26
May
09

Sariwang Lambing ala lumpia

Ako yun tipo ng taong tulog lang ang pahinga, kung meron man siguro akong time na magpahinga gusto ko walang masayang na oras, kung baga gusto ko maging productive yun araw ko, nag papahinga habang may ginagawa. Kasi sa tipo ng trabaho ko na halos araw araw may pasok at kung wala namang pasok wala rin bayad.. Kaya pag nagpahinga ako.. parang sayang yun kikitain kaya dapat may magawa akong productive kung sakali man di ako pumasok sa trabaho ko.

Simple lang naman talaga ako, lagi ko sinasabi yun na ako ay indi angat sa kabuhayan, yun tama lang ba, pero nakukuntento na ako sa kung ano meron ako. Minsan di naman maiiwasan maghangad ng sana umangat pa, pero kung
ano meron ako ngayon di ako nag rereklamo kasi ako din gumagawa ng sarili kong buhay. Nasa tao yan kung paano sya makukuntento sa buhay nya.

kaya nun naisipan kong magpahinga muna sa araw araw na trabaho ko, nag isip ako kung ano dapat gawin ko na kapaki pakinabang.

  • pag gising ko nang umaga, naglinis ako ng bahay, nag floor wax at pinakintab ko sahig ng aking munting boarding house
  • naglinis ng mga kaserola at nag ayos ng lababo.
  • nag linis ng banyo
  • pumasyal sa tahanan ni madir
  • pumunta sa market, nag ukay ukay , namili ng gulay at kung ano ano pa.

Sobrang nakakapagod din.. pag dating ko sa bahay naisipan kong ipag luto si madir ng paborito nyang Sariwang Lumpia.. kasi berdey kinabukasan ng aking mudra at wala naman akong pera pang pa bertday sa kanya na bongga mag luluto na lang ako, dahil day off ko naman. Eto ang aking niluto…

Lumpiang Sariwa

Sahog :

Bawang

Sibuyas

Toyo

Patis

Tokwa (hiwain ng maliliit)

Singkamas (hiwain ng pahaba na maninipis)

Baguio beans ( hiwain din ng maninipis)

Carrots

toge ( monggo sprouts)

wrapper

Mani (dinikdik)

Corn starch



ginisang gulay ni Lambing
ginisang gulay ni Lambing

ginisa ko ang gulay sa bawang, sibuyas, tokwa, konting patis, konting pepper. Dapat half cook lang para cruncy ang veggies.. ( pwede naman po syang haluan ng pork o hipon.. pero dahil on diet ako di ko sya hinaluan tokwa nalang pinaka sahog nya)

veggies on wrapper
veggies on wrapper

Ayan binalot ko sya sa lumpia wrapper may dinikdik na mani ….

na wrap na veggies
na wrap na veggies

ayan nakapag balot na ako ng gulay sa lumpia wrapper. Pag katapos nun gumawa ako ng sauce ng lumpia.. sa kaserola pag haluin ang konting toyo para sa kulay, dinikdik na bawang, asin pang pa lasa, cornstarch pang palapot , tubig at pulang asukal. Lutuin ito sa hangang sa lumapot saka ihalo ang dinikdik na mani.

at ang aking finish product???

fresh Lambing

fresh Lambing

eekkk … mali eto pala ….

My finish product...
My finish product…

ayan ang finish product… pag katapos kong lutuin.. namigay ako sa kapit bahay ko, boss ko at syempre sa aking nanay na ipinagluto ko ng aking special Lumpiang Sariwa…

Actually napagod ako mag luto kasi talagang labor of love sya.. biruin mong naghiwa ako ng gulay tapos nag balot at kung ano ano pa.. Para sa espesyal na tao.. at perstaym ko po mag luto nun.. kung baga tsamba lang..

Taste it to believe!!! tinikman ni nanay.. sarap daw.. sabi ko napagod akong mag luto nyan ha…

Kinabukasan bertday ni madir…

Nanay : Nak yun lumpia mo kahapon matabang, di masyadong malapot..

Lambing: Di hindi masarap???? bakit di mo sinabi kahapon?

Nanay : Baka pag sinabi kong di masarap itapon mo yun kasi sabi mo sobrang pagod kana… Pero masarap naman anak.. dapat medyo nilaputan mo pa yun sauce😆

Pero in fairness uulitin ko mag luto non… para ma perfect ang Lumpiang Sariwa ko..😉

Ikaw Gusto mong tumikim???😉


6 Responses to “Sariwang Lambing ala lumpia”


  1. Mayo 26, 2009 bandang 3:10 hapon

    ate penge heheh
    walang ubod na sahog hhe…d ba meron yan hehe ..
    mas gusto ko talaga yung nigisa muna ayoko nung hilaw ..
    meron kasi ako nakain dati nyan hilaw di masarap di ko naubos..
    ang isa pang gusto ko ung lumpiang shanghai na prito naman ang suka ang sawsawan sarap sa goto..
    nag laway tuloy ako hehe..
    kaylan ko matitikman yan ate hehe..:)

    ***
    uu may ubod sya dapat pero ang palit ng ubod na ginawa ko eh yun singkamas… eksuli pa cham ba chamba lang yan niluto ko na yan.. tinopak lang ba hihi😉 mahilig ka pala sa gulay lovey dovey😉

  2. 2 jonald18
    Mayo 28, 2009 bandang 3:23 hapon

    ..wahha.

    ..astig yung fresh lambing.

    ..hhhmmmmmmm. ^^

    ****
    astig ba yun hihi😉

  3. 3 jonald18
    Mayo 29, 2009 bandang 4:37 hapon

    ..kase di ko na pinangealaman yung nilutong lumpia.

    ..yung fresh lambing ang napansin ko ng todo. har har. ^^

    ***
    ahahaha😆 at nag comment pa ule,,, todo ka talaga hihi 😉

  4. Mayo 30, 2009 bandang 11:42 hapon

    Hello po. Bago nyo po akong kapitbahay dito sa wordpress. Galing po ako sa blogspot pero nagmigrate na po ako. Add ko po kayo sa blogroll ko ha…

  5. Hunyo 3, 2009 bandang 1:58 umaga

    Awwww peborit ko yan!!!! Bigyan mo kameeee!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Mayo 2009
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: