25
Apr
09

Last Goodbye?

Naranasan nyo na bang manahimik pagkatapos mag paraya sa isang pag-ibig na hinawakan mo nang mahigpit? Pinahalagahan, ngunit sa di inaasahang pagkakataon kelangan mong mag desisyon na bumitaw na , mag paalam na, magparaya na ..matutunang mabuhay na wala sya. Alisin na sya sa sistema mo ?

At pag katapos mong tanggapin sa sarili mo na may bukas pa para sa isang bigo sa pag ibig tulad ko, nakakuha ng lakas para bumangon muli sa tulong ni Bosing at mga nakapaligid na tao na nagmamahal sayo.. muli sa di inaasahang pagkakataon.. magpaparamdam sayo?

Watta?? Nagparaya na nga ako eh, nanahimik na rin, pakialam ko ba sayo?? bakit ba kelangan mo pa magtanong sa akin? Close pa ba tayo???? Buti naman sana kung hindi panloloko ang dahilan ng paghihiwalay natin.. tapos nakiki friend ka dyan! Magtatanong ka pa ng walang ka kwenta kwentang bagay para lang mag karoon tayo ng komunikasyon.. utang ng loob… masakit pa rin .. may kumukurot pa rin sa puso ko.. sabi ko noon magiging masaya ako para sayo.. kung ano man maging desisyon mo.. kung ang mga pangarap ko mangyari sayo at hindi sa akin.. okey lang basta maging masaya ka lang (plastic si lambing). Gusto ko maiyak, pero bakit ba ako iiyak?? sayang lang luha ko sayo.. E masaya ka na nga.. kitang kita ko.. sinabi mo pa nga na matagal mo nang pangarap maging isang ama.. and finally isang ama ka na nga!!! yepeee! ama ka na.. pero hindi ako ang ina.. ang saya saya diba??

Pinangarap kong maging isang ina noon.. pero ikaw ang naging ama?? Ang gulo ko naman.. Paki batukan nga ako.. nasasaktan pa din kasi ako eh.. hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.. saktan mo ako unti unti lang naman.. hindi ko kayang harapin ka na parang wala lang nangyari.. hindi ako plastic.. nasasaktan ako.. akala ko hindi ako masasaktan pero nasasaktan ako??? ” IT HURTS YOU KNOW! ”

Hindi ako angel! Pero bakit pag dating sayo okey lang lahat!!! @!$%$ masakit pa din talaga. Ang hinihiling ko nalang sana wala na akong maramdaman na sakit.. kasi natanggap ko na, na isa kanang ama… ouch! Paano ko ba haharapin itong pagsubok na ito.. ang hinde malungkot habang sinasabi mong masaya ka at ama ka na, na minsan sa buhay ko pinangarap kong mangyari sa atin yan.. Sya pipilitin ko nalang maging masaya para sayo.. napakamanhid mo naman.. sinasaktan mo pa din ako kahit di na tayo.. talo na nga ako eh.. talunan na inapakan pa.. pero ayos lang.. alam ko gagaling din itong sugat na ito..

Sige na huling goodbye ko na ito.. baka mamaya kunin mo pa akong ninang nang anak mo! Sobra ka na..

” ang pag tanggap sa isang kabiguan ay parang isang “pigsa” kelangan magkaroon ka ng lakas na pigain ang namamagang pigsa.. kasi hanggat tinitiis mo ang pamamaga lalong sumasakit ito.. once na piniga mo ang pigsa at pumutok na ito.. nawawala na rin ang sakit.. gagaling na ito. Lakasan lang ng loob yan.. ” – Lambing –


4 Responses to “Last Goodbye?”


  1. Abril 25, 2009 bandang 1:59 hapon

    im pers po ata hehe..ate lambing sa una istansa ng sulat mo eh parang madami ng kahulugan at yung kanta ng atomic kitten kahit matgal na may bahid pa rin ng kahulugan at namiss ko yan kantang yan lalo na yung kanta nila namapapasayaw ka kasi nasayaw ko na un nung bata ako hehe..
    anyway about sa entry akala ko po may iba tlaga akala ko lalaki ang pinaguusapan dahil na rin po sa nakarelate ka sa recent post ko kaya iba ung nasa isip ko..at sabi mo nga po eh affected ka hehe..:)
    at dahil sa pigsa pala un talaga namang baka kunin ka pang ninang nyan kapag nagkaanak na sya naku ..sakit pa naman po nyan hehe:)
    slamat po pala sa pag daan..sa bahay ko balik ka po ulit ate hehe..:)

    ****

    ahehehe… hay lhovely dovey… salamat sa pag daan din ex link???

    uu walang anuman ito tungkol lang ito sa isang pigsa hahahaha!!!

    may naintindihan ka ba??? hihi😉

  2. Abril 25, 2009 bandang 6:39 hapon

    naintindihan ko ate kasi nanganganak di ba ang pigsa hehe dumadami sila parang isang pamilya pero bakit ganun wala naman pwedeng bumuntis sa pigsa pero nanganganak sila noh ate nagtataka lang din ako ikaw din ba?
    hehehe

  3. Abril 26, 2009 bandang 6:25 hapon

    ahahaha!! uu nga sobrang nagtataka ako.. ang pigsa sobrang dumadami din pag hindi mo pa napipigang mabuti.. hanggat di pa lumalabas yun pinaka mata… dumadami ito at.. nag dudulot pa ng mas maraming sakit… kaya dapat yun pinaka nanay ang pigaan para tanggal ang pigsa.. whew! pigsa talaga oo…

  4. Abril 29, 2009 bandang 5:54 hapon

    Hi lambing🙂

    Past is past… hindi talaga kayo sa isat isa..masakit man pero ito yung totoo. Yung mga pangarap nyong dalawa nun, alisin mo na sa isip at puso mo dahil hindi na talaga mangyayari yun.

    And i know, makaka move on ka kung tutulungan mo ang sarili mo para makalimot. Just be strong sis… and always pray to HIM..

    If ever na nagpaparamdam sya sau ngayon na parang wala syang ginawang hindi maganda… just show to him na wala na sya for you… na balewala na sya. magagawa mo yan sis.. kaw pa!hehehe…

    Inihalimbawa mo ito sa “pigsa”… kaya dapat magkaroon ka ng lakas ng loob to accept the pain and continue your future without HIM.. andami dyan sis, open you eyes🙂..heheh…

    miss yah! ingat parati🙂 mwah!

    ***
    very well said may dear friend.. kaya nga hinantulad ko sya sa isang pigsa.. meaning… i’ve already take the courage to accept the things that are not meant to be.. =(

    salamat at nandyan k pa din palagi mag comment hehee.. i miss you… dont worry pag nagkaron ko ng madaming time usap tayo haha..

    mwaah sayo🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Abril 2009
M T W T F S S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: