepante?? ” tabatchoy” ” porkchop” .

Di ko na mabilang pa ang mga nakakairitang words na yan.. pero wala akong magagawa napapaligiran ako ng  mga taong makitid ang utak at sa pan labas na anyo lamang ang tinitigan, Hindi naman ako nang gagalaiti dahil mataba ako, sino ba may kasalanan bakit ako tumaba ng ganito syempre ako din. Pero ang hinihiling ko lang ay konting respeto.. Nakaka asar. At dahil naasar ako gusto ko na mangayayat.

Actually madami na akong diet na nasubukan.

  1. After six – ito yun bago daw dapat mag 6 o clock nakakain kana. Hindi ko rin masunod ito kasi pag gabi ako malakas kumain.
  2. Oatmeal – oat meal lang kakainin.. nakuuu.. ginugutom lalo ako dito.. turo kasi ito ng former boss ko na health concious din. Super sabay kami mag diet noon breakfast lunch puro oatmeal. Naduduwal na ako. Hindi rin kinaya ng powers ko.
  3. Aerobic – Syempre kasama ko nanaman ang mommy net ko sa pagpapayat.. nakow ang hirap mag exercise… di rin kaya ng powers ko.
  4. Kape – may sinubukan din akong pampayat na brand ng kape noon.. ang resulta?? na addict ako sa kape.. hindi naman ako nangayayat lalo yata akong lumaki.
  5. Slimming tea – Eto medyo effective sa akin to kaya lang nagiging eskandalosa ang wetpaks ko dito.. kahit anong oras pwede kang majebs. Dati iinom ako nyan ng gabi sa madaling araw hihilab ang tyan mo kahit antok na antok ka na pagmadaling araw babangon at babangon ka talaga kasi.. di mapipigilang jumebaks. Bakit effective? Puyat kana nagtatae ka pa.😆 naalala ko tuloy nun first date namin ni mang jose.. uminom ako ng slimming tea ng gabi.. inaantay ko ma jebs ako ng madaling araw di ako na jebs.. mantakin mong saka sya humihilab nun kumakain na kami sa isang resto.. alam mo yun pinagpapawisan ka ng malapot at nanlalamig ka. Pero dapat carry pa din at pa cute kasi kaharap ko kaya si mang jose?? Kaya paalala lang wag iinom ng slimming tea pag may date… tsk tsk..

Tama na nga.. daming sinubukan di naman ako nangangayayat. Pero ang alam kong pinaka effective na pampapayat eh .. self decipline.. syempre choose the right food to eat and exercise. Ako effective yun diet program na binigay ni sommer, panay gulay at fruits lang talaga sya at panay tubig. Effective din na hindi kumain ng pork kasi kung maalala nyo sa entry kong eto mahigit 2 buwan na akong di kumakain ng pork.. at kahit di ko pa naaabot yun ideal body ko.. alam kong nabawasan ako nang konti.. at healthy sya kaya di naman masamang magpapayat kung talagang sobra na ang weight.

Pero hindi ko naman kinakahiyang maging isang mataba, kahit naman mataba ako cute pa din.. Daming nasasayangan kasi daw maganda yun mukha ko aaaww di bagay sa katawan ko.. watta bastos this people are.. tsk tsk ang pinoy talaga lakas mang asar.

Ngayon isa lang pinanghahawakan ko, kahit mataba ako mabuti naman akong tao hahaha.. ano ba yan..  Kontento na ako kung anong meron ako, at dapat mahalin ko ang sarili ko, paano ako mamahalin ng iba kung yun sarili ko hindi ko matanggap right?? Dahil hindi lang naman sa katawan nasusukat ang lahat eh.. pero gusto ko pa din pumayat syempre! Para maisuot ko ang mga dress na gusto kong isuot! yun lang yun eh…😆

kaw may diet tip ka ba? share mo na  yan!!🙂


29 Responses to “diet 101”


  1. 1 s3cr3t
    Oktubre 23, 2008 bandang 10:16 umaga

    waaaahh!
    frustration ko din dati ang pumayat,haha!
    tama ka,di naman natin kasalanan na ipinanganak tayong malusog.
    dati tinigilan ko na ang mga diet diet na yan, kasi feeling ko lalo ako tumataba.
    ung isang linggong pinaghirapan ipag diet,pag bigla akong tinopak,nababawi ko sa isang araw na pagkain,hehe.
    pero ngaun,obligado na talaga ako,kasi may diabetes ako,tsk!
    ang hirap! ang sarap kayang kumain db?hehe.

    kontento na ako kung anong meron ako, at dapat mahalin ko ang sarili ko, paano ako mamahalin ng iba kung yun sarili ko hindi ko matanggap right?? Dahil hindi lang naman sa katawan nasusukat ang lahat eh.. pero gusto ko pa din pumayat syempre! apir!!hehe.🙂

    ****
    ahehhe bakit ba ang daming gusto pumayat hehee…

    salamat sa pagdaan kit_cat nakakatuwa naman at nakakarelate ka sa entry ko hehe

    balik ka lang at.. mwwwaaah🙂

  2. Oktubre 23, 2008 bandang 10:53 umaga

    eto adelle… diet tip para sa iyo.. lab kasi kita eh.. gusto ko sexy ka sa paningin ng ibang tao para sila naman ang lalaitin mo ehehehehe.. kwento ko muna yung sa akin ah.. nung nagpunta ako sa japan 240 lbs ako.. di ba parang wrestler.. pero ngayon.. as of this writing.. 192 lbs na lang ako… ang sikreto ko.. NO RICE! oo mahirap… ako pa naman yung tipong malakas kumain ng kanin pero konti ulam.. pero for two months talaga.. no rice ako… sobrang hirap.. para akong adik.. pero nung unti unti kong nakikitang may resulta.. lalo akong ginaganahang mag diet.. at naniniwala ako na kaya kahit na sino na maidisiplina ang sarili.. subukan mo lang adelle.. malay mo.. saka wag kang paapekto sa mga sinasabi ng ibang tao.. ang mahalaga you are beautiful inside… hihihi

    ****
    wow naman… si pot nagbibigay ng diet tips.. anyways.. nasubukan ko na rin yang no rice.. for 5 days pero kung 2 months OMG .. baka maging dyosa na ako nun nyahahaha!😆

    pero hindi halatang mataba ko nun pot ah?? ganda na nga ng katawan mo now… xempre may halong bias yun kasi kaibigan kita hihi😉

  3. Oktubre 23, 2008 bandang 3:00 hapon

    usang healthy pala to… di ka naman mataba a… healthy ka lang… ayus ang tagline mo na: “Whats wrong with my body ba? Kasalanan ko bang ipinanganak akong maganda at makulong sa isang katawang malaki?” natawa ako… whaahahaha!

    ****
    hehehe natutuwa naman ako at nandito ka mang badoy.. hehehe xenxa na at medyo nabusybusyhan ako…

    oo kasi napansin panay pang broken hearted mga entry ko.. kaya health issue naman para maiba ahihi😉

  4. Oktubre 23, 2008 bandang 4:35 hapon

    hmmmm….

    lambing!…

    hmmmm…wala naman masama sa katawan mo ah.. ur still beautiful!swear po…

    iba naman sa akin.. kc payat ako.. iba iba ang mga cnsbi..may masasakit, may magaganda..

    masakit pag cnsbihan ako na, parang wla daw napupunthan pera ko kasi hindi daw ako tumataba… mga ganung banat ba!hehehe…

    maganda pag may mga nagsabing.. dka naman payat ah!may shape nga katawan mo e!at saka bagay lang yan kc katamtaman lang ang liit mo..naks!..

    hay.. tama ka sa cnbi mo na ang pinaka effective sa pag dadiet ay “self discipline”…swak!

    mmmwah!

    ***
    paki ba nila diba mayyang? hihi

    salamat sa pagdaan uli😉

  5. Oktubre 24, 2008 bandang 11:56 umaga

    diet tips … hmmmmm ahhhh wala ako maisip😛 …. Kasi parehas tayong nagsasabi ng “What’s wrong with my body ba? Kasalanan ko bang ipinanganak akong maganda at makulong sa isang katawang malaki?” hehehe

    but kidding aside basta kain ka lang healthy foods… masama din yung dinedeprive mo sarili mo sa pagka concious na tataba ka sa mga kakainin mo.

    kahit kumain ka 5 times a day oks lang basta small meals.

    ****
    ahahaha!! natatawa naman ako sa comments mo te libs hihi.. talaga pareho lang tayong kinulong sa malaking katawan nyahaha😆

    tama tama yun … salamat sa pagdaan at mmwwwaaah😉

  6. Oktubre 24, 2008 bandang 4:04 hapon

    isa lang ang sasabihin ko.. HINDI SA KATAWAN NAKIKITA ANG KAGANDAHAN NG BABAE, bow!

    at tungkol sa diet.. uhmm kung ginagawa yan for health reasons agree ako. pero kung para sa aesthetics lang, hindi ako agree dyan.

    PS: pag sinabihan ka ng mataba, sagutin mo sila: INGGIT LANG KAYO DAHIL MADAMI AKONG PAMBILI NG PAGKAIN! nye nye nye!

    ****
    ahahaha!😆 natuwa naman ako dahil dinalaw ako ng isang azarel sa aking bahay… * pa kiss *

    tama ka dyan for health reasons nga poh sir az….

    hmmm… at dahil dyan sa sinabi mong yan nag bago ang pananaw ko sa diet hehehe… kaw ang malakas mangontra sa pag didiet ko eh hehehe..😉

  7. 7 anakngpiso
    Oktubre 25, 2008 bandang 12:27 hapon

    tinry ko yung no rice for almost a mos.. kaya lang nung nagtrabaho ako kelangan ko talagang kumain kasi baka magkasakit ako… di naman ako mataba, mabalakang lang…. pero nasasayo tlaga yun kung gusto mong pumayat.. kelangan mo lang nang napakatinding motivation… cheers;p

    ****
    correct! matinding motivation talaga… sino kaya motivation ko? hehehe

  8. Oktubre 25, 2008 bandang 3:32 hapon

    hahaha…. sexiness is in the mind di ba? kaya ok lang yan.

    ****
    oo nga naman .. sexiness is in the mind.. kahit super taba.. basta inisip na sexy! sexy! ahahaha😆

  9. Oktubre 25, 2008 bandang 9:25 hapon

    well isama mo na diet mo ang pag exercise lambing. kaya mo yan. pero dapat may discipline ka din sa sarili mo para maging succesful yan. wish you all the best. malay mo bumalik si mangjose sa u pag seksi ka na? hehehe.

    ***
    tama kuya joms! kaya ko to hehehe .. ano kaya effective na exercise??? hmmmm

  10. Oktubre 25, 2008 bandang 11:30 hapon

    ako gusto ko tumaba.
    ang payat ko eh.
    badtrip.
    bat kaya ganun sa tingin mo?

    ****
    hmmm.. ako din eh.. gusto ko pumayat.. hehehe

    di rin ako makatingin eh..

    tnx sa pagdaan

    at mwwaaah😉

  11. 11 sommer
    Oktubre 28, 2008 bandang 3:28 hapon

    ..lolaaa!!! as in effective ba diet chuva na binigay ko?? basta kasama ng diet, discipline, ill power at self control…
    di naman kasi ibig sabihin pag nagdidiet ka e banidoso ka na…healthy din kasi ang healthy diet..
    …hmmmm..makapagquit na nga bisyo..practice what you preach..nyahahaha!!!!

    ****
    effective sya sommer kaya lang… hindi ko matuloy tuloy dahil may mga temptation sa akin..

    pero nag try na ako naka five days naman ako.. at in fairness.. may nawala naman sa akin konting taba.. kaya pag may time uli ako at ready na mag diet.. gagawin ko ulit yun hehehe

    … tama practice what you preach ibig ba sabihin gudbye irish village??? nyahahaha😆

  12. Oktubre 28, 2008 bandang 8:59 hapon

    well ang diet kasi mas magandang gawin kung continous, kadalasan kasi kpag nag diet at nakita ang resulta, o yan pumayat ka nga at itinigil mo, madalas bumabalik sa dati ang timbang mo minsan mag grabeh pa, ako dito na lng din ako sa Dubai tumaba kasi marami ng pambili ng fud, medyo malaman na din nman ako nung nsa pinas pero di gaya ng taba ko ngayun, medyo bulky na rin , joke!
    Ang effective diet ko lam mo ba? paunti unti nag babawas ako ng calories..
    Sa normal na tao 2500 calories a day lalo na kung active ka, pero kung ikaw ay opisina at bahay lang ang routine sa buhay..little by little bawasan mo calories intake mo per week. Kunyari this week 2000 calories ka, sa susuonod gawin mong 1500, then 1000, tapos 500 per day.
    Bawat bili ko ng pagkain, yung likod muna ng wrapper ang tinitignan ko kasi dun mo makikita kung ilang calories meron un, madalas per serving ang nakalagay or minsan per gram. And meron akong libro ng list ng calories, mga calories ng fries from mcdo, kfc etc.. basta kumpleto, softdrinks, fried or steam ang luto, with salt or wala, mga ganun. nabili ko lng ng 15 pesos sa Quiapo dati, dinala ko dito sa Dubai. At OO, pansin ko mahaba na ang comment ko…

    ***
    nyay to lhay!!

    correct sister dapat talaga continues.. wow ang haba ng comments.. pero totoo yun mga sinabi… at talagang bumili pa ng libro.. share mo naman sa akin yan hehehe

    diet queen ka rin pala no?? at pwede ka na maging nutritionist hehe😉

  13. Oktubre 30, 2008 bandang 2:18 umaga

    Wala ata akong karapatan magbigay ng diet tip kasi kahit ako natatabaan ako sa sarili ko. Pero dati pumayat ako dahil sa cosmic cycling ng Fitness First. Basta mga cardio exercises naman like biking, cycling, jumping rope, badminton, running, etc. eh makakatulong as long as you combine it with proper diet.

    Baka me kakilala kang nutritionist pwede ka din magpagawa ng meal plan mo ala-South Beach para namomonitor mo din ‘yung calorie intake mo. Hehe.

    Bloghopping. Napadaan lang. Goodluck sa pag-diet. *wink*

    ***
    hi there! masarap nga mag exercise kaya lang walang time.. pero maganda yun ! nag ja jumping rope din ako minsan.. kaya nakakahingal heheh..

    salamat sa pagdaan at mwwaaah😉

  14. Nobyembre 1, 2008 bandang 7:52 hapon

    tama noh, indi naman talaga nakikita ang ganda ng tao sa panlabas na chura nia. ampness nilang lahat hehe…meron dyan maganda nga, nakakadismaya naman ang ugali…aanhin mo pa yung ganda nia hehe…

    try mo nga yung nisabi ni pot na NO RICE. effective yun girl kasi ako din nitry ko siya kasi nga anlakas magpataba ng nyemas na rice na yan kaya pag totally tinanggal mo siya tapos exercise, gulay fruits…kahit matagal makita yung effect, mararamdaman mo naman siya agad >>gets mo? basta yun yon.😉

    ***
    hay ateng! correct aanhin ang ganda at seksi kung ugaling ewan naman hihi.😉
    hmm ma try nga uli ang no rice.. salamat salamat po!

  15. 15 b00bsy
    Nobyembre 4, 2008 bandang 12:33 umaga

    uuuy sis! ngayon lang ako nakabisita ulit dito. ako din gusto ko magpasexy… nasubukan ko na din yang ibang mga nasa list mo. kaso sa kakamadali ko kasing magpapayat pag la akong napansing changes eh diko tinutuloy kaya din siguro parang di cya effective. hehehe.. but i totally agree with you. self discipline lang talaga ang katapat ng pagpapapayat. coupled of course with eating right and proper excercise! pero kahit nmn mejo horizontally challenged tau, magaganda pa rin nmn tau diba? hehehe… share mo sakin pag may nadiscover kang diet na super effective ha.

    ***
    hi sis! salamat naman at nadaan ka! hehehe…

    pareho tayo ganyan din ako maiinipin.. kaya bumabalik uli yun katawan ko pag nag dadiet ako hehehe…

    sureness share ko yun pag effective hehe😉

  16. Nobyembre 4, 2008 bandang 11:01 umaga

    ako naman ay baligtad mo… ang payat ko at ang goal ng aking doctor ay patabain ako. ang diet ko ngayon ay parang diet ng mga diabetics. eat every 2 hours at dapat yung bonggang bonggang kain. hehehe!

    tsaka hwag mong isipin yang mga nang aasar. sa nagdadala yan so flaunt whatever you have. hehehe!

    ****
    flaunt lang ng flaunt ano?? hehhe

  17. Nobyembre 4, 2008 bandang 11:42 hapon

    Green Tea every night!

    And proper diet and exercise of course🙂

  18. 18 anakngpiso
    Nobyembre 5, 2008 bandang 7:35 hapon

    hoy asan ka na? di ka na nagparamdam ah.. cheers.. glesy the great;p

  19. Nobyembre 9, 2008 bandang 1:31 umaga

    er. i feel so weird again.
    kc addicted ako sa oatmeal.
    at kontento na ako sa lunch at dinner kong oatmeal.
    oatmeal without any flavor. just hot water.
    hehehe =)

    ****
    wow.. di ka nagsasawa sa oatmeal?? hmm na try ko na yan.. nkakasawa tlaga eh…

    galing mo naman!! kaya sigruro sexy ka hihi😉

  20. 20 V
    Nobyembre 10, 2008 bandang 8:01 hapon

    nung tumigil na ako sa volleyball, wala lumobo na ang katawan ko. nagdiet ako: 6 small.. VERY SMALL meals (snacks) a day. na panay gulay, gulay at tokwa at gulay, taho, gulay… ahahahah. soy milk. nag vegan diet ako pero ang hirap. magastos kasi mahal ang salad greens. chaka mahal ang soymilk. bawas sa maalat, at no yellow/starchy foods. maghanap ng alternative recipes sa paborito mong makolesterol na foods. at steamed everything. soups. ganun!

    disiplina nga lang! kaya yan amiga. makapagdiet na nga ulit. nag alala ako kasi sumikip nanaman ang mga pantalon ko

    ****
    wow sobrang concious mo pala ms v… di ba nakakasawa ang ganun? haaayzzz

    sabagay pag gusto maraming paraan, pag ayaw madami dahilan no?? hooossyaaa masubukan na nga

  21. Nobyembre 11, 2008 bandang 4:13 hapon

    Kain lang ng kain habang wala ka pang sakit. Papaano na lang kung lahat na nang mga gusto mong kakainin ay ipinagbabawal na ng doktor,hehehe.

    ***
    oo nga naman! go ! kain lang hehe

  22. Nobyembre 15, 2008 bandang 5:18 umaga

    mabuhay ang matataba! (ayokong pumayat!)

    ***
    okey lang yan taps kung ayaw mo pumayat.. masarap yata i hug ang mga matataba!😉

  23. Nobyembre 15, 2008 bandang 10:42 umaga

    masyadong busy sa work si lambing ah….

    hmmmm…hope your ok lambing🙂

    Take care!

  24. Nobyembre 27, 2008 bandang 8:57 hapon

    sinubukan ko na rin yang slimming tea na yan (kankunis,ikaw ba yaaaan?) isang beses, at sobrang hirap. parang feeling ko hindi na ako papayat dahil madededs na lang ako!

    i think swerte sakin dahil yung tiyan ko hirap mag-digest ng meat.dahil jan i’m forced to eat gulay mostof the time. pag kumakain kasi ako ng meat lalo na beef nacoconstipate ako ng ilang percent. so healthy food nga ang the best, sabi mo. wagka magpapakagutom—tha will only result to further eating binges.

    nararanasan ko rin yang”maganda ka sana….” dialogue na yan. at alam mo kasunod? “bakit hindi ka magpa-braces?” para kasi akong drakula at kung saan saan nakaturo ang ngipin ko. ang sagot ko, “eh syempre sabi ni God dapat may kapintasan. Alaga namang maganda, matalino at talented na, maganda pa ang ngipin?sobra na yun!”

    ehehehe, sabihin mo rin yan sa kanila.”e di kung naging payat ako, perpekto na ako! syempre dapat may kapintasan din kahit papano!”
    **********

    Nyahahaha oo nga kat kankunis yun ginamit ko nun hihi..😆

  25. Agosto 19, 2010 bandang 11:01 umaga

    wow diet-dietan pala si Cute. you are right by saying na you love your body kahit ano pa ito. but when you feel that you must do something to feel better, okay din yun.

    hindi ako religious when it comes sa diet and exercise pero most of the time tina-try ko ang after six. pero ang sa akin lang ay six ng gabi. then since im love dancing alone, yun na rin yung exercise ko.

    ang mahirap lang sa after six for me ay kapag friday night or may kasama ka na hindi mo matanggihan na kumain kayo. hayyyy, more power Cute you can do it! nai-i-inspire mo ako.

    mabuhay!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2008
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: