02
Feb
09

TAGSampu

Na tag ako ni potski my lab my prend my future dadi hihi😉 ganito yun mag lagay daw nang sampung bagay tungkol sayo siyam dun ang totoo at isa ang hindi totoo.. hala umpishan natin heksayted na ako kasi tagal ko nang di nakapagsulat.

  1. Mahilig akong mag salamin. Kahit saan lagi akong may baong salamin.. gustong gusto ko kasing tignan ang mukha ko.. sabi nga love yourself.. ewan ko ba bakit gustong gusto ko tignan mukha ko sa salamin, minsan pa nga habang nag eemote ako o umiiyak nagsasalamin din.. hmmmm di kaya balak ko mag artista?? wag nalang….
  2. Mahilig akong mag picture ng sarili ko, pero syempre mukha ko lang kinukunan ko kasi mukha ko lang ang presentable.. marami napepeke sa itsura ko sa picture,  madami  nahuhumaling tama ba yun term na yun pero pag nakita na ako in person nadidismaya sila kasi para silang nakakita ng dambyana. Dati takot ako sa picture pero ngayon yun camera na ang nagsasawa sa akin…
  3. Dati mahiyain ako.. kasi noong highschool ako lagi akong tinutukso ng tabatchoy.. kaya pag naglalakad ako nakayuko ako..  at saka tinatago ko ang boobs ko noon para akong kuba.. pero as i grow older nalaman ko na big is beautiful at saka if you have it flaunt it daw.. kaya ngayon wala na akong paki alam sa mga nanlalait sa akin… bleh!
  4. Mahilig akong mag collect ng mga cosmetics.. sa kaka collect ko nasira ang dating makinis kong kutis at  dahil sa kaka blush on ko nagkanda butas butas ang pisngi ko..
  5. Mabilis akong magtiwala sa tao.. at dahil sa sobrang bilis kong magtiwala muntik na akong na rape..minsan nga  may humahawak na nga sa hita ko nahihiya pa akong sumita dun sa tao di ko alam kung na shock lang ako noon dahil wala talagang boses na lumalabas kinalabit ko nalang yun kaibigan ko at sya ang umaway dun sa mama..
  6. Dalawa ang nanay ko dalawa din ang tatay ko.. ako ay may BF (basag na familya) galing sa term nang kaibigan kong si boi..  pero kahit na lumaki akong parang bola na pasa pasahan ng mga magulang ko lumaki akong matino.. di ko nag rebelde sa katayuan ko sa buhay dahil kung marerebelde ka lang ikaw lang din ang kawawa sariling buhay mo rin ang sisirain mo.
  7. Mabilis mahulog ang loob ko sa tao, lalo na sa lalaki pag pinapakitaan ako ng mga ka sweetan, gustong gusto kong nilalambing ako, at mahilig din akong maglambing, minsan para pa nga akong bata at kumakandong sa nanay ko di lang pala sa nanay kay ano pa ahem..(noon)
  8. Wala akong kahilig hilig sa music.. mahiyain akong tao di ako kumakanta.. ayaw ko talaga ng music..
  9. Lapitin ako ng away.. madalas akong napapasubo sa bugbugan di naman ako basagulera namimis interpret nila ako palagi.. tandang tanda ko pa yun pinsan ko may nakatinginan lang sa palengke noong bata kami.. kinurot nya yata yun dalawang batang kasunod namin.. maya maya ako na yun nakikipag sabunutan sa palengke.. akalain mo yun.. nakipagsampalan na rin ako nun grade 2 , tapos nun highschool ako nakipagsabunutan na din ako sa classmate kong naglilihi.. yun pala napaglihian ako.. di naman talaga ako basagulera.. ayaw ko nga ng away .. pero yun away ang lumalapit sa akin .
  10. Di ako makatulog ng walang kumot kahit mainit kailangan talaga may kumot ako  pag matutulog ako, madalas akong bangungutin kasi daw lagi akong  nakatalukbong ng kumot at nakadapa kung matulog.

Ayan po ang mga bagay bagay na tungkol sa akin salamat kay potski sa pag tag sa akin naka pag post ako ngayon ng bagong entry. Hmm ano kaya ang di totoo dito? Kayo ano sa tingin nyo? Yun mga gustong gumawa nito gawin nyo nalang balita ko kasi nagkalat na ang tag na ito sa blogsphere eh..


14 Responses to “TAGSampu”


  1. 1 apollo
    Pebrero 2, 2009 bandang 4:27 hapon

    number 8 ang hindi totoo? hihi

    ***
    hihi din ang sagot ko..😆

    na miss po kita😉

  2. 2 alaehboi
    Pebrero 2, 2009 bandang 7:17 hapon

    loveu boi..ung comment ko sa bahay na lang..hehehe…mwah…

    ***
    boi.. asan na ang comment asaaaan????

    mwaah din sayo😉

  3. Pebrero 2, 2009 bandang 9:45 hapon

    mahiyain din ako noong highschool pero sa anumang rason we have learned to outgrown it. at mahilig din akong magdala ng salamin DATI pero ngayon, I don;t care that much na ^^

  4. Pebrero 2, 2009 bandang 10:50 hapon

    I go with number 8. wahahaha.

    pareho tayu girl di din ako makatulog ng walang kumot kahet mainet wahahaha. salamat po!🙂

  5. Pebrero 2, 2009 bandang 11:22 hapon

    welcome back lambing ang tagal mong nawala a,… musta na??? we miss your blog and stories

  6. Pebrero 6, 2009 bandang 8:48 umaga

    Hey may tag/award ako for you, check it out!🙂

    http://joyceish.com/?p=910

  7. 7 jem
    Pebrero 6, 2009 bandang 12:47 hapon

    waw..kahit saan ako magpunta lagi ko nakikita yang tagged posts na yan..🙂

  8. Pebrero 7, 2009 bandang 12:15 hapon

    lambing.. just visit you here🙂

    hmmmm….d kba mahilig sa music?..hehehe..i think that’s the lie my dear lambing…

    how are you na?hmmm…ako, hindi ok..

    ..just visit my blog fren..

    ***
    naku mayyang.. sorry to hear yun nangyari sayo.. hindi na ako naka pag comment sa blog mo kasi ang hirap mag comment dun sa blogspot hehehe..

    anyways… nagpunta ako dun and nabasa ko yun.. buti nalang ligtas ka.. ayan dito na ako mag cocoment…

    love ka ni God kaya ayan nakakapag blog ka pa rin diba.. and dito pa rin ako😉

    mwaaah😉

  9. Pebrero 7, 2009 bandang 4:28 hapon

    hindi halatang no. 8 ang hindi totoo, hahaha… i miss u cuz🙂

    ***
    miss na miss din kita cuz hehehe

    diba halata???😉

  10. Pebrero 7, 2009 bandang 7:05 hapon

    hala. totoo ba yng sabi nlang palaging binabangunout pag lagi nakatalukbong?
    hnde rin kc ako nakakatulog ng walang kumot eh.. at palagi rin akong nagnanytmare.. =(

    btw, pachange url naman po http://lifeisfullofbeaches.com thanks!

    *****
    ewan ko lang vanny pero true.. madalas akong bangungutin.. sabi nang nanay ko yun😉

  11. Pebrero 8, 2009 bandang 12:47 umaga

    # 6 ang di totoo. yan hula ko. may prize dapat kapag nanalo ah.. hehehe🙂

  12. Pebrero 8, 2009 bandang 12:51 umaga

    mukang mali ata ako ah, 8 sila, ako 6 hahaha..🙂

    ***
    hahaha mali ka nga hihi😉

  13. Pebrero 8, 2009 bandang 4:36 hapon

    weee..
    bistado ka na nila..

    hahaha..mali ang pangOtso!
    mali talaga!
    🙂 hahaha..dami ng nabago dito sa pooksapot mo…

    weeepeee..

    ***
    ayan sa tinagal tagal mong di nadadalaw.. nanibago ka na sa pook sapot ko.. nice term ito ah…

    may natutunan nanaman ako sa yo ayyzz…

    pa kiss nga !😉

  14. Pebrero 9, 2009 bandang 9:27 hapon

    number 8 ang fake!! ehehehehehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Pebrero 2009
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: