25
May
09

apibertdeyapimadirsdeynay

Hindi ko man nasasabi sayo araw araw ito pero gusto ko malaman mo na isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Nagaaway man tayo palagi gusto ko ding malaman mo na na mimiss kita kasi wala akong inaaway ngayon. Pasensya ka na kung kung minsan pasaway ako, (minsan nga lang ba?) E kanino ba naman kasi ako mag mamana???

Namimiss ko yung maingay sa umaga, mga kwento mong paulit ulit, mga halakhak mo sa tuwing ako’y nagpapatawa, ikaw talaga ang greatest fan ko kasi kahit korny yun jowks ko tuwang tuwa kayo . Namimiss ko din yun mga tsismis mong nasasagap, aaminin ko kahit binabara ko kayo… medyo tsismosa din ako..

Nakaka miss din yun mukha mo pag wala kang pera.. mukha mo pag napapagod ka, mukha mo pag galit ka, mukha mo pag tuwang tuwa ka.. lahat yan namimiss ko kasi gustong gusto ng mata kong makita ka…

Gusto kong sabihin sayong im proud of you! Kasi sa iyo ako nagmana ng kakikayan ko, pagiging makwento ko, at naging impluwensya ko sa pagkahilig sa music, aaminin ko naasar ako pag inaagaw mo ang mike sa tuwing kumakanta ako, pero ok lang yun malakas ka naman sa akin eh..

Nagpapasalamat din ako dahil sayo natuto akong magluto, salamat dahil sa kakabugbog mo sa akin noong bata ako haggang highschool naging isang matino akong tao na kayang tumayo sa sariling paa, baon ang mga pasa at palo nyo para ako’y maging isang responsableng indibidwal. Alam kong sa inyo ko din namana ang pagiging strong ko at pagkakaroon ng pananampalataya kay Bosing. Isa ito sa masasabi kong pagpapala dahil higit pa ang mga tinuro nyo sa akin sa lahat ng yaman sa mundo. Kayo ang una kong guro… at kayo ang peborit teacher ko.

Nitong mga huling araw, may bagyo man tayong kinakaharap, kung minsan man nagkakamali ka sa desisyon mo sa buhay, madapa ka man, asahan mo nandito ako palagi para itayo ka sa pagkakadapa. Hindi man maiwasan na magkasakitan tayong dalawa.. asahan nyong di mawawala ang respeto ko sa inyo.. Pasensya kana kung akala mo lang wala akong galang, nasanay lang ako na para kitang kapatid, nasanay akong maging at home sayo… kasi kakaiba ka talaga.. I can tell you my secrets and my rants and failures, i can even tell you my embarassing moments.. without judging me.. instead..you even love me more..

I am blessed! I know… isang hagod mo lang sa likod ko tuwing akoy nahaharap malaking kabiguan, ang kamay mong pumapahid sa mga luha ko sa twing ako’y nasasaktan.. kaya kong harapin lahat ng challenge basta nandyan ka.. nanghihina ako pag hindi ka okey.. kasi isa ka din sa mga lakas ko.. kaya sana lagi mo alagaan ang sarili mo gaya ng pag aalaga ko sayo.

Hindi ko rin maitatangi na kayo ang dahilan bakit ako lomobo ng ganito.. ang sarap mo naman kasi magluto eh. Pero please lang di pa rin ako sang ayon sa pagkain nyo ng taba.. oops tigilan na yan!!!!

Alam kong hindi madaling maging isang ina, lalo na’t nag-iisa ka sa pagpapalaki sa akin, mahirap pero kinaya mo.. ginapang mo ako kahit nagiisa ka…kinaya ng powers mo ang katigasan ng ulo ko… wala naman perpekto sa larangang ito pero ang pagmamahal ko at pagmamahal mo ang bubuo para maging perpek ka!

Sa ngayon nakikita ko ang sarili ko sa inyo.. kasi ikaw ang inspirasyon ko.. Inspirasyon ko sa aking pagpapatuloy sa buhay dahil isa ka sa mga pakpak ko, insprirasyon bakit ang pagiging isang ina sa tingin ko ay isang careeer. Inspirasyon na dumating man ang panahon na akoy maging isang ganap na ina, may napulot akong aral sa inyo at ipamumuhay ko iyon, gaya mo ibabahagi ko din sa aking mga anak… oo nay magkaka apo ka din sa akin! Kaya nga ako naprepressure ng ganito dahil gusto talaga kitang pagbigyan sa kahilingan mo… wait lang okey???

At huwag ka naman mainis kung sakaling naglalambing ako sa inyo, kung kumakandong ako sa inyo o yumayakap ako at kumikiss sa inyo.. sige ka pag nagka jowa ako di na ako sa kikiss at aakap kaya mamimiss mo yun..

Nay! I love you ! Your the best mom in the world.. Hinding hindi ko kayo ipag papalit ( ipamigay pwede pa!😆 ) Kung mabuhay man ako sa ibang panahon ikaw pa rin ang pipiliin kong maging nanay, isang cool na nanay! Mahal kita! Happy Birthday at belated happy madirs day🙂 mwwaaah!😉

pinakamagandang nanay sa daigdig ni Lambing
pinakamagandang nanay sa daigdig ni Lambing
lambing with nanay.. pinagbiyak na kamatis
lambing with nanay.. pinagbiyak na kamatis

5 Responses to “apibertdeyapimadirsdeynay”


  1. Mayo 25, 2009 bandang 4:49 hapon

    wehehehe… angkulit nung gitnang litrato! parang may gustong ipahiwatig ang iyong nagmamahal na mama🙂

    ***
    mas makulit pa po yan sa personal hehe…

  2. Mayo 25, 2009 bandang 7:54 hapon

    wow api bertdey kay mommy hehe..
    hawig kayo ate..”:)
    belated api mother’s day sknya..:)
    ang kulet nga nung nasa gitnang pics hehe..:)

  3. Mayo 25, 2009 bandang 9:00 hapon

    happy bertday kay mumi! ^^,

    hello from achi V’s blog.
    -shobe

    ***
    hay shobe musta na???? salamat salamat sa pagbati😉

  4. Mayo 26, 2009 bandang 9:35 umaga

    Ang sweet talaga ni Lambing! Eypibetdei kay mami! Godbless!🙂

    ***
    syempre ….. ur craving for sweets? lambing here hahaha😆

    san na piberdei pix ??? hmmmm

  5. 5 IKAY
    Mayo 27, 2009 bandang 5:33 hapon

    ang sweet nyo nmang magnanay…belated apibetdei kay nanay mo.
    godbless🙂

    ***
    salamat Ikay..😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Mayo 2009
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: