01
Dec
08

SULAT PO!

Desyembre na! At napansin kong di na ako nakakapagsulat ng entry. Dati akala ko ang pagsusulat ng blog ay hindi kina kareer, yun bang basta may maisulat ka lang. Gumawa ako ng blog for self expression lang, pag nalulungkot, pag naiinis, pag naiinlove.

Ngayon na realized ko na kailangan din pala kareerin, kareerin kasi kahit paano meron din palang nakakamiss sa akin, at meron pa din palang napapadpad sa bahay ko, mga naghahanap ng bagong entry kahit walang kwenta minsan yun pinag susulat ko, nakakatuwang isipin na may naghahanap pa din pala sa akin. Minsan kasi kahit gusto mo magsulat, pag natambakan ka ng sangkatutak na trabaho at problema kahit gusto mo magsulat di ka makakapagsulat diba?

Kaya naiisip ko na talent din pala itong pagsusulat kasi mahirap magsulat pag walang ideang pumapasok sa isip mo! yeey talentado din pala ako.. ( wag na po komontra ngayon lang uli ako nagsulat). At ang talent na ito sa kasawiang palad ay pwede din mawala pag di na gumagana ang imahinasyon mo. Tama na nga ito napaka habang intro ko.. hihi wala lang heksayted lang uli ako magsulat.

****************

Its monday ! at dapat pag monday maganda ang aura mo. Kahit di maganda ang nangyari kahapon dapat pag monday baguhin mo ang pananaw mo para buong linggo na maganda ang aura. Kasi minsan pag naumpisahan ng kabuwisan for sure isang linggong kabusitan din. Ibig bang sabihin na isang linggo din akong magsusulat dahil naumpisahan ko? Hmmm sana..

Kaya heto kaninang umaga pumasok ako ng nakangiti sa opisina kahit kahapon sobrang mabuwisitan ang inabot ko, pero syempre dahil monday ayaw kong masira ang buong linggo ko. At may naiisip ako holiday pala ngayon.. buti pa kayo holiday nyo, ako hindi dahil kahit holiday may pasok ako. Pero dahil monday hindi ko na iindahin kahit wala akong holiday.

Magkwekwento nalang ako..

Ano ba feeling pag nakakatanggap tayo ng sulat? Syempre yun iba diba masaya. Syempre paano ba naman di ka sasaya may nakaka alala sayo kahit paano. Kanina kahit badtrip ako kahapon pinipilit kong ngumiti. Ayaw ko talaga masira ang buong linggo ko eh. Kaya kind ako sa lahat ng nakaka halubilo ko.. Mula sa mga tindera sa palengke, sa kapit bahay ko.. dapat smile pa din. Kaninang umaga may kumakatok sa opisina ang sabi … ” TAO PO! ” naaninag ko si kuya para syang Mr. Postman.. katok ng katok sa office.. at dahil monday syempre super smile ang lambing.. sabay sagot ng

Lambing: ano po yun????🙂

Mr: Postman: SULAT PO!

LAMBING : Para kanino?? Best sulat daw paki abot nga yun ibibigay ( si best ay kasama ko sa work)

BEST : kinuha yun sulat .. tapos binasa HUMIHINGI PO NG TULONG… blah blah blah….

Hindi ako nakakibo.. lokong mama yun di ako nakakibo, akala ko kung sinong kartero na sumisigaw ng tao po sulat.. yun pala humihingi ng tulong. HIndi ko na inisip kung modus operandi lang yun nakalagay sa sulat nya o totoo , basta natawa ako kasi sabi nya SULAT PO! agad agad naman inabot nun kasama ko, nun natanggap halos walang gustong umabot eh. hay naku… sulat nga naman!😆


5 Responses to “SULAT PO!”


  1. Disyembre 1, 2008 bandang 6:28 hapon

    na victim ka adelle! pero namiss ko nga yung makatanggap ng sulat.. ngayon kasi panahon na ng internet.. parang nagiging obsolete na ang mga sulat..

    ***
    pero pot effective na pampakilig pa din ang sulat diba? aminin mo yan kahit internet age na ngayon.. meron pa din gusto ng mga sulat diba..

    yun nga lang pag sulat galing sa humihingi ng tulong halos ibato yun sulat hihi😉

  2. Disyembre 2, 2008 bandang 5:07 hapon

    heheheh….akala mo love letter na noh!

    hay.. minsan may mga taong ganyan na nakakaawa cla pero minsan may mga tao ding gnyan na humihingi na nga lang “bastos” pa…

    marami na ngayon ang ganyan.. lapit na kasi ang pasko eh!.. sanayin mo na ngayon lambing..araw araw na yan na pupunta sa office nyo..hehehe

  3. Disyembre 3, 2008 bandang 2:41 umaga

    Batang Kalye ka ba? Kung oo, magugustuhan mo ‘to.

    alasais.wordpress.com

    Tem-i of Alasais

  4. Disyembre 4, 2008 bandang 5:21 umaga

    hahaha..dito sa middleeast ang unang araw ay linggo and oo nga pla, uso nga pala jan sa pinas ung haus to haus pangangatok ang hingi ng tulong…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: