09
Jul
09

teks mode

Pagkatapos ma band ang YM sa aming opisina ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ng inyong lingkod ngayon?? Well nalilibang akong mag text ngayon. Dati walang kwenta ang cellphone ngayon bigla nagkaroon ng halaga kahit yun ay hamak na mumurahing model lamang.

Dati rati nakakayanan kong di magload kahit isang linggo pa pero bakit kaya pag gusto mo yun kausap syempre hindi mo hahayaang mawalan ka ng load. Kahit lamukin ako pa sa terrace pag gabi , gawa ng walang signal sa kwarto basta makapag text lang go parin kahit dumami pa ang pantal sa legs pag pasok sa kwarto.

At Kapag tumunog na ang message alert tone kong naka ascending pa! Para malaman kung may nag text kasi walang signal sa loob ng kwarto, kaya yung cellphone kong mumurahin nasa may bintana. Adik! Halos magka stiff neck ka sa kakatext pag gabi pag nasa loob ka ng kwarto at nangangawit sa posisyon mong patagilid dahil dun lang nakakasagap ng signal.. watta! hinihintay lang  pala na mag goodnight din. Adik ka talaga!

Ano nga kaya ang bumabalot na hiwaga sa isang mensahe? Yun bang message mismo o yun kasiyahan na may taong nakakausap ka, kahit di pa kayo nagkikita pero yun closeness nyo nadedevelop sa mga text messages na sweet. Isang estranghero na binibigyan mo ng karapatan na pumasok sa pribadong buhay mo. Bawat mensahe ay pumapasok sa kaibuturan ng puso mo.. nagbibigay ngiti, sigla at inspirasyon sa buhay mo.

Pero gaya din sa internet world..madedevelop ka sa araw araw na kausap mo, pahahalagahan.. ngunit may katapusan din ang lahat ng masasayang araw. Lalo na at dc kaya walang signal.. putol na rin ang komunikasyon.. o di kaya nagkasawaan na kayo sa araw araw na pag uusap..

Kung iisipin mo laging talo ka sa larong ito, kapag umasa ka sa mga mabubulaklak na salita lalo at pinanganak na bolera/bolero ang kaututang dila mo sa text o sa chat. Pero sino ba naman ang hindi mahihipo kapag ang kausap mo eh saksakan ng bait at maalalahanin sa una..

Ultimo mo mmwwaah at hugs tipong nagpapakumpleto ng araw mo at nagbibigay instant energy sayo.. tapos bigla nalang magbabago… mawawala…

…….

…….

…..

…..

…..

Kakayanin mo ba?

Kaibigan, dapat maging matatag ka.. dahil ang happiness ay hindi mo pwedeng iasa sa isang tao lang o sa isang estranghero.. dahil kapag bigla nalang nawalan ng internet connection at load… tyak mapuputol na ang komunikasyon nyo.. panandalian mang maputol o permanente…

baka pag hindi na mag reply ang kausap mo..

mawindang ka na…

kaya…

Relax lang…

Try to find what makes you happy

And soon, you will end up with someone who sees your completeness

Without ever wanting anything except be a part of you…🙂


7 Responses to “teks mode”


  1. Hulyo 9, 2009 bandang 6:40 hapon

    hahahahahha..modern communications are not a luxury nowadays…it bridges the gap…separation brought about by different reasons…ang milya-milyang distansya parang nagiging dingding lang ang pagitan…kaya di ko lubos maisip pano na kung walang connection at load…hahahahaha…di putol ang ligaya! hahahahahahahaha

    ****
    tama putol ang ligaya hahaha😆

  2. Hulyo 10, 2009 bandang 3:05 umaga

    Ang laki talaga ng nagagawa ng modern technoly sa communication. and everything goes with it, kaya nga may cyber-ligawan at text-ligawan. hehehe.At para hindi maloko, one always has to take precautions. And yes, find what makes you happy.🙂

    ***
    cyber ligawan??? ano yun ? hahaha text ligawan??? ayi! hehehe

    tama yun ms salve talagang dapat kilalanin mo muna yun tao at dapat wag masyado …kasi mahirap talaga ma disconnect hehehe

  3. 3 joan
    Hulyo 10, 2009 bandang 9:30 hapon

    ..abah?! at gumaganun. hehe., may kateksmate sya ayie!! hehe. ahhhhhm may point ka jan ate.. aprub aprub😉

    ***
    tama ka ! may point ako hahaha😆 intriga ba yan ?

    miss you joan🙂 mmwaaah

  4. 4 hmmm
    Hulyo 11, 2009 bandang 4:29 hapon

    watta….hmmm kaya pala

    weh??????????????????

    un lang…

    ***
    anong kaya pala????

  5. Hulyo 13, 2009 bandang 7:18 hapon

    dali naglalambing na cute text textan tayo!

    hehehehehehe

    bawal din mag chat sa yahoomail?
    gaun kasi gamit ko
    kahit banned ang YM d2 sa opis!!

    Good day!!!!!!

    ***
    ge ge.. anong number mo ? hehehe

  6. Hulyo 14, 2009 bandang 5:56 umaga

    Angganda naman sis, Tama ka, hinde naten dapat idindepende sa isang tao ang kasiyahan naten. We can still be happy kahit wala sila.🙂

    ***
    correct sis!! musta na?

  7. 7 apollo
    Hulyo 18, 2009 bandang 7:48 hapon

    hmmm…

    ***
    hmmmm … uso ba yan ngayon??? haha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hulyo 2009
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: