04
Jul
09

GAPANGAN

Naranasan mo na bang sa kalagitnaan ng iyong pagtulog yun tipong humihilik ka na tapos bigla may mang iistorbo sa iyong pagkakahimbing? Dahil ayaw mong maistorbo kahit may nararamdaman kang kakaiba eh sige ka pa rin sa pagtulog at baliwalain ang kakaibang nangyayari sa paligid mo. Pero hindi talaga ako makatulog kasi parang may humahawak sa aking mga…. twins….

Oh no!!! Wag po! wag po! Ehem! konting hinahon lambing.. naalingpungatan ako, ano ba naman itong batang ito napagkamalan pa akong nanay nya… haizzz nasa tabi ko pala yun pamangkin kong 2 years old at nanay nya , minsan namasyal sa akin at nakitulog, nasa salas kami natulog noon kasi hindi kami kasya sa room ko kaya naglatag nalang ako ng foam sa salas para tuloy ang bonding namin.. ammpft kala ko kung sino nang lapastangan yun! Gawin ba naman akong unan ng baby parang isang trumpo na nag paikot ikot sa malambot kong tyan at sa huli ay pagkamalang nanay nya.

O sya tulog uli ang Lambing.. ako kasi yun tipong di natutulog ng walang kumot kahit mainit pa, basta dapat naka kumot ako.. meron nanaman akong kakaibang naramdaman.. naku … basa… haizz inihian ako. . Anu vah yan… maloloka ako di ko makuha ang tulog ko.

Pero dahil minsan lang naman yun pangyayari na yun eh pagbibigyan ko na. Sya tulog uli ang Lambing… zzzzzzzzzzzzzzzzzz…. parang may gumagapang naman.. eeekkkkk may gumagapang sa binti ko parang IPIS ! anak ng tokwang malutong ! ayaw ko ng ipis please lang.. ayaw!!! eeew… syempre sa takot na magapangan sa mukha ng ipis pinagpag ko ang kumot ko sabay talukbong.. kahit magagapang pa sya dyan at least nakakumot ako at nakatalukbong..

Okey na sana pero parang andun pa din yun hinayupak na ipis na yun gumagapang nga..pinakikiramdaman ko habang nakatalukbong … pero teka parang yun gapang nya eh ramdam ko kahit nakakumot ko.. eeek… hindi ko ma explain yun feeling makati na nakaka eeew talaga.. dahil madilim kaya hindi ko sya makita kasi sanay ako matulog ng walang ilaw, gumagapang na nga.. papunta sa may leeg ko.. pero iba talaga yun feeling .. parang totoo ko syang nararamdaman sa balat ng leeg ko… syeeeeeeeeeettttttttt !!!! nasa loob din pala ng kumot ko ang lapastangan na IPIS!!! May balak pa yata makipag lips to lips sa akin!

What do you expect syempre nagtitili ang Lambing.. nagising silang lahat sa sigaw ko.. ewan ko ba ang lakas ng loob ng mga ipis sa amin.. porke alam nila na takot ako sa kanila sila pa yun may ganang manugod. Pag ako nagkaroon ng pagkakataon na mag karoon ng lakas ng loob pumatay na ipis lagot sila..

  1. Didikdikin ko silang parang ipis.. ay ipis na nga pala yun no? ( kaya lang eew ang amoy nun kaya ayaw ko talagang pumatay ng ipis eh)
  2. Lulunurin ko sila sa tubig ( paano ko naman sila malulunod no? Maawain kasi ako eh.. nakakaawa naman sila pagnagkakawag na sila sa tubig)
  3. Babatuhin ko nalang sila ng tsinelas.. sana lang pag bato ko tepok agad kasi talagang sumusugod ang mga ipis na yun.. Hindi ko kayang pagtulungan ng mga ipis. Baka mas mauna pa akong matepok sa kanila.

IKAW MAY PARAAN KA BA NG PAGPATAY NG IPIS??? Share mo naman!


3 Responses to “GAPANGAN”


  1. Hulyo 5, 2009 bandang 11:24 umaga

    isawsaw mo yung ipis sa suka at iprito patay tiyak yan

    ****
    aawtsss….

  2. Hulyo 5, 2009 bandang 12:38 hapon

    hmmm bumili ka ng chalk yung pangontra ipis. tapos iguhit mo sa sarili mo pag nakahiga ka para hindi sila mag trespass sa space mo kaso nga lang magmumukha kang SOCO.

    ****
    wahehehe.. na try ko yan chalk na yan kuya… yun nga lang di ko pa na try sa katawan ko hihi😉

  3. 3 dencios
    Hulyo 5, 2009 bandang 4:46 hapon

    sorry a tawa ako ng tawa sa post mo na to. hahaha. di ako takot sa ipis wag lang sya didikit sa akin kasi durog sya tsinelas na nabili ko pa sa palengke namen hehe.

    ****
    takot ka din kuya kasi ayaw mo madikit eh😆

    sayang naman yun tsinelas mo pang patay ng ipis😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: