19
May
09

Mainit na kanin

holding-hands

Maraming nagtatanong na kaibigan, kapitbahay, ex, schoolmate, ka chat, ka teks, ka officemate, at lahat na yata ng mga taong nakakakilala sa akin bakit hanggang ngayon ay di pa ako nag aasawa? Ang sabi nila di na daw ako bumabata, ano daw ba ang problema ko.. may itsura naman daw ako(lahat naman ng tao may itsura😦 ) may trabaho, marunong na magluto, maglinis.. kung baga ideal na. Ano daw ba ang dahilan????

Sagot ko??

( walang nanliligaw!)

Meron naman “mga” na lilink sa akin, at meron din naman akong prospect.. pero diba kung hindi yun ang gusto ng puso mo bale wala rin.. Eto usapang puso nanaman, eto kasing si Lambing panay puso ang pina iiral, pero ako naman may kasamang utak na ginagamit.. kelangan kasi . E bakit nga ba hindi pa ako mag asawa?

Sagot ko? ( takot!)

Sa katulad kong lumaki sa isang basag na pamilya.. na nag nanais magkaroon ng isang buong pamilya na sarili ko, parang ang hirap pumili, ang hirap mag desisyon.. ayaw ko basta nalang sumabak sa pag aasawa na hindi handa.. pag sinabing handa.. dapat handa ka emotionally, mentally, physically, financially and spiritually.

Emotionally – para kahit ano mang manyari maghirap ka man.. kaya mo ipaglaban ang commitment na pinasukan mo. Hindi konting away lang gigive up kana agad. Nakaka inis yung ugali na konting away lang hiwalay na agad ang lunas. Sa mga nakikita kong ganon isa yun sa ikinakatakot ko. Kaya nga kako dapat ready ka emotionally, mahal mo talaga dapat yun tao. Dahil kung ready ka emotionally di ka magpapadala sa bugso ng damdamin.

Mentally – Yun nasa right mind ka. Mature ka na dapat , para sa akin lang ha opinion ko lang ito sa standard ko ng pag aasawa kung yun utak kasing utak ng 16 yr old pano mag wowork ang kasal na sinumpaan mo? Na konting di pagkakaunawaan lang mag lalayas ka. Dapat matino na utak mo sa lahat ng bagay, bukas ang isipan sa papasukan mong gulo gaya ng sabi ng iba . E ano ba naman malay ko sa pag aasawa? Nakikita ko lang kasi sa paligid ko na yun ibang sumasabak hindi pa ready dahil kung nasa tama kang pag iisip dapat naisip mo na ang pag aasawa hindi lang puro sa sarap at walang ending na lambingan.. marami din adjustment dapat ready kang harapin yun mga adjustment pag nagasawa ka na. Kaya siguro eto ang kinakatakot ko dahil dipa fully develop ang maturity level ko.

Physically– Bakit ko nga ba nasama itong physically na ito dapat meron kang tamang pangangatawan😆 Yun personal hygiene mo dapat i consider yun no? Ikaw ba ay nag totooth brush ng tatlong beses sa isang araw? Dapat marunong ka na mag alaga ng sarili mo no??? Yun kaya ng katawan mong sumabak sa lahat ng gawaing bahay, kaya ba?? Kaya magluto? Maglaba? Dapat kahit paano marunong ka na para wala naman masabi yun asawa mo sayo. Ano ba itong mga pinag sasabi ko. Eto uli ay opinion ko lang.

Financially– Mag asawa ka kung kaya mo na bumuhay ng tao, (specially sa lalaki) o kung kaya mo mag tiis sa hirap ng buhay ngayon sasabak ka sa pag papamilya na kulang ang pinansyal mo naku maniwala ka magiging miserable ang buhay mo. Kung sabagay nasa contentment lang naman ng tao yan eh, ako kumain lang ako ng tatlong beses sa isang araw okey na, mapagaral ko lang ang mga anak ko okey na, di ko kailangan ng marangyang bahay, marangyang buhay, basta ba di lang nagugutom ang pamilya ko okey na yun tama lang ba. Pero kung sasabihin mong sasabak ka sa pagpapamilya tapos mamimirwisyo ka ng magulang, kamag anak mo at isisisi mo na walang tumutulong sayo dahil nagka anak ka na.. hello!!! pinasok mo yan.. wag kang mang abala ng ibang tao dahil sila rin may kanya kanyang problema. Isa pa siguro ito sa ikinatatakot ko, sasama lang ang loob mo pag humingi ka nang tulong kung sakaling nag kulang ka sa area na ito tapos di ka napagbigyan.. Maraming naghihiwalay sa ganitong area. Kaya minsan nakakatakot sumabak.. kaya kaya ng powers ko???

Spiritually – ready naba ako spiritually, yun bang papasukin mo ay may basbas si Bosing? Siya na ba talaga??? Ang ibinigay ni Bosing sayo?? Minsan mahirap din humingi nang signs.. Baka mamaya humihingi ka ng sign yun sign na hinihingi mo nasa kanya pero hindi mo naman gusto ang itsura. Kaya dapat daw kung hihingi ka ng sign sa Panginoon be specific. Katulad din pag tinatanong ka kung anong gusto mong gift.. dapat sabihin mo kung anong gusto mo.. hindi ka sasagot ng kahit ano lang.. mamaya binigyan ka ng arinola mag rereklamo ka.. tulad din yun ng paghingi sa itaas ng makakasama sa buhay kelangan specific., yun gusto mo talaga.. pero take note na di lahat ng pinapanalangin natin ay sinasagot ni God.. Kung kunwari nanalangin ka na “Bosing si Pedro ang gusto ko..” yun pala ayaw si Bosing kay Pedro dahil alam ni Bosing kung sino yun para sayo.. dahil gaya ng sabi ni ate Libay “The Lord has selective hearing. He doesn’t hear our prayers that will not benefit us or, at worse, harm us.”

Gaya nga ng sabi dun sa kkk sa going bulilit ” Handa na ba Ako?

Kaya nga may kasabihan na ” Ang pag aasawa ay di parang kaning isusubo na pag napaso ay iluluwa”

Ayokong balang araw pag sisihihan ko yun pinasok ko. Dahil ayaw ko bumuo ng isang pamilya na pag di ako nasiyahan ay bibiyakin ko din. Napakahalaga sa akin ng pamilya kaya siguro ingat na ingat ako.

Hindi naman ako choosy, alam ko lang yun gusto ko.. at saka pano ba ako sasabak dyan eh wala nga akong boypren no!😆 kaya tigilan muna ang pag prepressure sa akin hmmkei????

sometimes we’re so focused on finding our happy ending we don’t learn how to read the signs. how to tell the ones who want us from the ones who don’t, the ones who will stay and the ones who will leave. and maybe a happy ending doesn’t include a guy, maybe it’s you, on your own, picking up the pieces and starting over, freeing yourself up for something better in the future. maybe the happy ending is just moving on. or maybe the happy ending is this: knowing after all the unreturned phone calls and broken-hearts, through the blunders and misread signals, through all the pain and embarrassment… you never gave up hope.

-gigi-

He’s Just not into you movie


11 Responses to “Mainit na kanin”


  1. 1 alaehboi
    Mayo 19, 2009 bandang 5:04 hapon

    haiz…asan muna ‘yong rice cooker?

    walang ideyal na pamilya sa walang ideyang mag-asawa.

    ****
    meron na akong rice cooker😉

  2. 2 apollo
    Mayo 19, 2009 bandang 5:54 hapon

    hmm.. tama ka! pero madami akong kakilala na napasubo lang nung una but their relationship/marriage turned out great! pag nag-asawa na daw kasi, kusang nagbabago na ang prioroties ng both parties..

    pero ako, mabuti na yung handa. hihi
    ****
    o diba ? ” handa na ba ako???”

    di ko naman po gene generalized yun pag sabak sa pag aasawa na nagkahiwalay… sa akin lang yun… tama nasa dalawa nga yun kung talagang gusto nila maging ok ang marriage nila ;)

  3. Mayo 19, 2009 bandang 7:21 hapon

    ate tama naman ung sinabi mo eh talagang dapat lahat pag-isipan mo muna, kung kaylangan isipin ng madaming-madaming beses eh gawin mo di ba bago ka pumasok sa isang responsibilidad,saka ate i know hindi yan minamadali kung tinatanong ka man nila,bakit nga ba wala ka pang asawa o hindi ka pa mag asawa eh, hindi naman nila hawak ang puso at isip mo, sabi ko nga lagi wala kayong paks(pakealam hehe)wag mo sila intindihin..
    oki po..bakit nga ba ate?hehe joke lang..
    hugs

    ****
    e anong paks mo????!😆 (try ko lang gamitin yun paks mo hihi nice😆 )

    gaya nga sinabi mo dapat pag isipan ng gazillion times yan ineng!!!

  4. 4 jonald18
    Mayo 20, 2009 bandang 1:34 hapon

    ..ahhhmmm TAMA ka ate jan! hehe.
    ..saludo. ^^

    –joan here.🙂

    ****

    salamat salamat ^^

  5. Mayo 21, 2009 bandang 6:10 umaga

    Syempre hinde naman porket pressured ka na eh kung anu nalang ang dumating eh grab ka na agad, tama yan sa panahon na ‘to dapat mapili ka na din..🙂

    ****
    korek sis.. kelangan talagang maging mapili sa tamang rason…😉 asan na ang apibertdaypics???

  6. Mayo 21, 2009 bandang 4:08 hapon

    TAMA ka lambing…

    pag isipan mabuti ang gagawin at desisyon sa buhay… hindi yung padalos dalaos!

    naku! wag matakot… have faith to HIM…

    love you sis!

  7. Mayo 21, 2009 bandang 5:15 hapon

    jorek. sis. laging there is always the right time at the right place.. siguro hindi pa ngayon.. pero love will always find a way.. alam mo yung lukso ng pagibig, na xa na talaga.. for keeps..:)🙂

    ***
    nice one lukso ng pagibig hihi😉

    tama kelangan talasan din ang pang amoy😆

  8. 8 topher
    Mayo 21, 2009 bandang 7:25 hapon

    ano pong e-add mo? add po kita sa frinedster..bago lang ako.. like ko po mga blogs mo ^_^

    ***
    thanks topher😉

    na add na kita🙂

  9. Mayo 21, 2009 bandang 8:19 hapon

    hindi talaga maiiwasan, kapatid, yung pag-isipan yung mga factors na nabanggit mo. lalu ngayon at ay krisis pinansiyal. haaayss… samantalang dati, ang simple lang ng buhay… sa sobrang simple, yung iba naghahanap pa ng “extra rice”🙂

    ****
    😆 “extra rice” yan isa pang factor yan kuya !

    salamat po sa pagdaan sir taroogs😉 add po kita sa blogroll ko😉

  10. 11 IKAY
    Mayo 27, 2009 bandang 6:37 hapon

    korekek ka jan sis…ang pag aasawa eh hindi nga nman basta- basta nlng.
    kahit ako rin ganyan din ang madalas na itanong sa aken ng mga kamag- anak
    at ng kung cno cnong taong kakilala, kc daw dapat eh at my age eh dapat daw
    may sariling pamilya na ako..eh ang sinasabi ko na lang hindi pa nga cguro ito
    ang ryt time for me kc nga wla pa yung lalaking mapapangasawa ko…hehehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Mayo 2009
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: