14
May
09

lagay

Sa tinagal tagal kong pagsusulat ng entry dito sa wordpress wala pa akong naging topic tungkol sa mga seryosong bagay tulad ng nangyayari sa paligid ko. Bilang isang mamamayang Pilipino biglang kinurot ng aking konsensya na maging aware din sa paligid at mag bigay ng aking opinion sa lumalalang corruption sa bansa. Hindi ko bibigyan ng pansin yun nasa malalaking pamahalaan dahil alam ko naman na marami ng pumupuna sa mga buwaya ng lipunan.

Ako ay isang anak ng isang simpleng empleyado ng gobyerno, bilang isang anak mataas ang pagtingin ko sa aking ama. At dahil sa paghangang yun pinangarap ko din na balang araw magtrabaho sa opisina gaya ng tatay ko. Ang tatay ko ay nagtratrabaho sa gobyerno sa LTO ( Land Transportation Office).

Noong bata ako bilib ako sa kanya, hanggang ngayon naman eh, pero habang lumalaki ako, may mga naririnig ako sa paligid ko, na ang nagtatrabaho daw sa LTO ay mga buwaya. Nagtatanong ang mura kong isipan bakit kaya sila tinatawag na buwaya? Hanggang sa natuklasan ko na ang buwaya pala ay tumutukoy sa mga taong nanamantala ng kapwa, yun mga taong nangingikil ng pera o ano mang bagay sa taong naka labag ng batas. Minsan naman para mapabilis ang pag lakad ng papeles kailangan may LAGAY.

Kaya kahit di ko man nakikita na ginagawa ng aking butihing ama ang mga binibintang nila sa mga empleyado ng LTO, syempre damay ang tatay ko sa mga binibintang nila. Kaya kung tatanungin nila ako ano trabaho ng tatay ko at sasabihin kong LTO nakikita ko sa iba na meron silang ngiting nakaka insulto. Naiirita ako pag ganon ang persepsyon ng tao sa lahat ng nagtatrabaho sa LTO lalo na at ama ko yun. Ngayon malaki na ako, gusto ko pa rin magtrabaho dito pero naiisip ko kaya ang pressure dito. Hindi ko gustong matawag na buwaya, dahil kahit kelan hindi ako sang ayon sa pagsasamantala sa aking kapwa. Mukha lang wala akong walang pakialam sa paligid ko pero sa totoo lang i care po.

Kung bakit ako nakapagsulat ngayon kasi nainspire ako kanina o nainis ako sa narinig ko …

Sa opisina

CO WORKER 1 : Nahuli daw si boknoy ng LTO, kinuha yun plaka. patay nanaman sya sa babayaran nyan.

CO WORKER 2 : Ano ba ang violation? .

CO WORKER 1 : Driving without license.

CO WORKER 3: patay si boknoy kasalanan pala nya di sa kanya sisingilin ni boss yun babayaran.

CO WORKER 2 : wag kayong mag alala andyan naman si Lambing o, easy lang LTO tatay nyan.
CO WORKER 1: Sa susunod kasi na dumaan kayo pag may nakita na kayong mga buwaya sa daan hagisan nyo na agad ng sitseria ( produkto na tinitinda namin), para dina kayo hulihin sa susunod na pagdaan nyo.
CO WORKER 2 : Di masasanay naman yun, tuwing dadaan kayo hihingan na kayo nun???

Lambing : Hay naku kayo, nag rereklamo kayo sa mga mangungurakot ng bayan, sinasabi nyong buwaya sila , pero kayo din naman ang naglalagay , imbes na ituwid nyo ang pagkakamali kayo pa ang nag bubuyo sa taong mangikil. ( iiling iling)

Naalala ko pa na minsan nahuli yun truck namin, ng LTO ako pa ang kinausap ng boss ko para tubusin yun truck namin. Okey lang naman sa akin. Pero hello? Ano ba maitutulong ko dun? Kung nakalabag ka man ng batas dapat pag bayaran mo yun diba? Walang palakasan system. Dapat ganon naman talaga pero sad to say na marami talagang nag ba bribe din ng mga empleyado sa goberyno dahil gusto lagi sa mabilisan, ayaw mag hintay.

Yun iba naman nag lalagay sa titser para pumasa. Naisama ko rin ito dahil narinig ko ito sa dalawang estudyanteng nag uusap kanina. Nakakalungkot talaga kasi sabi nun kakilala ko kanina binigyan nya yun titser nya ng 500 pesos para bigyan uli sya ng case, kasi graduating na ito.

Hindi ba kung gusto natin may magbago sa lipunan natin o kung gusto nyong mawala ang corruption sa bansa dapat mag simula ito sa atin.

Nakakalungkot isipin na kahit sa mga ganitong sitwasyon, kahit saan ka pa mapunta sa malaking syudad man o liblib na pook ang form of corruption tulad ng extortion ay nagaganap, kung meron man mga taong gumagawa nito, masasabi ko lang na nakaka inis kayo, mahiya naman kayo sa balat nyo, mga mapagsamantala, at dun sa mga taong imbis na manindigan eh sila pa mismo ang nag uudyok sa tao para mangikil mas nakakainis kayo. Pinoy gumising ka!!!


10 Responses to “lagay”


  1. 1 jonald18
    Mayo 14, 2009 bandang 8:40 hapon

    ..ate seryoso ka. hehe

    ..tama po yun.

    ..sa mga ordinaryong mamamayan din lang yan nagsisimula, then so on.. dahil nakasanayan na nga.

    ..ganun ata talaga mga noypi.tsk.

    ***
    pagbigyan mo na ako ineng.. ngayon lang ako mag seryoso sa buhay😆

    mood swings😆

  2. Mayo 15, 2009 bandang 12:14 hapon

    Andameng ganyan girl, husga ng husga sa ibang tao pero try muna kaya nila tignan mga sarili nila sa salamin tsktsktsk!

    ***
    tsk tsk talaga ms joycee!

    yeah sali ba ako hahaha😆

    il try .. makiki usyoso nalang ako😀

  3. Mayo 15, 2009 bandang 5:56 hapon

    hay naku ate tama ka nga ang mga taong lumabag talaga sa batas ang mali,
    dami na nga talagang ganyan dito sobrang talamak na..
    tsk..tsk..

  4. Mayo 15, 2009 bandang 6:52 hapon

    kahit sa ibang bansa rin naman meron. hahay… tao talaga oh

  5. Mayo 15, 2009 bandang 10:23 hapon

    buti nanjan ka.. kung hinde.. dapat kc laging dala ang lisenxa.. di excuse ang nakalimutan..🙂 sabagay ako din kalimutin hehehe..

  6. Mayo 18, 2009 bandang 7:45 hapon

    ay tumpak yan, asa sarili natin ang ikagaganda ng ating lipunan. actually, asa sarili natin ang ikagaganda ng ating sarili din. ang aking bro in law ay asa LTO din, sempre, areglo – yan ang pinakasikat na salita dun. sana magiba na nga ano?

    ****
    tama mommy kengkay mahilig sa areglo ang pilipino haayzzz

  7. Mayo 19, 2009 bandang 1:46 hapon

    nyehe! oo nga, medyo seryoso ang mood dito ngayon..
    teka, anong tingin mo kay gloria, corrupt ba?
    ewan, walang ibang masabi eh!

    ***
    hehehe nahawa sa kaseryosohan… hmmp no comment ako dun sa huling nabanggit mo hihi😉

    salamat sa pagdaan carl na miss kita😉

  8. Mayo 19, 2009 bandang 2:10 hapon

    hi adelle…

    tama ang sinabi mo… masyado kasi nating ni gegeneralize ang mga nasa gobyerno… tayo kasing mga pinoy.. kailangan may masisi para di maituro ang daliri sa kanila.. sang ayon ako sa iyo na hindi magkakaroon ng suhulan kung hindi susuhulan… mali na nga ang mag bribe, wag na nating solusyunan pa ng isa pang mali.. matuto tayong umako sa mga mali natin at tanggapin na lang na nagkamali tayo..

    yung obserbasyon ko naman sa ibang government agencies.. laging nakasimangot.. laging mainitin ang ulo.. kaya minsan nakakairita na magpunta sa mga ahensya ng gobyerno dahil mga simangot ang tao… kung ayaw nila sa trabaho nila.. maghanap sila ng iba.. hindi yung magrereklamo sila na mababa ang sweldo nila… mas maraming deserving mag trabaho kesa sa mga taong ganyan… sa totoo lang.. mabilis naman ang proseso sa ahensya ng gobyerno.. pinapatagal lang minsan ng ibang empleyado para makahingi ng konting “pampadulas”..

    ang pagbabago ay nasa tao yan.. wag na nating tapalan ang isang mali ng isa pang pagkakamali…

    parang post na rin to ah.. sorry adelle ha.. mwah!! miss you na!!!

    *****
    yipee! yan ang gusto sayo pot!

    tumpak ka! at talagang pag nag comment boom!!
    tama nga.. yun nakasimangot na empleyado kakaiirita nga sila!

    miss you more potski ! at mwaah !😉

    sya nga pala hihintayin ko yun pibertdaypix mo okey????

  9. 10 apollo
    Mayo 19, 2009 bandang 5:48 hapon

    nakakasawa na nga sabihin na nag-uumpisa sa sarili natin ang pagbabago.. wag na sabihin. gawin na natin. NOW na! haha!

    in serious note. nakakatuwa lang malaman na marami nang pinoy ngayon ang nagiging mulat sa social at political life ng bayan natin. paunti-unti, nagagawa nating gumawa ng kahit na maliit na hakbang lang para kay juandelacruz. may pag-asa pa.

    hindi to paid ads pero its good to visit these sites. sorry hindi ko maalala ung iba.
    http://www.akomismo.org
    http://www.onetama.com
    kayanatin@yahoo.com (YM) – movement nila grace padaca at ed panlilio

    ***
    salamat po sa mga sites😉

    at sige na poh … gagawin na nga eh🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Mayo 2009
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: