16
Mar
09

Ms. Insecure

Aminin mo Lambing naiinsecure ka sa katawan mo, dahil ganyan ka, dahil mataba ka .. naalangan ka sa may magagandang katawan..

Nanggaling ito sa isang manliligaw ko.. sabi nya kaya gusto kita kasi ganyan ang itsura mo.. wala nang magkakagusto sayo, kaya akin ka lang.. Huwaaat??? Ang sabi ko naman anong walang nagkaka gusto ? hekskyusmeee!!!! ma appeal yata to!!! basted ka na! baaaaaaasteddd!!!

Akalain mo yun? Anyways.. sanay naman na akong laitin ng tao.. ewan ko ba talaga kung anong problema nila sa katawan ko.. at sasabihin ko nanaman uli eto sa pangalawang pagkakataon gaya ng nasabi ko sa entry kong itokasalanan ko bang ipanganak akong maganda at maikulong sa matabang katawan??? Kaya ko naman palampasin ang mga pangbubuska sa akin. Sa tuwing makikita nila ako parang sila ang nagkakaka problema sa katawan ko. Ayaw kong paapekto … pero minsan naiisip ko dahil ba sa mataba ako kulang na ang pagkatao ko? Mabait naman ako, malambing, tapat, walang sinasagasaang tao.. at lalong di nanghihingi ng pagkain para isumpa ang katabaan ko?

Siguro sa mga pinagpala ang katawan na maging fit hindi ako maiintindihan.. pero sa mga kauri ko am sure makaka relate kayo… kasi tao din naman ang mga healthy na katulad ko.. dahil ba sa mataba na sya hindi na pwedeng mag suot ng sexy? Di narin pwedeng i display at seryosohin?? abat pati ba sa pangangatawan may discrimination na rin?? Pag payat o sexy kasabay ang matabang pumara ng trisikul yun seksi ang hihintuan. Tapos pag pipili ka ng mga panty na gusto mong design wala kang size.. eto pa.. may ka text ka o ka chat.. habang di pa kayo nagkikita sasabihin gusto kita kahit ano ka pa, pero pag nakitang mataba ka turn off na.. di na mag tetext dina magpapramdam… hay naku… tama ba yun tama ba yun???

Alam ko namang wala akong magagawa sa mga bagay na yan.. kasi ang tao sadyang maalipusta.. minsan di fair.. kaya kapag ba di ka IN sa mga tao.. pipilitin mong magpapayat to belong.. maling pangangatwiran pero yun ang katotohanan.. kelangan mong magpaka fit para matanggap ka.. paano naman kung hindi kayang magpapayat? Mananatili ka nalang dun sa isang tabi? Kung san ka bagay.. dun sa isang tabi.. nagtatago.. umiiwas na mapansin dahil pag nakita ka ng mga matang maalipusta at may matatalim na dila.. sasabihin si tabachoy! , si baboy! , ay ang laki naman ng bilbil nya.. o di kaya magtatawan tapos sa iyo nakatingin.. bakit ganon? Daig mo pa ang may sakit? Minsan pa sasabihin kaya ka iniwan ng bf mo kasi mataba ka…

Nakakalungkot na sa mundong ito.. may mga taong sa panlabas na anyo lamang tumitingin.. napakasaklap…

Hindi ako insecure, dahil kilala ko ang sarili ko.. pero yun mga tao sa paligid.. yun ang nagpapafeel na dapat ma insecure ka.. Pero eto lang masasabi ko.. buo pa din ang pagkatao ko at sobra pa.. Kung nahihirapan kayo na makakita ng mataba.. paano pa kaya yun may katawan? Alam na namin mataba kami pero sana naman wag na kayong mambuska kasi nakaka hurt na kayo pwamis… sabi nga nila kung wala kang magandang sasabihin wag ka nalang magsalita.

Kaya dun sa manliligaw ko??? Neknek mo!!! basted ka talaga!! BASTEEEED !!😆


12 Responses to “Ms. Insecure”


  1. Marso 17, 2009 bandang 8:50 hapon

    hello! got here thru WPP.
    i agree with your post. ang bilis agad manghusga pag mataba ka. pero tama na binasted mo yung nagsabi sa yo nun,the nerve. walang kulang sa pagkatao natin dahil tayo eh mataba…in fact, sobra pa nga eh. =) ganun lang siguro sila mag-express ng insecurity, hayaan na natin ahahaha!!!

    ***
    hi Judie welcome po sa bahay ko!! salamat sa pag daan…

    buti nalang nakahanap ako ng kakampi hehehe…😆

  2. 2 glesy the great
    Marso 19, 2009 bandang 12:36 umaga

    tang-ina nya (sorry for my french) pero nakakainis naman kasi yung mga taong ganyan… parang ako nagagalit para sayo… proud nga ako sayo kasi kahit ganun kagago yung mga nakapaligid na tao di ka naiinsecure.. tama yan…

    at dun naman sa epal mong manliligaw… yun ang insecure kasi basted na siya…

    at para sa mapang-api… di kayo perpekto.. at sino naman kayo?

    at sayo… maganda ka pa rin!!! epal lang talaga sila… cheers? cheers;p-glesy the great

    lablots… teka nga hug nga kita… hehe

    ****
    marunong ka palang mag french ?😆

    hayaan mo nalang sila glisi hehehe.. bisaya yun ei.. kapag pinatulan natin ibig sabihin lelebel ka lang sa kanila.. okey na ako.. na blog ko na hehehe…

    relak! hehehe..

    at salamat *hug and kisses*

  3. Marso 19, 2009 bandang 2:58 umaga

    teka nga hug at kiss muna kita!

    Hay naku nakakabwiset naman talaga yung ganyang mga tao! hinde naman importante ang panlabas na anyo dahil lahat tayo ay tatanda din at kukulubot ang balat. lahat tayo maaagnas din ang mga balat.

    Walang perpekto, kaya walang karapatan ang kahit sinu na manghusga ng kahit sinu,

    ***
    sarap naman ng hug n kiss! hehehe kita ko yun sa blog mo…😆

    correct sila ay mga lapastangan hehehe… papangit tayo… papangit din!!! * sana matagal pa yun hihi😆

    di ka naman galit nyan sister?? relak na relak … *mwaah*

  4. 4 burinj
    Marso 19, 2009 bandang 2:20 hapon

    aba aba, sinong lapastangan yan?!

    hindi nabibili kung san san ang appeal!

    and sis you definitely have it!

    *****
    nyahahaha!!!😆 sis miss you *mwwaah*

    yun mga taong walang magawa hehehe…

    salamat salamat hihi😉

  5. Marso 20, 2009 bandang 4:30 umaga

    tama yang ginawa mo.binasted mo sya.

    walang kwentang lalake.insensitive.tsk

    ***
    tama ka wala syang kwenta ! walaaaaaaa!!!😆

    salamat sa pag visit😉

  6. Marso 20, 2009 bandang 6:39 hapon

    madali lang magpapayat basta dedikado ka sa pagpapayat mag no rice diet ka tapos no softdrinks diet plus jogging or running… basta isipin mo once nag pawis ka nag burn ng taba so mas maraming pawis mas maraming na burn na fats

    ****
    toinks!!! salamat mb sa advice… gagawin ko din yan hehehe…😆

    sana makaya ko😉

  7. Marso 21, 2009 bandang 12:58 hapon

    hi lambing!!!

    Hay, be proud!!!.. cnu ba cla para pakialaman ka dba? magsalamin muna sila, at tignan ang kanilang mga sarili..

    about sa suitor mo “dati”… tama lang na binasted mo xa.. at siguro kaya niya nasabi yun kasi alam na niyang wala na siyang pag asa…. isang malakas na tawa ang ibibigay ko sa kanya….HAHAHHAHAHAHAHA…….

    *****

    Hindi ka dapat tlga mainsecure noh… u must love your body as u love your self dba?… yaan mo mga mapanghusga na yan.. may araw din cla!toinks…eheheh..

    basta, and2 lang aq 4u sis… be strong!

    Have Faith in HIM… mmmmwahugssssss!.. love you sis….

    ****
    salamat salamat mayyang sa pag papagaan mo palagi ng araw ko sa mga comments mo..

    lab talaga kita!😉

    at mwwaaah!😉

  8. Marso 23, 2009 bandang 1:06 hapon

    lokong manliligaw yun… tama lang na basted sya…

    pahug din ako adelle! (cozy)

    ganyan din feeling ko… yung may discrimination dahil hindi ka makaka-aya sa mga mata nila… ilang beses na akong naganyan.. kaya nga ang pambawi ko.. nagpapapayat talaga ako.. pero hindi dahil naaapektuhan ako sa sinasabi nila.. proud akong tabachingching ako.. ang hirap na kasing magkikilos…

    poer adelle.. hindi yung panlabas na anyo mo ang mahalaga sa mga tunay na nagmamahal sa iyo.. kaya wag kang susuko sa laban ng buhay… hanggat may buhay… may pera… tama ba to!!?!

    lab yu adelle!!

    ****
    nyahahaha! habang may buhay kelangan ng pera yun ang tama pots!!😆

    heneweys.. talagang magpapayat ako kasi nahihirapan ako huminga gaya ng na ikwento ko sayo diba.. pero hindi dahil sa pambubuska nila..

    at gusto ko pa ding idagdag na… you’ve got to love me for who i am for simply being me… diba diba???

    hindi hindi ako susuko pots hanggang nandyan kayo…

    mwwaaah lab yu too😉

  9. 9 gudang
    Marso 25, 2009 bandang 12:50 umaga

    lintek. haha.. wla lang.. sbe pa nga na fact daw na, ang pinakamasakit na masasabi mo sa isang BABAE ay ang MATABA xa.. yap! klangan caps lock pa talaga.. heheeh wla lang..😀

    napadaan lang ako eh.. hehee..

  10. Marso 28, 2009 bandang 7:46 hapon

    Basted na! hahaha.. buti nga sa kanya…

    Go adelle!
    Go mga tabachingching!
    Go mga horizontally challenged!
    Go!

    Ipaglabang ang karapatan!

    Lolz….

    ***
    weh!! basted talaga sya..😆
    talagang may support pa eh… go!! mga tabachingching !😆

  11. 11 rui
    Abril 21, 2009 bandang 10:01 hapon

    e ano kung mataba tayo..
    sabi nga ng teacher ko tayong mga chubby daw..
    ilang buwan man tayong d kumain, seksi pa rin tayo..
    e ang mga payat?? ilang araw lng di kumain e mga mukhang bulate na..davah!

    ****
    ahahaha😆 panalo ka girl😉

    salamat sa pag daan😉

  12. Nobyembre 3, 2009 bandang 10:17 hapon

    baki kya ganun noh! dati naapi ka nila sinasabihan ka nila mataba dai, dai ksi ako mataba, pti ung ibang mong kamag anak pinag sasabihan ka ng mata e2 tip ko sa inyo! sa pagpapayat morning wag kna mag almusal ng rice or tinapay kung hirap ka magpapayat mag no rice ka nlng, wag kna kakain ng almusal at hapunang tiisin mo hindi umiinom ng sofdrinks pag nagugutom ka kumain ka ng tinapay! at mag exercise ka, khit 30mns fer day ksi ganyan ang ginagawa ko, effective nman


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Marso 2009
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: