27
Mar
09

MASARAP ANG BAWAL

Meron akong bagay na nakakahiligan ngayon. Ewan ko ba bakit ako naaadict dito. Kasi pag ginagawa ko to nagiginhawaan ako. Ewan ko ba… lalo na’t ginagawa ko ito ng may kasama.. o mas mainam marami .. sa iba iba..

Pero bakit kelangan ipagbawal ito??? Pwede ba akong umangal??? NO!!!! HINDI ITO PWEDE!!! AYOKO!!! MAHIRAP NANG IWASAN!!!!! Pag pasok ko kanina sa opisina ito agad ang nahagip ng aking mata isang napakalaking…..

STRICTLY NO YM!


STRICTLY NO YM!


Kelangan may ganon?? Pwede naman sabihin sa akin personally ng mga kasamahan ko sa trabaho. Pero yun makakita ng papel na malaki sa harapan ng computer ko mukhang hindi yata maganda sa pakiramdam at mata, at akoy sobrang naiirita! Lumalabas nanaman tuloy ang sungay ko. Ang ganda ganda ko pa naman ngayong araw na ito… pag pasok ko mega shock ang beauty ng lola nyo… panira talaga ng TGIF sabi sa kano ” thanks God its friday” pero may banat naman ang pinoy dyan ang SHABU ” Salamat Hesus At Biernes Ulit” . So irritating talaga..

Aminado ako bawal nga naman sa work ang mag chat.. ( si lambing palusot pa eh) pero sana isipin din nila na ang YM ay nagagamit ko din sa trabaho ko.. means of communication namin ng mga taga head office. At bakit kelangan pa talagang ipaskil ang NAKAKAIRITANG STRICTLY NO YM!

Gusto ko mag mura! Salubong ang kilay ko! Di ako makausap parang isang addict na kelangan i rehab.. Paano na ang mga nakakausap ko dun??? ( waaaaaa! si lambing nagwawala) Naiiyak din ako at the same time kasi para kong na insulto.. sobra. Ilan lang naman kaming empleyado dito sa trabaho ko, kung galing sa boss ko yun.. wala akong magagawa pero hindi yun wala nang YM ang pinag puputok ko ng butsi! Para akong sinampal sa mukha.. I hate this action talaga.. Buti sana kung pinapabayaan ko ang trabaho ko.. at pwede naman sabihin sa akin ate bawal daw mag ym pag working hours.. okey yun i can accept pa sana..

Paano na ang talent kong multi-tasking ability??? Ang talent ng mga Pilipino? Ano tatanggalin ako sa trabaho dahil lang dito??? Watta??? Pwede ba.. cya dina po ako mag wa – YM.. 😳 Buti nalang naka receive ako ng isang comment sa fs ko galing kay aaayyzzzz.. at once again.. aayzzz saves the day !😆 natawa lang ako sa comment nya.

Paano na kaya yan.. si lambing ARTEH! umaarte lang .. Akala nyo pwede naman akong mag YM sa labas ng opisina (drama queen eh..) kaya sa mga friends ko.. pasensya na..

Ang totoo nyan.. kaya lang naman ako nasasaktan kasi meron akong nakakausap sa chat na espesyal sa akin araw araw.. wala akong paki alam kung tanggalin nila ang YM.. nalulungkot lang ako dahil mababawasan na ang lambingan moments namin.. anu daw!!! may ganon???😆


12 Responses to “MASARAP ANG BAWAL”


  1. Marso 27, 2009 bandang 11:49 hapon

    Aym pers ba???

    Ay naku nakakainis nga yan bat kelangan pang ibandera sa PC mo, mas okay pa na sabihin nalang sayo ng personal eh.

    Ekshuli dito din sa office bawal ang YM pero gumagamit pa din ako ng web messenger, pero recently eh may nahuli ang IT kaya stop muna ko ngayun.

    Okay lang yan girl basta ikaw ginagawa mo trabaho mo.

    *Natawa ko sa shabu wehehehe. =)

    **
    correct ms joycee.. talagang panira ng araw ..

    okey lang naman yun.. di na mag YM yun naka paskil talaga ang nakainis🙂

  2. Marso 28, 2009 bandang 7:38 hapon

    ampft! yun na yun eh!…
    ngayun ko lang nalaman yung SHABU, naks! may natutunan na naman ako sau…TGIF lang kasi alam ko eh…

    sino ba yang boss mo at gulpihin na yan! hmmm…lambing bigyan kita ng diskarteh.. makaka pag-YM ka pa rin kahit walang YAHOO MESSENGER!

    Punta ka dito sa site sa baba:
    http://www.meebo.com
    http://www.koolim.com
    http://www.iloveim.com
    http://www.imhaha.com

    Mga web-based instant messanging yan, marami pa yan, pero yan na lang muna…donchaworeh di mo naman sinaway ang Strictly No YM eh pag ginawa mo yan, kaya go! gudlak!:D

    ***
    o diba diba.. pinasa din sa akin yan sa text eh.. kaya share ko din yang SHABU na yan😆

    wow napaka supportive talaga ni lhay my friend.. paano ba yan hihi😆

    ito lang ang masasabi ko sayo… isa kang malaking kunsintidor😆

  3. Marso 28, 2009 bandang 8:24 hapon

    tama ka dyan.pwede ka namang kausapin nang maayos,bakit kelangan pang magpaskil ng ganun?tsktsk

    ***
    talagang nakakairita yun ganong gawain nila.. tapos di pala sa boss ko galing yun.. sa mga naiinggit lang.. haiiizzz

  4. Marso 31, 2009 bandang 5:54 hapon

    grabe! may ganun pa ha!…kainis naman nung naglagay nun…baka naman naiinsecure xa lambing… baka wla xang kchat kaya ikaw napansin nya…naku! kelangan pbang ipaskil at sa pc mo pa tlga inilagay ha…. sobra na yan lambing! sugurin na namin cla dyan….ok ba sau?hhihihi….naks! pinapangiti lang kita sis…. kainis naman kc mga taong gnyan🙂 kung cnu man cla ha…hehehe

    dmo naman pinapabayan yung work mo dba?.. at tama ka…nagagamit ang ym to communicate din🙂

    yaan mo cla lambing…. care mo sa knila naman?heheheh

    smile🙂 mwah! ingat prti…mwah!

  5. Abril 9, 2009 bandang 12:54 hapon

    adelle.. ok lang yan… makakabawi ka naman next time… pitikin mo sila sa ilong!

    ****

    sige sige! basta pot dapat nandun ka para pag gumanti sila ikaw ang sasalo hihi😉

  6. 6 Jim
    Abril 17, 2009 bandang 4:22 hapon

    nakaka-irita nga yan, move on na lang o better yet, sumagot ka rin sa isang printed paper at paskel sa lahat ng compu sa opisina na DI NA AKO NAGWA-YM… sabay may fine print na “kahit naman nagwa-YM ako, marami po’ng natatapos na trabaho ang inyong lingkod” hah! naimbyerna ako dun. kainis ganyan sa opis, ako head on ko kakausapin yun sigurado, boss man o katrabaho (pero siyempre malumanay kay boss.😀 )

    ***
    hello po!! correct sobrang nakakairita talaga!! pero nagwa YM pa din ako.. hihi.. wala na poh yun nakapaskil na yun.. kasi kinausap ko na si boss gaya ng sinabi mo malumanay naman… at denial king.. di daw sya nag palagay nun… kaya move on na ako dyan kuya!😉

  7. Agosto 4, 2011 bandang 8:10 hapon

    duwag sila, di nila masabi sa ‘yo ng harapan, ahaha… siguro, sabi nila, wag ka na YM,kami naman, ahaha…

    hello, lambing. pati sa nalambing sa ‘yow… *wink*

  8. Agosto 5, 2011 bandang 8:31 hapon

    hehe..elib ako ah..”SHABU”…BAGONG kaalaman para sa tulad kong napagiiwanan na ng landas…ok tong pahina mu…ganito usto ko…totoong mga saluobin at imahinasyon madaling gawing koleksyon sa mga ganitong porma ng pahina…pabor lang..pede mu ba ako gabayan sa paglikha na ganitong pahina?…karamihan sa balintataw ko ay makapinoy…salitang ingles…pahirap..hehe..dugo ilong ko, barag utak ko…huhu..eto pahina ko..kahit wala man wenta …bisita ka lng..http://makabloglang.blogspot.com, pero antayin at asahan ko pagtugon mu sa aking hiling sa oras na maluwag ka at taos sa puso mu na paunlakan ako…salamat…parekoi..!

    • Agosto 6, 2011 bandang 4:01 hapon

      @ aileen salamat sa pag daan… sure basta hindi ako busy ahehe
      ayan napakalalim mong managalog sinisipon naman ako ahahaha
      welcome welcome ka dito.. hintayin mo ko sa bahay mo dadalawin din kita😉

      mwah!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Marso 2009
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: