05
Jan
09

Letting Go

Minsan may mga bagay na kahit anong gusto nating manatili sa buhay natin, kahit anong panalangin, iyak ang gawin kung talagang hindi para sayo wala kang magagawa. Maglumuhod ka man araw araw, magpakabuti para lang maisakatuparan ang bagay na ninanais mo pero sa di inaasang pagkakataon di pa rin pwede. Anong gagawin mo?

Bakit ba ang hirap tanggapin na kung ano pa yun pinaka gusto mo hindi talaga pwedeng maging sayo. Yun isang bagay na pinanghahawakan mo dahil yun lang ang pinaka magandang alala na nangyari sayo yun pa ang mawawala. Iiyak ka sa isang tabi, kahit hindi mo isipin parang nangaasar na yun pa rin palagi ang sumasagi sa isip mo. Pilit mong nilalabanan ang sarili mo na wag magpatalo sa emosyon mo pero… parang isang sirang plaka na sumasagi sa isip mo na wala na.. hindi na pwede.. tapos na.. bumitaw ka na..

Mahirap.. kahit parang unggoy kang naka kapit sa sanga kung yun sangang kinakapitan mo  nabali na.. ang sabi nang iba, kung mabali man ang sanga itatali daw nya uli yun para lang makakapit ka uli.. pero diba pag nabali na ang sanga.. mamamatay na rin ito…  kahit pa itali mo sya..

Ano ba itong pinag sasabi ko? Bagong taon napaka senti ko. Sa totoo lang ayaw ko naman mag paka senti eh, ang kaso lang hindi kasi mawala sa isip ko kaya kelangan ko ilabas. Bago mag bagong taon para akong mawawalan ng hininga kasi yun bagay na pinahahalagahan ko nagkaron na ng katapusan. Hindi na pwede.. kaso mahal na mahal ko yun? Pinipilit kong magpakatatag pero bakit ang isip parang mas matalas pa sa kutsilyo kung manakit? Minsan mas gugustuhin mo nalang matulog palagi para yun sakit hindi mo maramdaman.. o much better sana hindi ka nalang magising para tapos na ang paghihirap mo..

Pero kung ganon naman ang gagawin mo.. lalabas kang duwag.. ang hirap makipaglaban sa utak at puso..  para mabawasan ang sakit uminom ako ng alak.. nilunod ko ang ng alak yun lalamunan ko.. tatlong araw sunod sunod.. pero bakit pag nahimasmasan ka nandun pa din ang sakit.. kahit isang baldeng luha na ang iniyak mo bakit andun pa din yun katotohanan na wala na..

Pero, nakapag isip ako na.. ano nga ba talaga yun nag ti trigger ng sakit sa atin? Iyon bang pagtanggap na talo na tayo wala na tayong magagawa dun.. yun ego ba.. o yun pagtanggap ng katotohanan na lahat ng mga alala ay mababalewala na. Pero kung ano pa man ang dahilan andun pa din ang sakit .. sakit na kelangan mo na nang mag let go..  kahit mahirap kelangan kong maging matatag.. dahil kelangan kong tanggapin na walang permanente sa mundong ito.. lahat kumukupas.. lahat nagbabago.. at ang tangi ko nalang magagawa ay ang pagtanggap.. pag bitaw.. at pagpaparaya.. hindi ba mas masarap yun pakiramdam na nagpapatawad ka.. yung kahit masakit sa puso mo.. wala ka namang magagawa .. imbis na isumpa mo yun tao o magalit ka.. hindi ba mas maganda kung magwish ka para sa tao ng mabuti.. dahil minsan may pinagsamahan din kayo.. at lalo pa minahal mo sya..  mahirap magparaya.. pero balang araw alam ko na may mga pintuan na magbubukas para sa katulad ko..

Bago magtapos ang taon 2008, sinigurado ko na wag maapektohan sa mga bagay na nangyayari sa akin.. sa pag ibig na hinawakan ko nang mahigpit.. ayokong magpatalo sa emosyon ko.. suko na ako.. pero hindi ibig sabihin na duwag ako.. ibig sabihin nito ay natuto akong tumanggap ng pagkatalo.. ibig sabihin itong dumating na ito sa buhay ko ay isang challenge.. challenge sa buhay na kahit apak na apak na ang pagkatao mo.. natuto ka pa ding ngumiti, lumaban.. maging matatag.. at.. maalala si Bosing.. napakasarap ng pakiramdam yun walang wala kang lakas .. magsusumbong sa kanya.. walang kasing sarap ng pakiramdam.  Ayaw kong magtagal na nagdadalamhati.. oo magdalamhati ka mga ilang araw.. pero kelangan mong bumangon sa pagkadapa.. at iyon ang ginagawa ko ngayon..  babangon ako. . at magpapakatatag pa..

May bukas pang naghihintay sa akin..

I think that the only reason people hold onto memories so tight is because memories are the only things that dont change; when everybody else does.

I’ve learned that things change, people change, and it doesn’t mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on and treasure the memories. Letting go doesn’t mean giving up… it means accepting that some things weren’t meant to be.”


25 Responses to “Letting Go”


  1. Enero 5, 2009 bandang 4:53 hapon

    hay, pwede namang tao na kumakapit sa sanga di ba??? bakit unggoy pa!! bakieeetttt??? hmm!! lam ko na, siguro…

    hay joke lang yun, narandaman ko ang feelings mo dito ha, in fairness!! muntikan na akong maiyak habang nagbibisi- bisihan dito sa office!!

    alam mo, ok lang yun. lilipas din naman ang oras at darating yung time na sasabihin mong: “yes, naging matatag akong unggoy este tao kasi nakayanan ko ang mga pangyayaring ganoon!! di vah?? kaya mo yan!! smile na!!

    ****
    nyahahaha!😆 hooongaa… naisip ko din yun.. okey na yun unngoy.. kasi ang unggoy mahigpit kulapit sa sanga hihi..

    tsalamat at happy new year na din😉

    • 2 azumie05
      Abril 25, 2012 bandang 10:50 umaga

      hehee ang hirap kaya mag let go.. aq nd q pa magawa kahit sinasabi nia na may mahal na cia ng iba ..panu ba mgsimula? hirap lalo na kasama at nkikita mo pa rin cia sa araw arw taz saveh nia kaibigan nlng ang pwede nia ibigay sau grabe halos mag lumuhod aq. ang nd lng maunawa tumboy cia dati ngaun babae na daw cia. ang hirap tanggapin diba.parang pinag laruan ka lng in 9 years na mag kasama kami..

  2. 3 dencios
    Enero 5, 2009 bandang 6:06 hapon

    kaibigan ang TAAS ng SIKAT ng ARAW bukas…
    may bago ka pang damit na isusuot para bukas…
    ang nanay may masarap na lutong ulam bukas…
    si bantay bukas makikita mong winawagayway ang kanyang buntot kung makita ka…
    etc, etc..
    ***

    look forward para “bukas”..!
    madaming masarap na bukas para maging malungkot lang kaya let go of the past good or bad =)

    ****
    salamat kaibigan😉

    at mwwaah🙂

  3. Enero 6, 2009 bandang 12:58 umaga

    people hold on to memories kasi minsan, mas maganda talaga ang memories kesa sa totoong buhay😀

    hope you are okay!

    happy new year!

    ****
    Happy new year mommy kenkay… haymissyu…😉

    okey nako naisulat ko na eh😉

  4. 5 aga
    Enero 6, 2009 bandang 3:14 umaga

    hmp…
    sabi nga nila cge iyak mo lang yan ng iyak…
    pero pagwala ng luhang tumulo…
    eh aba itigil mo na yan…

    parate mong isipin..
    pag may nawala sau…
    may dahilan…

    at tyak na may darating na mas maganda pa…

    bukas…
    may isang magandang araw na bubungad sau…
    ngumiti ka at yakapin mo ito…

    asust!
    sana may sense ung sinabi ko sau!
    hapi nu yir!

    ***
    ie.. aga na miss kita!!

    oo naman my sense yun sinabi mo..

    actually na touched nga ko eh…

    happy new year din😉🙂

  5. 6 gugmagiatay
    Enero 6, 2009 bandang 6:46 hapon

    madaling sabihin pero ang hirap gawin. sobrang pangit ang dating ng 2009. i’m so freakin loveless. i don’t think i deserve this whole shit. i’ve been good to so many people and in so many ways. i just woke up one day and i realized that i can never have him back anymore. gusto ko syang balikan pero huli na ang lahat. gusto kong mag let go pero mas lalo akong nasasaktan. sabi nila ang gamot sa pagkabigo ay isang panibagong pag- ibig. ginawa ko nang maghanap ng kapalit pero bigo ako. tumatanda na ata ako kaya’t ang hirap humanap ng ka date na gusto mo talaga.

    until now i am still hurting. i came to realize that he’s the one for me..i’ve been trying to move on and move forward pero ang hirap. the pain is still there. i can still his face in my dreams and ambition.

    ****
    love takes time….

    kaya mo yan.. kahit pangit ang pag pasok ng 2009 ..

    being hurt is something we cant stop from happening,

    but being miserable is always our choice..😦

    kaya move forward… kaya natin to!!😉

  6. 7 ala eh boi---
    Enero 6, 2009 bandang 7:10 hapon

    magandang araw sa’yo,
    bago
    ang
    lahat ay ako lang ang luma…(joke) well ako si ala eh boi, para sa iyong info.

    napadaan ako dito sa bakuran mo at nahuli mo ang aking atensyon sa sinulat mo sa itaas…(naka-relate kumbaga) para kasing may tumarak sa puso ko sa mga nasabi mong salita sa nasulat mo…parang nakita ko yong safeguard(konsensya) ko sa kanan kong bahagi kasi minsan ay nang-iwan din ako at parang echo sa kweba ang dating ng mga words mo sakin… Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng post mo ay nanariwa naman sa aking mga alaala ang nakalipas na pahina ng buhay ko…siguro nga’y kasing sakit o di kaya ay mas masakit pa naradaman ng taong minsan ay iniwan ko, pero it doesn’t mean na balewala yun saken…sabi mo nga minsan ay may mga bagay na kahit annong pilit naten ay di talaga pwede, ung tipong tubig siya at ikaw ay langis…

    teka-teka parang napapasarap ata ako sa pagkoment ah…blog mo nga pala to..sorry ha..pero kung interested ka rin na maging frend tayo dito…mag-iwan ka rin lang message dito…

    basta eto lang ang masasabi ko about “letting go”—

    “kahit na gaano kasakit at kahirap ang magpalaya, gawin mo ito, gawin mo ito sa dahilang mahal mo siya at mahal mo ang sarili mo, mahal ka nila at mahal mo rin sila”

    …ala eh boi—

    ****
    elow ala eh boi … nakakatuwa ka naman buti ka pa may safeguard.. at oo nga.. mukhang napahaba yata ang comment mo.. pero gustong gusto ko yun kasi ibig sabihin epektib yun pangongonsensya ko! nyahahaha!

    sure we can be friends😉

    salamat sa pagdaan😉 at mwaaah😉

  7. Enero 6, 2009 bandang 8:47 hapon

    kaya masarap talaga mag blog ano? nakakatulong talaga. sa totoo lang, ang panalangin, may tamang sagot, kaso minsan kasi, iba ang inaantay natin e🙂 hugs!
    ****
    correct mommy keng..

    sarap naman ng hugs

  8. Enero 6, 2009 bandang 10:15 hapon

    *hugs* ate!
    wala ako msyado masabi. malungkot din ang buhay ko sa ngayon eh.. =(

    ****

    kaya natin yan hehehe

    okey nako at least may nag ha hug sa akin hihi😉

  9. Enero 7, 2009 bandang 10:23 umaga

    “I’ve learned that things change, people change, and it doesn’t mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on and treasure the memories. Letting go doesn’t mean giving up… it means accepting that some things weren’t meant to be.”

    maganda siya lambing… pareho talaga tayo.. hmmmm…hirap noh!?.. just treasure the memories nalang.. at least dumating sya sa buhay mo.. you learned your lessons now… masakit at mahirap tanggapin na wala na talaga siya for you pero magiging ok din ang lahat.. may makikilala ka pang MAS magmamahal sayo…

    ako?..hmmm… medyo magulo pa until now, pag hindi na rin ito maayos.. dun na ako magdedesisiyon..ayaw ko na rin kasi masaktan..nakakapagod na rin e..

    *Cheer Up!…

  10. 11 vroutuz
    Enero 7, 2009 bandang 2:43 hapon

    mga friends pilitin natin isipin na may magandang bagay pa ang mangyayari sa buhay natin. kung may aalis meron din dadating mas higit pa at masmaayos basta wag lang tayo mainip. lahat ng ibinigay sa atin ni bosing may dahilan. basta always pray sa kanya para gabayan nya tyo. god bless to all

  11. 12 ala eh boi---
    Enero 7, 2009 bandang 4:48 hapon

    kalambingan…(ano daw)

    tama ba ‘yong worde na ‘yon?

    well, eto ako ulit…naglalambing at nagpapalambing din (hehehe), may mga pagkakapareho tayo ayon sa pagkaka described mo sa sarili mo pareho tayong may mababaw na kaligayahan, mahilig sa kanta at marami pang iba…

    so para sa’yo kakantahan kita ng isa sa mga paborito ko..

    at eto ay….(jaran….)

    ay teka parang panget ang intro…

    take 2…

    “Fragile Heart”

    A fragile heart was broken before
    I don’t think it could endure another pain
    But there’s a voice from deep inside of you
    That’s calling out to make you realize

    That this new bond gives inspiration
    To all who feel no love appeal no more
    So how can I break this wall around you
    That’s aiding both our hearts to grow in pain

    So forget your past, and we can dream tomorrow
    Save our hearts for card and lovin too
    It’s hard I know, but oh
    One thing for sure
    Don’t go and break this fragile heart

    A hurting mind in need of emotion
    I don’t think I could endure another pain
    But baby in you, I’ve found affection
    Affection I have never felt before

    So don’t let your past destroy what comes tomorrow
    Don’t go and break my fragile heart

    With all this fire that burns between us
    There’s so much to lose
    Yet so much more to gain
    And if I could, choose the world around me
    The world I’d choose would all revolve around you
    So help me complete the game inside me
    And help to mend my fragile heart

    o ayan ha..kinantahan na kita…

    galing kay ala eh boi—

    “mas masarap mabuhay ng may pighati dahil doon mo madarama ang tamis ng ngiti, doon masusukat ang haba ng pisi, doon malalaman ang yakap at dampi”—

    …ala eh boi—

    ****
    wow naman… ang cute naman.. sana naririnig ko yun boses mo ano??? pero nice yun lyrics..

    salamat sa kanta..

    napapa smile tuloy ako…

    at isang matamis na mwwaaah😉

  12. 13 ala eh boi---
    Enero 7, 2009 bandang 6:36 hapon

    kalambingan….

    kung gusto moko marinig kumanta..add moko sa ym..donald_s1983

    yan ang add ko..tpos..kantahan kita pag off ko oh kaya pag nasa haus me..kase dito sa office eh ayaw ko..hehehe..cyempre office to eh…

    asan ka nang stage…moving on naba?

    …ala eh boi—here

    ***
    ahahaha ang bilis ng sagot ah…

    lambing na lang… tunog kambing yun kalambingan eh..😆

    im moving on na nga.. sige sige add kita😉

  13. 14 ala eh boi---
    Enero 7, 2009 bandang 7:22 hapon

    kasi po break time kaya nakakababad sa net…at siguro dahil nasa mood na rin…

    better for you…

    kapag daw may nagsasarang pintuan sa’yo,

    asahan mo,

    asahan mo at may,

    may automatic door sila…

    cyempre po may mga nagbubukas din…

    see yah…

    at magkarinigan tayo, magkamustahan palagi at ipadama ang lambing sa isa’t isa..hehehe…(korny)

    …ala eh boi—

  14. Enero 9, 2009 bandang 9:25 umaga

    haaay i feel for you ate. hinde naman porke sumuko ka na eh ibig sabihin duwag ka. minsan ka it shows how brave you are to face and accept the pain.

    hug nalang kita. at kiss pa. *mwahugs.🙂 add kita links ko ha.🙂

    ****
    hello there ! salamat sa hugs and kisses.. hihi😉

    sige sige add din kita ..😉

  15. Enero 9, 2009 bandang 10:06 hapon

    aw. parang ako lang to ah. hahaha. mahina din ako sa letting go eh.. talagang mahirap at may halong bitterness pa ang pagkatao.

    smile na lang. maganda naman tayo eh.😀

    ***
    correct!

    * hugs din para sayo*

    … yun mga magaganda smile na!!😉

  16. 17 vroutuz
    Enero 9, 2009 bandang 10:39 hapon

    Mga friends kung ginawa na natin ang mga ganitong salita…
    Kaybilis ng pangyayari di ko namalayan na ako pala’y iiwan mo ng ganoon na lang
    Kahit pa ano’ng gawin di kayang tanggapin ng puso at isipan na ika’y lilisan
    Maaari bang dinggin ang natatangi hiling
    Sana ay makapiling ka muli kang masilayan at muli kang mahagkan sana’y di na iwan pang muli
    Di ko sinasadya na ikaw ay masaktan kaya sana naman ay iyong maintindihan na ako ay nagsisisi at nangangako sa’yo na di ka na luluha pang muli sa piling ko..
    Di na ba mapagbibigyan
    Sana ay maunawaan mo
    Maaari bang diggin ang natatangi kong hiling
    Sana ay patawarin mo ako ay nagsisisi at nangangako sa’yo na di ka na luluha pang muli…

    Kung wa epek parin yan kailangan talaga natin ang LETTING GO. Good Luck to all

  17. 18 gudang
    Enero 12, 2009 bandang 5:09 hapon

    aww.🙂
    hehe yun lang!

  18. Enero 17, 2009 bandang 12:46 umaga

    “The Lord has selective hearing. He doesn’t hear our prayers that will not benefit us or, at worse, harm us.”

    God bless!

  19. Enero 17, 2009 bandang 9:54 hapon

    Ok ka lang ba lambing? ang weird ng question ko gayung sa entry mo pa lang naman na yan ang emo na ng dating, nways… ganyan naman talaga, batsa isipin mo lang lagi na hindi ka bibigyan ng problema ng hindi mo makakayanan…mahirap sa umpisa, ganun naman lagi pero ano’t ano pa darating din ang panahon na malalagpasan mo yang mga yan, ikaw pa, sa dinami rami ng problema na dumating sayo, sisiw na lng yan😉

    ***
    okey na ko lhay! wow naman.. as in seryoso ka now ha??? salamat sa pagaalala lhay…. lab yu😉

  20. Enero 19, 2009 bandang 8:55 hapon

    Grabe, naluha ako sa sinulat mo. Nawalan kasi ako ng isang minamahal lately. Nagpakasal sa iba ang aking BF for several years. Tinatawanan ko na lang ang aking kabigoan. Alam ko may darating ding umaga pagkatapos ng gabing ito. Sana masaya siya sa babaeng ipinagpalit niya sa akin.

    ***
    maraming pang umagang darating sayo dear.. mas maliwanag.. mas maganda …
    at oo magandang magparaya… lalo na bukal sa puso..

    cheer up😉

  21. Enero 25, 2009 bandang 12:14 umaga

    sabi nga ni benjamin button:

    “you can be mad as a mad dog at the way things went.. you can swear, curse the fates, regret everything you ever did… but when it comes to the end… YOU HAVE TO LET GO…”

    ****
    nice quotes😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Enero 2009
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: